• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 3rd, 2024

British tennis star Andy Murray emosyonal sa pagtatapos na ng kaniyang tennis career sa pagkatalo sa Olympics

Posted on: August 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NATAPOS ang tennis career ni British tennis star Andy Murray matapos na mabigo sa men’s doubles sa Paris Olympics.
Matapos kasi na mag-withdraw sa singles match ay nagpasya ang 37-anyos na maglaro sa doubles para irepresenta ang kaniyang bansa.
Kasama niya sa doubles si Dan Evans ng subalit tinalo sila ni Taylor Fritz at Tommy Paul ng US sa score na 6-2, 6-4 ng quarterfinals rounds.
Matapos ang laro ay nagkaroon ng standing ovation sa Court Suzanne-Lenglen bilang pagkilala kay Murray.
Nagwagi ng gold medal sa Murray noong 2012 at 2016 Olympics ganun din sa silver medal ng mixed doubles noong 2012.
Taong 2012 ng talunin niya si Roger Federer sa Olympic finals at matapos ang isang taon ay nagkampeon ito sa US Open.
Magugunitang nagpasya si Murray na magretiro na pagkatapos ng Olympics dahil sa mga injury na kanyang natatamo kung saan noong 2019 ay nagpa-opera na ito sa kanyang beywang.

Caloy mas mabagsik sa floor at vault

Posted on: August 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ASAHANG mas magi­ging mabagsik si Carlos Yulo sa oras na sumabak ito sa finals ng men’s floor exercise at men’s vault sa 2024 Paris Olympics.
Nabigong makasungkit ng medalya si Yulo sa men’s all-around finals.
Subalit marami itong natutunan na magagamit nito sa kanyang susunod na laban.
Nagtapos lamang sa ika-12 puwesto si Yulo sa all-around matapos ang masaklap na simula nito sa pommel horse kung saan bumagsak ito sa kalagitnaan ng kanyang routine.
Nakabawi si Yulo sa iba pang apparatus subalit hindi ito sapat para makapasok sa Top 3.
Nakalikom si Yulo ng kabuuang 83.032 puntos.
Sa kabila nito, masaya si Yulo sa mga natutunan nito sa all-around.
“Marami akong natutunan. Wala akong regrets dahil masaya ako sa performance ko,” ani Yulo.
Sunod na sasalang si Yulo sa finals ng floor exercise at vault.
“Magandang chance yung all-around kasi nagawa ko ang gusto ko sa floor at sa vault. May mga adjustments na kailangang gawin sa finals ng floor at vault,” wika pa ni Yulo.
Solido ang performance ni Yulo sa floor exercise ngunit sinabi nito na kailangan pa nito ng mas magandang lan­dings upang makakuha ng mataas na puntos sa finals.
Mataas ang degree of difficulty ng performance ni Yulo at mas lalong lalakas ang tsansa nito sa gold medal kung maisasakatuparan nito ng swabe ang kanyang performance.
“Sa floor kailangan kong mag-adjust pa ng konti para mas maging maganda ang performance ko ganun din sa vault,” ani Yulo.

US gymnast Simone Biles nakamit ang ika-6 na Olympic gold medal

Posted on: August 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAMIT  ng US gymnastic star Simone Biles ang kaniyang ika-anim na  Olympic Gold Medal matapos magtagumpay sa Women’s All-Around category.
Nahigitan nito sa nasabing laban si Rebeca Andrade ng Brazil na itinuturing nitong matinding katunggali.
Nakakuha ito ng kabuuang 59.131 points na mas lamang ng 1.199 points laban sa Brazilan gymnast.
Ito na ang pangalawang all-around gold ni Biles matapos na magwagi ng team gold noong nakaraang mga araw.

Pinay boxer Aira Villegas pasok na sa quarterfinals ng women’s 50 kgs. matapos talunin ang Algerian boxer

Posted on: August 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKUHA ng Pinay boxer ang unanimous decision laban kay Romaysa Boulam ng Algeria.
Sa unang round ay dominado ni Villegas ang laban kung saan pinaulanan nito ang mga suntok ang Algerian boxer.
Pinilit pang humabol si Boulam subalit hindi nagpatinag si Villegas hanggang tuluyang matapos ang last round at ideklara siyang panalo.
Aminado si Villegas na sa simula ay kabado ito at ang panalo ay isang maituturing na regalo dahil nataon sa kaarawan nito ang kaniyang laban.

Ads August 3, 2024

Posted on: August 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments