• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 4th, 2024

Insurgency, nananatiling prayoridad ng NICA sa kabila ng paghina ng NPA

Posted on: May 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING kabilang sa prayoridad ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ay ang pangangalap ng mahahalagang ‘intelligence’ laban sa mga aktibidad ng mga komunista.

 

 

Ito’y sa kabila ng paghina ng terrorist group’s armed wing.

 

 

Sa isang panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, araw ng Huwebes, sinabi ni NICA Deputy Director General for Special Concerns Abelardo Villacorta na nagpapatuloy ang communist recruitment activities kung saan target ang mga estudyante at sektor ng kabataan.

 

 

Sinabi pa nito na ang ahensiya bilang pinuno ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC) Situational Awareness and Knowledge Management Cluster, nakatuon sa pagmo-monitor sa mga nasabing pagtatangka na akitin ang mga kabataan na mag-armas laban sa pamahalaan.

 

 

“There are so many of our youth, the students that are being recruited into the CPP-NPA-NDF at kawawa sila, iyong mga pangarap nila, ambisyon nila ay nasisira (their dreams and their ambitions in life are being destroyed) because they are being deceived to join the movement and become members of the NPA,” ayon kay Villacorta.

 

 

Aniya pa, marami ng mga magulang ang nakikipag-ugnayan ngayon sa NICA para tumulong na mabigo ang mga komunista sa kanilang recruitment activities.

 

 

“Tumutulong sila sa amin in our situational awareness and knowledge management, at napakalaking tulong nila,” aniya pa rin.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr. na ang walang humpay na operasyon ng pwersa ng estado laban sa mga komunista ay naging napaka-epektibo para was akin ang aktibong New People’s Army (NPA) guerrilla fronts.

 

 

Base sa pinakabagong impormasyon mula sa military, ang bilang ng guerrilla fronts ng terrorist group ay bumaba na sa 11. (Daris Jose)

Dalang baril ng lalaki buking nang masita sa yosi sa Caloocan

Posted on: May 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City.

 

 

Sa nakarating na report kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 13 sa Phase 2, Bagong Silang, Brgy. 176 dakong alas-2:20 ng madaling araw nang maispatan nila ang isang lalaki na naninigarilyo sa pampublikong lugar.

 

 

Dahil malinaw na paglabag ito sa umiiral na ordinansa sa lungsod, nilapitan siya ng mga pulis at hinanapan ng ID para maisyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) subalit, biglang tumakbo ang suspek para tumakas.

 

 

Hinabol siya ng mga pulis hanggang aksidenting matalisod ang suspek kaya nakorner siya at dito napansin ng mga arresting officer ang nakausling puluhan ng baril na nakasukbit sa kanyang kanang baywang.

 

 

Nang walang maipakitang mga dukomento hinggil sa ligaledad ng cal. 38 revolver na kargado ng dalawang bala na nakuha sa kanya ay binitbit ng pulisya ang suspek na si alyas ” Boy Armado”.

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act. (Richard Mesa)