• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 28th, 2024

Pagpapalawak ng Kadiwa stores, suportado ni Tiangco

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

SUPORTADO ni Navotas Representative Toby Tiangco ang plano ng Department of Agriculture na palawakin ang Kadiwa Stores sa pamamagitan ng posibleng franchising dahil sa potensyal nitong hikayatin ang pag-unlad ng MSME sa bansa.

 

 

 

“We are optimistic that if the Department of Agriculture opens the initiative to cooperatives or even small- and medium-scale entrepreneurs, we can expand livelihood opportunities and even create jobs across the country,” aniya.

 

 

 

Sinabi ni Tiangco na ang pagpapalawak ng mga operasyon ng Kadiwa Stores ay maaaring magbigay ng mga pagkakataong pangnegosyo, habang pinapatibay din ang pag-access sa abot-kayang mga pangunahing bilihin.

 

 

 

“With the administration’s direction of improving food production in the country, this approach can provide an end-to-end initiative that can improve food production and sustainability and market access for goods of Filipino farmers while offering an effective mechanism to mitigate inflation,” dagdag niya.

 

 

 

“I agree with Secretary Tiu Laurel’s statement that when President Bongbong Marcos took on the role of DA Chief at the start of his term, he was able to fully grasp the current situation of agricultural development in the country. This has led to numerous policies and programs which aim to modernize agriculture and improve food sustainability in the country,” sabi pa ni Tiangco.

 

 

 

Ani Tiangco, ang Kadiwa Program ay maaaring maging isa pang haligi ng programa sa pagsugpo sa kahirapan ng administrasyon kung mabubuksan ang franchise program nito sa mga small- and medium-scale entrepreneur.

 

 

 

Naniniwala siya na sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Tiu-Laurel, ang inisyatiba na ito ay maaaring gawing streamline sa kasalukuyang mga plano ng administrasyon para sa MSME development. (Richard Mesa)

P3.8 bilyong pondo para sa free WiFi program expansion, ikinagalak

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

IKINATUWA ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino ang anunsyo ng Department of Budget Management (DBM) na pagpapalabas ng P3.8 bilyong pondo para sa pagpapatupad ng programa ng pamahalaan na “free nationwide Wi-Fi”.

 

 

 

Agad hinimok ni Tolentino ang Department of Information and Communications Technology (DICT), ang implementing agency ng ‘Free Wi-Fi for All’ program na agad mag-install ng 13,462 access point sites at palawakin ang digital connectivity ng bansa.

 

 

 

Sinabi ni Tolentino unang makikinabangan sa lahat sa pagpapalawak ng Internet connectivity na ngayo’y isa nang pangangailangan, ay ang mga kababayan nating nasa malalayong lugar.

 

 

 

Ani Tolentino, uunahin ng libreng Wi-Fi program ng gobyerno ang mga geographically isolated at disadvantaged areas.

 

 

 

Idinagdag ng senador na ang libreng Wi-Fi program ng administrasyong Marcos ay magbibigay-daan sa mga mahihirap na ma-access ang mga app tulad ng messenger, viber, o mga libreng tawag upang mapadali ang kanilang buhay at maikonek sila sa kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan. (Daris Jose)

Lalaki pinagsasaksak ang 2 umaawat na kaibigan, 1 dedo

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

PINAGSASAKSAK ng lalaking wanted sa kanilang lalawigan sa Northern Samar ang dalawa niyang kaibigan na umawat lang sa kanyang pagwawala na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa Valenzuela City.

 

 

 

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Valenzuela Medical Center ang biktimang si alyas “Balbas” 23, ng Donesa St., Balubaran, Barangay Mailnta sanhi ng tinamong mga saksak sa likod at tagiliran habang nakaratay naman ang naturang pagamutan ang isa pang biktiman si alyas “Irene”, 28 ng Melchor St., Barangay Malinta na may mga tama ng saksak sa magkabilang braso.

 

 

 

Nadakip naman ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na si Pepito Tenedoro alyas “Remmy”, residente rin ng Melchor St. na napagalamang kabilang sa most wanted person at may warrant of arrest sa kasong frustrated murder sa Regional Trial Court (RTC) Branch 21 ng Laong, Northern Samar na naganap noong Hunyo 12, 2022.

 

 

 

Lumabas sa pagsisiyasat ng mga tauhan ni P/Cpt. Armando Delima, hepe ng Station Investigation Unit (SIU) na dumalo muna sa isang birthday party ang magkakaibigan na magkasama rin sa trabaho noong Linggo kung saan may nakatalo na isa ring bisita ang suspek.

 

 

 

Nang magwala ang suspek, nagpasiya ang mga biktima na pilitin ang suspek na umalis na lamang sila at itinuloy ang pag-iinuman sa kanilang tinutuluyang sa Melchor St. Brgy. Malinta.

 

 

 

Habang nag-iinuman, muling nagwala ang suspek at nais balikan ang nakaalitan subalit, habang inaawat siya ng dalawang kaibigan, dito niya ibinunton ang galit at pinagsasaksak ang mga biktima bago mabilis na tumakas.

 

 

 

Dakong alas-10 ng gabi nang muling bumalik ang suspek sa kanyang tinitirhan at dito na siya nadakip nina Capt. De Lima. (Richard Mesa)

Top 4 most wanted person ng Malabon, timbog

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

LAGLAG sa selda ang isang mister na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

 

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nakatanggap ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan sa Brgy. Longosd ang presensya ng akusadong si alyas Gerardo, 53, residente ng Navotas City.

 

 

 

Agad inatasan ni Col. Baybayan ang WSS na bumuo ng team para sa gagawing pagtugis sa akusado na nasa top 4 most wanted person ng Lungsod ng Malabon.

 

 

 

Kasama ang mga tauhan ng Maritime Group at 3rd Special Operation Unit, agad nagsagawa ang WSS ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-3:00 ng hapon sa Pampano St.,, Brgy., Longos.

 

 

 

Ayon kay Col. Baybayan, binitbit ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Catherine Therese Tagle-Salvador ng Regional Trial Court Branch 73, Malabon City, noong May 19, 2021, para sa kasong Rape.

 

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Malabon City Police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)

4 na biktima ng trafficking, ni-rescue

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigrations (BI) sa Clark International Airport (CIA) ang apat na biktima ng trafficking na tinangkang magtrabaho sa isang beauty at spa industry sa Qatar.

 

 

Ayon sa mga opisyal ng BI Immigration Protection and Border Enforcement section (I-PROBES) na ang mga biktima na pawang mga lalaki na nagsabing magbabakasyon sa isang kaibigan sa Singapore.

 

 

Gayunman, napansin na iba-iba ang kanilang mga salaysay kaya ini-refer sila sa secondary inspection kung saan inamin nila na ni-recruit sila ng isa nila kasama na magtrabaho bilang mga hairdressers at massage therapists sa Qatar na may buwanang suweldo na 15 to 20 thousand per month.

 

 

Pero inamin din ng lalaki nilang kasama na ni-recruit din siya ng isang recruietr sa Dubai at inimbitahan niya ang tatlo nila niyang kaibigan kapalit ng P10,000 para sa pagpo-proseso ng mga dokumento.

 

 

Sinabi sa kanila na magpanggap silang mga turista .

 

 

“Attempting to bypass immigration clearance through deceptive means is illegal and highly risky,” ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco.

 

 

“Such schemes are not new and are persistently used by traffickers. Our officers are well-trained to detect and prevent these fraudulent activities, including recognizing fake stories and itineraries to persuade immigration officers.” dagdag pa ng BI Chieff. GENE ADSUARA

Fahrenheit Cafe and Fitness Center sa E. Rodriguez, QC ipinasara ng QC LGU

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

IPINASARA ng QC Local Government ang Fahrenheit Cafe and Fitness Center (F Club) sa E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City.

 

 

 

Ito ay nang tumanggi ang nasabing establisimyento na makipagtulungan na papasukin ang contact tracing team ng City Epidemiology and Surveillance (SECU) Division para magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa sakit na Monkey Pox o “MPOX”.

 

 

Ayon sa QC LGU, nabigo umano ang SECU Division ng City Health Department na makapagsagawa ng contact tracing sa F-Club bilang tugon sa kautusan ng Department of Health para sa posibleng mpox transmission.

 

 

Sinabi ni Mayor Joy Belmonte, ang pagtanggi ng F-Club sa isinasagawang contact tracing efforts ay nagpaantala sa pagtugon at imbestigasyon ng lokal na pamahalaan na maituturing na banta sa kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan ng lungsod.

 

 

Dahil dito, hinimok ni Mayor Belmonte ang may-ari ng establisimyento at ang mga residente na makiisa sa mga health event investigation ng lokal na pamahalaan.

 

 

Ipinaliwanag ni Belmonte na ang bawat responsibilidad ay kanilang ginagampanan upang matiyak na maprotektahan at maging ligtas ang lahat ng mamamayan sa Quezon City. (PAUL JOHN REYES)

40 sasakyang pang-dagat, dineploy

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

MAY kabuuang 40 na sasakyang-dagat ng China kabilang ang tatlong warships ang idineploy noong Lunes sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea upang harangin ang humanitarian mission doon ng Philippine Coast Guard (PCG).

 

 

 

 

Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea, anim na barko ng China Coast Guard, tatlong barkong pandigma ng People’s Liberation Army-Navy, at 31 Chinese maritime militia vessels ang naka-deploy nang magsagawa ng misyon ang BRP Teresa Magbanua.

 

 

 

Ayon pa kay Tarriela, sa panahon ng misyon na ito, ang People’s Republic of China ay nag-deploy ng labis na puwersa.

 

 

 

Hinarang ng ilan sa mga sasakyang ito ang mga barko ng PCG na BRP Cabra at BRP Cape Engaño na makalapit sa BRP Teresa Magbanua.

 

 

 

Ang pinakahuling insidenteng ito ay bahagi ng mga agresibong aksyon ng China sa Escoda Shoal.

 

 

 

Noong Linggo (Aug. 25) nagbomba ng water cannon ang mga sasakyang pandagat ng CCG laban sa isang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

 

 

 

Noong Agosto 19, ang BRP Cape Engaño at BRP Bacagay ay isinailalim sa CCG sa itinuturing ng PCG bilang agresibong mga maniobra habang binabagtas ang tubig mula sa shoal, na napinsala ang dalawang barko.

 

 

 

Hinimok ni Tarriela ang CCG na “sumunod sa internasyonal na batas at itigil ang pag-deploy ng mga puwersang pandagat na maaaring makasira sa paggalang sa isa’t isa, isang kinikilalang pangkalahatang pundasyon para sa responsable at mapagkaibigang relasyon sa mga Coast Guard.”

 

 

 

Nananatili ang Pilipinas sa patuloy na presensya sa Escoda Shoal kasunod ng mga hinihinalang aktibidad ng reclamation doon. GENE ADSUARA

DOTr nagbago ang plano para sa MRT 3 at LRT 2

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

NAGBAGO ang plano ng Department of Transportation (DOTr) para sa unang napagplanuhan na isasapribado ang operasyon at pagmintina ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT2) bilang isang bundle na lamang.

 

 

 

 

“We are having second thoughts on whether the concession should be bid out for the MRT 3 and LRT 2 as one package which was planned earlier. It might be premature to turn over the LRT 2 to the private sector, as the government has yet to stretch out the railway to its fullest potential,” wika ni DOTr undersecretary Jeremy Regino.

 

 

 

Ayon sa DOTr, hindi pa sila nakakakuha ng pondo para sa P10.12 billion na gagamitin sa pagpapalawak ng LRT 2 sa west na bahagi ng estasyon sa Recto na tinatawag na LRT 2 West Extension Project. Kung matutuloy, ang nasabing proyekto, itatayo ang mga karagdagang estasyon sa Tutuban, Divisoria at Pier 4 kung saan magbibigay ito ng serbisyo sa commuting demands sa western end ng metro.

 

 

 

Maliban dito, ang DOTr ay may plano rin na pahabain ang LRT 2 sa bahagi ng Rizal. Magkakaroon ng expansion kung saan ilalagay ang karagdagan 3 istasyon sa bandang eastern na bahagi ng istasyon sa Antipolo at tatagos hanggang Cogeo upang mabawasan ang passenger volume na dumarami sa kalagayan ngayon.

 

 

 

“Bungling might be inappropriate this time for MRT 3 and LRT 2 because they have a different market and we need to rehabilitate and expand LRT 2. We will expand the LRT 2 to the west going to Manila South Harbor and expand it to the east to Cogeo to cater to the eastern part of Metro Manila,” saad ni Regino.

 

 

 

Dagdag ni Regino na kanilang nakita na kailangan na magkaroon ng magkaibang approaches sa pagsasapribado ng operasyon at pagmimintina ng nasabing dalawang rail lines kung kayat kailangan na bid out sila ng magkahiwalay at hindi dapat pagsamahin.

 

 

 

Dati pang sinabi ng DOTr na tinitingnan nila noon na dapat pagisahin na lamang ang concessions ng MRT 3 at LRT2 dahil gusto ng ahensiya na makuha ang interest ng pribadong sektor sa MRT 3 na gustong kunin ng mga malalaking infrastructure builders tulad ng Metro Pacific Group at San Miguel Corp.

 

 

 

Subalit, kung sakaling pagsasamahin ang MRT 3 at LRT 2 bilang isang bid, ang pamahalaan ay kailangan baguhin ang organization structure ng 2 rail lines. Maaring ilipat ng DOTr ang regulasyon ng MRT 3 sa Light Rail Transit Authority (LRTA) na siyang ahensiya ng pamahalaan na may-ari at siyang nagpapatakbo naman ng LRT 2.

 

 

 

“We will firm up a decision on whether it will package the concessions of the MRT 3 and LRT 2 by the end of the year,” wika ni Regino.

 

 

 

Sa ngayon ang DOTr ay naghahanap ng pribadong korporasyon na interesado upang magmintina at mamahala sa operasyon ng MRT 3 dahil ang nasabing rail line ay magkakaroon na ng turn-over sa pamahalaan ngayon 2025 mula sa Metro Rail Transit Corp. dahil tapos na ang build-lease-transfer na kontrata sa pagitan ng pamahalaan at MRTC. LASACMAR

Premyo, pabuya at regalo kay Carlos Yulo, wala nang buwis — BIR

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

WALA nang buwis na babayaran si two-time Olympic Gold Medalist Carlos Yulo para sa nakuha niyang premyo, awards, mga regalo o donasyon makaraan ang naging mahusay na performance nito sa nagdaang 2024 Paris Olympics.

 

 

 

Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. dahil sa karangalan na naibigay nito sa bansa ay exempted ito sa pagbabayad ng buwis sa pro­perties at pera na natanggap kaugnay nang nagdaang Olympics.

 

 

Nakasaad sa naamiendahang National Internal Revenue Code (NIRC), pinapayagan si Yulo na matanggap ang naturang mga gantimpala at pera nang walang babayarang buwis dito.

 

 

“The National Internal Revenue Code exempts Carlos Yulo from paying taxes for the prizes, awards, rewards, gifts, or donations he received. The BIR congratulates our two-time Olympic Gold Medalist for his performance in the 2024 Paris Olympics. You are an inspiration to the men and women of the BIR,”sabi ni Commissioner Lumagui .

 

 

Nakasaad sa Section 32(B)(7)(d) ng NIRC, ang lahat ng premyo at awards na naibigay sa mga atleta sa local at international sports tournaments gayundin ng mga competitions na ginawa sa Pilipinas at abroad at napangasiwaan ng kanilang national sports associations ay exempted mula sa income tax.

 

 

“ Therefore, all prizes, awards and rewards granted to Yulo by the Paris 2024 Organizing Committee as well as the Philippine Government pursuant to existing laws, such as, but not limited to, Republic Act (RA) No. 10699, or the “National Athletes and Coaches Be­nefits and Incentives Act”, are exempt from income tax. Section 32(B)(3) of the NIRC likewise categorically provides that the value of property acquired by gift, bequest, devise, or descent shall be excluded from gross income of the recipient and, therefore, exempt from income tax” nakasaad sa naamiendahang Tax Code.

2 pang Mpox cases naitala sa Metro Manila

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng dalawang bagong Mpox cases sa Metro Manila.

 

 

 

 

Ayon sa DOH, ang dalawang bagong kumpirmadong kaso ng Mpox ay parehong lalaki na nakitaan ng MPXV Clade II, na mas mild na uri ng Mpox virus.

 

 

“Transmission dynamics for the two new cases are consistent with earlier warnings: close and intimate, skin-to-skin contact,” anang DOH.

 

 

Nabatid na ang Mpox case 11 ay isang 37-anyos na lalaki na nakitaan ng mga sintomas ng sakit noong Agosto 20, kabilang na ng rashes sa mukha, braso, hita, thorax, palad at talampakan.

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon, hindi naman umano siya nagkaroon ng anumang exposure sa sinumang tao na may kahalintulad na sintomas ngunit inaming nagkaroon ng close, intimate at skin-to-skin contact, may 21-araw bago nagsimulang maglabasan ang mga sintomas ng sakit.

 

 

Kasalukuyan siyang naka-admit sa isang government hospital simula pa noong Agosto 22, kung saan kinuhaan siya ng skin sample, na siyang sinuri ng DOH Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

 

 

Samantala, ang Mpox case 12 naman ay isang 32-anyos na lalaki na ang sintomas ay nagsimulang maglabasan noon pang Agosto 14, kabilang na ang skin lesions sa kanyang groin area at lagnat.
Inamin ng pasyente na nagkaroon ng intimate at skin-to-skin contact sa isang sexual partner.

 

 

Una umano siyang nagpakonsulta sa isang outpatient clinic at sinabing bacterial infection lamang ang kanyang sakit ngunit matapos ang ilang araw, nagsimula na rin umano siyang magkaroon ng taghiyawat na parang lesions sa mukha, noo at anit.

 

 

Pinayuhan siyang magtungo sa isang DOH hospital kung saan siya kinuhanan ng skin sample noong Agosto 23 at pinayuhang manatili sa kanilang tahanan habang naghihintay pa ng resulta.

 

 

Ayon sa DOH, sa kasalukuyan ang total case count ng Mpox sa bansa ay nasa 12 na simula noong Hulyo 2022.

 

 

Ang siyam umano sa mga pasyente ay nakarekober na sa karamdaman noon pang 2023 habang ang tatlong aktibong kaso ay mayroon pa ring mga sintomas at hinihintay pang guma­ling.

 

 

Tiniyak din naman ng DOH na naimpormahan na nila ang mga local government units (LGUs) kung saan naninirahan ang Mpox cases 11 at 12. Sila umano ang may kapangyarihan at awtoridad upang maghayag ng mas detalyadong impormasyon at response action hinggil dito. (Daris Jose)