• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Home Top Left Box Outline’ Category

Di umano’y Pharmally-POGO na nag-uugnay kay DU30, para sa ‘media mileage’ lang-Panelo

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
PARA kay dating presidential spokesman Salvador Panelo, isang malinaw na ‘media mileage’ lang ang intensyon ng naging pahayag ni Senator Risa Hontiveros kung saan pilit na iniuugnay nito si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersiyal na pharmacy anomaly at illegal Philippine offshore gaming operations (POGOs).
Malinaw na nais ni Hontiveros na mapakinabangan ang nasabing usapin para sa kanyang ‘political plans’ sa hinaharap.
“Her apparent intention is to malign the character of PRRD and at the same time she wants to be politically relevant and preparing to run for a higher office. She always want to be in the public eye for the name recall and media mileage,” ang naging pahayag ni Panelo sa isang kalatas.
Sinabi pa ni Panelo na si Hontiveros ay “desperately bent on connecting” ang dating Pangulo sa kontrobersiyal sa Pharmally at POGO, binigyang-diin na ito’y “no factual and  legal bases to link FPRRD in any corrupt practice.”
Ipinagtanggol din ni Panelo si Duterte sa pagsasabing, hindi kailanman nasangkot ang dating Pangulo sa korapsyon.
Kapansin-pansing aniya na tila ginagamit na lamang ni Hontiveros ang kanyang komite para paratangan ang isang tao para sa publisidad.
“She keeps using her committee to try persons by publicity— denying them of the due process clause of the Constitution under the guise of legislative inquiry in aid of legislation — as exemplified by what she did to Pastor Apollo Quiboloy and Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, who have become victims of her injustice,” ayon kay Panelo.
Kaya nga, sinabihan ni Panelo si Hontiveros na sa halip na “nauseous grandstanding,” dapat na pagtuunan nito ng pansin at umpisahan ang mga legislative bills na makatutulong sa kahirapan, kasalatans a edukasyon at usapin sa kalusugan, public works, agrikultura, kalakalan at iba pa.
“She is wasting taxpayers money. This must stop. She must be fealty to her oath of office,” diing pahayag ni Panelo.
(Daris Jose)

Finnish envoy, pinasalamatan si PBBM sa muling pagbubukas ng PH embassy sa Helsinki

Posted on: July 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINASALAMATAN ni Outgoing Finnish Ambassador Juha Markus Pyykkö si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa muling pagbubukas ng Philippine embassy sa Helsinki, Finland ngayong taon.

 

 

Sa kanyang farewell call kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes, nagpahayag ng matinding kagalakan si Pyykkö sa muling pagbubukas ng Philippine Embassy sa Finnish capital.

 

 

 

“I’m extremely happy that the Philippines is reopening in Helsinki. So, thank you for that. It’s very, very interesting,” ang sinabi ni Pyykkö kay Pangulong Marcos, ayon sa ipinalabas na news release ng Presidential Communications Office (PCO).

 

 

Para naman sa Pangulo, mahalaga na muling mabuksan ang Philippine Embassy sa Helsinki dahil mas mapalalakas nito ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Finland, na itinatag noong Hulyo 14, 1955.

 

 

“It will be beneficial not only for the two countries but “for everyone else,” ayon sa Chief Executive.

 

 

“These relationships provide us a solid footing in terms of our relationships around them with not only amongst ourselves, but [also] with other countries,” ang winika ni Pangulong Marcos.

 

 

Sa ulat, isinara ang Philippine Embassy sa Helsinki noong Oktubre 2012.

 

 

Inaprubahan naman ng Senado ang muling pagbubukas nito sa isinagawang budget hearing noong Nobyembre 2022.

 

 

Bukod kay Pyykkö, nagkaroon din ng farewell call si Irish Ambassador William John Carlos kay Pangulong Marcos, araw ng Lunes sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Sinabi ni Carlos na mahirap para sa kanya na iwan ang bansa lalo pa’t ‘attached’ na siya sa pagiging hospitable ng mga filipino at sa mayamang kultura ng bansa.

 

 

“[What] I like about here as well is the accessibility of the people. And the humor, it’s something that we connect with,” ayon kay Carlos.

