• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 28th, 2024

Mga lider ng iba’t ibang partido pulitikal suportado paghahanap ng PNP sa wanted na si Pastor Quiboloy

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

NAGSAMA-sama ang lider ng iba’t ibang partidong pampulitika sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas upang suportahan ang Philippine National Police (PNP) asa ginagawa nitong paghahanap sa wanted na si Pastor Apollo Quiboloy at kanyang mga kapwa akusado.

 

 

Ang alyansa, na binubuo ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), at National Unity Party (NUP) ay lumagda sa isang joint statement upang ipahayag ang kanilang suporta sa PNP na magawa nito ang kaniolang legal na tungkulin.

 

 

Ang pahayag ay nilagdaan nina Special Assistant to the President, Secretary Antonio Ernesto Lagdameo Jr., Executive vice president ng PFP; Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD; dating Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno, chairman ng NUP; dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, pangulo ng NPC; at Misamis Oriental 2nd District Rep. Yevgeny Vincente B. Emano, national director ng NP.

 

 

Iginiit ng mga lider ang kahalagahan ng pambansang pagkakaisa, at pagpapanatili ng kaayusan, at pagrespeto sa karapatan ng bawat indibidwal.

 

 

Inilabas ng Alyansa ang pahayag sa gitna ng umiinit na tensyon sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City na pinasok ng mga pulis upang maisilbi ang warrant of arrest kay Quiboloy.

 

 

Si Quiboloy at kanyang mga kapwa akusado ay nahaharap sa kasong sexual abuse, child abuse, at qualified human trafficking.

 

 

Ang pahayag ng mga lider ng iba’t ibang partidong pampulitika ay isa umanong panawagan para sa lahat na suportahan ang PNP at magtiwala sa legal na proseso upang maiharap si Quiboloy sa hustisya at pag-giit sa pangako ng koalisyon ng administrasyon na pangibabawin ang batas at mapanatili ang pambansang seguridad.

 

 

Kamakailan ay nagpulong ang mga lider ng iba’t ibang partidong pampulitika upang bumuo ng isang estratehiya para sa paparating na midterm elections. (Daris Jose)

‘Heartbeat’ ni Quiboloy na-detect sa underground bunker ng KOJC

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

TIWALA ang Philippine National Police (PNP) na bilang na ang araw ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy na pinaniniwalaang nagtatago sa underground bunker ng KOJC Compound matapos na ma-detect ang ‘heartbeat’ nito.

 

 

 

Ayon kay PNP Region XI spokesperson Catherine Dela Rey, na-detect ang heartbeat ni Quiboloy matapos na gamitin ng PNP ang kanilang ground-penetrating radar sa underground bunker na nasa KOJC compound. Sa ngayon aniya, hinahanap nila ang pasukan ng bunker.

 

 

“As of now, what we’re really looking for is the entrance to the bunker because the life detection device we used has positively detected heartbeats underground,” ani Dela Rey.

 

 

Sa katunayan umano maraming heartbeats ang na-detect sa bunker na indikasyon na posibleng nasa ilalim ng lupa nagtatago si Quiboloy.

 

 

Nabatid na ang ground penetrating radar ay naglilikha ng imahe sa pamamagitan ng radar pulses. Natutukoy din nito ang heartbeats, kilos at heat signature.

 

 

Samantala, tatlong protesters ang dinakip bunsod ng ginawang pagharang at pananakit sa mga pulis.

 

 

Pitong pulis ang nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos kuyugin ng mga miyembro ng KOJC nang sumiklab ang tensiyon sa isinagawang prayer at lightning rally kamakalawa ng kagabi sa harapan ng compound.

 

 

Subalit imbes na kandila ang sindihan ay nagsunog na ng gulong ng sasakyan ang mga ito at humarang na sa gitna ng kalsada dahilan upang awatin ng mga pulis at doon na nagsimula ang kaguluhan.

 

 

Nahaharap ang tatlo sa kasong obstruction of justice at direct assault. (Daris Jose)

 

Mga masisibak sa pagpapatakas kay Alice Guo, ‘no scared cows’- PBBM

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

“THERE are no sacred cows.”

 

 

 

 

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang ambush interview matapos pangunahan ang Oath-Taking Ceremony para sa mga newly elected officers ng National Press Club (NPC), Kapisanan ng mga Broadcasters ng Pilipinas (KBP) Malacañang Press Corps (MPC), Presidential PhotoJournalists Association (PPA) at Malacañang Cameraman Association (MCA) sa Heroes’ Hall, Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Agosto 27.

 

 

Tinanong kasi ang Pangulo ukol sa isyu kung may masisibak sa puwesto na responsable sa paglabas sa bansa nang sinibak sa puwesto na si Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

 

 

“Well let’s not… That’s the last part of this, how far, how deep does this go. Isa lang ba ang tao na involved, o marami sila, o sindikato ito, that’s what we are doing,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Oh yes, definitely. So DOJ was just with the secretary earlier today. He’s almost finished with a very thorough investigation, we will identify all of those who have, all of those who are involved in this, and we will act very quickly,” aniya pa rin.

 

 

“Very very good idea. I have a very good idea,” kung nasa Bureau of Immigration ba ang masisibak sa puwesto.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na malalantad ang mga salarin at nagtaksil sa tiwala ng mga tao at tumulong sa paglipad ni Guo.

 

 

Isang full-scale investigation aniya ang isinasagawa at lahat ng responsable ay mananagot sa batas.

 

 

“We will expose the culprits who have betrayed the people’s trust and aided in her flight. A full-scale investigation is already underway, and those responsible will be suspended and will be held accountable to the fullest extent of the law,” ani Marcos.

 

 

Idinagdag ng Pangulo na walang puwang sa gobyerno ang sinumang inuuna ang personal na interes kaysa sa pagli­lingkod sa sambayanang Pilipino ng may dangal, integridad at katarungan.

 

 

Una rito, iniutos ni ­Executive Secretary Lucas Bersamin ang kanselasyon ng Philippine passport ni Guo matapos isiwalat ni Sen. Risa Hontiveros na nakalabas na ng Pilipinas si Guo noong Hulyo 18 patungong Kuala Lumpur, Malaysia at ngayo’y nasa Indonesia na. (Daris Jose)

Presidential envoy nagpaliwanag: Picture ni Cassandra Li Ong kasama ang First Couple

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITINANGGI ng presidential special envoy to China ang ‘malapit na ugnayan’ sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at Cassandra Li Ong, na iniuugay sa illegal POGO hub sa Porac, Pampanga.
Ang pagpapabula ni Presidential special envoy to China for Trade, Tourism and Investment Benito Techico ay matapos na ipalabas ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Ong ang group photo na nagpapakita na ang First Couple kasama si Techico at Ong at sinasabing POGO owner sa Porac, Pampanga.
Ayon kay Techico, ang ‘photo’ ay authentic, subalit ang kuwento ni Topacio ay hindi totoo.
Winika pa ni Techico na ang larawan ay kuha sa Pasay City restaurant noong November 2020, bago pa mahalal si Pangulong Marcos bilang Pangulo ng bansa.
Noong panahon na aniya na iyon ay mayroong humiling na magpakuha sa Pangulo subalit wala aniya siyang ideya kung sino ang mga ito.
“After dinner, may pinakilala ‘yung restaurant owner na hindi rin naman namin alam kung sino. May mga kasama siya, pumasok na Chinese, at humingi ng litrato sa ating Presidente [around] 2020. Ang ating Presidente naman ay pinayagan naman po, the typical na nagpa-papicture. Ganon lang kasimple. After that lumabas na po [sila],” ayon kay Techico.
Sinabi nito na doon lamang niya natuklasan na ang larawan ay kuha kasama ang Marcos couple nang maisapubliko ito ni Topacio sa press conference.
Sinabi ni Techico na hindi niya nagawang kausapin si Pangulong Marcos ukol sa naturang larawan.
Sa kabilang dako, sinabi ni Topacio na ang di umano’y larawan na nakuha niya mula sa internet, ay maaaring makapagpaliwanag kung bakit dumami ang illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa panahon ng administrasyong Marcos.
Si Ong ay awtorisadong kinatawan ng Lucky South 99, isang POGO hub na sinalakay sa Porac, Pampanga. Inaresto ito noong nakaraang linggo sa Indonesia noong nakaraang linggo at dinala sa Pilipinas kasama si Shiela Guo, kapatid ng dinismis na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na iniuugnay sa illegal POGO operations.
Sina Ong ay inilipat sa Mababang Kapulungan ng Kongreso habang si Shiela Guo naman ay inilipat sa Senado mula sa National Bureau of Investigation (NBI), na siyang kustodiya ng mga ito nang dumating sa bansa. (Daris Jose)

Paglabag daw sa human rights ang pagpasok ng 2,000 pulis sa compound ng KOJC, “I don’t think so.”- PBBM

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

“I DON’T THINK SO.”

 

 

 

ITO ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang ambush interview matapos pangunahan ang Oath-Taking Ceremony para sa mga newly elected officers ng National Press Club (NPC), Kapisanan ng mga Broadcasters ng Pilipinas (KBP) Malacañang Press Corps (MPC), Presidential PhotoJournalists Association (PPA) at Malacañang Cameraman Association (MCA) sa Heroes’ Hall, Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Agosto 27 nang tanungin kung may nangyaring paglabag sa karapatang pantao nang pumasok ang 2,000 pulis sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound para hanapin si Pastor Apollo Quiboloy.

 

 

“The reason we did this was so that we can contain the peace. The only way to maintain the peace is to make sure that the area is safe and is secure,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Kinonsidera rin ng Pangulo ang 30-hectare compound kung saan kailangan talaga ng maraming tao. Hindi aniya puwedeng gawin ito ng isang dosenang pulis lamang.

 

 

“Hindi na bale ‘yung lumalaban o nagre-resist, nanghaharang. Di na bale muna ‘yon, para lang ‘yung pag-inspeksyon ng 30 hectares kailangan mo na agad ng maraming tao. So I do not see. I think what they’re talking about, political na ‘yan,” ayon pa rin sa Pangulo.

 

 

Bukod dito, binigyang diin ng Pangulo na lahat ng pumasok na pulis sa compound ay hindi armado at walang baril kahit isa.

 

 

Hindi rin aniya gumamit ng tear gas ang mga pulis.

 

 

“Wala kaming ginawang ganoon. So anong human rights violation. Marami lang. Kung kokonti, mas marami pang nasaktan na supporters ng KOJC, maraming nasaktan na pulis dahil manlalaban. Kung marami tapos agad ang problema, so that’s what we’ve done,” ang sinabi ng Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, hindi aniya niya maintindihan kung bakit dinadamay ni Quiboloy ang mga tauhan nito.

 

 

“Kasi sinasabak niya mga tauhan niya eh wala namang kasalanan mga ‘yan, they just believe, they are looking for an answer, a value system and they think they have found it with Quiboloy, but they did not sign up to be in the frontline of this kind of thing that’s happening now, that they’ll protect him from arrest even when he has case was filed against him not only here in PH but also in the US,” litaniya nito.

 

 

“I suppose I can understand their disagreement with us, even anger, but all the police are doing is enforcing the warrant of arrest against Apollo Quiboloy,” aniya pa rin. (Daris Jose)

 

Ads August 28, 2024

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments