• September 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Home Top Left Box Outline’ Category

Price cap sa bigas, ‘going as well as we can expect’- PBBM

Posted on: September 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong  Ferdinand Marcos, Jr. na “going as well as we can expect” ang ipinataw  niya  na  price ceiling  sa bigas.

 

 

Sa katunayan, unti-unti ng nakapag-adjust ang mga retailers sa price cap,  iyon ay kahit pa may ilan ang pansamantalang itinigil ang pagbebenta ng bigas para maiwasana ng pagkalugi.

 

 

“We just had a meeting about that this morning, so far the implementation and enforcement is going as well as we can expect,” ayon kay Pangulong  Marcos sa isang chance interview.

 

 

“Syempre nag-aalangan din yung ibang retailer at hindi natin pwedeng sisihin dahil nga hindi sila nakakatiyak nga doon sa ating ibibigay na kapalit… Titingnan na lang natin kung papaano ang takbo,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Nauna rito, sinabi ni KMP chairperson Danilo Ramos na kartel ang nasa likod  ng mataas na presyo ng bigas sa bansa.

 

 

Isa ring dahilan  aniya  ang Rice Tariffication Law sa pagsipa ng presyo ng bigas.

 

 

Sinisi rin ni Ramos ang National Food Authority (NFA) na wala umanong binibiling palay mula sa mga magsasaka sa halip ay umaasa na lang sa importasyon ng nasabing produkto.

 

 

Dahil dito, Ipatupad na simula sa Setyembre 5, 2023 ang executive order (EO) No. 39 ni Pangulong  Marcos  na nagtatakda ng price cap sa bigas.

 

 

Batay sa kautusan, hindi dapat lumampas sa P41.00 ang presyo ng kada kilo ng regular milled rice, at P45.00

 

 

Pero ang ibang nagtitinda ng bigas, nangamngamba na hindi nila kayanin ang itinakdang presyo ng Palasyo dahil mas mataas ang kanilang puhunan.

 

 

“A ban on rice exports by major producer India, the war in Ukraine, and unstable world oil prices have also “caused an alarming increase in the retail prices of this basic necessity”, dagdag na wika ng Punong Ehekutibo. (Daris Jose)

Opisyal ng DepEd, kinumpirma ang memo sa pag-alis ng ‘Diktadurang Marcos’

Posted on: September 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Department of Education (DepEd)  ang umiiral  at umiikot na memo sa social media na nagbibigay atas na baguhin ang “Diktadurang Marcos” at gawin na lamang “diktadura” na matatagpuan sa Grade 6 Araling Panlipunan curriculum.

 

 

“I confirm that indeed there was a letter that was sent to the Office of Undersecretary for Curriculum and Teaching. This was made by our Bureau of Curriculum Development (BCD) specialist. This was submitted to my office and forwarded to the Office of Undersecretary for Curriculum and Teaching,” ayon kay  DepEd Bureau of Curriculum at Teaching director Joyce Andaya.

 

 

“That’s part of our internal processes. Our BCD specialist can really express themselves, and we respect their stand on curricular issues,” dagdag na wika nito.

 

 

Gayunman, nilinaw ni Andaya na ang memo ay mananatiling sasailalim sa vetting process sa  panahon ng  pilot implementation ng  revised K-10 curriculum  ngayong taon.

 

 

Ang paliwanag nito, ang curriculum review process ay “iterative.”  dahilan upang hanggang ngayon ay wala pa ring nabubuong consensus ang DepEd  sa kung ano ang dapat na makita sa pinal na curriculum document  na ia-upload sa  official website nito.

 

 

“Meron pa rin tayong pagkakataon na tingnan ulit ang curriculum ng ating mga nag-aaral, ng ating mga guro, at ng iba nating kasamahan sa education sector at kung merong mga changes or mga comments tungkol dito, susuriin po ulit natin,” ayon kay Andaya.

 

 

Ani Andaya, nais lamang ng BCD na mag-organisa ng  curriculum guide, at maaari pa ring mapag-usapan ang mga paksa na may kinalaman sa martial law period, partikular na ang pagpapatupad ng diktadura ni  dating Pangulong  Ferdinand Marcos Sr.

 

 

Pinabulaanan din ni Andaya na may intensyon para sa “historical revisionism o i-whitewash ang katotohanan na nangyari noong martial law era.

 

 

“Ang pag-uusapan dito ay deklarasyon ng batas militar, pagpapatupad ng diktadura, epekto ng diktadura, pagkawala ng mga institusyong demokratiko, malayang lehislatura, paghina ng ekonomiya, paglabag sa karapatang pantao, ill gotten wealth, paglaban sa diktadura, mga kilos laban sa diktadura, at pagpaslang kay Ninoy Aquino,” ayon kay Andaya.

 

 

“Hindi maaaring hindi banggitin ang pangalang Ferdinand Marcos Sr. sa pagtalakay ng paksa ukol sa diktadura,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, wala namang  political pressure mula sa kasalukuyang administrasyon  para irekumenda ang pag-alis o pagtatanggal ng pangalang “Marcos” mula sa  “diktadurang Marcos” sa  Araling Panlipunan subject sa ilalim ng revised K-10 curriculum.

 

 

Binigyang-diin ni Andaya  na ang pagtanggal o pagbabago sa ‘nomenclature’  ay “purely an academic discussion.”

 

 

“Wala pong pressure na kahit na ano na binigay sa amin para tignang muli ang curriculum. Ito ay isang proseso na aming pinapatupad dito sa Curriculum and Teaching strand. It is an academic discourse that we always observe and follow as we review and revise the curriculum,” ani Andaya.

 

 

Sa ulat, tinuligsa ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at  Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND) ang pagtatanggal ng  pangalang ‘Marcos’ mula sa  terminong “Diktadurang Marcos.” (Daris Jose)

PBBM, pinangunahan ang paggunita sa ika-106 birth anniv ng ama

Posted on: September 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“A TRUE Filipino and Ilocano icon.”

 

 

Ganito kung ilarawan ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang ama, dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, matapos pangunahan  ng batang Marcos ang wreath laying at commemoration activities sa ika-106 birth anniversary  ng kanyang namapayapang ama sa  Batac, Ilocos Norte, araw ng Lunes.

 

 

Sa heartwarming ceremony, sinabi ng Pangulo na ang kanyang ama ay “remains a true Filipino and Ilocano icon whose exceptional mind matched the nation-loving spirit that he possesses and that he demonstrates.”

 

 

Inalala aniya ang kanyang ama para sa “peace and order that he fought and stood for,” na nagsilbing inspirasyon sa mga Filipino na gumawa at maramdaman ang pangarap na iniwan ng kanyang ama sa puso ng nakararami.

 

 

Dahil dito, nanawagan ang Chief Executive sa mga kabataang lider at mga opisyal ng pamahalaan na hangarin ang “greater roles and more meaningful endeavors.”

 

 

“It is my earnest hope that my late father’s values, ideals, and visions for the country will spur you into aspiring for greater roles and more meaningful endeavors—much like how these have inspired me,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Let us act in our own small and unique ways to support the government, to support our people in all the initiatives and programs, and continue to instill in every Filipino the sense of ownership and accountability in building our great nation,” dagdag na wika nito.

 

 

Ipinaalala naman ng Pangulo sa bawat isa sa Pilipinas ang  ang ” true value and the work that needs to be done.”

 

 

“The Philippines is ours to love, and the path to a new Philippines—a more equitable, sustainable, and resilient one—is ours to make.” aniya pa rin.

 

 

Habang inaalala ng lahat at nagbigay-pugay kay Apo Lakay, hinikayat ni Pangulong Marcos ang bawat isa na gawing testamento ang  “unwavering pursuit of unity” na labis na ipinagkatiwala ng kanyang ama sa mga mamamayang Filipino.

 

 

“In his memory, may our actions from this point on be directed by the desire to preserve and share the rich heritage of our province, of our nation,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Pinasalamatan naman ng Pangulo at ng kanyang pamilya ang  lahat  para sa pagsama sa kanila sa muling pagbisita at pag-alala  sa buhay ng kanyang ama na nag-iwan  “rich legacy to the nation.”

 

 

Matatandaang, idineklara ni Pangulong Marcos Jr. na special non-working holiday sa lalawigan ng Ilocos Norte sa Setyembre 11, 2023.

 

 

Ang hakbang ni Marcos ay bilang paggunita sa ika-106 na kaarawan ng kanyang ama na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

 

 

Nilagdaan naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Proclamation No. 327 nitong Miyerkules, Agosto 23.

 

 

Magugunita  na noong nakaraang taon, dumalo sa isang misa ang pamilya ni Pangulong Marcos sa puntod ng dating Pangulo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

 

 

Magugunita  na noong nakaraang taon, dumalo sa isang misa ang pamilya ni Pangulong Marcos sa puntod ng dating Pangulo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City. (Daris Jose)

OES, idinepensa ang hakbang ng OP

Posted on: September 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IDINEPENSA ng Office of the Executive Secretary (OES)  ang naging hakbang ng  Office of President (OP) na payagan ang paglilipat ng pondo sa Office of the Vice President (OVP) noong 2022.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng OES  na inaprubahan ng tanggapan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalabas ng  P221.424 million sa OVP,  sa naging kahilingan na rin ng huli.

 

 

Ayon sa OES, inaprubahan ng Pangulo ang pagpapalabas alinsunod sa  Special Provision No. 1 sa ilalim ng Fiscal Year 2022 Contingent Fund.

 

 

“The President is authorized to approve releases to cover funding requirements of new or urgent activities of NGAs, among others, that need to be implemented during the year,” ayon sa OES.

 

 

“VP Sara, who was newly elected then, needed funds for her new programs for the remaining period of 2022. The President supported this initiative and released the funds, with the favorable recommendation of DBM,” dagdag na pahayag ng OES.

 

 

Ayon sa OES, ang nasabing halaga ay para sa “Maintenance and Other Operating Expenses: a) Financial Assistance/Subsidy – P96.424 million, and b) Confidential Funds (for newly created satellite offices) – P125.0 million, chargeable against the FY 2022 Contingent Fund.”

 

 

Nauna rito, kinumpirma ni  Sara Duterte na humiling ng P125 million confidential funds para sa Office of the Vice President noong nakalipas na taon.

 

 

Ito ang naging tugon ng ikalawang pangulo sa katanungan ni Senate Minority Aquilino “Koko” Pimentel sa isinagawang pagdinig sa Senate committee on finance kaugnay sa panukalang pondo ng OVP para sa susunod na taon na P2.3 billion kabilang dito ang malaking halaga ng confidential at intelligence funds na nagkakahalaga ng P500 million.

 

 

Parte umano ang P125M confidential fund noong 2022 ng P221.4M pondo na inilipat ng Department of Budget and Management sa Office of the President noong Disyembre 2022.

 

 

Nag-request aniya ang OVP noong Agosto 2022 sa OP at naibigay ang confidential fund noon lamang Disyembre 2022.

 

 

Subalit kinuwestyon ni Senator Pimentel ang confidential fund ng OVP dahil hindi ito nagi-exist sa 2022 budget ng OVP.

 

 

Itinuro naman ni VP Sara ang DBM na makapagbibigay aniya ng tamang kasagutan sa katanungan ng mambabatas dahil ang DBM ang naglipat ng pondo mula sa kanilang source papunta sa OVP.  (Daris Jose)

PBBM, itinalaga ang INC head bilang ‘special envoy’ for OFW concerns

Posted on: September 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ITINALAGA ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  si Iglesia ni Cristo (INC) Executive Minister Eduardo V. Manalo bilang special envoy for overseas Filipino concerns.

 

 

Si Manalo ang panganay na anak na lalaki ng namayapang si  INC executive minister Eraño Manalo.

 

 

Kilala ang INC, para sa  bloc-voting practice nito, inendorso sina  Pangulong Marcos at  Vice President Sara Duterte noong 2022 national elections.

 

 

Sa kabilang dako, itinalaga rin ng Pangulo si Jesus Domingo  dating Philippines’ envoy to New Zealand bilang DFA undersecretary, habang itinalaga naman nito si  Norman Vincent L. Wee bilang  Special Envoy of the United Arab Emirates for Trade and Investments.

 

 

Itinalaga rin ng Chief Executive sina Mark Anthony Diamante bilang  Director III sa  Department of Human Settlements and Urban Development; Grace Tan  bilang chairperson ng  Department of Labor and Employment’s National Labor Relations Commission, habang si Allan S. Montano naman magiging miyembro ng  National Tripartite Industrial Peace Council  bilang kinatawan ng labor sector.

 

 

Samantala, itinalaga naman ng Pangulo si Pablo M. Lorenzo bilang  Department of National Defense undersecretary.  (Daris Jose)

Price ceiling sa bigas, desperadong hakbang para tugunan ang pagkakadismaya ng publiko

Posted on: September 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA ang Gabriela Women’s Party na ang ipinalabas na Executive Order No. 39 ni Pangulong Marcos para sa pagtatalaga ng price ceilings sa bigas ay isa umanong desperadong hakbang para tugunan ang pagkakadismaya ng publiko sa kabiguang maipatupad nito ang pangako noong kampanya na gawing P20 ang kada kilo ng bigas.

 

 

Ayon sa Gabriela, pangunahing tatamaan nito ang maliliit na retailers – na siyang nasa dulo ng suplay chain – sa mataas na farmgate palay prices dulot ng magastos ng production inputs.

 

 

Dagdag pa ang kakulangan ng hakbang para kurbahan ang hoarding at price manipulation ng ilang rice importers at sindikato.

 

 

Sa halip na magpatupad ng artipisyal na price controls, dapat na suspindihin agad ni Presidente Marcos ang suspensyon ng Rice Liberalization Law at magbigay ng subsidiya sa mga apektadong magsasaka dulot ng rice imports at bagyo.

 

 

“Higit na kailangan ng interbensyon sa kartel ng bigas sa bansa na pangunahing nakikinabang sa importasyon at mataas na presyo ng bigas. Dapat na matigil ang pagsandig ng bansa sa imported na bigas – lalo’t papatataas ang tunguhin ng presyo ng bigas sa pandaigdigang antas at nanalasa ang isang global food crisis.”  (Ara Romero)

Dating pulis na nasangkot sa viral video ng pananakit at panunutok ng baril dapat na sampahan ng kaso -Abalos

Posted on: September 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KUMBINSIDO  si Interior Secretary Benhur Abalos na dapat na sampahan ng kasong kriminal ang dating pulis na nasangkot sa viral video nang pananakit at panunutok pa ng baril nito laban sa isang siklista.

 

 

Ang katwiran ng Kalihim, hindi dapat na kinukunsinti ang  “culture of impunity” sa bansa.

 

 

“For the sake of a peaceful and orderly society, we cannot allow a culture of impunity. We cannot allow bullies to just go around intimidating people with deadly weapons. There must be consequences here,” ani Abalos.

 

 

Sinabi pa ni Abalos, kahit pa nakipag-areglo ang dating pulis na si  Wilfredo Gonzales sa siklista ay maaari pa rin aniyang sampahan ito ng kasong kriminal.

 

 

“Even if the victim won’t testify, criminal cases can still be filed if another witness comes forward. For example, the person that took the viral video, or other bystanders during the incident, can establish that they were at the scene, and identify the perpetrator and the acts that he committed. At the very least, a case for alarm and scandal could be filed,” paliwanag ni Abalos.

 

 

Sa ulat, sinabi ni Gonzales na nagkaayos na sila ng siklista.