 

 

“There’s a lot of connection between my country and your country. There’s a growing relationship between Ireland and the Philippines,” dagdag na pahayag ni Carlos.

 

 

Sinabi naman ni Pangulong Marcos na masaya siya na malaman na nagkaroon ng ‘wonderful stay’ si Carlos sa bansa at nagawa nitong bisitahin ang Ilang lugar sa Pilipinas.

 

 

Samantala, naitatag naman ang diplomatic relations ng Pilipinas at Ireland noong July 1984. (Daris Jose)

PBBM saludo, pinuri ang tropa ng pamahalaan sa Mindanao para sa paghina ng Abu Sayyaf

Posted on: July 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tropa ng pamahalaan sa Mindanao para sa matagumpay na pagpapahina sa banta na bitbit ng Abu Sayyaf Group (ASG) at iba pang kaaway ng estado sa lalawigan.

 

 

Kasabay nito, nanawagan ang Pangulo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag maging kampante dahil hindi pa tapos ang misyon na ganap na wawasak sa kalaban ng gobyerno.

 

 

 

“I have to congratulate all of you who have worked to achieve this success, who have worked very hard and have made many sacrifices so that we can now say that the capabilities of the main threat, which is the ASG, have been severely reduced,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging pagbisita sa headquarters ng 11th Infantry Division (ID) sa Camp Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu.

 

 

“Now, that does not mean that the mission is over. As you can imagine, mayroon pa diyan na papasok na baka gustong mag-organize ulit kaya’t kailangan pa rin nating bantayan,” ayon sa Pangulo.

 

 

Bilang Commander-in-Chief, sinabi ng Pangulo na ipinabatid sa kanya ng military command sa Sulu ang ‘very constant drop’ sa “kakayahan ng mga rebelde, manpower, at bilang ng mga armas na nasa pangangalaga ng mga ito.’

 

 

“Ang assessment na nga ay ‘yung threat is only from individual actors. Wala na silang units na gumagalaw as a unit. They are … basically (neutralized)… We have dismantled their machinery for causing, for bringing terror,” aniya pa rin.

 

 

Ipinaalam din sa Pangulo ang tungkol sa lumiliit na banta ng ibang teroristang grupo.

 

 

“We also spoke briefly about the continuing threat of outside terrorist groups coming in, ‘yung mga Al-Qaeda inspired, ‘yung mga ISIS-inspired na dating nakikita nating pumapasok dito ay mukha namang hindi na … tayo masyadong nate-threaten tungkol sa ganyang klase,” pag-uulat ng Chief Executive.

 

 

Binanggit din ng Pangulo ang paglipat ng AFP sa external defense sa gitna ang umuusbong na regional threats partikular na sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Sinabi pa niya na ginagawa na ng gobyerno ang organizational change, lalo na ang paglikha ng task force na mayroong maritime force at Navy. Layon nito na paigtingin ang presensiya ng Philippine Coast Guard at bantayan ang lugar.

 

 

“(I)to ‘yung mga gagawin natin para maging mas secure tayo lalong-lalo na dito sa area ninyo dahil I’m sure that there are many, many instances na mayroon tayong report na mga dumadaan na barko,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga tropa.

 

 

“So, we just have to keep vigilant and to continue to watch what is going on and to make sure that namo-monitor natin lahat ng nangyayari,” dagdag na wika ng Pangulo. (Daris Jose)

PBBM, hangad ang maagang pagsisimula ng P100-M JOLO AIRPORT PROJECT

Posted on: July 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITINUTULAK ng gobyerno ang agarang implementasyon ng P100-million Jolo Airport Development Project sa Sulu.

 

 

Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang lahat ng aspeto ng

 

 

 

‘major infrastructure’ na ginagawa ay nakaayos na upang sa gayon ay makapagsimula na sa lalong madaling panahon.

 

 

 

 

“Kasabay ng pagbibigay namin ng ayuda ay ang magandang balita tungkol sa ating pagsusulong para sa Jolo Airport Development Project,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang distribusyon ng presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan.

 

 

 

 

“Kasalukuyan na po nating binabalangkas ang lahat ng kinakailangan para masimulan na ang proyektong ito at may nakahanda po tayong isandaang milyong piso na para pagsimulan nitong project na ito,” dagdag na wika nito.

 

 

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa naturang okasyon, iniulat din ng Chief Executive na pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang maritime patrols sa pamamagitan ng Sulu Maritime Police Station para tugunan ang illegal fishing.

 

 

 

 

Tinawagan din nito ang Sulu local government na suportahan ang kampanya ng pamahalaan para sa kaligtasan ng mga mangingisda.

 

 

 

 

“Mga kababayan, maka-aasa kayong tutuparin namin ang aming pangakong matulungan kayong lahat, lalung-lalo na ang mga magsasaka, ang mga mangingisda, at ang [inyong mga] pamilya upang masabi naman natin na may pag-asang makamit ninyo ang mas maginhawang pamumuhay,” ayon sa Pangulo.

 

 

 

 

“Siguraduhin din ninyong [napangangalagaan nang] wasto ang ating kalikasan at huwag abusuhin ang paggamit ng ating mga [pinagkukunang-yaman],” dagdag na wika nito.

 

 

 

 

Sa kabilang dako, kabilang naman sa Jolo airport project ang konstruksyon ng Passenger Terminal Building ng airport, perimeter fence, administration building, relocation/construction ng fire station building, ‘site acquisition’ para sa runway extension nito at pagwawasto sa runway strip width.

 

 

 

 

Nagpapatuloy naman ang pagpo-proseso sa Memorandum of Agreement kasama ang provincial government para sa project implementation ay nagpapatuloy.

 

 

 

 

“This developed as reports of illegal fishing activities such as the use of dynamite and cyanide are still rampant in Sulu waters. Many fishing vessels are also operating without necessary permits, ” ayon sa ulat.

PBBM, umapela sa labor sector na tiyakin ang episyenteng pagpapatupad ng TPB plan

Posted on: June 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sektor ng paggawa na tiyakin na episyente ang implementasyon ng Trabaho Para sa Bayan (TPB) plan, makatutulong na makalikha ng 3 milyong bagong trabaho sa 2028.

 

 

Sa idinaos na kauna-unahang 2024 National Employment Summit sa Maynila, sinabi ni Pangulong Marcos na ang TPB ay isang 10-year roadmap na magsisilbi bilang national guide tungo sa ‘greater employment generation and recovery.’

 

 

“In line with our priorities, and the outcomes that we desire, and strategies stated in the Philippine Development Plan, the Philippine Labor and Employment Plan, the Strategic Investment Priority Plan, and the Workforce Development Plan, the TPB Plan will be one of the driving forces to help create at least three million new jobs by the year 2028,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Tinuran pa ng Punong Ehekutibo na maliban sa makalilikha ng trabaho, target din ng pamahalaan na makalikha ng “quality jobs, with special emphasis on ensuring workers’ welfare, empowerment, competitiveness, and security in all sectors of our labor sector.”

 

 

Iyon aniya ang dahilan kung bakit ayon sa Pangulo ay ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para tugunan ang ‘job-skills mismatch, underemployment, at unemployment’ sa pamamagitan ng reporma sa basic education curriculum, pagtatakda ng TVET o Technical and Vocational Education and Training sa Senior High School curriculum, at implementasyon ng ’employment facilitation initiatives.’

 

 

“Most of the labor statistics improved from April 2023 to 2024”, ayon sa Labor Force Survey ‘as of June 6′ ngayong taon, kung saan bahagyang tumaas ang employment rate mula 95.50% ay naging 96% at tumaas din ang ’employed individuals’ mula 48.06 milyon ay naging 48.46 milyon.

 

 

Bumaba naman ang unemployment rate ng bansa mula 4.5% ay naging 4%.

 

 

Gayunman, makikita sa Labor Force Survey na tumaas ang underemployed individuals mula 12.90% ay naging 14.60% habang ang labor force participation rate ay tumaas mula 64.10% at naging 65.10%.

