Humiling ng panalangin si Indian Priest Fr. Loyola Diraviam ng Servants of Charity para sa mamamayan ng India.
Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ni Fr. Diraviam na lubhang nahihirapan ang marami sa kanilang komunidad dahil sa labis na pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng COVID-19.
“May I humbly request you to join your hands with us and pray for our brothers and sisters here in India who are getting infected and dying every day due to this covid 19,” pahayag ni Fr. Diraviam sa Radio Veritas.
Labis na ikinalungkot ng pari ang sitwasyon sa kanilang lugar lalo na ang mga pasyenteng inalagaan ng Nazareth Illam, Home for the Mentally ill na pinangasiwaan ni Fr. Diraviam.
Paglalahad ng pari nasa 70 indibidwal na may mental illness ang kanilang pinangalagaan sa center.
“The situation here is really hard and it is bad; India’s runaway coronavirus surge is getting worse. It is affecting young adults, families and has killed a lot of young priests and sisters without mercy who served the people during the pandemic in different ways,” ani ng pari.
Batid ng buong mundo ang hirap na dinanas ng India na pumapangalawa sa Estados Unidos sa may pinakamaraming kasong naitala sa halos 20-milyong kaso kung saan mahigit sa 300-libo ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw.
Ikinalungkot pa ng pari ang kawalang sapat na lugar na paglilibingan sa mga pumanaw dahil sa virus kaya’t sinusunog na lamang ito sa itinalagang lugar.
Nangangamba si Fr. Diraviam sapagkat bukod sa pagprotekta sa mga may mental illness sa kanyang komunidad sa Thalavadi , Tamil Nadu, South India wala na rin itong sapat na pondo para sa pagbili ng mga gamot.
Hindi na rin kayang tugunan ng kanilang gobyerno ang pagbibigay ng gamot sa mga pasyente dahil sa kawalan ng suplay.
“Though we protect them from Covid, we have another problem that is the shortage of psychiatric medicines for our mentally ill patients. Due to shortage of funds, we don’t have enough medicines for our residents,” saad ni Fr. Diraviam.
Dahil dito bukod sa panalangin umapela ang pari ng tulong para sa mga inaalagaang inabandonang may mental illness.
Sa mga nais magpaabot ng direktang tulong sa komunidad ni Fr. Diraviam sa India maaaring makipag-ugnayan sa Viber o Whatsapp sa numero +91 9600390133.
Maari ring magpadala sa pamamagitan ng Western Union sa M. LOYOLA DIRAVIAM, 35, Thirumalai nagar, Manjakuppam, Cuddalore, Tamilnadu, India- 607001.