• October 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 3rd, 2024

NCR finance managers, sinanay para sa transparent, efficient fund use- DBM

Posted on: October 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IBINAHAGI ng Department of Budget and Management (DBM) na ginawa nitong mahusay ang 255 public financial management (PFM) practitioners, kabilang na ang mga budget officers, auditors, at finance officers mula local government units (LGUs) ng Kalakhang Maynila upang masiguro ang ‘responsable, transparent at episyenteng’ paggamit ng public funds.

 

 

Sinabi ng DBM na ang capacity building training session na idinaos mula Sept. 15 hanggang 17 sa Taguig City ay alinsunod sa Public Financial Management Competency Program (PFMCP) ng departamento.

 

 

“Our ultimate goal in PFMCP is to promote good governance, financial accountability, and effective resource management in your respective localities,” ang sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.

 

 

Aniya pa, ang capacitating local financial officers ay isa sa mahalagang sangkap ng PFM Reforms Roadmap 2024-2028, itinuturing na blueprint para gawing makabago at modernisado ang PFM landscape ng bansa.

 

 

Sinabi pa ng Kalihim na “its PFMCP for LGUs covered sessions on: Maintaining PFM Understanding, Principles of Internal Controls and Internal Audit, Relationship Management, Budget Preparation, Budget Authorization and Review, Budget Execution and Accountability, Procurement, and the Procurement Service.”

 

 

Layon ng programa ay “to equip local financial managers with knowledge and skills to help them manage resources effectively and efficiently, particularly their respective shares in the national tax allotment.”

 

 

Sa kabilang dako, inilabas na ng departamento ang “Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P10 billion para pondohan ang mga proyekto sa ilalim ng Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program (RAFPMP).

 

 

Ang pinakabagong funding tranche, SARO-BMB-D-24-0015786, ay inilabas, ng alas-5 ng hapon, ng Setyembre 27, 2024.

 

 

Ang pondo ay ipinadala sa Department of National Defense.

 

 

Ang pondong ito ay gagamitin “to cover the funding requirement” ng iba’t ibang proyekto sa ilalim ng Annex A ng RAFPMP.

 

 

Wala namang karagdagan at akmang detalye na ibinigay sa katangian ng modernization projects para sa security reasons.

 

 

Gayunman, sinabi sa ulat na ang mga pondong ito ay malamang na gamitin para palakasin ang ‘cyber defense at communications capability’ ng AFP. (Daris Jose)

Chinese national na wanted ng trafficking, nasabwat sa NAIA

Posted on: October 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese man na wanted para ipa-deport ng ahensiya dahil sa pagkakasangkot sa human trafficking at prostitution.

 

 

 

Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang nasabat na si Du Shuizhong, 51, sa NAIA terminal 1 habang papasakay ng Air China flight patungong Chengdu, China.

 

 

Si Du ay hindi pinayagang makalabas ng bansa at inaresto at dinala sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

 

 

Sinabi ni Viado, na pababalikin lamang si Du sa China alinsunod sa deportation order na inisyu ng BI board of commissioners laban sa kanya dahil sa pagiging undesirable alien.

 

 

Ilalagay din siya sa blacklist at pagbabawalan na siyang muling makapasok ng bansa.

 

 

Base sa datos, si Du ay dati nang kinasuhan ng Bi dahil sa pagiging undocumented at pagiging undesirability matapos itng nasangkot sa prostitution at labor exploitation.

 

 

Mananatili siya sa BI facility hanggang sa implementasyon ng kanyang deportasyon. GENE ADSUARA

Statement ni Tiangco, campaign manager ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas

Posted on: October 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS ng pahayag si Navotas Congressman Toby Tiangco na tumatayo bilang campaign manager ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas hinggil sa naging pasiya ni Senator Imee Marcos na magsarili sa muling pagtakbo bilang Senador sa Mayo 2025 election.

 

 

“Malaki ang respeto at paghanga natin kay Sen. Imee Marcos, lalo na sa kanyang mga adbokasiya at track record sa serbisyo publiko. Naniniwala ang Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa kakayahan niyang maglingkod nang tapat sa mga Pilipino,” pahayag ni Cong. Tiangco.

 

 

“Patuloy na susuporta ang Alyansa kay Sen. Imee para sa tagumpay ng legislative agenda ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. para sa kaunlarang walang maiiwan at para sa magandang kinabukasan nating lahat,” dagdag pa niya.

 

 

Sa naunang pahayag ni Sen. Imee Marcos, nagpasalamat siya sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagkakataong mapabilang siya hanay ng mga tatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ng administrasyon bagama’t mas pinili aniya niya na tumayong mag-isa upang hindi makaragdag sa mahirap na kalagayan ang kanyang nakababatang kapatid.

 

 

Pinasalamatan din ng Senador ang kanyang kapatid sa patuloy na pagtatanggol sa kanya sa kabila ng galit at matinding kalupitan ng iilan. (Richard Mesa)

 

Matandang dalaga tiklo sa P204K droga sa Valenzuela

Posted on: October 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM sa 44-anyos na dalaga ang mahigit P.2 milyong halaga ng shabu matapos siyang maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas “Janice”, 44, ng Balintawak, Quezon City.

 

 

Ayon kay Col. Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado hinggil sa umano’y pagbibenta ng iligal na droga ng suspek.

 

 

 

Nang magawang makipag-transaksyon ng SDEU sa suspek ay agad ikinasa nila ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave kung saan nakapagsunduan umano nila na sa 3rd St., Brgy. Marulas gaganapin ang kanilang transaksyon.

 

 

 

Nang tanggapin umano ng suspek ang P7,000 marked money na kinabibilangan ng isang 500 bill at 13-pirasong P500 boodle boodle money, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakip ng mga operatiba dakong alas-9:55 ng umaga.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000, buy bust money, P200 recovered money at coin purse.

 

 

 

Ani PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Caloocan LGU, pinalakas ang partnership sa local cooperatives

Posted on: October 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamamagitan ng Cooperative Development and Coordinating Division (CDCD), ang pagdiriwang ng taunang Cooperative Month ngayong Oktubre na may iba’t ibang aktibidad na nakahanay upang kilalanin ang mga kontribusyon ng mga kooperatiba sa paglago ng ekonomiya ng lungsod, tulungan sila sa mga kinakailangan para sa pagpaparehistro sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, at pagbutihin pa ang kanilan mga kakayahan sa pamamahala at pananalapi.

 

 

 

Sinimulan ang mga aktibidad sa Motorcade, Salu-salo, at Coop Singing Content na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga rehistradong kooperatiba ng lungsod, habang ang Mandatory Trainings at ang Recognition of Top Performing Cooperatives ay gaganapin sa mga susunod na linggo.

 

 

Pinuri ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang lahat ng miyembro at opisyal ng mga lokal na kooperatiba na nakilahok sa mga inisyal na aktibidad ng CDCD at iba pang mga programa upang matiyak na ang bawat kooperatiba ay magiging kapaki-pakinabang sa kani-kanilang mga miyembro at komunidad.

 

 

“Maraming-maraming salamat po sa CDCD at sa lahat ng mga bumubuo ng mga kooperatiba sa ating lungsod. Para sa inyo po ang mga programang nakalatag ngayong Coop Month at titiyakin natin na matutulungan kayo ng pamahalaang lungsod sa inyong mga pangangailangan,” ani Mayor Along.

 

 

“Batid ko po na mayroong mga maliliit at mga nagsisimula pa lamang na kooperatiba sa ating lungsod, kaya naman po patuloy pa nating palalakasin ang ating mga programa upang matutukan natin ang paglago ng inyong mga samahan,” dagdag niya.

 

 

Hinikayat din niya ang pangkalahatang publiko na suportahan ang mga lokal na kooperatiba sa kanilang mga pagsisikap. (Richard Mesa)

42 partylist, delisted sa 2025 Midterm Elections – Comelec

Posted on: October 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INALIS ng Commission on Elections (Comelec) ang 42 partylist groups dahil sa kabiguang manalo sa nakalipas na mga halalan at ang iba naman ay dahil sa hindi paglahok sa nakalipas na eleksyon.

 

 

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, bahagi ito ng paglilinis nila sa listahan na bahagi ng kanilang obligasyon sa ilalim ng batas.

 

Narito ang mga hindi nakasali sa magkasunod na halalan:

 

1. 1-ABAA – 1-Ako Babaeng Astig Aasenso

 

2. ABYAN ILONGGO – Abyan Ilonggo (AI)

 

3. AKIN – Akbay Kalusugan Inc.

 

4. ALON – Adhikaing Alay Ng Marino Sa Sambayanan, Inc.

 

5. AMANA – Aksyon Ng Mamamayang Nagkakaisa

 

6. ANG PDR – Ang Partido Demokratiko Rural

 

7. CLASE – Central Luzon Alliance for Socialized Education

 

8. KGB – Katipunan ng mga Guardians Brotherhood, Inc

 

9. MELCHORA – Movement of Women For Change And Reform

 

10. NACTODAP – National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines

 

11. PDDS – Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan

 

Habang ang 31 naman ay hindi nakakuha ng kahit dalawang porsyento ng boto para sa partylist system kaya walang nakuhang upuan sa Kongreso sa magkasunod na halalan.

 

1. 1-CARE – 1st Consumers Alliance for Rural Energy, Inc.

 

2. ABEKA – Abe Kapampangan

 

3. ACTS-OFW – Acts Overseas Filipino Workers Coalition of Organization

 

4. AKO BISDAK – Ako Bisdak-Bisayang Dako (AB-BD), Inc.

 

5. АКМА-РТМ – Aksyon Magsasaka-Partido Tinig Ng Masa

 

6. AP PARTYLIST (formerly 1-APTO) – Alliance of Public Transport Organization, Inc.

 

7. ANAKPAWIS – Anakpawis

 

8. ANG KABUHAYAN – Ang Kabuhayan

 

9. ALIF – Ang Laban ng Indiginong Filipino

 

10. ANAC-IP – Ang National Coalition of Indigenous Peoples Action Na! Inc.

 

11. ANGKLA – Angkla: Ang Partido Ng Mga Pilipinong Marino, Inc.

 

12. ABS – Arts Business and Science

 

13. AASENSO – Ating Agapay Sentrong Samahan

 

14. ABANTE PILIPINAS – Avid Builders of Active Nation’s Citizenry Towards Empowered Philippines

 

15. BUTIL – Butil Farmers Party

 

16. KABALIKAT – Kabalikat ng Hustisiya ng Nagkakaisang Manileño (formerly Kabalikat ng Nagkakaisang Manileño)

 

17. MAYPAGASA – Kilusang MayPagasa

 

18. KOOP-KAMPI – Kooperatiba-Kapisanan ng Magsasaka ng Pilipinas

 

19. AYUDA SANDUGO – Mindoro Sandugo Para Sa Kaunlaran, Inc. (formerly Partido Sandugo)

 

20. KONTRA BROWNOUT – National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc.

 

21. MARVELOUS TAYO – Noble Advancement of Marvelous People of the Philippines, Inc.

 

22. 1 UTAP BICOL – One Unified Transport Alliance of the Philippines – Bicol Region

 

23. PTA – Parents Teachers Alliance

 

24. PLM – Partido Lakas ng Masa

 

25. PEACE – Philippine Educators Alliance For Community Empowerment

 

26. PRAI – Philippine National Police Retirees Association, Inc.

 

27. PPP – Pilipinas Para sa Pinoy

 

28. BUKLOD FILIPINO – Pinagbuklod na Filipino Para sa Bayan

 

29. 1-ANG EDUKASYON – Una Ang Edukasyon

 

30. WOW PILIPINAS – Wow Pilipinas Movement

 

31. YACAP – You Against Corruption and Poverty

 

 

(Daris Jose)

COC filing larga na, libong pulis ikakalat

Posted on: October 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KASADO na ang pag­hahanda ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa seguridad sa mga lugar na pagdadausan ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kakandidato sa 2025 national at local elections, na magsisimula, Oct 1.

 

 

Sinabi ni NCRPO Director, P/Major General Jose Melencio Nartatez Jr. na may 1,389 tauhan ng NCRPO ang ipapakalat upang mapahusay ang police visibility sa lahat ng itinalagang lokasyon sa paghahain ng COC, kabilang ang mga tanggapan ng Comelec at iba pang pangunahing lugar.

 

 

Inatasan din ni Nartatez ang mga district director na tiyaking may sapat na tauhan na nakatalaga upang pamahalaan ang crowd control, at daloy ng trapiko at magbigay ng tulong sa pamamagitan ng mga help desk para sa mga kandidato at publiko.

 

 

Tuluy-tuloy din ang pakikipag-ugnayan ng NCRPO sa Commission on Elections (Comelec), local government units, at iba pang pangunahing stakeholder para matiyak ang maayos na proseso sa rehiyon sa filing ng COC sa loob ng Oktubre 1-8, ani Nartatez.

 

 

Tiniyak ng Team NCRPO sa publiko ang kanilang kahandaan na panatilihin ang kapayapaan at seguridad sa buong panahong ito. Ang mga pagpupulong ng koordinasyon sa iba’t ibang ahensya at stakeholder ay nagpapatuloy upang matugunan ang mga posibleng hamon at matiyak ang mabilis na pagtugon sa mga umuusbong na sitwasyon.

 

 

Umapela rin si Nartatez sa publiko na ma­kipagtulungan sa mga awtoridad at igalang ang mga alituntunin at regulasyon na itinakda ng Comelec.

 

 

 

“Let us all work together to make this crucial step in our democratic process peaceful and orderly,” aniya pa.

Mayor Along naghain na ng COC

Posted on: October 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si incumbent Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan para sa muli niyang pagtakbo sa halalan bilang alkalde ng Lungsod ng Caloocan na ginanap sa SM Grand Central.

 

 

Kasama ni Mayor Along ang kanyang asawang si Aubrey, ang kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang ama na si Congressman Oscar “Oca” Malapitan, ang Team Aksyon at Malasakit slate, at mga tagasuporta.

 

 

Naghain din ng kani-kanilang COC sina Vice Mayor Karina Teh at Team Aksyon at Malasakit District 2 councilors.

 

 

“Nagpapasalamat po ako sa pagbuhos ng suporta sa akin at sa aking buong team mula noong aming proclamation rally. I’m overwhelmed with the massive support from Batang Kankaloos,” pahayag ni Mayor Along. (Richard Mesa)

DHSUD, binuhay ang Luzon shelter clusters para sa bagyong ‘Julian’

Posted on: October 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINUHAY ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang shelter clusters nito sa Luzon para matiyak ang tulong para sa mga pamilyang apektado ng matinding Tropical Storm Julian.

 

Sa katunayan, ipinag-utos ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang pagpapalabas ng isang memorandum sa Regional Offices sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, at Cordillera Administrative Region, kautusan na buhayin ang kanilang shelter clusters.

 

“Dapat lagi tayong pro-active para maibigay natin ang tulong kung kailan ito kailangan ng ating mga kababayan,” ang sinabi ni Acuzar.

 

Inatasan naman ang mga concerned regional directors na i- monitor ang kani-kanilang hurisdiksyon at bilisan ang emergency response at humanitarian assistance sa ilalim ng memorandum.
Inatasan din ang mga ito na magsumite ng daily situational reports para tiyakin ang napapanahon at akmang aksyon.

 

Ang hakbang ay alinsunod sa National Disaster Risk Reduction and Management Council’s Memorandum 244, s. 2024, “which calls for activation and/or placing on standby of response clusters due to Julian.”

 

Sa kabilang dako, inaprubahan na ng DHSUD ang mahigit sa P30 million na tulong para sa mga biktima ng bagyong Carina at sunog sa Bacoor City, Cavite, at iba pang bahagi ng bansa.

 

May ilang biktima ang nakatanggap na ng cash assistance mula sa Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) ng DHSUD.

 

Layon ng programa na magbigay ng cash assistance na nagkakahalaga ng P3,000 para sa mga ‘totally damaged houses’ dahil sa kalamidad, man-made o natural, at P10,000 para sa may ‘partially damaged houses.’ (Daris Jose)

Tukoy na: Mental health issues dahilan ng pag-drop out ng mas maraming college students

Posted on: October 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MENTAL health issues ang itinuturong dahilan ng pag-drop out ng mga college students kaysa sa academic difficulty.

 

Ito ang isiniwalat ni Commission on Higher Education Chairperson Propero “Popoy” de Vera sa pagdinig na ginawa ng Senate finance subcommittee hinggil sa panukalang P31.6 billion budget para sa taong 2025 ng CHED.

 

Inurirat kasi ni Senator Joel Villanueva ang “alarming number” ng mga college students na nag-drop out sa mga nakalipas na taon.

 

Ipinakita ni Villanueva ang data ng attrition rate noong 2021 kung saan mayroon itong 40.6% habang 39.2 naman noong 2022.

 

Para sa Class 2022, tinukoy ni Villanueva, ang data ng CHED na nagpapakita na 7 mula sa 17 rehiyon sa bansa ay mayroong mahigit na 50% attrition rate, ang pinakamataas na naitala ay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na may 93.4%.

 

Sinabi ni De Vera na ang data mula 2021, 2022 at 2023 ay “little different” dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Subalit matapos ang pandemya, ang pinakabago aniyang attrition rate ay “high 20s” na aniya ay “actually comparable with other countries in the region and the world.”

 

Sa kabilang dako, ang mga estudyante na huminto sa kanilang pag-aaral ay may mga dahilan na:

 

-Hirap sa pinansiyal kabilang na ang gastos sa transportasyon, pagkain, internet at graduation fees.

 

-Family problem

 

-Relocation

 

-Mental health concerns

 

-Academic difficulty

 

“There’s an emerging reason which is medical mental health concerns that we did not expect this previously [and] it’s coming out [now] and then panglima lang ‘yung [ranked fifth is] academic difficulty,” ang sinabi ni De Vera.

 

“Mental health concern is higher reason for stopping than academic difficulty. It is not really because they are having difficulty studying, but their mental health has really been affected,” aniya pa rin.

 

Sa kasalukuyan ani De Vera ay nagpapatuloy ang CHED ng dalawang proyekto na may kaugnayan sa mental health.

 

“We are working with Miriam College to roll out the training of guidance counselors in schools and also the support staff on how to identify mental health concerns and we have a project with Unilab because they have a tool kit already on mental health which we are rolling out to schools,” anito.

 

At nang tanungin ang ratio ng guidance counselors sa mga estudyante, sinabi ni De Vera na “it is not very good” subalit ang kanilang bilang ay “better” kumpara sa ‘basic at secondary education.’

 

Kaya nga umapela si De Vera sa mga senador na amiyendahan ang bagong batas na nagre-require ng master degree bago pa makakuha ng licensure examination ang isang prospective guidance counselor.

 

Maliban dito, sinabi pa ni De Vera na mayroong mas kaunti na guidance counselors sa higher education dahil sa oras na makakuha na sila ng posisyon, “there will be no more career progression.”

 

“What is happening is that the people who have guidance counselor degrees, they start off as guidance counselors and then they move to become faculty members…then they can get promoted as professors from assistant to full[-time]. They stop becoming guidance counselors because they are now regular faculty members,” ang sinabi ni De Vera.

 

“What [state universities and colleges] do is they deload these people and make them part-time guidance counselors. SUCs are trying to find imaginative ways of continuing guidance counseling but the salary grade is quite low and the career progression is basically non-existent because it’s an administrative position. So aalis ang guidance counselor,” aniya pa rin. (Daris Jose)