• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 21st, 2020

Top 6 most wanted person ng NPD, nasakote

Posted on: October 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ang 10-buwan pagtatago, naaresto na ng pulisya ang isang umano’y rapist na tinagurian bilang Top 6 Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD) makaraang bumalik sa kanyang bahay sa Quezon City.

 

Pinuri ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/MGen. Debold Sinas ang mga operatiba ng Intelligence Operation Section (IOS) at NPD District Intelligence Division (DID) sa matagumpay na pagkakaarestro kay Enrico Panlilio, 45, construction worker matapos bumalik sa kanyang bahay sa Block 5, Lot 11, Pook Pag-asa, Batasan Hills, Quezon City.

 

Ayon kay NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, unang nagsagawa ang mga tauhan ng DID at IOS discreet monitoring at surveillance operation malapit sa bahay ni Panlilio matapos ang natanggap nilang tip mula sa kanilang impormante na madalas bumisita ang akusado sa kanyang pamilya.

 

Alas-5 ng hapon, nakipag- koordinasyon ang mga tauhan ng IOS at NPD-DID sa Quezon City Police District (QCPD) saka i- sinilbi ang warrant of arrest na i- nisyu ni Caloocan Regional Trial (RTC) Family Court Judge Raymundo G. Vallega ng Branch 130 noong January 31, 2020 kontra kay Panlilio para sa kasong rape na walang i-nirekomendang piyansa.

 

“I commend the successful manhunt operation that led to the arrest of Northern Police District’s Top 6 Most Wanted Person. The efforts of our men in this venture indicates our sincerity to make all law offenders face the charges filed against them in court,” ani MGen.Sinas. (Richard Mesa)

Saso ibabalik ang bangis

Posted on: October 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAWALA SA ang pamatay na porma ni Yuka Saso kaya nagdaang limang torneo’y isang top 10 lang ang pinakamataas na tinapos sa 12 th Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020, magbuhat nang makadalawang sunod tagumpay sa mayamang paligsahan sa kontinente.

 

Desidido ang 19-anyos na Fil-Japanese na tubong sa San Ildefonso, Bulacan na makabawi at makuhang muli ang tikas pamatay sa pagsambulat ngayong Biyernes ng Fujitsu Ladies 2020 sa Tokyu Seven Hundred Club sa Chiba City, Japan.

 

Inihudyat nang hindi marunong mag-Nihonggo pero matatas mag-Filipino na rookie professional ang pagdomina sa edisyong ito nang pamayagpagan sa ikalawa-ikatlong mga torneong NEC Karuizawa at Nitori Ldies ‘pagkabinyag’ sa kanya pakikipagbuhol sa ikalimang puwesto sa Earth Mondahmin Cup.

 

Pero hindi na siya gaanong nakapalag pa sa korona para mabitawan ang pamamayagpag sa Player of the Year race kahit nasa ituktok pa rin naman ng money derby at sa karamihang statistika. (REC)

Parks, Jr., Pogoy ginaya sina Paras, Magsanoc

Posted on: October 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SI Roger Ray (RR) Pogoy ang nagpasabog sa unang laro ng Talk ‘N Text sa 45 th Philippine Basketball Association o PBA Philippine Cup 2020 eliminations reopening nitong Linggo sa Clark Freeport and Special Economic Zone bubble sa Angeles City, nang kumontak ng career-high 45 points patungo sa 100-95 pagpanis ng Tropang Giga sa Alaska Milk.

 

Sa ikalawang salang sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center powered by Smart 5G gym nitong Martes, si Bobby Ray (Ray-Ray) Parks Jr. naman ang nagbaga ng 40 points nang paparahin ang TerraFirma 112-101.

 

Sang-ayon nitong Miyerkoles kay professional hoops league chief statistician Fidel Mangonon III, naging unang local tandem sina Pogoy at Parks ang sa loob ng 30 taon na mga pumutok ng 40 o higit pang puntos sa magkasunod na laban ng isang koponan.

 

Huling umukit nito sina Ronald (Ronnie) Magsanoc at Venancio Johnson (Benjie) Paras, Jr. ng Shell. Humarurot si si Magsanoc ng career-high 40 sa 138-134 loss sa Presto noong Huly 1, 1990, tumapak ng 45 si Paras makaraan ang apat na araw ang apat nang masakerin ang Pepsi, 155-108.

 

“That’s a testament of my hardwork, and the support of my teammates,” suma ng anak ni PBA seven-time Best Import Bobby Parks, Sr. Parks, na lumapad ang katawan at nagkapandesal ang mga braso sa pitong buwang pagkatengga ng liga.

 

“It’s just great being able to perform. Benjie, and Ronnie … those are two great players,” hirit pa ng 27-year-old, 6-foot-4 Fil-Am combo guard.

 

Diyeta sa isang pukol lang si Parks sa opening quarter, buhat doon ay 12 of 17 na sa field, 7 for 10 sa 3-point area at binubulabog si Christian Jaymar (CJ) Perez sa depensa. Pinatingkad pa ng batang Parks ang nilaro sa 11 rebounds at 5 assists kontra 3 turnovers.

 

Pumoste naman si Pogoy ng 10 for 17 sa 3s at 17 of 29 overall shooting.

 

Pinaghahandaan ng TNT (2-0) ang duwelo kontra five-time defending champion San Miguel Beer ngayong alas-6:45 ng gabi.  (REC)