• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Home Left Side Outline’ Category

GSIS, ikinasa na ang no-down-payment housing program

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
INILUNSAD na ng state-owned Government Service Insurance System (GSIS) ang bagong housing program na pinasadya para sa mga empleyado ng gobyerno na nagtatampok sa ‘zero down payment.’
Sa katunayan, inanunsyo ni Wick Veloso, GSIS president at general manager, araw ng Lunes, Hulyo 15, ang paglulunsad ng bagong programa, nagbibigay-daan sa mga ‘borrowers’ na pumili mula sa 2,000 GSIS-owned properties sa buong bansa.
Sa ilalim ng GSIS Pabahay program, maaaring makakuha ang isang manggagawa ng gobyerno ng isang property ng walang initial down payment. Sa halip, ang ‘eligible individuals’ ay maaaring makakuha ng mga property sa pamamagitan ng installment payments, gawing mas ‘accessible’ ang homeownership sa mga miyembro.
Winika pa ni Veloso na ang programa ay muling idinisenyo para mas maayos na ma-cater ang partikular na ‘housing needs’ ng kanilang miyembro.
“By eliminating the down payment requirement and offering a long-term installment plan, we are not just making homeownership more achievable for our members — we are providing an accessible and affordable housing program,” ayon kay Veloso.
“This combination of features is designed to open doors that were previously closed to many of our dedicated public servants,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, sa isinagawang GSIS stakeholders’ meeting sa Laoag, inanunsyo ng GSIS na ang bagong programa ay Nauna nang nakatanggap ng pagsang-ayon mula sa GSIS Board of Trustees.
Nagbigay ang Board ng ‘approval’ para sa updated guidelines, kung saan sa ngayon ay papayagan ang ‘current lessees to purchase their homes on an installment basis without any down payment.’
Ani Veloso, sinusuri naman nila ang karagdagang pagbabago para  i- enhance at ayusin ang Lease With Option to Buy (LWOB) program, gawin itong mas akma sa requirements ng mga miyembro nito.
Ang aplikante ay kailangan na aktibong GSIS members na mayroong ‘updated premium contributions, permanent employment status, mayroong minimum na tatlong taon ng serbisyo, at net take-home pay ng kahit papaaano ay P6,000 matapos ang loan deductions.’
“This program is about recognizing that those who dedicate their lives to serving our nation deserve a real shot at the Filipino dream. No more impossible cash requirements. No more deferred dreams. Just a clear path to a place they can finally call their own,”dagdag na wika pa ni Veloso. (Daris Jose)

Bigas, mas magiging mura ng P5 kada kilo na may tapyas sa taripa -Recto

Posted on: July 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IGINIIT ni Finance Secretary Ralph Recto na ang bagong polisiya ng gobyerno sa pagbabawas sa taripa sa imported rice ay maaaring makapagpababa sa retail price ng bigas ng P5 kada kilo.

 

 

“This, in turn, could ease inflation further,” ayon kay Recto.

 

 

Sa pagsasalita sa Economic Forum na inorganisa ng Economic Journalists Association of the Philippines at San Miguel Corp, sinabi ni Recto na layon ng Executive Order sa pagbabawas sa taripa imported rice ay tugunan ang kasalukuyang rice-driven inflation dahil sa tumataas na presyo sa global market.

 

 

“By slashing the tariff on imported rice from 35 percent to 15 percent, we anticipate an average of 10 percent reduction in retail prices for the rest of the year. This could lower the price of rice by at least P5 per kilo from an average of P54.40 per kilo last June, prices could go down to below P50 as early as August,” ang sinabi ni Recto.

 

 

Iniulat din nito na nito lamang nakaraang buwan ng Hunyo, “the rice accounted for 53.5 percent of the overall inflation for average consumers, while it is 79.6 percent for those in the bottom 30 percent of households.”

 

 

Gumaan naman ang Inflation noong Hunyo sa 3.7% sa loob ng 2 hanggang 4 na porsyentong target ng gobyerno.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona na ang presyo ng bigas ang dahilan ng inflation simula pa noong Agosto 2023.

 

 

Sinabi ni Remolona na noong 2022, ang pinakamalaking dahilan ng inflation ay enerhiya kabilang na ang ‘utilities and transport’ at matapos ang ilang buwan, ito naman ay dahil sa ‘food and non-alcoholic beverages hindi pa kasama ang bigas. Nang tumuntong na aniya ang buwan ng Agosto ng nakaraang taon, ang bigas na ang nag-take over’ sa dahilan ng inflation at sa kasalukuyan ay nananatiling nangunguna na dahilan ng inflation.

 

 

“The roles of the different components changed over time. That’s the nature of supply-driven inflation. This is why we think the non-monetary measures that the government has put in place are so helpful,” ayon kay Remolona.

 

 

Sa kabilang dako, Idinagdag naman ni Recto na ang bagong polisiya ay tugon ng pamahalaan sa tumataas na presyo ng bigas, naniniwala siya na walang TRO o temporary restraining order laban sa EO gaya ng nais ng ilang grupo.

 

 

“The EO will lead to revenue losses for the government amounting to P9.2 billion pesos for the rest of the year, but that the welfare of households is important,” ayon kay Recto.

 

 

“They have more to spend on other things. It’s like a wage increase, but not inflationary,” dagdag na wika ang Kalihim sa posibleng pagbabawas sa presyo ng bigas. (Daris Jose)

PBBM sa AFP, tiyakin ang mapayapang BARMM Parliamentary elections

Posted on: July 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Sulu na tiyakin na makapagdaraos ng mapayapang eleksyon para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament sa susunod na taon.

 

 

Kailangan na ang BARMM parliamentary elections ay mapayapa at ligtas, ang sinabi ng Pangulong Marcos sa 11th Infantry Division ng Philippine Army (PA) sa lalawigan.

 

 

“Kailangan natin magkaroon ng peaceful na election sa darating na halalan,”ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“Napakahalaga dahil kailangan nating masabi na nahalal itong mga members of the parliament, na nahala ito nang tama,” aniya pa rin.

 

 

Nanawagan din ang Pangulo sa AFP na siguraduhin na ang political exercise ay hindi magagambala ng terorismo at political violence.

 

 

“Walang terrorism, walang political violence. Basta’t minimized natin lahat ‘yan.”ayon sa Chief Executive.

 

 

Ito ang unang pagkakataon na magdaraos ang bansa ng parliamentary elections para sa BARMM. Ang halalan ay makakasabay ng midterm legislative elections sa May 12, 2025.

 

 

Sa kabilang dako, pinaalalahanan naman ni Pangulong Marcos ang mga uniformed personnel na ang eleksyon ay dapat na mapagtagumpayan sa kapayapaan.

 

 

“Let us not sit on our laurels kung baga. Let us not become complacent because these are challenges that we will have to manage,” ayon sa Pangulo sabay sabing “At alam naman natin na napakalahaga na maganda ang takbo ng halalan, maganda ang pagpatakbo ng BARMM pagakatapos ng halalan.”

 

 

Ang kapayapaan sa Mindanao ay prayoridad ng gobyerno, diing pahayag ng Pangulo.

 

 

“That is all in the interest of peace. We do this because we want peace to continue in this area, in the Southern Philippines. We do not want to see the kind of fighting that we saw many decades ago. Sulu is one of the provinces under BARMM, along with Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, and Tawi Tawi,” ang winika ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Bebot na nasa top 10 most wanted person ng Navotas, nalambat

Posted on: July 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG babae na nakatala bilang top 10 most wanted person ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

 

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong akusado na si alyas Ali, 24, at residente ng lungsod.

 

 

 

Ayon kay Col. Cortes, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng akusado kaya agad siyang bumuo ng team para sa isilbi ang warrant of arrest laban kay ‘Ali’.

 

 

 

Kasama ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section, agad ikinasa nina Col. Cortes ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-4:30 ng hapon sa Leongson Street Corner Cabrera Street Barangay San Roque.

 

 

 

Ani Col. Cortes, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ronald Q. Torrijos ng Regional Trial Court Branch 288, Navotas City na may petsang June 27, 2024, para sa paglabag sa Section 11, Article of R.A. 9165. (Richard Mesa)

4 drug suspects nalambat sa Malabon, Navotas buy bust

Posted on: June 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operarion sa Malabon at Navotas Cities.

 

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Dekdek, 41, (user/listed) ng Malabon at alyas Rex, 42 ng Caloocan City.

 

 

 

Sa ulat ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Col. Baybayan, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni ‘Rex’ kaya ikinasa nila ang buy bust operation sa suspek.

 

 

 

Nang tanggapin ni ‘Rex’ ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-4:20 ng madaling araw sa M.H Del Pilar St., Brgy. Tugatog, kasama ang kanyang parokyano na si ‘Dekdek’.

 

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 15.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P105,400.00 at buy bust money.

 

 

 

Sa Navotas, nabingwit naman ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez sa buy bust operation sa Luna St., Brgy. Bangkulasi, dakong alas-10:30 ng gabi sina alyas ‘Puroy’, 51 at alyas ‘Angel’, 32 matapos bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

 

Sinabi ni Capt. Sanchez kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nasamsam nila sa mga suspek ang may 4.97 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P33,796.00 at buy bust money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Blinken, tinalakay ang ginawa ng Tsina sa West Philippine Sea sa Philippine counterpart

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-USAPAN nina U.S. Secretary of State Antony Blinken at Philippine Foreign Secretary Enrique Manalo ang naging aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS), kapwa tinawag ng mga ito na “escalatory.”

 

 

Kinondena ng Britain, Canada at Estados Unidos ang naging hakbang ng Tsina, ang bagong coast guard rules pinapayagan ito na i-detain ang mag trespassers ng walang paglilitis na naging epektibo noong Hunyo 15.

 

 

Inangkin kasi ng Tsina ang halos buong WPS kabilang na ang Second Thomas Shoal, kung saan pinapanatili ng Pilipinas ang isang warship, ang Sierra Madre, nakasadsad simula pa noong 1999 para palakasin ang soberanya na may maliit na crew.

 

 

Sinasabing, naging maasim na ang relasyon sa pagitan ng Maynila at Beijing sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, dahil sa pagsuporta ng Estados Unidos sa Southeast Asian nation sa maritime disputes sa Tsina.

 

 

Naging tensyonado naman ang ugnayan ng Washington sa Beijing sa nakalipas na mga taon dahil sa mga usapin ng “Taiwan, trade tariffs, ang “pinagmulan” ng COVID-19 pandemic, giyera sa Ukraine, technology disputes at intellectual property, bukod sa iba pa.”

 

 

“Blinken and Manalo’s discussion “followed (China’s) dangerous and irresponsible actions to deny the Philippines from executing a lawful maritime operation in the South China Sea on June 17,” ang sinabi ng State Department sa isang kalatas matapos ang nasabing pag-uusap.

 

 

“Blinken emphasized that China’s actions “undermine regional peace and stability and underscored the United States’ ironclad commitments to the Philippines under our Mutual Defense Treaty,” ayon pa rin sa State Department.

 

 

Samantala, napaulat na may isang mandaragat ng Pilipinas ang dumanas ng ‘serious injury’ matapos ang naging paglalarawan ng militar bilang “intentional-high speed ramming” ng Chinese Coast Guard, layon na guluhin at gambalahin ang routine resupply mission noong Hunyo 17.

 

 

Sinabi pa ng Philippine military na dahil sa insidente ay nawasak ang vessels ng Maynila.

 

 

Pinabulaanan naman ng Coast Guard ng Tsina ang bagay na ito, ang dahilan nito ay “Manila’s vessel deliberately and dangerously approached a Chinese ship in an unprofessional manner, forcing it to take control measures, including “boarding inspections and forced evictions”. (Daris Jose)

Arrest order ng China simula na ngayon

Posted on: June 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng  Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuloy lamang sila sa kanilang  tungkulin sa kabila ng banta ng China na sisimulan na ngayon ang paghuli sa mga “trespassers” sa South China Sea at ilang lugar sa West Philippine Sea.

 

 

 

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad, tuluy-tuloy lang sila sa kanilang maritime patrol sa lugar na sakop ng Pilipinas.

 

 

 

Mananatiling matatag ang kanilang puwersa sa pagtatanggol at pagbibigay-proteksiyon sa karapatan ng bansa gayundin ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan sa WPS.

 

 

Sinabi ni Trinidad na ang anti-trespassing policy ng China na magsisimula ngayon ay pagbalewala sa international maritime rules and regulations.

 

 

Ani Trinidad, hindi magpapaapekto at matatakot ang Pilipinas sa mga banta at harassment ng China.

 

 

“The presence and actions of its vessels in our waters are illegal, coercive, aggressive and deceptive. We will not be deterred or intimidated,” ani Trinidad sa ABS-CBN News.

 

 

 

Sa ilalim ng regulasyon ng China, aarestuhin ang sinumang indibidwal na iligal na papasok sa kanilang katubigan at ikukulong ng 60 araw o sa loob ng dalawang buwan ng walang paglilitis.

 

 

 

Una nang sinabi ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na hindi nila papayagang arestuhin ng China ang sinumang Pilipino na papasok sa WPS.

 

 

 

Sa katunayan, dinagdagan na rin nila ang mga magpapatrolya sa WPS. Maging ang ibang bansa ay handang tumugon sa Pilipinas. (Daris Jose)

Chinese envoy dumalo sa Vin D’Honneur sa Malakanyang

Posted on: June 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DUMALO sa tradisyunal na Vin D’Honneur si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xi Lian ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Sa tuwing ipinagdiriwang ng bansa ang araw ng kalayaan, isinasagawa ang pagtitipon kung saan dumadalo dito ang mga opisyal ng pamahalaan at maging ang diplomatic corps community.

 

 

 

Makikitang nagkaroon ng maikling pag-uusap sina Ambassador Huang Xi Lian at Pang. Ferdinand Marcos Jr., ng magka daupang palad ang mga ito.

 

 

 

Sa kabila ng tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea kasunod ng mga ginagawang pambu bully ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas, nagpakita pa rin ang Chinese envoy sa Malakanyang.

