• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 7th, 2024

PBBM hinikayat ang mga kabataang lider na makialam sa pamamahala

Posted on: June 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG-DIIN ang kahalagahan ng mga kabataang Filipino sa national development, hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. araw ng Miyerkules, ang nakababatang henerasyon na makialam sa pamamahala at pampulitikang diskurso kasabay ng pangako ng Chief Executive ng kumpletong suporta mula sa national government.

 

 

“Kung mayroon kayong nakikitang mas magandang pamamaraan, sabihin ninyo. Isigaw ninyo. Iyong mga matatanda, hindi makikinig sa inyo, pero pilitin niyo.,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang oath taking ceremony sa Palasyo ng Malakanyang ng mga bagong halal na mga opisyal ng Liga ng mga Barangay (LnB) at Sangguniang Kabataan (SK) National at Island Representatives.

 

 

“Lahat naman pagka may pangyayari na ganyan, sasabihin — kung maganda ang naging resulta, anong masama doon? Kung hindi matagumpay, hindi maganda ang lumabas, hindi bale, sige next, subukan natin ibang bagay, subukan natin ibang sistema,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“With the Filipino youth becoming probably the youngest workforce in Asia averaging 25 years old, it is important that young people get involved in social debate and governance,” aniya pa rin.

 

 

Dagdag pa rito, kailangan ng bansa ang enerhiya o lakas ng mga kabataang Filipino, ang kanilang “new blood”, partikular na sa kasalukuyang pagsusulong sa teknolohiya at cyberspace, naging “very important part’ ng buhay ng mga tao.

 

 

Habang ang teknolohiya ay hindi naman ganoon kahalaga sa nakalipas na ilang dekada, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na kailangan ng bansa ang “intuitive at instinctive knowledge” ng mga kabataan.

 

 

“The future is going to be technology driven, and that is why the natural instinct of younger people, when it comes to technology, is important. It has to be part of all our thinking. It has to be part of all our planning,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

 

“So, kaya’t nabanggit ko lahat ‘yan ay dahil nais ko lang naman talagang ipaalam sa inyo na dahil nga sa aking karanasan bilang local government official ay asahan po ninyo na lahat ng inyong mga iniisip, lahat ng inyong mga suggestion, lahat ng inyong sinasabi sa amin ay pinapakinggan namin ‘yan,” ang sinabi pa ng Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, pinaalalahanan din ng Pangulo ang kanyang ‘audience’ ng kahalagahan ng lokal na pamahalaan, partikular na ang barangay sa ‘decision-making, planning ng gobyerno at pag-asa para sa hinaharap ng bansa.

 

 

“What the national leaders are doing is not intended for the older generation of Filipinos but for the country’s young people and the new generation,” ayon sa Punong Ehekutubo.

 

 

“So, we have to hear from the young people. We have to hear from the ordinary citizens what is the future that you want? What is the future that you feel we can achieve? And how do you suggest that we do it?” aniya pa rin.

 

 

“These questions are very, very important and these are questions that we ask of the local government and I promise you, we will listen to those answers,” diing pahayag nito.

 

 

Samantala, ipinasa ang Republic Act 10742 o ang SK Reform Act of 2015 para hikayatin ang mga kabataan na magpartisipa sa lokal na pamamahala.

 

 

Kabilang naman sa mga programa at proyekto ng SK ay ang magtatag ng Local Youth Offices na mamamahala sa “youth programs and advocate youth rights; pagtatakda ng Local Youth Development Plan na magsisilbi bilang roadmap para sa youth development; at pagpapatupad ng Local Development Council para palakasin ang naka-sentrong polisiya at mga programa. (Daris Jose)

HVI na tulak nadakma sa Valenzuela drug bust

Posted on: June 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG umano’y tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang natimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ng bagong hepe ng Valenzuela police si P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas ‘Dante Lalog’, 38, ng Tañada Subd., Brgy. Gen T De Leon.

 

 

Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cayaban na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na patuloy pa rin umano ang suspek sa kanyang ng ilegal drug activities kaya ikinasa nila ang buy bust operation kontra sa kanya.

 

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-5:00 ng hapon sa Karen Avenue, beside THOA bastketball Court, Brgy. Gen. T De Leon.

 

 

 

Ani PMSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa suspek ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P34,000 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 10-pirasong P1,000 boodle money.

 

 

 

Sa record ng SDEU, dati ng naaresto ang suspek dahil din sa pagbebenta ng ilegal na droga subalit, nang makalabas ay muli naman umanong nagbenta ng shabu.

 

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

‘Lahar’ posibleng umagos uli sa Negros Island buhat ng matinding ulan — Phivolcs

Posted on: June 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang state volcanologists tungkol sa muling pag-agos ng “volcanic sediment flows” o lahar buhat ng mga tinatayang pag-ulan ngayon sa Negros Island, ito ilang araw matapos ang pagsabog ng Bulkang Kanlaon.

 

 

 

Ito ang ibinahagi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolca) ngayong Huwebes ngayong tinataya ng PAGASA ang ilang thunderstorms sa isla ngayong araw.

 

 

“These rains could generate lahars, muddy streamflows or muddy run-off in the above-mentioned and other rivers draining the southern Kanlaon edifice,” ayon sa isang pahayag ng PAGASA kanina.

 

 

Kabilang na rito ang mga sumusunod:

Tamburong Creek

Intiguiwan River at upstreaam Baji-Baji Falls

Padudusan Falls

Binalbagan River

 

 

Una nang kumalat sa social media ang mga video at litrato ng mga nabanggit.

 

 

“The lahars were generally channel-confined, but flows along Tamburong Creek overflowed and dumped a few centimeters of deposit on a stretch of the main road in Biak-na-Bato, rendering this impassable to motorists,” wika ng Phivolcs.

 

 

Payo ng mga dalubhasa ang maging mapagmatyag at handa ng mga komunidad lalo na sa paligid ng mga ilog na nagde-drain sa katimugan ng Kanlaon.

 

 

Inaabisuhan din sa ngayon ang mga naturang komunidad na patuloy bantayan ang lagay ng panahon at magsagawa ng karampatang aksyon kung saka-sakaling tamaan ng lahar.

 

 

Naitala ng Phivolcs ang sumusunod sa nakaraang 24 oras sa paligid ng naturang bulkan:

 

volcanic earthquakes: 27

sulfur dioxide flux: 3464 tonelada / araw

plume: 1500 metrong taas; malakas pagsingaw; napadpad sa hilagang-kanluran,timog-silangan at timog-kanluran

ground deformation: pamamaga ng bulkan

 

 

Ipinaalalang uli ng state volcanologists na bawal pa rin ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius permanent danger zone o PDZ at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

 

 

Babala pa ng Phivolcs, nariyan pa rin ang baanta ng mga biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions lalo na’t nasa Alert Level 2 pa rin ang Kanlaon.

 

 

Umabot na sa 2,400 residente ang naapektuhan ng pagsabog ng bulkan nitong Lunes, dahilan para mapalikas ang 1,669 katao ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. (Daris Jose)

3-araw tigil-pasada ikinasa uli ng Manibela

Posted on: June 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGKASANG muli ng tatlong araw na tigil-pa­sada ang transport group na Manibela sa susunod na linggo.

 

 

 

Nabatid na isasagawa ng grupo ang transport strike mula Hunyo 10 hanggang 12 bilang protesta sa isinasagawang paghuli sa mga public utility jeepneys (PUJs) na hindi nakapag-consolidate ng prangkisa sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

 

 

 

Matatandaang sinisimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ­paghuli sa mga PUJs na binawian ng prangkisa matapos na mabigong mag-consolidate sa kooperatiba o korporasyon noong April 30 deadline.

 

 

Bukod sa tigil-pasada, magdaraos din umano ang grupo ng kilos-protesta sa harapan ng tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

 

Una na rin namang tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na may sapat na jeepney na bumibiyahe sa bansa dahil 80% ng mga PUV operators at drivers ay nakatalima naman sa konsolidasyon.

 

 

Bukod sa tigil-pasada, magdaraos din umano ang grupo ng kilos-protesta sa harapan ng tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

 

Una na rin namang tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na may sapat na jeepney na bumibiyahe sa bansa dahil 80% ng mga PUV operators at drivers ay nakatalima naman sa konsolidasyon.

 

 

Bukod sa tigil-pasada, magdaraos din umano ang grupo ng kilos-protesta sa harapan ng tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

 

Una na rin namang tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na may sapat na jeepney na bumibiyahe sa bansa dahil 80% ng mga PUV operators at drivers ay nakatalima naman sa konsolidasyon.

 

 

Bukod sa tigil-pasada, magdaraos din umano ang grupo ng kilos-protesta sa harapan ng tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

 

Una na rin namang tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na may sapat na jeepney na bumibiyahe sa bansa dahil 80% ng mga PUV operators at drivers ay nakatalima naman sa konsolidasyon.

 

 

Ang konsolidasyon ng prangkisa ay unang bahagi ng PUVMP at mahigpit na tinututulan ng ilang transport groups.

Ipatupad ang 24/7 shipment process

Posted on: June 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) na ipatupad ang 24/7 na deployment ng mga team para masiguro na walang itigil ang shipment process sa buong bansa.

 

 

Sa pagsasalita sa ika-apat na pagpupulong ng Private Sector Advisory Council (PSAC) – Infrastructure Sector Group, araw ng Miyerkules, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng “round-the-clock shipment process” para ma-accommodate ang pagdating ng mas maraming barko sa bansa.

 

 

“In this business, there’s no afterhours. It can – it’s ready 24/7. So, let’s not put an extra team, let’s just keep it running. Whatever you have there in the day, let the same number of people that you have all 24 hours,” ayon kay Marcos.

 

 

“So, three eight-hour shifts,” dagdag na wika nito.

 

 

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng rekumendasyon ng PSAC na hayaan ang BOC at DA na mag-produce ng shifting schedule, siguraduhin ang 24/7 operations sa kabila ng serbisyo ng pamahalaan na may kinalaman sa ‘logistics at supply chains.’

 

 

Tinuran ng PSAC na ang hakbang na ito ay upang tiyakin na magpapatuloy ang inspeksyon, clearance at payment process, partikular na ang bawasan ang mga gastos at oras lalo na sa

 

x-ray scanning operations sa tanggapan ng BOC at DA na inatasan na inspeksyunin ang ‘reefer vans.’

 

 

Samantala, dumalo naman sa naturang pagpupulong sa Palasyo ng Malakanyang sina PSAC Strategic Convenor Sabin Aboitiz, President at CEO ng Aboitiz Equity Ventures Inc.; kasama ang mga miyembro ng PSAC na sina Enrique Razon, Manuel Pangilinan, Eric Ramon Recto, Joanne de Asis, Ramoncito Fernandez, Rogelio Singson, Christian Gonzalez at Daniel Aboitiz.

 

 

Binubuo ng mga kilalang tycoons at business leaders, ang PSAC ay regular na nagpupulong at nagrerekomenda sa Pangulo ng iba’t ibang polisiya at programa sa ilalim ng anim na sektor gaya ng “infrastructure, agriculture, digital infrastructure, healthcare, jobs at tourism.”

(Daris Jose)