• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 7th, 2024

A cure at the cost of humanity. “Love You as the World Ends” takes audiences to the heart of the apocalypse

Posted on: June 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Humanity is at the brink of destruction, and the cure might entail the ultimate cost. Love You as the World Ends follows a group of survivors fighting for their lives and their loved ones as the Golem virus turns the majority of the human race into rabid zombies.

 

 

 

 

Watch the trailer here: https://youtu.be/vs0cjJXuUz8

 

 

 

 

Hotta Mayu plays the role of Aoi, a nurse stationed at the top of Utopia, a refuge for survivors. The research team tasked to find the cure made their base of operations on the top levels, and Aoi is a witness to the horrible atrocities the scientists committed in desperate search for the cure. Her main task is to care for Mirai, deemed the “Miracle Child,” as she is suspected to contain the cure for the Golem virus ravaging humanity. Mirai is the child of the lead character Hibiki, who is on a mission to save her from her fate, at the cost of ending the apocalyptic outbreak. His partner, Kurumi, was infected and consumed by the Golem virus, but managed to give birth to Mirai before succumbing. This has led the researchers to believe that Mirai might have the right antibodies to fight off the deadly virus. Aoi is being pursued by Yamato, who is desperately climbing up Utopia to reach the girl he loves.

 

 

 

An exclusive model for “Non-no” magazine, Hotta Mayu started out in drama series. She’s known for her roles in manga film adaptations such as Ikumatsu in Rurouni Kenshin: The Beginning, and Serina Kanno in the film adaptation of Honey Lemon Soda. Hotta won Best Newcomer in the 4th Yokohama film festival for her role in Tsugaru Lacquer Girl, and is the 48th Elan d’or Awards’ Newcomer of the Year.

 

 

 

 

Watch them try to survive long enough to reunite with their loved ones as Love You As The World Ends opens in PH cinemas on June 12, an Encore Films film distributed by Warner Bros.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Why this Residential Oasis in Laguna is Gaining Attention from Real Estate Buyers

Posted on: June 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Remember way back when there was an abundance of green spaces in rural and even urban residential areas? Relaxation and play were part of everyday life, and residents experienced better physical health and overall satisfaction with life.

 

 

 

Greenfield Development Corporation understands this deep yearning for an inspired life within a better urban ecosystem. Its residential project in Sta. Rosa, Laguna—Solen Residences— provides an interplay of amenities and verdant open spaces that foster diverse positive experiences that potential resident families are gravitating towards.

 

 

 

One of the key attractions of Solen Residences is its wide range of lot configurations, from 150 to 270 square meters, catering to the varying needs of property buyers. But beyond owning a parcel of land and one’s lawn, residents find themselves immersed in a sanctuary that cultivates a sense of belonging and an experience of vitality.

 

 

 

The current expansion is bringing the total number of available lots to 1,267. A harmonious interaction exists between nature and builtenvironments, inspiring resident families to live well, connect, and play.

 

 

 

With awe-inspiring nature as backdrop, children can develop creativity and dexterity in the playgrounds, neighbors can safely walk or ride their bikes to the park and hold picnics there, and family members can enjoy game nights or soulful “me time” within their respective living spaces.

 

 

 

 

Thoughtful details such as tree-lined roads, which have become synonymous with Greenfield’s developments, remain an important component in the expansion phase as these help create a calm and refreshing atmosphere, as well as promote a much-needed connection with nature.

 

 

 

When Residents Thrive, Cities Transform

 

 

 

The Clubhouse Complex is designed to make the most out of the surrounding scenic views, as well as facilitate access to wellness activities.

 

 

 

The current expansion of Solen Residences offers key lessons for showcasing nature in master-planned communities in the Calabarzon region. Since the launch of the first phase of development, the residential project which brings to life the concept of “City within a Park” by Greenfield has resonated strongly with premium property seekers who are convinced that living amid nature is the new luxury.

 

 

 

With the initial offering selling out at 97%, the developer introduced an additional 178 lots in response to the high demand. The subsequent phase covers five hectares on the western side of the property, bringing the entire Asian Tropical-themed residential development to 55 hectares.

 

 

 

Investors watch with anticipation as land development at Solen Residences is expected to be completed by the second quarter of 2025, with news of the expansion already driving up property values there.

 

 

 

The park-inspired residential estate is located in Greenfield Citywithin proximate distance from shopping centers that include Paseo Outlets, Laguna Central, and Ayala Malls Solenad; highly regarded schools like the Ateneo Graduate School of Business and Acacia Waldorf School; and medical institutions such as The Medical City South Luzon and Asian Hospital. Central Business Districts and leisure clubs are mere minutes away from the community.

 

 

 

As more and more homebuyers are making their dream of going back to a quality of life they have long been missing, Greenfield, through Solen Residences, will continue delivering on its vision of a thriving community that can transform lives and generations to come.

 

 

 

To learn more about Solen, click here. For inquiries, please call +63 917 534 7336.

Noontime Princess ng TV5, aarangkada na: MILES, ‘di apektado sa ‘joke’ ni JOEY dahil bawal ang pikon sa Dabarkads

Posted on: June 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa rin makapaniwala ang Noontime Princess ng TV5 na si Miles Ocampo kaya naluha-luha siya nang ipakilala bilang bida ng teleseryeng ‘Padyak Princess’, na mapapanood na simula ngayong Lunes, June 10.

 

 

 

Say pa ng award-winning actress, “Naiyak po talaga ako nung i-present sa akin. Sabi ko po kina direk Mike (Tuviera of APT Entertainment, isa sa producers), ‘sure po ba kayo talaga?’”

 

 

 

Labis-labis nga ang pasasalamat niya sa TV5, Cignal, BuKo at APT Entertainment na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na maging bida.

 

 

 

Kaya pangako niya na gagalingan niya talaga ang pagganap bilang Princess na tiyak kaming mamahalin ng mga viewers.

 

 

 

Samantala, hindi naman naiwasang tanungin siya tungkol sa ‘joke’ na pinakawalan ni Joey de Leon sa isang segment ng ‘Eat Bulaga’ na kung saan nabanggit ang kanyang pagtaba, na inalmahan ng netizens kaya ang ending nakatanggap ng pamba-bash ang Henyo Master.

 

 

 

Pero inamin naman ni Miles na hindi siya naapektuhan sa naging banat ni Joey tungkol sa kanyang timbang.

 

 

 

Paliwanag ni Miles, “sa Dabarkads, bawal ang pikon. Sanay lang sa mga bawat banat at hirit ng isa’t isa, so walang problema po.

 

 

 

“Actually si Boss Joey, naapektuhan din kasi nga ất sabi niye, ‘bakit galit ‘yung mga tao sa akin?’ eh segment naman po namin sa Eat Bulaga ‘yung ‘pataas, pababa.’”

 

 

 

Kinabukasan matapos na mag-viral ang video ay nag-sorry naman si Joey sa kanya.

 

 

 

“Sabi ko kay Boss Joey, ‘okay na po ‘yun, sadyang ang mga tao talaga ngayon ay makabilis makahanap ng mali, kaya napupuna agad.’

 

 

 

“Pero sabi ko, wala pong problema. And the next day naman, nag-sorry naman si Boss Joey sa akin, so, walang problema po,” paliwanag pa ni Miles.

 

 

 

Anyway, gagampanan ni Miles ang role ni Princess, isang charming at determinadong babae na nangangarap iligtas ang reputasyon ng kanyang pamilya at ibalik ang golden years ng kanilang Barangay Singko.

 

 

 

Maraming pagsubok ang haharapin ni Princess kung saan mapipilitan siyang tumayo bilang breadwinner at itawid ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Hindi basta-basta matitinag si Princess dahil handa siyang harapin ang bawat hamon ng buhay na may tapang, determinasyon, at may halong saya.

 

 

 

Kilala bilang former child star na ngayon ay award-winning actress na dahil sa kanyang natatanging talento, handa na si Miles sa kanyang role sa bagong serye ng TV5.

 

 

 

Ang ‘Padyak Princess’ ay puno ng heartwarming moments, inspiring triumphs, at nakakatuwang mga karakter. Kasama rin sa cast sina Ara Mina, Ces Quesada, Christian Vasquez, Cris Villanueva, Yayo Aguila, Gillian Vicencio, Jameson Blake, Jem Manicad, Joao Constancia, Karissa Toliongco, Kira Balinger, David Remo, at Miel Espinoza.

 

 

 

Mapapanood ang ‘Padyak Princess’ sa TV5, 11:15 a.m. tuwing Lunes hanggang Biyernes, simula sa Hunyo 10. Mayroon din itong same day catch-up episodes sa BuKo channel ng 7:30 p.m.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Shocking ang mga rebelasyon ‘pag nagagalit: SID, nambutas ng gulong at manuntok dahil sa girlfriend

Posted on: June 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SHOCKING ang mga rebelasyon ni Sid Lucero!

 

 

 

Natanong kasi siya tungkol sa anger management na isa sa mga tema ng bago niyang pelikula na ‘Karma.’

 

 

 

At ang umpisang bulalas ni Sid, “Anger management? My God, where do we start? I had a really, really bad temper. It’s really bad, like, I went to anger management.”

 

 

 

Isa sa mga nagawa niya dati ay ang butasin ang gulong ng mga sasakyan ng ibang mga tao dahil lang sa away nila ng kanyang girlfriend.

 

 

 

“If I had a fight, let’s say with my girlfriend, I get a puncher, every car from my car… butas lahat ng tires. “Hindi ko naman siya masaksak kaya sa kotse na lang lahat.

 

 

 

“Seryoso, it was really bad. I’ve hurt people,” pagpapatuloy ni Sid.

 

 

 

Nanuntok na rin daw siya dati ng isang lalaking gusto lamang magpapiktyur sa kanya.

 

 

 

“There was this one time, I was having a fight with my girlfriend and I needed to pee, so I went to a gas station and peed.

 

 

 

“And then this guy goes, ‘Puwedeng pa-picture?’ I punched him so hard, his eyeball burst.

 

 

 

“It was really bad so I went to anger management.

 

 

 

“And then I found out, it wasn’t really anger management, it was just taking too much substances.”

 

 

 

Pero sa kasalukuyan ay napakalaki na ng ipinagbago ni Sid.

 

 

 

“And then you grow up, and then you realized that the world is bigger than yourself and your own ego.

 

 

 

“But anyway, I learned to handle everything better.

 

 

 

“I think my ego was the biggest problem. I was angry about everything.

 

 

 

“And I didn’t like stupidity. Stupidity pisses me off.

 

 

 

“Then you learn to take a break and step back.

 

 

 

“You learn that the world is bigger than yourself, your daughter is born, you realized that every action that you make is going to ripple down generations.

 

 

 

“Now, I can say I think I’m okay ‘coz I’m getting jobs and people love me.”

 

 

 

Ang ‘Karma’ ay mula sa Viva Films kung saan kasama ni Sid sina Rhen Escano, Paolo Paraiso at Krista Miller sa direksyon nina Albert Langitan at Zyro Radoc na ipalalabas sa mga sinehan sa June 19.

 

 

 

***

 

 

 

MALAKI ang potensyal ng baguhang female star na si Jess Martinez.

 

 

 

Maganda si Jess at tiyak na kapag naalagaan nang husto ay sisikat.

 

 

 

And malaki naman ang chance na marating ni Jess ang rurok ng tagumpay dahil ang manager niya ay si Rams David ng Artist Circle Management.

 

 

 

Tulad ng alam ng marami sa atin, malaki ang naging parte ni Rams sa pagsikat nina Marian Rivera at Maine Mendoza.

 

 

 

At dahil si Jess ay may flawless ang balat, may magandang mukha, may seksing katawan bukod pa sa kanyang angking talino, pagiging grasyosa, bagay na bagay maging mukha ng SKINLANDIA si Jess.

 

 

 

Si Jess ang kabuuan ng isang ideal SKINLANDIA lady kaya naman hindi nag-atubili ang mag-asawang Noreen at Juncynth Divina na kuhaning celebrity endorser ang alaga ni Rams.

 

 

 

Malapit na ring mapanood si Jess sa iba-ibang proyekto sa telebisyon at pelikula.

 

 

 

Samantala, open for franchise ang SKINLANDIA sa mababang franchise fee!

 

 

 

Tumawag, mag-text o mag-Viber lamang sa 09955770628, 0915106 0888, (02) 82824306 at sa Viber: +63.917.868.8550

 

 

 

Ang mga branches ng SKINLANDIA ay sa SM City Fairview at SM Jazz Residences.

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

 

Aminadong nate-tense na sa play nila ni Liza: ICE, halos ma-praning nang magkaroon ng ear infection

Posted on: June 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Sa pagdiriwang ng Pride Month sa buwang ito, magaganap ang world premiere ng Choosing (Not A Straight Play) mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 7, 2024, sa Power Mac Spotlight Blackbox Theater, Circuit, Makati.

