• October 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 24th, 2024

Malakanyang, kinondena ang barbaric attack sa broadcast journalist na si Ma. Vilma Rodriguez

Posted on: October 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINONDENA ng Malakanyang ang barbaric attack sa local broadcast journalist na si Ma. Vilma Rodriguez.

 

“These kinds of vile and atrocious acts have no place in our nation, which values freedom, democracy, and the rule of law above all,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cesar Chavez sa isang kalatas.

 

Nanawagan naman ang Malakanyang sa mga awtoridad na magsagawa ng ‘swift at impartial probe’ sa nasabing malagim na pangyayari.

 

“No stone should be left unturned in the pursuit of those culpable,” ang sinabi ni Chavez.

 

Nakiisa naman ang Malakanyang sa mga naulila ni Rodriguez, 56 ng EMedia Productions Network, Inc., sa pagdadalamhati ng mga ito sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.

 

Inatasan naman ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na magbigay ng ganap na suporta sa panahon ng kanilang paghihirap.

 

“We assure them, as well, of our commitment to pursuing truth and justice for Ms. Rodriguez,” ang sinabi ni Chavez.

 

Sa ulat, sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing nakaupo si Rodriguez sa loob ng kanyang tindahan kasama ang kanyang ina, kapatid na babae, pamangkin nang biglang sumulpot ang suspek at makailang ulit na binaril ang biktima, dakong alas-8:45 ng gabi, araw ng Martes sa Comet Street, Barangay Tumaga.

 

“The investigation disclosed that the circumstances leading to this incident are not related to the victim’s work as a member of the media,” ang sinabi ni Colonel Kimberly Molitas, city police director ng Zamboanga City.

 

“We express our condolences to the family of the victim,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Pagbabawas sa bilang PNP generals, irerekomenda ng DILG

Posted on: October 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IREREKOMENDA ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tapyasan ang bilang ng mga police generals mula sa mahigit na 130 ay maging 25 na lamang.

 

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ang pagbabawas sa bilang ng ‘top-heavy” police organization ay kabilang sa prayoridad ng kanyang liderato sa DILG.

 

”That’s my plan… It’s still a plan, that’s one of my recommendations, to flatten the organization,” ang sinabi ni Remulla.

 

”There are a lot of generals without commands. Mayroon tayong APC, area police commands, na wala naman tao sa ilalim nila. So marami tayong lugar na redundancies na kailangan i-trim down.

 

It’s a 32-year-old law na kailangan bisitahin ulit,” aniya pa rin.

 

Nauna rito, nanawagan si PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga mambabatas na maamyendahan ang Republic Act 6975 o ang batas na nagtatag sa Philippine National Police noong 1991.

 

Binigyan-diin ni Gen. Marbil ang pangangailangan na muling suriin at i-restructure ang PNP upang magkaroon ng mas “streamlined structure” para sa mas mabilis na paggawa ng desisyon, lalo na sa mga emergencies.

 

Ayon sa kanya, ang kasalukuyan hierarchical system ang madalas na nagpapabagal sa kanilang desisyon partikular sa mga kritikal na sitwasyon.

 

Kapag na-decentralize ang PNP , magbibigay ito ng kapangyarihan sa mga mababang ranggong opisyal na gumawa ng “localized decisions” na inaasahang magpapabilis sa kanilang operational efficiency at makakatulong sa pag-iwas sa delays.

 

 

Kinakailangan din aniyang masolusyunan ang kakulangan ng bilang sa kanilang hanay.

 

Noong itatag ang PNP, mayroon lamang itong150,000 na tauhan , na hindi na sapat upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan para sa kaligtasan ng publiko at pag-iwas sa krimen. (Daris Jose)

Pagpapaabot ng tulong sa mga stranded na pasahero dahil Bagyong Kristine pinatitiyak ni PBBM

Posted on: October 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pangunahan ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga pasaherong stranded sa mga pantalan, dahil sa Bagyong Kristine.

 

 

Sa situation briefing sa NDRRMC, iniulat sa pangulo na nasa 5, 329 ang mga pasahero na stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa, habang nasa 994 na sasakyan naman ang hindi maka-sampa sa RORO, dahil sa sama ng panahon.

 

 

Nagpasalamat ang pangulo sa pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA) sa inisyatibo na magbigay ng lugaw sa mga pasahero, na nagmula sa sarili nilang bulsa, ang gastos.

 

Gayunpaman, dapat aniya ay ang pamahalaan ang nangunguna sa pagtugon sa pangangailangan ng stranded, dahil sa sama ng panahon.

 

 

Kaugnay nito, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na una na rin silang bumaba sa mga pantalan upang alalayan ang ilang stranded passengers.

 

 

Habang mayroon na rin silang pakikipag-ugnayan sa DOST, para sa nalalapit na paglalabas ng ready to eat box, para sa mga mangangailangan. (Daris Jose)

Bagyong Kristine, umabot na sa kategoryang Severe Tropical Storm

Posted on: October 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUMAKAS pa ang bagyong Kristine at nasa kategoryang Severe Tropical Storm na ito.

 

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 175 km East of Echague, Isabela.

 

Ito ay may lakas ng hangin na umaabot sa 95 km/h malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 115 km/h.

 

Kumikilos si Kristine pa Northwestward sa bilis na 20 km/h.

 

Dahil dito, nakabandera na ang Tropical Cyclone Wind Signal No.3 sa lalawigan Isabela, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, the central portion of Abra , Benguet, Quirino, Nueva Vizcaya, northern and central portions of Aurora, the northern portion of Nueva Ecija, Pangasinan, La Union, and the central at southern portions of Ilocos Sur.

 

Asahan na ang malalakas na buhos ng ulan at malakas na hampas ng hangin.

 

Tropical Cyclone Wind Signal No 2 naman ang nakataas sa Ilocos Norte, the rest of Ilocos Sur, Apayao, the rest of Abra, Cagayan including Babuyan Islands, the rest of Aurora, the rest of Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Quezon including Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, and Catanduanes atangas, Occidental Mindoro including Lubang Islands, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Calamian Islands, Albay, Sorsogon, and Masbate including Ticao and Burias Islands,

 

Visayas

Aklan, Capiz, Antique including Caluya Islands, Iloilo, Guimaras, the northern portion of Negros Occidental , the northern portion of Negros Oriental , the northern and central portions of Cebu including Bantayan Islands and Camotes Islands, Bohol, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, and Southern Leyte

 

 

Mindanao

Dinagat Islands and Surigao del Norte including Siargao – Bucas Grande Group

 

 

Ngayong gabi o bukas ng umaga ay inaasahang maglalandfall ang bagyong Kristine sa lalawigan ng Isabela o Aurora .

 

Lalabas naman ito sa PAR sa araw ng Biyernes. (Daris Jose)

Ads October 24, 2024

Posted on: October 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments