• September 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Home Top Right Box Outline’ Category

DA, hinikayat ang mga Pinoy na iwasang magsayang ng bigas, bumili ng locally produced rice

Posted on: November 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng Department of Agriculture (DA) ang mga mamimili na iwasang magsayang ng bigas at bumili ng locally produced rice para tulungan ang mga magsasaka na lumaki at lumakas ang kanilang kita.

 

 

Sa Palace press briefing, sinabi ni Dr. Karen Eloisa Barroga, Deputy Executive Director for Development of DA-PhilRice, na sa ilalim ng “Be RICEponsible” campaign ng DA, isinama ng ahensiya ang mga mamimili para makaiwas sa rice wastage na tinatayang  P7 milyong piso kada taon, tulungan ang mga lokal na magsasaka at bigyan ang publiko ng  healthy food choices.

 

 

“This time we are involving the consumers para po ang… dahil ang rice ay ating staple food so it’s important that it’s not just a matter of technology pushed na iyong farmers ang inaano nating mag-produce nang mag-produce ng rice,” ayon kay Barroga.

 

 

“But also, the consumers, they have a role to play by avoiding wastage sa ating food – and doing that is also very helpful for our health,” anito.

 

 

Para naman kay  Dr. Hazel Antonio,  magpapatuloy ang mensahe ng  “Be RICEponsible” campaign na  simula pa noong nakaraang taon hanggang  2028, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtangkilik sa “locally produced rice” para tulungan ang mga lokal na magsasaka.

 

 

“I think our farmers appreciate the hard work. Pero this time, we’re encouraging every consumer to buy their products kasi isa din sa mga goals ng DA, specifically ng PhilRice under the rice program, ay tulungan iyong ating mga farmers to market their products as milled rice na instead na ibenta nila as fresh palay sa farmgate,”  ayon kay Antonio.

 

 

Ito ang dahilan kung bakit ang mababa ng kita ng mga magsasakang Filipino, nakakukuha lamang ng 49% ng consumer prices.

 

 

Sa P50 kilo ng bigas, nakakukuha lamang ang mga ito ng mas mababa sa  P25 minus production inputs,  ang paliwanag ni Antonio, dahilan para hikayatin nito ang mga magsasaka na magbenta ng  milled rice sa halip na sariwang palay para palakasin at lumaki ang kanilang kita.

 

 

“So, now, we’re partnering with institutional buyers to buy from them directly. Just recently nga, mayroon kaming nakuhang order from Philippine Disaster Risk Reduction Network, so they will be buying more than seven million worth of rice mula sa ating mga farmers,” ayon pa rin  kay  Antonio.

 

 

Kaugnay naman sa rice consumer wastage, sinabi ni Barroga  na dalawang kutsara  ng bigas ang nasasayang ng isang tao sa isang araw, nagkakahalaga ito ng P7 milyong piso kada taon.

 

 

“Such amount could feed 2.5 million Filipinos,” ayon kay Barroga sabay binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapatupad ng hakbang para mapigilan ang rice wastage.

 

 

Ang dahilan naman ng tatlong klase ng pagsasayang bigas ayon kay Barroga  ay ang “significant volume” ng bigas na  nabubulok at napapanis sa panahon ng  fiesta celebrations dahil may mga tao ang kumukuha ng maraming kanin na hindi naman inuubos.

 

 

“Actually the campaign says, get only what you need and what we have done in the past was to encourage a half cup serving as default ‘no,” anito.

 

 

“And some of the provinces actually and cities, restaurants in the cities and provinces partnered with us to make sure that we could have a default serving of half cup of rice para hindi sayang iyong ano… maiwasan natin ang wastage,” dagdag na pahayag ni Barroga.

 

 

Samantala, ipinagdiriwang ng bansa ang National Rice Awareness Month, bawat buwan ng Nobyembre alinsunod sa Presidential Proclamation No. 524, nilagdaan noong Enero 5,  2004 naglalayong itaas ang  public awareness sa pagsisikap na makamit ang “rice self-sufficiency” at tugunan ang malnutrisyon ay kahirapan.

 

 

May temang “Be RICEponsible”, ang National Rice Awareness Month ay pinangunahan ng DA at attached agency nito na Philippine Rice Research Institute (PhilRice).  (Daris Jose)

Speaker Romualdez, ikinalugod ang pagbagal ng inflation; Kamara, patuloy na magbabantay

Posted on: November 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

POSITIBO ang pagtanggap ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa naging pagbaba ng inflation rate ng bansa.