 

 

 

Original play ito na nilikha ng powerhouse LGBTQIA+ couple na sina Ice Seguerra at Liza Dino at ididirek ng kilalang si Dr. Anton Juan.

 

 

 

Isang makabuluhang kuwento ang hatid ng power duo na sinamahan pa ni Dr. Juan na ang kuwento ay tungkol sa pagmamahalang hindi base sa kasarian ng mga tao kundi sa pagmamahal sa isa’t isa.

 

 

 

Ang ‘Choosing (Not A Straight Play)’ ay isang taos-pusong pagsisiyasat ng pagkakakilanlan, pag-ibig, at tapang na maging tapat sa sarili. Isinulat ni Liza, na may karagdagang monologues mula kay Ice, ang play ay hinango mula sa kanilang mga personal na karanasan at koleksiyon ng mga kuwento ng LGBTQIA+ sa loob ng maraming taon. Nag-aalok ito ng kapana-panabik na kuwento na nagbubura ng linya sa katotohanan at kathang-isip.

 

 

 

“We’re not just telling a story, we’re sharing a part of our souls with the audience. It’s about the raw, sometimes painful journey to find not just love, but ‘yung acceptance and happiness lalo na sa society na ginagalawan natin,” kuwento ni Liza.

 

 

 

“My hope is that this play will break barriers to understanding the individual experience of people from the LGBTQIA+ community. Through these stories and shared experiences, we’ll realize that we have more commonalities than differences,” dagdag ni Ice.

 

 

 

“Ang Choosing ay hindi lamang tungkol kina Ice at Liza ukol din ito sa pagtanggap sa mga hindi nakikita at hindi naririnig na mga kuwento sa LGBTQIA+ community at paghahanap ng espasyo para tuklasin ang mga pakikibaka na kanilang kinakaharap sa lipunan at ang mga komplikasyon ng karanasang ito,” sabi ni Dr. Anton.

 

 

 

Samantala, grabe pala ang naging asthma attack na naranasan ni Ice, na naging dahilan para ma-postpone ang ‘Videoke Hits: The Repeat’ noong June 1 at na-move sa June 28.

 

 

 

Hindi lang kasi si nawalan ng boses, nagkaroon pa siya ng ear infection.

 

 

 

Pagbabahagi ni Ice, “Parang ang nangyayari kasi sa akin ‘pag sininisipon ako, bonggang sipon, alam ko na ‘yun. Alam ko na after nu’n hihikain ako and true enough, hinika ako nang bongga.

 

 

 

“So syempre kapag sipon tumutulo ‘yan sa lalamunan mo so na-irritate din ‘yung lalamunan ko.”

 

 

 

“So napaos ako, and then hinika ako, and my ear also. So okay, na halos lahat. The voice is fine, the throat is okay, it’s just my ear, so ano naman na kumbaga, I’m taking meds already, so naghihintay na lang siya talagang… Wala, you really have to let nature take its course,” dagdag kuwento pa ng OPM Icon.

 

 

 

First lang daw ito nangyari sa kanya….

 

 

 

“Yes, kasi first time ko naka-experience ng ganito ah. Nagkaroon ng infection sa ear. Oh my God ang sakit pala talaga, para siyang throbbing in pain tapos pressure na sobrang nakadiin ng ganun…

 

 

 

So imagine mo hindi talaga ako makatulog tapos ito umaabot siya rito (tinuturo ang bandang bibig).

 

 

 

“Tapos parang ito ‘yung jaw ko rito sa left side, hindi ko mabuka. So nakaganyan lang ako kumakain. So hindi ako nakakakain masyado.

 

 

 

“Kaya ayon binigyan na ako ng meds, ng oral antibiotic, ng drops na antibiotic kasi ayun. Medyo nakakapraning siya.”

 

 

 

First time ni Ice sa stage play.

 

 

 

“Oo. My gosh. Medyo nate-tense ako. Kasi sobrang outside of my comfort zone kasi kapag may kantahan syempre alam mo ‘yun wala kang problema doon eh, ito talagang lahat salita eh. I mean may konting kanta pero hindi talaga siya kantahan,” pag-amin niya.

 

 

 

Matagal nang gustong magkasama sa trabaho sina Ice at Liza.

 

 

 

“Well, we always wanted to do something together, whether it be film or ano, because we’re both actors, but the only time we’ve acted with each other was during the (wedding) proposal. Iyon lang.

 

 

 

Never kami nakapaggawa ng any project together.”

 

 

 

Mas sanay nga sa paggawa ng pelikula si Ice at mag-concert, kaya ibang experience talaga ito play.

 

 

 

“Medyo nakakatensyon lang kasi syempre ang daming cues alam mo ‘yun parang kasi ‘di ba like tayo sa film when you say this line parang let say gawin mo itong line na ito. You just have to do your thing. Pero ito it’s theatre parang halos bawat linya meron kaming cue, meron kaming kailangang action na gawin.

 

 

 

“We really need to master the dialogue first and our monologues kasi parang ang nangyayari is pumapasok ‘yung information ng text, pumapasok ‘yung information ng blocking nakaka overwhelm siya.”

 

 

 

Maging bahagi ng makasaysayang kaganapang ito na naglalayong itaas ang antas ng mga pag-uusap tungkol sa pag-ibig, pagkakakilanlan, at pagtanggap. Bilhin na ang iyong tiket ngayon at samahan sila sa pagdiriwang ng Pride Month sa pamamagitan ng isang dula na nangangakong maghatid ng makabuluhang epekto.

 

 

 

Para sa karagdagang impormasyon at upang bumili ng mga tiket, mangyaring bisitahin ang Ticket2Me. Ang presyo ng tiket ay nagsisimula sa Php 1000 para sa Silver, 1300 para sa Gold, at 1500 para sa Platinum.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

‘Tulak’ kulong sa P34K droga sa Navotas

Posted on: June 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG lalaki na hinihinalang sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.

 

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay alyas Jay Vee, 25, matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng droga.

 

 

 

Nang tanggapin ang P500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad dinamba ng mga operatiba ang suspek, dakong alas-12:46 ng hating gabi sa Gov. Pascual St., Brgy. San Roque.

 

 

 

Ayon kay SDEU chief P/Capt. Genere Sanchez, nakumpiska nila sa suspek ang humigi’t kumulang 5.11 grams ng hinihinalang shabu na may stand drug price value na P34,748.00 at buy bust money.

 

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

37 Chinese nationals inaresto sa loob ng subdibisyon

Posted on: June 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang labin-pito na mga Chinese nationals na hinihinalang sangkot sa illegal na pagbebenta sa Parañaque City.

 

 

Sa ulat  kay BI Commissioner Norman Tansingco ni  intelligence division Chief Fortunato Manahan, Jr. na ang 37 na Chinese nationals ay inaresto sa loob ng Multinational Village sa  Parañaque.

 

 

Kabilang sa mga inaresto ang pitong babae at 30 na kalalakihan na pawang sangkot sa illegal na food retail, groceries at restaurants sa kanilang lugar.

 

 

Sinabi ni Tansingco na ang pagkakaaresto ay bunsod sa isang intelligence report bunsod sa isang dayuhan na umano’y illegal na nagtatrabaho sa loob ng subdibisyon.

 

 

“We received credible information about foreign nationals engaging in illegal retail activities, and our team acted swiftly to address these violations,” ayon kay Tansingco. “This operation is part of our ongoing efforts to uphold the integrity of our immigration laws and protect local businesses from unfair competition.”

 

 

Dagdag pa ni Tansingco na “The Bureau of Immigration will not tolerate illegal work practices and will continue to take necessary actions against those who violate our laws.”  GENE ADSUARA

Partnership ng HP-Miru hangad ang malinis, maayos na 2025 Elections

Posted on: June 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HANGAD ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng fully automated, malinis, at maayos na  2025 Midterm Elections. 

 

 

Katuwang ang HP, handa ang Miru na gawing katuparan ang hangaring ito sa tulong ng makabagong Miru Election Management System (EMS) at Automatic Counting Machine (ACM), na sinusuportahan ng HP PageWide Advantage 2200.

 

 

Sinabi ni Arnon Goldman, General Manager -APJ  ng Industrial Print ng HP, na ang HP PageWide Advantage 22000 ay resulta ng mahigit isang dekadang teknolohiya na subok na sa maraming larangan.

 

 

Inilarawan niya ang makina bilang  “efficient at versatile.” Madali rin itong i-upgrade at hindi matatapatan ang kakayahan nitong palakihin ang kita para  mapalago ang print industry.

 

 

Iprinisinta ang test ballots na gawa ng HP sa Düsseldorf, Germany noong Hunyo  3 para sa MIRU-COMELEC Day sa pinakamalaking printing equipment exhibition sa mundo, ang DRUPA 2024.

 

 

Kabilang sa mga dumalo sina COMELEC Commissioner Rey Bulay at Philippines Consul Cecille Joyce Lao sa trade event para matiyak na ang kalidad ng sistema ay akma sa panuntunan ng poll body at sa pangangailangan ng mga Pilipino

 

 

Sa kanyang mensahe sa event, sinabi ni COMELEC Chairman, George Erwin Garcia na ito’y patunay ng malawak na epekto ng teknolohiya ng printing.

 

 

“Sa parte ng COMELEC, ang mga makabagong teknolohiya sa larangang ito ay nagbibigay buhay sa karapatan ng taumbayan na mamili ng kanilang tadhana,” wika pa ni Chairman Garcia.

 

 

“Investing in two new HP PageWide Advantage 2200, reaffirms our commitment to Philippine Commission on Election ensures a seamless electoral process, promoting transparency and reliability.  Empowering COMELEC with real time data and insights to maintain confidence and integrity throughout the election period,” wika ni Mr. Ken Cho, Vice President, MIRU Systems nang tanungin ukol sa hangarin nitong ipatupad ang pinamataas na pamantayan ng teknolohiya at suporta para sa maayos at malinis na 2025 Midterm Elections.

2 wanted sa droga sa Navotas at Valenzuela, timbog sa manhunt ops

Posted on: June 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NALAMBAT ng pulisya ang dalawang lalaki na kapwa wanted sa kaso na may kinalaman sa illegal na droga sa magkahiwalay na manhunt operation sa Navotas at Valenzuela City.

 

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, dakong alas-10:00 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police sa manhunt operation sa B. Cruz St., Brgy. Tangos ang 40-anyos na lalaking nasa top 10 most wanted person ng lungsod.

 

 

Pinosasan ng mga pulis ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ronaldo Q. Torrijos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 288, Navotas City noong April 28, 2024, para sa paglabag sa Section 5 at 11, Article II of R.A. 9165.

 

 

Sa Valenzuela, natimbog naman ng mga tauhan ni P/Col. Nixon Cayaban, hepe ng Valenzuela police ang 34-anyos na lalaki na residente ng Bulacan at kabilang sa mga most wanted person ng lungsod sa ikinasang manhunt operation sa RTC Builiding sa  Maysan Road, Brgy. Malinta, ala-1:45 ng hapon.

 

 

Ani Col. Cayaban, binitbit ng mga tauhan ng Detective Management Unit ng Valenzuela police ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na nisyu ni Presiding Judge Orven Kuan Ontalan ng RTC Branch 285, Valenzuela City noong May 10, 2024, para sa paglabag sa Sec. 12 at Sec. 15 Art. II of R.A 9165.

 

 

Pinapurihan naman ni Northern Police District Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Navotas at Valenzuela CPS sa kanilang matagumpay na operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga akusado. (Richard Mesa)

PCG at counterpart, nag-usap sa pagpapatrolya sa labas ng EEZ

Posted on: June 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT  ng Philippine Coast Guard (PCG) na tinalakay nito kasama ang kanilang counterpart  sa Japan at United States ang posibleng pagsasagawa ng pagpapatrolya sa labas ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) o tinatawag na’ high seas’.

 

 

Ayon kay PCG commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, tinalakay ng tatlong bansa ang usapin sa kamakailang Shangri-La Dialogue sa Singapore.

 

 

Sinabi rin ni Gavan na napag-usapan din ang posibilidad na sila ay sasakay sa barko ng Pilipinas sa pagpapatrolya sa high seas o karagatan na lampas na sa ating EEZ.

 

 

Wala pa namang timeline para sa posibleng joint patrols para ngayong taon, ayon pa kay Gava.

 

 

Kamakailan ay naglabas ng bagong regulasyon ang China na nagpapahintulot sa kanilang coast guard na arestuhin at ikulong ang mga papasok sa south China Sea kasunod ng Philippine civilian mission sa West Philippine Sea.

 

 

“Foreign suspected of illegally passing China’s borders can be held for up to 60 days”, ayon sa media report. GENE ADSUARA