• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 13th, 2020

Face-to-face classes, depende kay PDu30 – Briones

Posted on: July 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nanindigan si Education Secretary Leonor Briones na ang pagbubukas ng School Year 2020-2021 ay tuloy sa August 24 kahit pa walang face-to-face instruction.

 

“We cannot go beyond that because of the requirements of a law that is not yet amended or repealed as of now,” paliwanag ni Briones sa online press briefing sa Oplan Balik Eskwela-Brigada Eskwela (OBE-BE).

 

Wala aniyang pagbabago sa schedule ng klase dahil sa naaprubahan na ito ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), na inanunsyo ng DepEd at ni President Rodrigo Duterte.

 

“As of now, whether we will have face-to-face or no face-to-face, the date [of school opening] remains that it is still August 24.”

 

“We don’t want to go beyond the requirements of the law so it’s August 24 – with or without face-to-face,” dagdag pa nito.

 

“Ang President kasi ang nag-declare na walang face-to-face, so siya ang mag-aaral ng sitwasyon at patuloy na binibigyan namin siya ng impormasyon na kailangan niya .”

 

“Kung ano man ang desisyon, siya ang gagawa nung decision na iyan but the August 24 is still there – with or without face-to-face,” giit pa ni Briones.

 

Panatag naman si Briones na handa ang DepEd sa naturang pagbubukas.

 

“So far, we are still getting ready.”

 

“We’re doing everything but I think, you don’t reach a point that we can say that we are totally, completely ready because by the time that we’re able to respond to the needs, there will be emerging needs,” lahad ni Briones (Daris Jose)

DPWH pinasalamatan ang PSC sa pagtulong ngayon coronavirus pandemic

Posted on: July 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinasalamatan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Philippine Sports Commission (PSC) dahil sa pagtulong nito sa paglaban sa novel coronavirus pandemic sa bansa.

 

Sa sulat ng DPWH sa PSC, labis ang pasasalamat nila sa pagpapahiram ng PSC ng kanilang pasilidad.

 

Ginamit kasi ang ilang pasilidad ng PSC para gawing quarantine area ng mga nagpositibo sa COVID-19.

 

Ilan sa mga dito ay ang Ninoy Aquino Stadium at Rizal Memorial Sports Complex facility.

 

Tiniyak naman PSC officer-in-charge Ramon Fernandez sa DPWH ang pakikipagtulungan ng sports agency sa gobyerno sa paglaban ng pandemic.

Back-riding na mag-asawa puwede na sa motorcycle

Posted on: July 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Simula noong Biyernes, July 10 ay pinayagan na ng pamahalaan ang pagsakay ng mag-asawa sa motorcycle subalit kinakailangan silang sumunod sa mga health standards na pinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

 

Isa sa mga mandatory health requirements ay ang paglalagay ng body shields sa pagitan ng driver at ng sakay nito upang maiwasan ang direct physical contact.

 

“Back-riding is allowed between married couples,” wika ni presidential spokesperson Harry Roque.

 

Kinlaro naman ni Interior Secretary Eduardo Ano na ang mag-asawa ay hindi kinakailangan kasal basta sila ay nagsasama sa iisang bubong.

 

“Couple living in the same household, whether they are married or they are common-law husband and wife or boyfriend and girlfriend but they are living in the same household,” dagdag ni Ano.

 

Kung sila ay kasal, kinakailangan pareho ang kanilang apelyido o di kaya ay may parehas na address sila sa kanilang IDs upang mapatunayan na sila ay nagsasama.

 

Ayon rin kay Roque na kailangan nilang sumunod sa mininum public health standards tulad ng pagsusuot ng face masks at helmet kasama na ang pagsunod sa minimum speed limit.

 

Ang bagong road courtesy na ito ay hindi kasama ang operasyon ng motorcycle-riding apps tulad ng Angkas na hanggang ngayon ay wala pa rin na franchise.

 

Sa  hanay naman ng Philippine National Police (PNP), sinabi ni Lt.Gen. Guillermo Eleazar na sa ngayon ay gumagawa sila ng guidelines upang maiwasan ang pagkalito sa pagpapatupad nito.

 

Sinabi rin ni Eleazar na kinakailangan mayroon specific na guidelines upang maiwasan na ang mga tao ay magkukunwaring mag-asawa upang makalusot lamang sa quarantine control points at checkpoints.

 

“They would do every alibi that they can think of just to circumvent the rules even if they are fully aware that what they are doing are wrong,” wika ni Eleazar.

 

Natuwa naman si Senator Grace Poe sa desisyon ng pamahalaan na payagan ang mag-asawa na sumakay sa motorcycle upang maibsan na rin ang problema sa public transportation sa panahon ng pandemic. “It’s a significant relief to families who rely solely on their motorcycles to get to work or place of livelihood. Rationality and compassion for Filipino families finally prevailed in this policy,” ayon kay Poe.

 

Subalit pinaalalahanan din ni Poe ang mga mag-asawa na sumunod sa naaayon na mga existing safety protocols tulad ng parating pasusuot ng face mask at helmet, disinfection at pasunod sa traffic rules upang masiguro ang pagkakaroon ng isang virus-free na transportation.

 

Samantala, binalaan naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko laban sa paggamit ng colorum na motorcycles o habal-habal upang makarating lamang sa kanilang destinasyon.

 

“We are not pleading to those who are legally married or live-in partners. They are allowed to ride on motorcycles together. The question is for colorum motorcycle riders who will take advantage of this again,” sabi ni MMDA traffic chief Bong Nebrija.

 

Ang hindi susunod sa bagong back-riding policy ay papatawan ng kaukulang penalty sa ilalim ng Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Heath Events of Public Health Concern Act.  (LASACMAR)