 

 

Kasabay nito ay muling iginiit ni  Romualdez ang patuloy na pagsuporta ng Kamara sa administrasyong Marcos upang mapalakas ang ekonomiya ng bansa at pagtiyak na abot-kaya ng mga bilihin.

 

 

Ayon sa House leader, ang pagbaba sa inflation ay may malaking benepisyo sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga pamilya sa bansa dahil kabawasan ito sa kanilang gastusin dahil mas abot kaya at accessible na ang mga batayang bilihin.

 

 

Pinapalakas umano ng pagbaba ng presyo ang purchasing power o kapangyarihan ng mga Pilipino na makabili at nakatutulong din para sila ay makapag ipon at mailaan ang pera sa mga iba pang mahahalagang bagay gaya ng edukasyon at kalusugan.

 

 

Bilang tugon naman sa mga global economic headwinds, mananatiling nakatuon ang Kamara, ayon kay  Romualdez sa pagbuo ng mga polisiya para suportahan ang matatag na ekonomiya ng bansa, pagpaparami sa pamumuhunan at palakasin ang produksyong pang-agrikultural bilang suporta sa pro-poor programs ng Pang. Marcos nang ma-protektahan ang bansa mula sa mga hamong pang ekonomiya mula sa labas.

 

 

Maliban dito ay palalakasin din aniya ng Mababang Kapulungan ang supply chain infrastructure upang maiiwas ang bansa at domestic prices mula sa epekto ng kakulangan sa global supply.

 

 

Batid ni Romualdez na nakaka-apekto ang inflation sa lahat ng asepto ng pamumuhay ng mga Pilipino kaya’y desidido ang Kamara na palawigin ang social safety nets para protektahan ang mga vulnerable mula sa lokal at panlabas na inflationary pressure.

 

 

Binigyang-diin din nito ang kahalagahan na patuloy na pagbabantay sa gitna na rin ng nagpapatuloy na kaguluhan sa labas ng bansa at supply chain disruptions. (Ara Romero)

Lider at mga miyembro ng Socorro Bayanihan Service Inc. sinampahan na ng 21 kaso – DOJ

Posted on: November 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINAMPAHAN  na ng Department of Justice ng kasong kriminal sa korte sa Surigao laban sa mga miyembro ng Soccoro Bayanihan Service Inc.

 

 

Ayon kay Justice Secretary Jesus Remulla na ang mga kasong isinampa ay kinabibilangan ng Qualified Trafficking in Persons, Facilitation of Child Marriage, Solemnization of Child Marriage at Child abuse laban kay Jey Rence Quilario alyas “Senior Agila” at 12 iba pa.

 

 

Sa kabuuan aniya ay mayroong 21 kaso ang inihain nila kung saan ayon pa sa kalihim na ito ay simula lamang dahil marami pang mga anggulo silang tinitingnan.

 

 

Dagdag pa nito na lahat ng mga sinampahan ng kaso ay mula sa Sito Kapihan, Socorro, Surigao del Norte kabilang na si Senior Agila.

 

 

Paglilinaw pa ng kalihim na ang pagsampa ng kaso sa lokal na korte ay temporaryo lamang dahil sa nakatakdang ilipat ang prosecutiions sa Metro Manila o sa ibang mga lugar. (Daris Jose)

BSKE, isang “litmus test” para sa functioning democracy sa Bangsamoro

Posted on: November 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Presidential peace adviser Carlito Galvez, Jr. ang matagumpay na pagdaraos ng lokal na halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

 

 

Ani Galvez, nakapasa ang lokal na pamahalaan sa tinatawag na “litmus test of a well-functioning democracy.”

 

 

Sa isang kalatas, pinasalamatan ni Galvez ang mga miyembro ng militar at pulis dahil sa mapayapa at maayos na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) noong Oktubre 30.

 

 

Ito ang kauna-unahang BSKE  na idinaos sa rehiyon matapos itatag, apat na taon na ang nakalilipas at kauna-unahan naman sa Pilipinas simula 2018.