 

 

Una ng binigyang-diin ng Pangulong Marcos na kahit isang pulgada sa teritoryo ng bansa ay hindi nito isusuko.

 

 

 

Ngayong araw ng Kalayaan, pinuri naman ng Pangulo ang Armed Forces of the Philippines sa katatagan nilang protektahan ang teritoryo at soberenya ng bansa.

 

 

 

Sa nasabing aktibidad, nakitang nagka-usap din sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Ambassador Huang Xi LIan. (Daris Jose)

Lalaki himas-rehas sa panghihipo sa wetpaks ng dalagita

Posted on: June 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang hinihimas ngayon ng 48-anyos na lalaki na dumakma at pumisil sa wetpaks ng isang dalagita matapos siyang maaresto makaraang makahingi ng tulong ang biktima sa kapitbahay nilang pulis sa Caloocan City.

 

 

 

Sa ulat ni P/MSg Marjun Tubongbanua kay P/Col. Nixon Cayaban, hepe ng Valenzuela Police Station, dakong alas-12 ng tanghali nang lumabas ng kanilang bahay ang 15-anyos na dalagita matapos utusan ng kanyang tiyahin na bumili sa kalapit na tindahan sa kanilang lugar sa Brgy. 171, Caloocan City.

 

 

 

Hindi pa nakakalayo ang dalagita nang biglang sumulpot sa kanyang likuran ang suspek na si alyas “Macaraeg” at may pagnanasang dinakma at pinisil umano ang wetpaks ng biktima.

 

 

 

Nang lumingon ang biktima, nakita niya ang mahalay at malisyosong pigura ng suspek kaya sa labis na takot ay nagtatakbo itong umuwi para isumbong sa tiyahin ang kamanyakan ng lalaki.

 

 

 

Ayon pa kay MSg. Tubongbanua, patungo na siya sa Valenzuela Police Station kung saan siya nakatalaga nang masalubong niya ang biktima na nakayapak at nanginginig pa sa takot, kasama ang kanyang tiyahin kaya tinanong niya ang mga ito kung anu ang nangyari.

 

 

 

Matapos namang sabihin ng biktima ang ginawa sa kanya ng suspek at ang itsura saka ang suot nitong damit ay kaagad na tinugis ni MSg. Tubongbanua si ‘Macaraeg’ hanggang makorner, may 100-metro ang layo sa pinangyarihan.

 

 

 

Nanlaban pa at nagtangkang tumakas ang suspek subalit, nagawa siyang padapain ng pulis hanggang tuluyang madakip habang positibo namang kinilala ng biktima si ‘Macaraeg” na siyang nag-manyak sa kanya. (Richard Mesa)

PBBM, pinag-aaralan ang paglikha ng internal PNP legal office

Posted on: June 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS na ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang pag-aaral para sa posibleng paglikha ng legal department sa loob ng Philippine National Police (PNP) na magsisilbi bilang ”defense council” ng kahit na anumang at sinumang police officer.

 

 

Sinabi ng Pangulo na bahagi ito ng pagsisikap ng administrasyon na protektahan ang kapakanan ng mga pulis laban sa harassment at “flimsy accusations.”

 

 

“We’ll create an office, the legal office within the PNP who will be the defense council of any policeman who is charged with whatever complaint, crime. Mayroon at mayroon silang tatakbuhan kaagad na abogado just to give them advice and it will be internal,” ayon kay Marcos sa isinagawang second command conference ng PNP sa Camp Crame.

 

 

Winika pa ng Pangulo na ang mga pulis ay hindi na hihingan pa ng bayad para sa serbisyo ng nasabing legal office.

 

 

“Pag-aralan natin nang mabuti because ginagawang weapon, wine-weaponize ‘yung kaso. So, kapag nahuli ‘yung kriminal, huling-huli na, pero magaling abogado tapos walang kalaban-laban naman ‘yung ating pulis,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

 

Tinuran pa ng Pangulo na ang paglikha sa legal department ay magbibigay proteksyon sa PNP mula sa impluwensiya ng grupo na nang ha-harass sa police force.

 

 

“They can afford a lawyer so for one week tapos, tapos na. So we have to provide that kind of protection para naman ‘yung mga pulis natin, malakas ang loob na gawin ‘yung trabaho nila. Kahit tama ‘yung ginagawa nila, hinaharass sila,” ang sinabi ng Pangulo.

 

 

“Kakasuhan sila ng kung ano-ano, some of them are powerful figures. So, siyempre, marami silang capability, maraming resources, maraming pera. Marami silang access sa mga sikat na abogado, kailangan mayroon din tayong pang depensa. Yes, we have to protect our people,” ayon sa Chief Executive. (Daris Jose)