• September 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Home Left Side Outline’ Category

2 tulak laglag sa P240K shabu at damo sa Malabon drug bust

Posted on: December 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.2 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa dalawang bagong identified drug pushers matapos madakip sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, Miyerkules ng hapon.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Okeng, 31, at alyas Anjoe, 24, E-trike driver, kapwa ng Bisig ng Nayon, Brgy. 4, Caloocan City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na isinailalim ng mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa validation ang mga suspek matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga ito.

 

 

Nang positibo ang report, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng buy bust operation kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon ng P12,500 halaga ng droga sa mga suspek.

 

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang brick ng marijuana ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba dakong alas-2:45 ng hapon sa P. Concepcion Street, Brgy. Tugatog.

 

 

Ani PSSg Jerry Basungit, nakuha sa mga suspek ang isang brick ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P120,000, isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 20.7 gramo ng hinihinalang shabu na nasa 140,760 ang halaga at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang 12-pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Nagpaabot naman ng papuri si Gen. Gapas sa Malabon police sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

No. 7 top most wanted person ng NPD, nalambat sa Malabon

Posted on: December 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BINITBIT sa selda ang isang lalaki na nakatala bilang No. 7 top most wanted person sa Northern Police District (NPD) matapos madakip sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalaqa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong akusado bilang si alyas “Beejay”, 41, construction worker, residente ng Brgy., Tugatog at nakatala naman bilang No. 8 Top MWP ng Malabon City.

 

 

Sa kanyang report kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Jo-Ivan Balberona na nakita ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

 

 

Bumuo ng team ang WSS sa pangunguna ni PCMS Edwin Castilo,kasama ang 4th MFC RMFB-NCRPO saka nagsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong ala-1:35 ng hapon sa P. Concepcion St., Brgy. Tugatog.

 

 

Ayon kay Maj. Balberona, pinosasan ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Malabon City Regional Trial Court, Branch 170 Presiding Judge Zaldy Balagat Docena noong December 7, 2023 para paglabag sa B.P. 881 (Omnibus Election Code of the Philippines) in Rel. to COMELEC Reso. No. 10918 Sec. 261(Q ) atSec. 28(A) in Rel. to Sec. 28(E) of R.A. 10591.

 

 

Pinuri naman ni BGen Gapas ang Malabon police sa kanilang matagumpay na manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na pansamantalang nakakulong sa Custodial Facility Unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)

Pinas, kinondena ang ballistic missiles na inilunsad ng North Korea

Posted on: December 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKIISA  ang gobyerno ng PIlipinas sa mga member states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagkondena  sa ginawang paglulunsad ng  North Korea intercontinental ballistic missile patungo sa dagat ng Japan.

 

 

Ang pahayag na ito ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ay bago ang kanyang naging talumpati sa isinagawang pulong ng  Asia Zero Emission Community (AZEC) leaders sa Prime Minister’s Office sa Tokyo, Japan.

 

 

“We join Japan, together with the rest of the ASEAN, in condemning the continued threat that the launching [of] ballistic missiles by the DPRK [Democratic People’s Republic of Korea] represents,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Winika pa ng Pangulo na ang naging aksyon ng  North Korea ay magpapahina sa rehiyon at sa buong global community.

 

 

“As we speak on economic progress in our region, we found these aspirations on a peaceful and stable Indo-Pacific Region. So, such dangerous and provocative actions by the DPRK threaten and destabilize the region and the world,” aniya pa rin.

 

 

Napaulat na nagpaputok ang North Korea ng long-range ballistic missile, na umano’y nahulog sa karagatan sa kanluran ng Hokkaido, ayon sa coast guard ng Japan. (Daris Jose)

PBBM isusulong ang kapayapaan sa WPS

Posted on: December 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANINDIGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahalaga na mapanatili ang kapayapaan at sumunod sa rules-based order na siyang cornestone ng kaniyang Philippine foreign policy sa gitna ng tumataas na geopolitical tension sa Asya.

 

 

Sinabi ng Pangulong Marcos na ang kaniyang admistrasyon ay magpapatuloy na magbuo ng malakas na alyansa sa mga kaalyado nito.

 

 

Naninindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahalaga na mapanatili ang kapayapaan at sumunod sa rules-based order na siyang cornestone ng kaniyang Philippine foreign policy sa gitna ng tumataas na geopolitical tension sa Asya.

 

 

Sinabi ng Pangulong Marcos na ang kaniyang admistrasyon ay magpapatuloy na magbuo ng malakas na alyansa sa mga kaalyado nito. (Daris Jose)

FILIPINA NA BIKTIMA NG TRAFFICKING, PINIGIL SA NAIA

Posted on: December 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASABAT ng Bureau of Immigration ang isang Filipina na biktima ng illegal recruitment scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

 

 

Ayon sa babaeng di pinangalanan, ni-recruit siya ng isang babae na kanyang nakilala sa isang bar may tatlong buwan na ang nakakaraan.

 

 

Una nitong sinabi na biyaheng Hongkong siya para magbakasyon pero sa secondary inspectors, nadiskubre na peke ang mga dokumento na kanyang isinumite na sa bandang huli ay inamin niyang ibinigay lamang sa kanya ang mga dokumento gabi bago ang kanyang pag-alis at hindi na rin niya ito ma-kontak.

 

 

Dagdag pa ng biktima na magtatrabaho siya bilang club freelancer na gagamitin ang Malaysia at Singapore bilang exit  bago pumasok sa Hongkong upang mag-renew ng kanyang visa.

 

 

“We vehemently condemn the despicable acts of human traffickers and illegal recruiters who exploit the vulnerable,” he further said. “We call on the public to be vigilant and report any suspicious activities to help us in our collective efforts against these criminal enterprises,” ayon kay BI Commissioner Norman  Tansingco.

 

 

Ang biktima ay dinala sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) upang imbestigahan. GENE ADSUARA

House Bill (HB) 8525, o ang panukalang “Tatak Pinoy Act,” inaprubahan

Posted on: December 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA PAGSISIKAP ng Kapulungan na maiahon ang kabuhayan ng sambayanang Pilipino, inaprubahan sa bulwagan na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ngayong Martes sa ikatlo at huling pagbasa, ang anim (6) pang prayoridad na panukala na kabilang sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na common legislative agenda ng administrasyong Marcos.

 

 

Nagkakaisang inaprubahan ng Kamara ang  House Bill (HB) 8525, o ang panukalang “Tatak Pinoy Act,” na inaprubahan sa pabor na botong 251, na magbabalangkas ng Tatak Pinoy Strategy (TPS), upang pasiglahin ang lokal na kalakalan at ang kanilang ugnayan sa value chains.

 

 

Sa botong 251-0-1 naman, inaprubahan ang HB 9648, o ang panukalang “New Government Procurement Reform Act” sa ikatlo at huling pagbasa, na magpapawalang bisa sa Republic Act 9184, o ang “Government Procurement Reform Act.”

 

 

Layon ng panukala na gawing mas malinaw ang government procurement, mapagkumpitensya, maayos, tuloy-tuloy at inklusibo.

 

 

Ang iba pang mga prayoridad na panukala na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ay: 1) HB 9662, o ang panukalang “Blue Economy Act,” sa botong 254-3; 2) HB 9663, o ang panukalang “National Water Resources Act,” sa botong 254-3; 3) HB 9673, o ang panukalang “Philippine Cooperative Code of 2023,” sa botong 254-3; at 4) HB 9674, o ang panukalang “Revised Government Auditing Act,” sa botong 258.

 

 

Bukod pa sa mga prayoridad na panukala ng LEDAC, inaprubahan din ng kamara ang iba pang mahahalagang panukala: 1) HB 9682, o ang panukalang “Teaching Supplies Allowance Act;” 2) HB 9588, o ang panukalang “Graduation Legacy for Reforestation Act;” 3) HB 9587, o ang panukalang “Family Tree Planting Act;” 4) HB 9647, na magpapalit sa pangalan ng Motor Vehicle User’s Charge sa Motor Vehicle Road User’s Tax, at itaas ang halaga nito upang makakalap ng pondo para sa public utility vehicle modernization at road safety programs; 5) HB 9034, o ang panukalang “Philippine Archipelagic Sea Lanes Act;” 6) HB 9430, o ang panukalang “Union Formation Act;” at 7) HB 9506, o ang panukalang “Rental Housing Subsidy Program Act.”  (Ara Romero)

4 drug suspects nalambat sa Malabon, Navotas drug bust

Posted on: December 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

APAT na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang 60-anyos na lolo ang nabitag sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas Cities.