 

 

“Despite the occurrence of incidents in some parts of the country, the national government and the security sector can say that it did everything possible to protect our people from these peace spoilers,” ayon kay Galvez.

 

 

Pinuri rin nito  na walang  “failure of elections” sa anumang bahagi ng bansa,  na aniya’y  “a testament that the right of suffrage of Filipinos was protected across the nation.”

 

 

“We must remember that the BARMM was just established four years ago, making it a newcomer, so to speak, in the affairs of governance, which makes the conduct of the recent elections in the region both inspiring and admirable,” dagdag na wika ni  Galvez.

 

 

“The BARMM leadership knows exactly the challenges it is facing, especially in the socio-economic and socio-political sphere. But despite these difficulties, it still forged ahead, confident in its capacity to hold free and honest elections,” lahad nito.

 

 

Ito’y sa kabila ng tatlo ang nasawi at walong iba pa ang nasugatan sa magkahiwalay na insidente ng karahasan na may kaugnayan sa BSKE 2023 sa BARMM. (Daris Jose)

DepEd, World Bank posibleng magsanib-puwersa para palakasin ang kalidad ng edukasyon

Posted on: October 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG magsanib-puwersa ang Department of Education (DepEd) at  World Bank Group para  magtulungan na paghusayin pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

 

 

Sa kanyang opisyal na Facebook page, ibinahagi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang naging pagbisita ni World Bank Group Country Director for Brunei, Malaysia, Philippines, and Thailand Dr. Ndiamé Diop  sa DepEd Central Office sa Pasig City, araw ng Lunes, para sa isang  courtesy call.

 

 

“Masaya ako na pareho naming kinikilala ang malaking papel na ginagampanan ng edukasyon para sa pagbabago ng buhay at kinabukasan ng bansa,” ayon kay VP Sara.

 

 

Sa nasabing  courtesy call,  ibinahagi pa rin ni VP Sara na pinag-usapan ng mga opisyal ng DepEd at World Bank Group ang posibleng pagsasanib-puwersa o kolaborasyon na makatutulong para tugunan ang mga hamon sa education sector ng bansa.

 

 

Kabilang sa mga posibleng larangan para sa pagtutulungan ay ang implementasyon ng MATATAG Agenda.

 

 

Inilunsad noong unang bahagi ng taon, ang MATATAG Agenda ang pinakabagong “battlecry” ng DepEd para lutasin ang mga hamon sa basic education sector.

 

 

Nakatuon ang MATATAG Agenda sa paglikha ng curriculum na may kaugnayan sa pagpo-produce  ng “competent at job-ready, active, at responsible citizens;  gumawa ng hakbang para gawing mabilis ang paghahatid ng  basic education facilities at services; pangalagaan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpo-promote sa kapakanan ng mga mag-aaral, inclusive education, at isang positive learning environment; at bigyan ng suporta ang mga guro na makapagturo ng maayos.

 

 

Tinalakay din ng DepEd at  World Bank Group ang mga posibleng hakbang para palawign ang pagsasanay para sa mga  Filipino teachers sa pamamagitan ng “Teacher Effectiveness and Competencies Enhancement Project” sa iba’t ibang rehiyon at maging ang paglikha ng karagdagang  matibay na eskuwelahan sa ilalim ng  “Infrastructure for Safer and Resilient Schools” project.

 

 

Sinabi pa ni VP Sara na pinag-usapan din ang DepEd Digital Education 2028 o “DepEd DigiEd” program.

 

 

Samantala, nagpasalamat naman si VP Sara  sa World Bank Group para sa grant para sa  Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

 

“Ako ay positibo na ang kolaborasyon at pagtutulungan ay magdadala ng makabuluhang pagbabago sa edukasyon sa bansa,” ayon kay VP Sara. (Daris Jose)

Tuloy ang pagpapatupad ng mga programa at polisiya sa AFP

Posted on: October 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Council of Sergeants Major na magpapatuloy ang mga ipinatutupad ng mga programa at polisiya na naglalayong i-promote ang kapakanan ng mga ito at ng kanilang pamilya.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa idinaos na  taunang ‘traditional dinner’ para sa  AFP Council of Sergeants Major sa Palasyo ng Malakanyang, pinaalalahanan ni Pangulong Marcos ang mga ito na panatilihin ang kanilang magandang trabaho.

