• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 10th, 2021

LIMA KATAO INARESTO SA ABORTION

Posted on: May 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LIMANG katao ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pag-oopera sa isang abortion clinic sa Cebu City.

 

 

Kinilala ang mga naaresto ni NBI  OIC – Director Eric B. Distor na sina Joey Paulino Guirigay ; Francisca Abatayo Rebamonte; Gloria Dalogdog Gabuti; Meryteissie Pode Rural at Amparo Lumagbas Gemarangan.

 

 

Ayon kay Distor nakatanggap ang ahensya ng impormasyon hinggil sa iligal na aktibidad ng isa sa suspek na si Guirigay.

 

 

Nagsimula ang impormasyon mula sa isang complainant  sa umano’y paglabag sa RA 9262 at Rape.

 

 

Ayon sa complainant, nag-aalok umano si Guirigay ng kanyang serbisyo na abortion sa kanyang mga kliyente  sa pamamagitan online gamit ang facebook account @Michelle Mayer kapalit ng P9,500 hanggang P30,000.

 

 

Agad namang nakipag-ugnayan  ang mga operatiba ng NBI-Central Eastern Visayas Regional Office (NBI-CEVRO) kay Guirigay sa kanyang cellphone  para makipagtransaksyon .

 

 

Tineks umano ni  Guirigay ang poseur-client na dalawa ang kanyang pagpipiliin upang maalis ang kanyang ipinagbubuntis.

 

 

Una ay  Suction Abortion  na ginagawa ng OB Gyne doctors na lisensyado sa isang pribadong klinika na nagkakahalaga ng P30,000 at ang pangalawang option ay  abortive pills na halagang P9,500 per kit na ligtas at epektibo.

 

 

Nagkasundo si Guirigay at poseur-client na magkita sa Chong Hospital Fuente Osmeña .

 

 

Pero si Rebamonte ang sumundo sa poseur-client kasama ang undervocer agent at inihatid kay Gemarangan sa Talisay City na palihim naman silang sinundan ng operatiba ng NBI.

 

 

Habang kinukumpleto ni Gemarangan ang paunang interview sa poseur-client ay nanghihingi na ng bayad si Rebamonte na halagang P30,000.00 para sa abortion service.

 

 

Nang mahawakan na ang kabayaran at isasagawa na ang abortion, agad nang kumilos ang NBI at inaresto ang mga suspek.

 

 

Nang malaman ng NBI na may gagawin pang abortion ang ibang grupo ni Guirigay sa A. Lopez, Brgy. Labangon, Cebu City ,  agad na tumulak ang NBI sa lugar kung saan naaresto naman sina Gabutin at  Rural.

 

 

Habang si Guiriga ay naaresto sa iharap ng isang hotel.

 

 

Kinasuhan sa Talisay City Prosecutor’s Office ng  Intentional Abortion  ang limang suspek.(GENE ADSUARA)

12 Pinoy crew ng MV Athens Bridge na positibo sa COVID-19, na-rescue na – DOH

Posted on: May 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naisalba na ng Department of Health (DOH) ang 12 Pilipinong crew ng MV Athens Bridge na nag-positibo sa COVID-19.

 

 

“The DOH through, the Bureau of Quarantine (BOQ) on Thursday assisted the MV Athens Bridge in its entry into the country and provided immediate medical aid to its crew members after 12 of its Filipino crew tested positive for COVID-19, with 2 in critical condition,” batay sa press release.

 

 

Noong May 3 nang humingi ng saklolo sa mga otoridad ng Pilipinas ang mga ahensta ng barko matapos tumanggi ang bansang Vietnam na padaungin ang foreign vessel.

 

 

Mayroon kasing travel history sa India ang MV Athens Bridge, na may sakay na 21 Pinoy crew.

 

 

Ayon sa DOH, isinugod na sa isang ospital sa Metro Manila ang dalawang crew na nasa kritikal na kondisyon.

 

 

Ang natitirang 10 na positibo rin sa COVID-19 ay dadalhin sa quarantine facility ng BOQ, kasama ang iba pang crew na may exposure sa kanila.

 

 

“The DOH immediately directed the BOQ to facilitate medical rescue of the Filipinos aboard the vessel.”

 

 

“The BOQ, together with the Philippine Coast Guard (PCG), the Department of Transportation (DOTr), and the Philippine Ports Authority (PPA) immediately conducted an emergency meeting to coordinate the medivac of 2 Filipinos in critical condition and determine the best course of action for the rest of the crew.”

 

 

Nagpaliwanag naman si Health Sec. Francisco Duque III matapos payagan ang barko na makadong sa Maynila.

 

 

Ito ay sa gitna ng banta at posibilidad ng B.1.617 variant, na unang natuklasan sa India.

 

 

“In deciding our action steps, our guiding principle was that those were our hardworking kababayans aboard and we would never leave any Filipino behind,” ayon sa kalihim.

 

 

Tiniyak ng Health department na nasunod ang health protocols sa isinagawang rescue operation sa mga Pilipinong crew ng barko, lalo na ang mga dinapuan ng COVID-19.

 

 

“We assure Filipinos that we complied with the protocols in handling COVID-19 patients and have coordinated with other government agencies to deliver urgent assistance to our kababayans.” (Daris Jose)

Riding-in-tandem arestado sa pagwawala at pagpalag sa pulis

Posted on: May 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang isang rider at angkas niyang bebot matapos magwala at pumalag sa mga pulis makaraang hindi pansinin ang isinagawang Oplan Sita habang sakay sa isang motorsiklo sa Malabon city.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang mga naaresto na si Christopher Garcia, 40 ng Legarda St. Sampaloc Manila at Melani Nolasco, 30 ng Brgy. NBBS, Navotas city na kapwa nahaharap sa kasong Alarms and Scandal at Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agents of such Person.

 

 

Sa imbestigasyon nina PSSg Mardelio Osting at PSSg Diego Ngippol, dakong 10 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 sa Gov. Pascual corner Delmonet Ave., Brgy. Potrero nang mapansin nila papalapit na mga suspek na sakay ng isang motorsiklo.

 

 

Pinahinto ng mga pulis ang mga suspek subalit, hindi sila pinansin ng mga ito na naging dahilan upang habulin sila ng mga parak hanggang sa makorner sa kanto ng Pinagtipunan. Brgy. Potrero.

 

 

Dito, naamoy ng mga pulis ang mga suspek na amoy alak at nang i-isyuhan ang driver ng citation ticket para sa driving under the influence of liquor ay bigla na lamang nagwala at nag-iskandalo ang mga ito kaya’t inawat sila ng mga parak.

 

 

Gayunman, nagpatuloy pa rin ang mga suspek sa pag-iskandalo kaya napilitan ang mga pulis na arestuhin ngunit nanlaban at itinulak nila ang mga arresting officers hanggang sa magpambuno ang mga ito at magawa silang maposasan. (Richard Mesa)

Vin Diesel Teases at Eva Mendes’ Return In ‘Fast & Furious 10’

Posted on: May 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

VIN Diesel has teased the possibility of Eva Mendes returning to the Fast & Furious franchise in the forthcoming tenth installment.

 

 

The star and producer of the franchise is currently gearing up for the highly-anticipated F9: The Fast Saga slated to hit theaters on June 25 after numerous delays due to the global pandemic.

 

 

The latest action blockbuster will see the return of Tokyo Drift stars Sung Kang, Lucas Black, Bow Wow, and Jason Tobin.

 

 

Mendes first made her debut in the franchise with the 2003 sequel 2 Fast 2 Furiousin which she starred as undercover U.S. Customs agent Monica Fuentes.

 

Bringing Paul Walker‘s Brian O’Connor and Tyrese Gibson‘s Roman “Rome” Pearce into the dangerous world of Argentinian drug lord Carter Verone, Fuentes shared a brief romantic interest with Brian until 2009’s Fast & Furious reunited him with Jordana Brewster‘s Mia Toretto.

 

 

After being absent for three sequels, Fuentes returned for a mid-credits cameo in Fast Five to reveal to Dwayne Johnson‘s Luke Hobbs and the audience that Michelle Rodriguez‘s Letty Ortiz was still alive, despite her seeming death in the 2009 film.

 

 

In an interview with Entertainment Weekly looking back at the now-20-year-old franchise and its future, the conversation eventually shifted to Mendes’ character and the hopes of her return to the series. While not confirming anything for the character, Diesel did tease fans will have to wait for the upcoming tenth film as he and the creative team behind the films are looking at how not to overstuff their sequels while still delivering plenty of jaw-dropping entertainment.

 

 

“We’ll just wait for 10. Let’s just say, the fact that you guys know that the studio is saying, ‘we can’t cover all this ground that needs to be covered in just one movie.’ You can only imagine what is to come.”

 

 

When it comes to tentpole franchises and actors reprising their roles, audiences have learned at this point to never truly say never about the possibility of a fan-favorite character returning.

 

 

Granted, 2 Fast 2 Furious is generally lower on fans’ rankings of the Diesel-fronted series, but the fact that both Ludacris and Gibson went on to become part of the main crew in Fast Five with Mendes also making a cameo in it certainly shows both the filmmakers and fans enjoyed Fuentes at the very least. While Brian might have returned to Mia before Walker’s untimely death, with Hobbs’ ongoing involvement in the series and characters coming back from the dead, there’s certainly plenty of room for Mendes to come back in the tenth or eleventh outing.

 

 

Even with the mainline series coming to an end with the eleventh film, it doesn’t have to mean the conclusion of Mendes’ involvement in the series. A female-led spinoff is reportedly in development for the franchise and with Rodriguez expressing her desire to keep their roster diverse and full of empowering women, Mendes could carry over into this side project.

(source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Hiling ng NPC, hindi sinang-ayunan ni Bello

Posted on: May 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinanggihan ng labor department ang hiling ng Philippine National Police (PNP) na gawing requirement ang pagkuha ng National Police Clearance (NPC) para sa anumang transaksiyon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 

 

Sa liham ni Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi nito kay PNP chief Debold Sinas na: “Bagama’t maganda ang intensiyon, ang hilingin sa kliyente na kumuha muna ng NPC para makatanggap ng serbisyo mula sa DOLE ay maaaring makasama imbes na makabuti.”

 

 

Ang NPC ay isang database na naglalayong paghusayin ang pag-iisyu ng police clearance sa buong bansa. Nauna rito, sumulat si PNP chief Debold Sinas kay Bello na hinihiling na hingan muna ang kliyente ng police clearance bago sila maaaring makipag-transaksyon sa DOLE.

 

 

Subalit ito ay tinutulan ng mga stakeholder ayon kay Bello.

 

 

Batay sa rapid survey na isinagawa ng DOLE, hindi sang-ayon ang mga stakeholder na mag-sumite muna ng police clearance para makipag-transaksiyon sa DOLE. “Ito ay isang uri ng red tape at karagdagang pasaning-pinansiyal sa karamihan,” dagdag ni Bello.

 

 

Ipinaliwanag din ng Kalihim ang importanteng dahilan kung bakit kailangan nilang tanggihan ang hiling ng NPC, ito aniya, ay hindi ayon sa polisiya ni Pangulong Duterte na nakasaad sa Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2019, and Executive Order No. 129.

 

 

Dagdag pa dito, walang legal na basehan para hilingin ng DOLE sa kanilang kliyente na kumuha ng NPC, ani Bello. “Maaari din nitong labagin ang probisyon sa 1987 Philippine Constitution, Labor Code of the Philippines, at ng iba pang umiiral na batas.

 

 

Gayunpaman, pinasalamatan ni Bello ang PNP sa patuloy nilang paghahanap ng paraan upang pangalagaan ang seguridad ng publiko. “Kasama kami ng PNP sa kanilang pagbuo ng ligtas na lugar para sa ating mamamayan,” wika niya.

 

 

“Subalit, maaari natin itong makamit nang hindi dinadagdagan ang pasanin ng publiko at ng mga mamamayan na ating pinagsisilbihan,” ani Bello.  (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Mananampalataya, inaanyayahan sa Visita Iglesia Virtual Pilgrimage

Posted on: May 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Mission ang mananampalataya na makibahagi sa Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage na handog ng kumisyon ngayong panahon ng pandemya.

 

 

Ayon kay Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona na siya ring chairman ng kumisyon, ang nasabing online pilgrimage ay bahagi ng patuloy na paggunita sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas.

 

 

Nakatakda ang pagsisimula ng Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage sa ika-8 ng Mayo, 2021 na masusubaybayan tuwing unang Sabado ng buwan ganap na alas-dyes ng umaga sa pamamagitan ng official Facebook page ng CBCP-Episcopal Commission on Mission at ng TV Maria.

 

 

“Nag-aanyaya [po ako] sa inyo sa isang Online Pilgrimage, ito po ay bahagi ng ating pagdiriwang ng ika-500 taon ng pagka-Kristiyano sa Pilipinas.

 

 

Ito po ay matutunghayan at masusubaybayan sa pamamagitan ng official Facebook page ng CBCP-Episcopal Commission on Mission at ng TV Maria.

 

 

“Sisimulan po ito ngayong Sabado, Mayo-a-otso sa alas-dyes ng umaga, ito din ay masusundan buwan-buwan sa parehong oras. Halina kayo, sumama kayo ating online pilgrimage.” paanyaya ni Bishop  Mesiona.

 

 

Tampok sa nasabing Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage ang iba’t-ibang mga pilgrim churches sa bansa sa pakikipagtulungan ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines.

 

 

Sa kabuuan may mahigit sa 500 mga Simbahan sa buong bansa ang itinalagang “pilgrim churches” ng iba’t-ibang diyosesis bilang paggunita ng Taon ni San Jose at ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

 

 

Ang Apostolic Penitentiary ay nagkaloob ng indulhensya plenarya para sa mga taong bibisita sa mga Pilgrim Chruches sa iba’t-ibang diyosesis sa buong bansa.

Mga tinamaan ng mild cases ng COVID 19, limang araw na mas mabilis maka- recover sa sakit dahil sa Virgin coconut oil

Posted on: May 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG aabot lamang ng limang araw ang mas mabilis na pag- recover mula sa corona virus ng isang indibidwal na tinamaan ng mild symptoms ng COVID 19 gamit ang virgin coconut oil.

 

Ito ang ibinahagi ni DOST secretary Fortunato dela Pena kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte batay na din aniya sa ikinasa nilang pagsusuri na vitro- trial.

 

Ani dela Pena na lumabas sa pagsasaliksik na may anti-viral properties ang VCO at may epekto sa SARS-CoV-2 patient na may tinataglay na mild symptoms.

 

“Dapat po ito’y matatapos na sana pero nagdaan kasi ‘yong panahon na bumaba po ang admission ng severe cases sa PGH kaya dumalang ang participants. Pero ngayon, dumami ulit ang mga pasyente. Iyon pong target 74 patients ay mayroon ng 42. So inaasahan namin na ito ay mapapabilis na rin at malaking bagay po ito kasi iyon pong virgin coconut oil ayon sa aming isinagawang pagsusuri — iyong tinatawag pong in vitro trial — hindi sa pasyente kung ‘di sinubukan lang sa laboratoryo kung ano ang epekto nito sa SARS-CoV-2 ay nakita na talagang siya’y nakaka — may anti-viral properties po siya,” litaniya ni dela Pena.

 

Sinabi nito na isinagawa ang “in vitro trial” sa isang laboratoryo sa Singapore.

 

“Isinagawa po iyong study na in vitro sa Singapore. Wala pa po tayong facility para doon. At ito naman po ay mayroong isang katumbas din na study. Kung iyong sa PGH ay sa mga severe cases, ito naman pong isinagawa sa Santa Rosa Community Hospital ay para doon sa mga suspect and probable cases. Actually po hanggang June 2021 pero November po natapos na ito 2020.,” ayon kay dela Pena

 

“Doon po namin nakita na ang binigyan nung VCO ay mas mabilis gumaling ahead ng five days doon sa mga hindi binigyan. Pero ito po ‘yong mga mild cases lang po ito,” ayon sa Kalihim.

 

Mayroon din aniya silang isinasagawang trial para naman sa melatonin sa Manila Doctors Hospital.

 

Aniya pa, ang paggamit ng high dose melatonin paliwanag ni dela Pena ay para sa posibilidad na hindi na umabot pa ang isang pasyente na ma- intubate o umasa sa mechanical ventilation.

 

“Actually ang melatonin po para doon sa mga gustong makatulog. At ito po ay isinasagawa ng Manila Doctors Hospital.  At ito po ay para naman makita ang effectiveness or efficacy, improvement of survival, less need for intubation and mechanical ventilation, clinical improvement and recovery sa paggamit ng high dose melatonin as also as adjuvant therapy on top of the standard or empirical therapy in hospitalized patients,” aniya pa rin.

6 drug suspects nadamba sa buy bust sa Valenzuela

Posted on: May 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw.

 

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Christopher Quiao, dakong 3:20 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ramchrisen Haveria Jr. ng buy bust operation sa 36 Batimana, Brgy. Marulas.

 

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba si Jonathan Ebacuado alyas “Ethan”, 29, matapos bentahan ng P500 halaga ng droga ang isang undercover police na nagpanggap na buyer.

 

 

Kasama ring inaresto ng mga operatiba sina Rolando Timan, 46, tricycle driver at Ericson Aguvida, 32 matapos makuhanan ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

 

 

Umaabot lahat sa 5 grams ng hinihinalahg shabu na tinatayang nasa P34,000 ang halaga ang narekober sa mga suspek, buy bust money, cellphone at P600 cash.

 

 

Nauna rito, alas-12 ng madaling araw nang masunggaban din ng kabilang team ng SDEU sina Jephril Alba, 43, Romulo Deleon, 33, at John Christopher Angulo, 32, sa isinagawang buy bust operation sa 384 S. De Guzman St., Brgy. Parada.

 

 

Ayon kay SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P68,000 ang halaga, P500 buy bust money, cellphone at P800 cash. (Richard Mesa)

MARITIME SECTOR, TUTULONG SA 12 FILIPINO CREW NA NAGPOSITIBO SA COVID 19

Posted on: May 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HANDANG tumulong ang maritime sector  ng Department of Transportation (DOTr),na binubuo ng Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Ports Authority (PPA), at Philippine Coast Guard (PCG),kasama ang mga miyembro ng ahensya ng One-Stop Shop (OSS)Port of Manila  sa lahat ng mga tripulanteng Pilipino na nagpostibo sa COVID-19 sakay ng container ship mula India. 

 

 

Sa impormasyong nakuha ng MARINA, ang MV Athens Bridge ay umalis mula India noong April 22 ayon sa shipping agent ng barko at dumating sa Haiphong, Vietnam noong May 1 para sa RT-PCR test ng mga tripulante.

 

 

Dito nalaman na mula sa 21 Filipino crew ,12 ang nasuring positibo ng COVID-19.

 

 

Nakatanggap naman ng request ang PCG noong May 6 mula sa kapitan ng barko  upang mabigyan ng medical evacuation ng dalawang miyembro na kailangan ng agarang pangangalagang medikal kung saan noong mga oras na iyon ay nasa Corregidor Island ang barko..

 

 

Matapos mabigyan ng clearance mula sa BOQ at Department of Health (DOH), inatasan ang  MV Athens Bridge sa quarantine anchorage area na itinalaga ng OSS Port of Manila.

 

 

Nagbigay din ng seguridad ang PCG upang matiyak na walang barko o banca na hindi otorisado na lumapit sa nasabing barko.

 

 

Matagumpay namang naibaba ng BOQ doctors ang dalawang crew na critical para sa agarang medical evaluation at dinala sa dedicated  medical  facility .

 

 

Habang ang iba pang crew ay nanatili sa barko ngunit binigyan ng medical supplies kabilang ang oxygen tanks sa tulong an rin ng BOQ at PCG.

 

 

Tiniyak naman ng national government sa oamamagitan ng maritime sector ng DOTr na ang sitwasyon at kondisyon ng mga tripulante ay lagging nasususbaybayan.

 

 

Bibigyang prayordad din ang health protocol at kaligtasan sa buong proseso.  (GENE ADSUARA)

DAVID, nagbiro na matagal nang inaaya si JULIE ANNE; loveteam posibleng mauwi sa totohanan

Posted on: May 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINIKILIG ang mga fans at mga netizens na tagasubaybay ng romance-drama series na Heartful Cafe ng bagong GMA Network’s love team na sina  Julie Anne San Jose at David Licauco. 

 

 

Napapansin na raw kasi na hindi na acting ang kilig na ipinapakita nina Julie at David, minsan daw ay parang hindi na scripted ang ginagawa nina Heart (Julie Anne) and Ace (David).

 

 

Kaya ang tanong daw, pwede bang mauwi sa totohanan ang kanilang tambalan, dahil pareho naman silang single at walang nababalitang bagong boyfriend si Julie after ng break-up nila ni Benjamin Alves years ago.

 

 

Wala rin namang nababalitang may girlfriend si David.

 

 

Okey lamang ba iyon kay Julie? “Ako, never naman ako naging sarado, I mean, I’m open to any possibilitay naman.  And, yes.  If there’s a chance, to get to know him more, I mean, why not?”

 

 

At mukha namang open din si  David, kahit pabiro ang sagot niya: “Ang tagal ko na ngang inaaya si Julie.  Nasa sa kaniya na lang kung oo o hindi.”

 

 

Huwag kaligtaang panoorin ang love story nina Heart at Ace sa Heartful Cafe gabi-gabi sa GMA-7 after ng First Yaya.

 

 

***

 

 

MAY bago palang pinagkakaabalahan ngayon si Kapuso actress Glaiza de Castro dahil tapos na ang lock-in taping niya ng bago niyang GMA Afternoon Prime drama series na Nagbabagang Luha. 

 

 

Nagtayo kasi ng isang coffee shop si Glaiza sa kanilang lugar sa Baler, Quezon, kung saan madalas siya kapag wala siyang ganap sa Manila.

 

 

Naka-post na sa kanyang Instagram ang kanyang newest venture, ang Cafe Galura (Galura ang real surname ni Glaiza): “Been working on this project since the start of the year with faith that one day, we will be able to welcome you all here.  We’re slowly trying to complete everything for now and have been fitting out the interior of our cafe.  Any recommendations on tables and chairs are welcome!”

 

 

Ang nakakatuwa, bukod sa nakakamanghang interior ng soon-to-open cafe ni Glaiza, mismong ang Irish fiancé niya, si David Rainey ang maghahanda ng coffee dahil sa kaniyang background sa coffee business.

 

 

Kaya naman nagdarasal na rin si Glaiza na muling magluwag na ang pagbibiyahe mula abroad papunta sa Pilipinas para makabalik sa bansa si David.

 

 

Very soon ay mapapanood na si Glaiza bilang si Maita sa Nagbabagang Luha, remake ng movie na dating nagtampok kina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion at Alice Dixson. 

 

 

Ngayon ay gagampanan ang characters nila nina Glaiza, Rayver Cruz at Claire Castro, respectively.

 

 

***

 

 

MUKHANG mag-I-enjoy ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young na first time magiging hosts ng isang bagung-bagong musical matchmaking competition ng GMA-7 na Sing For Hearts. 

 

 

Nakakatuwa, simula pa lamang nang mag-announce na ang GMA ng online audition na ang mga interesadong contestants dapat ay single at not in a relationship, marami na ang nagtatanong kung makakakuha raw kaya sina Mikael at Megan ng maaaring maging  magka-match sa programa?

 

 

Very soon ay magsisimula na itong umere.  May nagsasabing baka raw palitan nito ang Centerstage hosted ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards dahil nalalapit na ang grand championship ng Bida Kids singing competition na napapanood every Sunday evening sa GMA-7.  (NORA V. CALDERON)