 

 

Samantala, base naman sa Philippine Labor Market, ang service sector ay nakakuha ng 61.40% ng labor industry, sinundan ng agricultural sector na 20.30% habang ang natitirang 18.30% ay napunta sa industry sector. (Daris Jose)

Pinas, handang makatrabaho ang Tsina para resolbahin ang alitan – Bersamin

Posted on: June 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na paabutin pa ng Pilipinas sa mas mataas na international body ang pinakabagong insidente sa Ayungin Shoal.

 

 

Ito ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasabay ng kahandaan ng Pilipinas na makatrabaho ang Tsina para resolbahin ang alitan.

 

 

Tinanong kasi si Bersamin sa press briefing sa Malakanyang kung kinokonsidera ng gobyerno na idulog ang usapin sa global body.

 

 

“That’s not yet in consideration because I think this is a matter that can easily be resolved very soon by us. And if China wants to work with us, we can work with China,” ang sinabi ni Bersamin.

 

 

Winika pa ni Bersamin, chairman ng National Maritime Council (NMC) na hindi pinag-usapan ng body ang panawagan na Mutual Defense Treaty (MDT) sa nangyari ng second meeting, araw ng Biyernes.

 

 

Gayunman, inanunsyo ng NMC ang naging rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagpapatuloy ng “routinary at regular rotation and reprovision (RORE) missions sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa kabila ng nakagagalit na aksyon ng Tsina.

 

 

Aniya, ang anunsyo para sa RORE missions ay gagawin bago pa ito isagawa.

 

 

Hindi naman kinokonsidera ng gobyerno ng Pilipinas ang insidente bilang armed attack, ayon kay Bersamin sabay sabing “it may be a misunderstanding or an accident.”

 

 

Napaulat na may 8 Filipino servicemen ang nasugatan sa nangyaring June 17 hostile incident. Subalit, nilinaw ng NMC na isa lamang ang nasaktan.

 

 

“The Council recognizes a peaceful, stable, and prosperous West Philippine Sea (WPS) and South China Sea (SCS) is still a distant reality,” ayon pa rin kay Bersamin.

 

 

Tinuran pa nito na pumayag ang Konseho sa policy recommendations para sa konsiderasyon ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

CHR, kinondena ang anumang uri ng karahasan na ginawa ng mga law enforcers

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HAYAGANG kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang anumang uri ng karahasan na ginawa ng apat na pulis na pinatay ang isang mag-ama sa isinagawang illegal drugs operation sa Caloocan City noong 2016.

 

 

Pinuri naman ng Komisyon ang naging hatol na homicide ni Caloocan City Regional Trial Court Judge Ma. Rowena Violago Alejandria noong Hunyo 18 laban kina P/Msgt. Virgilio Q. Cervantes, P/Cpl. Arnel De Guzman, P/Cpl. Johnston M. Alacre at P/Cpl. Artemio Saguros Jr. para sa pagpatay kina Luis Saldana Bonifacio at sa kanyang 19 na taong gulag na anak na si Gabriel noong Setyembre 15, 2016.

 

 

Ang mga pulis ay sinentensiyahan na makulong mula anim na taon , walang buwan at 21 araw hanggang 10 taon.

 

 

Pinagbabayad din ang mga ito sa mga naulila ng mag-amang biktima ng P100,000 para sa actual damages; P100,000 para sa civil indemnity; P100,000 para sa moral damages; at P100,000 para sa temperate damages.

 

 

Sa kalatas na ipinalabas ng CHR sinabi nito na ito’y “denounces any form of violence, particularly when perpetrated by those entrusted with the duty to protect all citizens, especially the vulnerable individuals from the poor sector.”

 

 

Tinukoy din nito na “unjustified killings committed by law enforcers are not only blatant violations of the law but also manifest grave abuse of authority and transgress against the principles of humanity and the right to life.”

 

 

Sinabi pa ng CHR na ang desisyon ng Caloocan City RTC ay “a significant step towards achieving justice and accountability for the victims of human rights violations in relation to the anti-drug campaign of the previous administration.”

 

 

“We hope that this ruling will signal the start of sustained and consistent progress in addressing the serious human rights violations associated with these operations,” ayon sa CHR.