 

 

Inulit naman ng Chief Executive na naka-alalay ang administrasyon at ang Pilipinas sa mga ito habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin.

 

 

“Rest assured that we will remain steadfast in transforming and modernizing the AFP into a world-class force that is respected by its counterparts and is a source of national pride,” ayon kay Pangulong  Marcos.

 

 

“So, let me likewise assure you that we will continue to implement programs and policies that will promote your welfare, and not only those who are in active service but those whose families I consider also to be in active service. So, keep up the good work. Know that this administration and the entire country is behind you as you fulfill your duties to the nation,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Si Pangulong Marcos ang nag-host ng taunang  traditional dinner para sa  AFP Council of Sergeants Major. Tinatayang may 180  ang naging bisita mula sa AFP,  Department of National Defense (DND), at Office of the Presidential Adviser on Military and Police Affairs (OPAMPA) na dumalo sa event.

 

 

Nagpasalamat naman ang Pangulo sa mga opisyal na nakiisa sa  pagdiriwang ng ika- 27 Non-Commissioned Officers Week at ika-54 Founding Anniversary  ng Office of the AFP Sergeant Major.

 

 

Winika ng Punong Ehekutibo na ang enlisted personnel ang nagsisilbing “backbone” ng  military force  ng bansa. Binubuo ito ng 90% ng mga tropa “and with their specialized abilities, support the daily operations and institutional activities of the AFP,” ayon sa Pangulo.

 

 

“You are vital to our sustained success of defending our state, our sovereignty, and our patrimony. It is, therefore, of utmost importance that we help each other and make sure that they all reach their fullest potential, so that they become well-rounded soldiers,”  ang pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

“This is where you Sergeants Major come into the picture. As the most senior, most experienced, [and] most seasoned amongst our enlisted personnel, you help in implementing the plans and strategies that we are enforcing on the ground,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, binigyang-diin ng Pangulo na tinitiyak ng mga opisyal na ang samahan at pagkakaisa sa pagitan ng mga AFP official at mga tropa ay nananatiling  malakas at  ‘unbreakable’ para  “help steer the direction and performance”  ng mga enlisted personnel  sa kani-kanilang mga unit.

 

 

Samantala, kinilala naman ng Pangulo ang kanilang pagsisikap na nananatiling nakaayon sa mga pangangailangan ng mga tropang filipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa at palakasin ang kanilang morale at kapakanan.

 

 

“You have also engaged your counterparts from other countries such as the United States to discuss important topics, such as the proposal to create a mutually agreed Professional Development Program in support of the Philippines-United States Mutual Defense Treaty,”  ayon sa Pangulo.

 

 

“So, for all of these things that you do, I have nothing but utmost respect and admiration for all of you and for all that you have done for our country, for our people, for our Armed Forces. So, continue to show them your selfless and dedicated service to the nation that enabled you to reach the positions that you occupy today,” dagdag na wika nito.

 

 

Umaasa naman ang Pangulo sa suporta ng mga ito na tiyakin na ang AFP ay madaling makaka-adapt at makapaghahanda para sa anumang  contingency, ikinunsidera na rito ang pagbabago sa  security environment ng Pilipinas.

 

 

Kumpiyansa rin ang Pangulo na ipagpapatuloy ng mga sergeants major  na matuto ng mga bagong kasanayan, magkaroon ng mas maraming kaalaman at palakasin ang kanilang kagalingan para mapagtanto ang nilalayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP). (Daris Jose)

Utos ni PBBM sa PCG, imbestigahan ang ang nangyaring banggaan sa Ayungin Shoal

Posted on: October 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Coast Guard (PCG)  ang nangyaring pagbangga ng China Coast Guard (CCG) sa  maliit na barkong kinontrata ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa resupply mission sa Ayungin Shoal, ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS)

 

 

Nauna rito, nagpatawag si Pangulong Marcos  ng command conference para talakayin ang  pinakabagong ginawang paglabag ng China sa resource-rich region.

 

 

“He instructed the Philippine Coast Guard to conduct an investigation, as mandated by international maritime laws, into the events that transpired during the RORE mission to Ayungin Shoal by vessels of the China Coast Guard,”  ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

 

 

“The incident, brought about by dangerous, illegal, and reckless maneuvers by vessels of the China Coast Guard, caused damage to a Philippine vessel within our exclusive economic zone and is being taken seriously at the highest level of government,” dagdag na wika ng PCO.

