• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 21st, 2021

Bilang ng health workers, kinakapos pa rin – PHA

Posted on: May 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy na kinakapos ng health workers ang maraming ospital sa malaking bahagi ng ating bansa.

 

 

Ito ang pag-amin ni Philippine Hospital Association (PHA) president Dr. Jaime Almora, kasunod ng malaking pangangailangan sa mga doktor at nurses, ngayong ikalawang taon na ng COVID-19 pandemic.

 

 

Ayon kay Almora, kahit bumaba na ang bilang ng COVID cases, kumpara sa mga nakaraang buwan, may mga kakulangan pa rin sa health workers.

 

 

Ilan aniya sa mga ito ay nagkasakit na, may ibang nangibang bansa, habang ang ilan pa ay umayaw na dahil hindi nababayaran ng tama ng mga naluluging pagamutan at maging ng PhilHealth.

 

 

“This is now causing severe financial distress for private hospitals as well as government hospitals,” wika ni Almora.

 

 

Kaya naman, nagmungkahi ang PHA na panatilihin pa rin ang mga paghihigpit, upang maiwasan ang panibagong paglobo ng mga kaso.

 

 

Kasama na rito ang travel restrictions at malawakang contact tracing.

No vaccine, no participation! –Vietnam

Posted on: May 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kailangan nang mabakunahan ang mga miyembro ng Team Philippines na lalahok sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.

 

 

Ito ay matapos mag-isyu ang Vietnam SEA Games Organizing Committee ng ‘no vaccine, no participation” policy sa lahat ng bansang sasabak sa b­iennial event na nakatakda sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.

 

 

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, ang mga Pinoy national athletes na lamang ang hindi pa nababakunahan laban sa coronavirus disease (COVID-19) kumpara sa mga atleta ng ibang SEA Games member countries.

 

 

Kaya naman sinulatan na ni Tolentino ang Inter-Agency Task Force (IATF) para hilingin na gawin ding prayoridad para sa COVID-19 vaccines ang mga national athletes.

 

 

Magpapadala ang POC ng 626 atleta na sasabak sa 39 sports sa 2021 Vietnam SEA Games.

 

 

Ipinaalam na ng POC sa mga National Sports Associations (NSAs) kung sinong mga atleta ang kanilang uunahing isama sa vaccination program.

 

 

Tiniyak ni POC first vice president Al Panlilio na mababakunahan ang lahat ng miyembro ng delegasyon para sa 2021 Vietnam SEA Games.

Kalahating milyong COVID-19 vaccines ng Sinovac dumating sa NAIA

Posted on: May 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lumapag na sa Pilipinas ang panibagong batch ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) galing sa bansang Tsina.

 

 

Ang 500,000 doses ng CoronaVac, na gawa ng Chinese company na Sinovac, ay sinasabing dumating kahapon,Huwebes, 7:37 a.m. sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

 

Isa si Health Secretary Francisco Duque III sa mga sumalubong sa naturang gamot.

 

 

Dahil dito, papalo na sa 5.5 milyong doses laban sa COVID-19 ang dumating ng Maynila galing sa Tsina. Nasa 7.7 milyong jabs na tuloy sumatutal ang nakararating ng bansa.

 

 

Sinasabing ito na ang ikaanim na shipment ng bakuna mula sa Beijing.

 

 

Sa huling ulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, nasa 3,299,470 na ang kabuuang bilang ng doses na naia-administer laban sa nakamamatay na virus sa Pilipinas.

 

 

Sa bilang na ‘yan, 2,512,942 na ang nakatanggap ng unang dose habang 786,528 na ang nakakukumpleto ng dalawang doses.

 

 

Target ng gobyernong makapagturok ng 500,000 doses ng COVID-19 vaccines araw-araw para makamit ang “herd immunity” sa Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao at anim na probinsya sa Regions III at IV pagdating ng ika-27 ng Nobyembre — bagay na kumakatawan sa 60% ng ekonomiya ng Pilipinas.

 

 

Umabot na sa 1,159,071 ang local COVID-19 infections kahapon. Sa bilang na ‘yan, binawian na ng buhay ang nasa 19,507.

Mga taong may altapresyon o highblood, pinaalalahanan ni Dr. Bravo

Posted on: May 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN ni Philippine Foundation for Vaccination executive director Dr. Lulu Bravo ang mga taong may hypertension bago pa magpaturok ng bakuna laban COVID-19.

 

Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Dr. Bravo na bago pa pumunta sa vaccination centers ang taong may altrapresyon ay kailangang siguraduhin nito na ang kanyang blood pressure ay mababa sa 140 at hindi nakakaranas ng sintomas gaya ng pananakit ng dibdib, sakit ng ulo o sakit sa batok.

 

“People with hypertension should also take their medication before getting vaccinated and consult their doctor if their blood pressure remains too high,” ayon kay Dr. Bravo.

 

Ang mga Hypertension sufferers ay classified sa ilalim ng “A3,” third priority group ng vaccination drive ng pamahalaan.

 

Ang grupong ito ay kinabibilangan ng mga taong may hypertension, diabetes, asthma, kidney at liver diseases.

 

 

Sa kabilang dako, itinatwa naman ni Dr. Bravo ang balita na ang mga taong highblood pressure ay hindi dapat bakunahan laban sa Covid -19.

 

“Kung sila ay dati nang may altapresyon, hindi naman bawal na magkaroon ka ng bakuna… Puwede kang mabakunahan,” ani Dr. Bravo,

 

“In fact, kailangan nilang magpabakuna kasi iyong mga may altapresyon iyong may malaking danger o risk na magkaroon ng severe COVID ‘pag sila ay na-expose,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, sinabi ni Dr. Bravo na 3 percent lamang ang nakararanas ng adverse effects matapos mabakunahan ng coronavirus vaccines, kabilang na ang high blood pressure, fatigue, lagnat at panginginig.

 

Ang nasabing epekto ay tumatagal lamang ng dalawa hanggang tatlong araw.

 

“Those who suffered from COVID-19 even after they got vaccinated actually caught the novel coronavirus before their inoculation. Health workers account for most cases like this,” aniya pa rin.

 

Sinabi pa ni Dr. Bravo na nakapagtala ang mga awtoridad ng post-vaccination death subalit ito aniya ay iyong mga taong mayroon nang matagal na karamdaman bago pa nabakunahan.

 

“Wala po kaming nakita na ang bakuna ng Sinovac at Astra [Zeneca] ay may dahilan para sabihin nating ito po ay nakamatay o nakasama,” ani Dr. Bravo.

 

“Ang masasabi ko lang, magtiwala sila o ang publiko …dapat kasi po daan-daan nang eksperto po ang tumututok,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Djimon Hounsou, To Return As The Ancient Wizard Shazam In ‘Shazam! Fury of the Gods’

Posted on: May 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ACCORDING to some reports, Djimon Hounsou will return as the ancient wizard Shazam in Shazam! Fury of the Gods

 

 

The original film opens with Hounsou’s Shazam as the last of a council of wizards after the previous champion unleashed the Seven Deadly Sins and killed everyone else. The ancient wizard Shazam had been waiting for centuries at the Rock of Eternity to bestow his powers on a new champion who is pure of heart.      After Dr. Thaddeus Sivana creates a portal to the Rock of Eternity and unleashes the Seven Deadly Sins by stealing the Eye of Sin, Hounsou’s Shazam must quickly find another champion.

 

 

Teenager Billy Baton (Asher Angel) is chosen by Hounsou’s ancient wizard Shazam to become his next champion. Once Billy says the word “Shazam,” he is transformed into an adult superhero portrayed by Zach Levi.