 

 

Sa report ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Road 1, Brgy. Santulan.

 

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba sina Michael Santos, 46, ng Brgy. Santulan at Darius Dalmacio, 49 ng Brgy. Ibaba matapos magsabwatan na bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Ayon kay PSSg Kenneth Geronimo, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 11.5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P78,200.00 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

 

 

Sa Navotas, natimbog naman ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Genere Sanchez sa buy bust operation sa Daanghari St., Brgy. Daanghari bandang alas-2:50 ng madaling araw ang magkapatid na Jaime Discipulo, 60, at Julie, 51.

 

 

Ani PSSg John Mikhail Garces, nakuha sa mga suspek ang aabot 1.99 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13,532 at P500 marked money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Mag-ama timbog sa drug bust sa Valenzuela

Posted on: December 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGKASAMANG isinelda ang mag-amang sangkot umano sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jun”, 47, machine operator at kanyang anak na si “Jayvee”, 21, kapwa ng Lamesa St., Brgy. Ugong.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na dakong alas-11:40 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PEMS Resty Mables ng buy bust sa Que Balag St. NLEX Service Rd., Brgy. Ugong.

 

 

Nagawang makaiskor sa mga suspek ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer at nang tanggapin nila ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinakma ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa isang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800, buy bust money, P200 recovered money at coin purse.

 

 

Ayon kay PSSG Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Section 5 and Section 11 under Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isinampa nila laban sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

2 kalaboso sa P170K shabu sa Malabon

Posted on: December 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug personalities matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na drug operation sa Malabon City.

 

 

Sa report ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay Jonathan Yecla, 28, sa P. Aquino Ave., Brgy., Tonsuya matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities nito.

 

 

Isang police na nagpanggap na buyer ang nagawang makaiskor sa suspek ng P500 halaga ng shabu at nang tanggapin niya ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang sachet ng droga agad siyang dinamba ng mga operatiba, dakong alas-10:30 ng gabi.

 

 

Ayon kay PSSg Jerry G Basungit, nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 20.6 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P140,080.00, P500 buy bust money at coin pouch.

 

 

Dakong alas-4 naman ng madaling araw nang maaresto si John Michael Fernandez alyas “Onse” sa Flovi Homes, Phase 6, Letre Paradise Village, Brgy. Tonsuya ng mga tanod na nagsasagawa ng routine foot patrol makaraang maaktuhan nila na abala sa pagbubusisi ng hawak na isang plastic sachet ng umano’y shabu.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 5.05 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,340.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Navotas LGU nagbigay ng mga lambat sa mangingisdang Navoteños

Posted on: December 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IBA’T IBANG lambat ang ipinamigay ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga rehistradong may-ari ng bangkang pangisda sa pamamagitan ng Handog Lambat Program nito.

 

 

Umabot sa 649 na maliliit na mangingisdang Navoteño ang nakatanggap ng 200-meter mesh na lambat sa walong magkakaibang laki na maaari nilang gamitin sa paghuhuli ng iba’t ibang uri ng isda, hipon, at alimango.

 

 

“It has always been our priority to provide our fisherfolk with opportunities to earn a sustainable livelihood. Navoteños are seasoned at fishing. We just need to supply them with necessary gears and equipment to ensure they can continuously earn enough and support their families,” sabi ni Mayor John Rey Tiangco.

 

 

Bukod sa mga lambat sa pangingisda, binibigyan din ng Navotas ang mga marginal fisherfolks ng kanilang sariling mga bangkang pangisda sa pamamagitan ng NavoBangkabuhayan Program.

 

 

Noong nakaraang linggo, 56 na rehistradong mangingisdang Navoteño ang nakatanggap ng bagong 30-footer fiberglass NavoBangka at mga gamit sa pangingisda sa tulong ng opisina ni Sen. Imee Marcos. (Richard Mesa)