 

 

Samantala, napaulat na sinabi ng NTF-WPS na nangyari ang insidente dakong alas-6:04 nang umaga nang magsagawa ng “dangerous blocking maneuvers” ang CCG vessel 5203 (CCGV 5203) na nagresulta sa pagkakabangga sa indigenous resupply boat Unaiza May 2 (UM2), halos 13.5 nautical miles sa silangan hilagang silangan ng BRP Sierra Madre.

 

 

Ang UM2 ay nagsasagawa ng regular and routine rotation and resupply (RORE) mission sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal sapul noong 1999.

 

 

“The provocative, irresponsible, and illegal action of CCGV 5203 imperiled the safety of the crew of UM2,” ayon sa task force.

 

 

Binangga naman ng Chinese maritime militia vessel 00003 (CMMV 00003) ang port side ng Philippine Coast Guard (PCG) vessel MRRV 4409 habang nasa 6.4NM Hilagang Silangan ng Ayungin Shoal.

 

 

Sa kabila ng pagbangga, nakapagpatuloy pa rin sa RORE mission ang UM2 at ang barko ng PCG, habang ang Unaiza May 1 (UM1) naman ay mata­gumpay na nakarating sa BRP Sierra Madre.

 

 

“The National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) condemns in the strongest degree the latest dangerous, irresponsible, and illegal actions of the CCG and the Chinese Maritime Militia done this morning, in violation of Philippine sove­reignty, sovereign rights and jurisdiction and in utter blatant disregard of the United Nations Charter, the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS) and relevant international maritime conventions, and the 2016 Arbitral Award,” ayon sa  kalatas.

 

 

Nanindigan naman ang CCG na legal ang pagharang nila sa mga bangko ng Pilipinas dahil nagdadala umano tayo ng “illegal construction mate­rials” sa BRP Sierra Madre.

 

 

Samantala, mariing  ni US Ambassador to the Phi­lippines MaryKay Carlson ang China dahil sa “latest disruption of a legal Philippine resupply mission to Ayungin Shoal,” at ang paglalagay sa panganib sa mga sakay ng barko.

 

 

Naglabas din ng pahayag ang Canadian Embassy sa Pilipinas at kinokondena ang insidente ng banggaan dahil sa “unlawful and dangerous conduct” ng CCG.  (Daris Jose)

Mga miyembro ng Kamara tuloy sa trabaho kahit naka-recess

Posted on: October 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG Biyernes ay pumunta sina Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., Laguna Rep. Dan Fernandez, Patrol Party-list Rep. Jorge Bustos, at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs sa Cavite upang saksihan ang ginawang pagsunog sa may P6 bilyong halaga ng iligal na droga na nasa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

 

 

“Our presence there was part of our job as House members who are looking into recent drug confiscations and the trade in illegal drugs in general upon the instruction of Speaker Martin Romualdez,” ani Gonzales.

 

 

“Our inquiry is in consonance with the bloodless anti-drug campaign of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., which has so far netted more than P30 billion worth of illegal substances,” dagdag pa ni Gonzales.

 

 

Iniimbestigahan ng komite ni Barbers ang nakumpiskang P3.6 bilyong halaga ng shabu sa isang warehouse sa Barangay San Jose Malino, Mexico, Pampanga, at ang shabu extender na nakuha sa isang abandonadong sasakyan sa parking lot ng isang supermarket sa Mabalacat City, Pampanga.

 

 

Ayon sa PDEA kasama sa sinunog ang 274 kilo ng shabu na nakumpiska sa Manila International Container Port noong Oktobre 6 at ang 208 kilo ng shabu extender na narekober sa Mabalacat City.

 

 

Sinunog umano ang mga ito dahil hindi na kailangan bilang mga ebidensya.

 

 

Hindi naman sinunog ang 530 kilo ng shabu na nakuha sa warehouse sa Barangay San Jose Malino dahil hindi pa umano tapos ang isinasagawang imbestigasyon dito.

 

 

Pinatitiyak naman ni Barbers sa PDEA na malakas ang kasong isinampa nito laban sa mga nagpasok ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

 

 

Tiniyak naman ng mambabatasna suportado ng Kongreso ang mga law enforcement agency sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga. (Ara Romero)

Kamara may kapangyarihan na maglipat ng pondo kasama ang CIF

Posted on: October 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASA kapangyarihan umano ng Kamara ang paglilipat ng alokasyon sa ilalim ng panukalang budget at kasama rito ang confidential and intelligence funds (CIF) ng iba’t ibang ahensya.

 

 

“There’s no question about it. The Congress, particularly the House, where the national budget bill originates, possesses that power. It is granted by the Constitution. The limitation to that power is that the Congress, to use the language of the Constitution, ‘may not increase the appropriations recommended by the President for the operation of the government as specified in the budget,” ayon kay Davao del Sur Rep. John Tracy Cagas.

 

 

Sinabi ng mambabatas na ang kamara at senado ay binigyan ng kapangyarihan sa ilalim ng Konstitusyon na baguhin ang alokasyon ng mga pondo sa ilalim ng panukalang budget upang ito ay maging angkop sa pangangailangan ng bansa.

 

 

Nagdesisyon ang Kamara ang confidential funds ng mga civilian offices gaya ng Department of Agriculture, Department of Foreign Affairs, Office of the Vice President, at Department of Education at inilipat ito sa mga security agency na ang pangunahing mandato ay magbigay ng seguridad sa bansa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Bahagi rin ng pondo ay inilaan sa Pag-asa Island na nasa WPS upang malinang ang lugar na bahagi ng probinsya ng Palawan.

 

 

Ang desisyon ng Kamara na i-realign ang confidential fund ay hindi lamang umano paggamit nito ng kapangyarihan sa ilalim ng Konstitusyon kundi pagtugon din sa mga hiling ng mga ahensya na dagdagan ang kanilang pondo upang mabantayan ang interes, seguridad, soberanya at mapangalagaan ang teritoryo ng bansa, ayon kay Cagas.

 

 

Ipinunto rin ni Cagas na ang mga ahensiya, gaya ng OVP ay wala naman talagang confidential funds sa mga nagdaang panahon dahil hindi kabilang sa pangunahing mandato nito ang pagbibigay ng seguridad sa bansa. (Ara Romero)

Diablox’ pumiyok, tumugma na nasa likod ng pag-hack sa mga gov’t websites

Posted on: October 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TUMUGA ang isang indibiduwal at umamin na responsable sa kamakailan lamang na cyberattacks sa ilang  government websites. 

 

 

Sa isang recorded video message na naka-post sa  X, dating Twitter, isang account ng nagngangalang  ‘Diablox Phantom’ ang humingi ng paumanhin sa mga naapektuhan ng kanyang ginawang pagha-hack.

 

 

Kinumpirma naman ni DICT spokesperson Assistant Secretary Aboy Paraiso na batid ng DICT ang personalidad na ito.

 

 

“There is an ongoing investigation by the CICC (Cybercrime Investigation and Coordinating Center) for proper attribution of his identity and his claims,” ayon kay Paraiso.

 

 

Sa kabilang dako, inamin at inangkin ng indibidwal  na siya ang  nasa likod ng cyberattacks.

 

 

Iyon  nga lamang  wala siyang plano na ibenta ang data na kanyang nakolekta mula sa hacking.

 

 

Kabilang sa  ‘systems’ na biktima ng  hacking ay ang Philippine Statistics Authority (PSA), Philippine National Police (PNP), at Department of Science and Technology (DOST).

 

 

“Maasahan niyo na buburahin ko ang data na hawak ko. Pagkatapos ng insidenteng ito wala na pong Diablox Phantom ang mabubuhay sa cyberspace,” Diablox Phantom said.

 

 

Sinabi pa niya na “out of passion” kaya ginawa niya ang pagsira sa ‘government system.’

 

 

“Pangha-hack ko sa website ng gobyerno ay passion ko lamang po ito at wala pong ibang nagtutulak sa akin na gawin po ito,” ayon kay Diablox Phantom.

 

 

Binigyang diin pa ni Diablox Phantom na dapat na bigyang importansya ng pamahalaan ang cyber security.

 

 

Nauna rito, sinabi naman ni  DICT Undersecretary Jeffrey Dy na ang suspek na nag-post at nag-leak ng  data mula PSA at DOST ay pareho.

 

 

Sinabi naman ng DICT na posibleng local hacker ang nasa likod ng hacking. (Daris Jose)