 

 

“Pagkatapos ng komprontasyon na nakita niyo sa viral video, ako at ang aking siklista ay pumunta kami sa police station kung saan kami ay nagkausap, nagkapatawaran at nagkasundong kalimutan ang nangyari,” aniya.

 

 

Sinupalpal naman ng abogadong si Raymond Fortun ang pahayag ng dating pulis at sinabing pwersahang pinapirma ang siklista ng testimonyang nagsasabing siya ang may sala sa pangyayari.

 

 

Nagbayad pa umano ang biktima ng P500 dahil sa nagasgas na bahagi ng sasakyan.

 

 

“Dinala ng pulis ang siklista sa police station. Doon ay sapilitan sya na pinapirma ng agreement na nagkaayos umano sila at inamin nya na sya ang may mali. Di lang yon — pinagbayad pa sya ng ₱500 dahil nagasgasan n’ya ang sasakyan ng ex-pulis,” saad sa Facebook post ni Fortun.

 

 

“Yung nag-upload ng video ay tinakot din. Hindi nyo na makikita ang video sa vlogsite nya,” pagbabahagi pa niya.

 

 

“There can be no criminal case without the cooperation of the victim. But that does not mean that we, the public, are left helpless,” dagdag nito.

 

 

Mismong si Fortun na ang maghahain ng reklamo sa Land Transportation Office para bawiin naman ang driver’s license ni Gonzales, “for driving in a reckless manner that threatened the life of AB.”

 

 

Magpapadala rin umano siya ng kopya ng video “to the Senate President and the Speaker of the House, for them to decide whether the same can be the basis for a congressional investigation, in aid of legislation, in order that the August 8,2023 incident will not be repeated and that the citizenry would feel safer as they traverse our streets.” (Daris Jose)

Utos ni PBBM sa BOC, ipagpatuloy ang ‘warehouse raids’ para labanan ang hoarding, illegal rice imports

Posted on: August 31st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) na ipagpatuloy lamang ang raids o isang bigla at hindi inaasahang pagsalakay sa mga  warehouse o bodega para tugunan ang usapin ng hoarding at illegal rice importation. 
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni  Customs Commissioner Bienvenido Rubio na ang naging direktiba ni Pangulong Marcos sa  BOC ay para i-validate ang lahat ng  warehouse na nag-iimbak ng imported rice at  kagyat na magpalabas ng  letters of authority para inspeksyunin ang mga nasabing warehouse.
“We will be conducting more inspections of these warehouses. The inspection and visitation will be coordinated with other agencies like the DA (Department of Agriculture) and DTI (Department of Trade and Industry).” ayon kay Rubio.
Nito lamang Agosto 25, sinabi ng BoC na pansamantala nitong kinandado at binantayan ang tatlong  warehouse na matatagpuan sa loob ng Intercity Industrial Complex sa Balagtas, Bulacan,  napaulat na  nagtatago at nag-iimbak ng smuggled rice na nagkakahalaga ng  ₱505 milyong piso.
Ani Rubio, ang mga may-ari ng bodegang  ito ay binigyan lamang ng hanggang Setyembre  8  para magpakita ng “proof of payment” ng  duties at taxes  para sa  rice importation.
“Pag hindi nakapagbigay ng correct payment of duties and taxes, magkakaroon ng issuance of warant of seizure and detention na magbibigay ng authority para ikumpiska ang imported articles stored in the warehouses,” aniya pa rin.
Ang mga naturang warehouse ay naglalaman ng 202,000 sako ng imported rice grains na napaulat na nagmula pa sa  Vietnam, Cambodia, at Thailand.
Tinuran ni Rubio na hindi siya makabigay ng konklusyon kung ang nabanggit na produkto na nakaimbak sa warehouse ay intensyong itago.
“BOC’s authority only extends to whether the sacks of imported rice are paid with the correct duties and taxes,” ani Rubio.
“This comes after Marcos ordered the close monitoring of rice prices in markets and said he “will go after hoarders and price manipulators who take advantage of the lean months before the harvest season,” ayon sa  Presidential Communications Office (PCO)  nito lamang Agosto 16.  (Daris Jose)

CHR, handang makipagtulungan sa ICC ukol sa imbestigasyon sa drug war sa Pinas

Posted on: August 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HANDA ang Commission on Human Rights (CHR) na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito sa  drug war sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Gayunman, wala namang ideya at hindi pa alam ni CHR chair Richard Palpal-Latoc kung anong ‘specific cases’ ang titingnan ng ICC.

 

 

Bukod dito, hindi pa hinihingi ng ICC ang  tulong ng komisyon kaugnay sa kahit na anumang kaso.

 

 

Ang huling kaganapan hinggil sa ICC ay nang magbotohan ang Appeals Chamber nito noong Hulyo 18 kung saan  lumabas na 3-2 ang nakuhang boto, tinanggihan ang apela ng gobyerno ng Pilipinas na itigil ang imbestigasyon sa drug war.

 

 

Pinagtibay ng ruling ang nauna nitong desisyon noong Enero sa pamamagitan ng Pre-Trial Camber na payagan ang imbestigasyon ukol sa drug war, kahit pa hayagan ang pagturing ng gobyerno ng Pilipinas  na kawalan ng kahandaan nito na imbestigahan o usigin ang kaugnay na krimen.

 

 

Dahil sa desisyon, nagbukas ng bagong yugto sa drug war case, nabigyan ng  pagkakataon si ICC Chief Prosecutor Karim Khan na isulong ang pag-uusig sa ilang indibidwal.

 

 

“If Khan pursues charges, these could fall on Duterte and his Philippine National Police (PNP) chief at the height of the drug war, Sen. Ronald dela Rosa,” ayon kay human rights lawyer Neri Colmenares.

 

 

Sinabi naman ni Palpal-Latoc na “If the ICC will request us to help them (provide) the evidence we have gathered in the cases, we have already investigated, we can share it.”

 

 

“If our participation would help find a solution to the problem of human tights affecting Filipinos, we will perform our mandate,” dagdag na wika nito sabay sabing “We have an independent mandate to look into human rights concerns of the Filipinos here and abroad.” ( Daris Jose)

COA , natuklasan ang 3,707 OFWs na makailang ulit na gumamit ng emergency repatriation

Posted on: August 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG 4,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang gumamit  ng libreng  byahe pabalik ng Pinas hindi lamang isang beses kundi limang beses  sa kasagsagan ng  COVID-19 pandemic.

 

 

Hiniling ng Commission on Audit (COA)  sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ipaliwanag kung paano ang 3,707 OFWs ay gumamit ng makailang ulit na emergency repatriation program sa pagitan ng April 2020 hanggang May 2022.

 

 

Ang OFWs  na nakalista  bilang “in distress,” ay nakakuha ng “free accommodation, meals, at sakay sa kani-kanilang destinasyon.”

 

 

“Overseas Filipino in distress is defined as those who have “medical, psycho-social, or legal problem requiring treatment, counseling, or legal representation” under the Migrant Workers And Overseas Filipinos Act of 1995,” ayon sa ulat.

 

 

“It appeared that the repatriation program was utilized by these OFWs for their regular trips back home after their contracts expired and not from distress as can be gleaned by the number of times these OFWs availed of the program,” ayon sa COA.

 

 

Idinagdag pa ng komisyon na ang “improper evaluation” ng mga OFWs  na ito “depleted scarce government resources” at “exhausted funds”  na dapat  gamitin para sa “eligible OFWs in distress.”

 

 

Natunton ng COA ang  3,707 OFWs sa Northern Mindanao, subalit sinabi ng  regional office ng OWWA na tinanggap lamang nila at inasikaso ang mga OFWs matapos makatanggap ng komunikasyon mula sa central office.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng OWWA Northern Mindanao, sa COA na kokonsultahin nito ang central office para masiguro na ang emergency repatriation ay iginugol sa mga eligible. (Daris Jose)