• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 15th, 2021

Imbestigasyon ng DoJ sa “Bloody Sunday Killings” patas, masinsin at makatarungan – Sec. Roque

Posted on: March 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na magiging patas ang Department of Justice sa ginagawa nitong imbestigasyon hinggil sa marahas at sabay-sabay na raid ng Philippine National Police (PNP) sa opisina ng ilang aktibista sa rehiyon ng Calabarzon, Linggo, bagay na ikinamatay ng siyam katao.

 

“We are confident with that probe because no less than Justice Secretary Menardo Guevara wants to get hard answers from the law enforcement agencies,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Nagsalita na aniya si Justice Secretary Menardo Guevarra sa kanyang naging obserbasyon na may mga police officials ang hindi sumunod sa standard operating procedures (SOP),” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Tiniyak nito na ang imbestigasyon ay magiging patas, masinsin at makatarungan.

 

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na kailangang sundin ng mga police officials ang rule of “necessity and proportionality” sa paggamit ng lakas laban sa mga suspek sa police operations, at ang kabiguan na gawin ito ay nangangahulugan na mahaharap sila sa murder charges.

 

Sa ulat, kasama sa mga napatay si Bayan-Cavite coordinator Manny Asuncion, mag-asawang sina Chai Lemita at Ariel Evangelista atbp. habang nakatakas naman ang 10-taong gulang nilang anak. Sinasabing miyembro ng Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pagwasak ng Kalikasan at Kalupaan ang mga Evangelista.

 

Kasama din sa mga naaresto sina Bayan-Laguna chapter spokesperson Mags Camoral. Ilan pa sa mga na-raid kahapon ang headquarters ng mga aktibistas sa probinsya ng Rizal.

 

Hinamon naman ng Malakanyang si Bise Presidente Leni Robredo na patunayan ang kaniyang pahayag na namamahala si Pangulong Rodrigo Duterte ng “murderous regime” matapos ang serye ng police raid na nag-iwan ng 9 patay na aktibista.

 

Ayon kay Sec. Roque, kung hindi mapapatunayan ito ni Robredo ay posible siyang kasuhan.

 

“Kung personal na nakita ni Vice President iyong nangyari, magbigay siya ng ebidensiya kasi ang pananalita niya, parang nakita ng dalawa niyang mata iyong nangyari sa mga patayan na ‘yon,” ani Roque sa isang press briefing.

 

Tinawag ni Robredo na masaker ang magkakasabay na police raid sa Calabarzon na nagresulta ng pagkamatay ng mga hinuhuli na umano ay nanlaban sa awtoridad.

 

Kinondena ng ilang rights groups ang pagpaslang sa 9 aktibista, na inilarawan nila bilang “tokhang style.”

 

Ayon kay Robredo, karamihan ay napatay sa alanganing oras at sa loob ng kanilang mga tahanan.

 

Nangyari ang operasyon dalawang araw matapos ang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Cagayan de Oro kung saan sinabi niya sa pulisya at militar na isantabi ang human rights at patayin ang mga armadong komunistang rebelde. (Daris Jose)

Ads March 15, 2021

Posted on: March 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

625 city ordinance violators, huli sa Caloocan

Posted on: March 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi bababa sa 625 city ordinance violators ang nahuli ng Caloocan City Police sa unang araw nang pagpapatupad muli ng 10pm-4am curfew hours sa lungsod.

 

 

Bukod sa paglabag sa curfew, may mga nahuli rin dahil umiinom sa mga pampublikong lugar at ang iba ay walang suot na face mask habang nasa labas ng tahanan.

 

 

Ang mga nahuling lumabag ay dinala sa mga barangay covered court na malapit sa mga Police Sub-Station, kung saan sila inisyuhan ng violation ticket.

 

 

Binigyan din ng face mask ang mga nahuling walang suot nito.

 

 

Bago pinauwi ay muli rin silang pinaalalahanan at hinikayat na sumunod sa mga umiiral na ordinansa bilang bahagi ng patuloy na laban sa pandemya.

 

 

Ayon kay Caloocan Police chief Col. Samuel Mina, mahigpit na ipatutupad ng ating mga kapulisan ang mga ordinansa base na rin sa direktiba ni Mayor Oca Malapitan.

 

 

“Patuloy po tayong nakikiusap sa mga mamamayan ng Caloocan. Magiging mahigpit po ang ating pagbabantay, hinihingi po namin ang inyong pagsunod. Kung hindi po tayo nagtatrabaho ay manatili na po tayo sa ating mga tahanan sa oras ng curfew,” pahayag ni Col. Mina. (Richard Mesa)

9 patay sa COVID sa CAMANAVA

Posted on: March 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Siyam ang patay sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area sa COVID-19 nitong Marso 11, habang umakyat sa 2,133 ang active cases at sumipa sa 1,243 death toll.

 

 

Sa Caloocan City, 488 na ang namamatay at 520 ang active cases, samantalang 15,216 ang confirmed cases at 14,208 na ang total recoveries.

 

 

Isa naman ang patay sa Barangay Baritan at isa rin sa Barangay Panghulo, Malabon City,74 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 7,560 na ang positive cases sa lungsod, 625 dito ang active cases.

 

 

Sa kabilang banda, 33 na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 6,663 na ang recovered patients ng siyudad at 272 na ang COVID casualties.

 

 

Binawian naman ng buhay ang isang COVID patient sa Navotas, habang umakyat sa 5,436 ang active cases.

 

 

Umabot na sa 6,539 ang total cases sa lungsod, kung san 5,789 na ang gumaling at 204 na ang namamatay.

 

 

Patay rin ang isang pasyenteng may COVID sa Valenzuela City habang lumobo sa 442 ang active cases matapos na 90 ang magpositibo at 67 lamang ang makarekober.

 

 

Ang confirmed cases sa Valenzuela ay umakyat na sa 10,644, kung saan 9,923 na ang gumaling at 279 na ang namamatay. (Richard Mesa)