 

 

Winika pa ng CHR na “The RTC ruling highlights the importance of respect for human rights, due process, and the rule of law, in any campaign, including in the pursuit of crime prevention and drug control. Only by respecting fundamental human rights can we achieve genuine peace and order and true justice in our society.”

 

 

Samantala, ganap naman ang suporta ng CHR sa nagpapatuloy na committee hearings sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa mga napaulat na kaso ng extra-judicial killings (EJKs) sa panahon ng drugs operations ng nakalipas na administrasyon.

 

 

“These deaths represent far more than mere statistics; they represent the loss of individual lives and the impact of violence on families and communities. It is imperative that we continue to sound the alarm; ensure that their stories are heard and acted upon; and, that such injustice will not be repeated,” ayon sa Komisyon.

 

 

“We remain hopeful that these comprehensive deliberations will lead to more prosecutions and deliver justice to the many families devastated by these unlawful acts,” dagdag na pahayag ng CHR. (Daris Jose)

Hungarian foreign minister, nag-courtesy call kay PBBM

Posted on: June 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAINIT na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Hungarian Minister of Foreign Affairs and Trade Peter Szijjarto sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Ang courtesy call ni Szijjarto sa Pangulo ay naglalayon na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Hungary.

 

 

”Well, I’m very happy to welcome you once again to the Philippines,” ang sinabi ni Pangulong sa naging courtesy call ni Szijjarto sa kanya.

 

 

”I hope that with all that is happening around the world and all of the opportunities, of course there are challenges, and all the opportunities also that is — that we’ll be able to hopefully forge new relationships,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Binanggit naman ng Punong Ehekutibo na maraming mga Filipino ang mas pinili na manirahan at magtrabaho sa Hungary.

 

 

“And so, it seems that they have found a new place for them to find some better opportunities for themselves. But welcome once again to the Philippines,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Bilang tugon, pinasalamatan ni Szijarto si Pangulong Marcos sa mainit na pagtanggap sa kanya.

 

 

”Thank you so much for the invitation. You have great secretaries with whom I’ll be working together for a long time. This is the third occasion that I have the honor to visit your fantastic country,”ayon kay Szijarto.

 

 

Ani Szijarto, nananatiling may malaking pagkakataon para sa improvement sa ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa. (Daris Jose)

Mga mamamayan, hinimok na paigtingin pa ang pagkamakabayan sa harap ng mga hamon sa ating bansa – DFA

Posted on: June 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni DFA Sec. Enrique Manalo ang mga mamamayan na panatilihin ang maalab na pagmamahal sa bansa, ngayong nahaharap tayo sa maraming mgaa hamon.

 

 

 

Ang mensahe ay kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa 126th Philippine Independence.

 

 

 

Ayon sa kalihim, mahalagang mapanatili ang ating pagtutok sa kalayaan, kinabukasan at kasaysayan na siyang tema ng ating taunang selebrasyon.

 

 

 

Hangad ng opisyal na magsilbing hamon sa lahat ang mga pagsubok upang magkakatuwang na itaguyod ang mas masigla at maunlad na bagong Pilipinas sa hinaharap na panahon.

 

 

 

Kinilala rin nito ang malaking papel ng mga manggagawang Pilipino mula sa iba’t ibang bansa, na bagama’t magkakalayo ay kaisa pa rin sa makabuluhang mithiin para sa lahat. (Daris Jose)

Bebot na ‘tulak’ laglag sa P238K droga sa Valenzuela

Posted on: June 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang babae na umano’y tulak ng illegal na droga matapos madakip sa buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw.

 

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas Noezel, 36, (SLI/Pusher) ng Brgy. Marulas.

 

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cayaban na dakong alas-4:35 ng madaling araw nang maaresto ang suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Liwayway St. Brgy., Marulas.

 

 

 

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng SDEU hinggil sa pagbebenta umano ng suspek ng shabu kaya ikinasa nila ang buy bust operation kontra sa kanya.

 

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang isang P500 bill na may kasamang walong pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba.

 

 

 

Nakumpiska sa suspek ang nasa 35 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P238,000.00, buy bust money, P300 recovered money, cellphone at coin purse.

 

 

 

Ayon kay PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office.

 

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Col. Cayaban at ang kanyang mga tauhan sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)