 

 

In the same scene, Hounsou’s Shazam turns to dust after passing his powers onto Billy, and the actor does not reappear again. It’s never confirmed the character died, per se, but his absence for the rest of the movie is undoubtedly apparent, leading audiences to believe he’s gone forever.

 

 

While the news hasn’t been confirmed, reports that Hounsou will reprise his role in Shazam! Fury of the Gods. He is returning for the sequel alongside Levi, Angel, and director David F. Sandberg.

 

 

Bringing back a character who died onscreen may prove to be difficult, but if anyone can pull it off, it is the DCEU because, well, they’ve already done it.     Henry Cavill‘s Superman famously died during the climactic ending of 2016’s Batman v Superman: Dawn of Justice. However, he was quickly resurrected the following year in Justice League.

 

 

Additionally, Helen Mirren and Lucy Liu will play villainous sisters Hespera and Kalypso in the Shazam! sequel, so they may have something to do with the ancient wizard Shazam’s return.

 

 

Of course, another classic way to bring back a character that died on-screen is via flashback. While that route is undoubtedly on the table, seeing Housou’s Shazam return through Hespera and Kalypso’s evil plot would be very exciting.

 

 

As filming continues this month, more news on Housou’s role in Shazam! Fury of the Gods is expected to be revealed

 

 

The sequel will hit theaters on June 2, 2023. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Jeremy Lin nagpahiwatig na tuluyang magretiro sa NBA

Posted on: May 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpahiwatig na ng tuluyang pagreretiro si dating NBA star Jeremy Lin.

 

 

Ito ay matapos na hindi siya nakatanggap ng kontrata sa NBA para sa susunod na season.

 

 

Kasalukuyang naglalaro ito sa Chinese Basketball Association (CBA) sa Beijing Ducks team.

 

 

Mayroon itong 22.3 points at 5.6 assist per game sa nasabing liga.

 

 

Sa kaniyang social media sinabi nito na kahit naglalaro ito sa CBA ay alam niyang NBA player pa rin siya.

 

 

Umabot sa 10 season ang nilaro ng 32-anyos na Taiwanese player sa NBA kung saan sumikat siya sa New York Knicks noong 2012 at doon nakilala ang tawag sa kaniya na “Linsanity”.

New York Marathon tuloy na ngayong taon

Posted on: May 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magbabalik na ngayong taon ang sikat na New York Marathon.

 

 

Kinansela kasi noong 2020 ang marathon dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Lilimitahan lamang sa 33,000 ang papayagang makatakbo sa ika-50 anibersaryo ng marathon sa buwan ng Nobyembre 7.

 

 

Sinabi ni New York City Mayor Bill de Blasio na ang nasabing marathon ay nagpapaalala lamang na bawat New Yorkers ay kayang tapusin ang basta mayroong pagpupursige at suporta.

 

 

Ang 26.2 milya na marathon ay dinadayo ng mga professional at amateur runners sa buong mundo.

 

 

Noong 2019 ay umabot sa 53,627 ang finishers.

 

 

Isa sa requirements na kailangan ngayon ng mga sasali ay dapat magpakita ang mga ito ng negatibong resulta ng kanilang COVID-19 test.

PDu30, pinasisigurong kasama ang pamilya ng mga pulis at sundalo na nakatakdang tumanggap ng bakuna

Posted on: May 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINASISIGURO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay vaccine czar Carlito Galvez Jr na pati pamilya ng mga pulis at militar ay makikinabang sa nakatakdang pagbabakuna para sa mga nasa A4 category.

 

Sinabi ng Pangulo na dapat lang na mabigyan din ng kaparehong prayoridad ang pamilya ng mga kawal at miyembro ng PNP na noon pa man ay kanya ng inaasahan at may mahalaga naman talagang papel lalo na sa panahon ng kaguluhan.

 

Aniya, mahirap naman na sasabak sa aksiyon ang militar at pulis ng walang proteksiyon o bakuna.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na sinisimulan ng ayusin ang military at police camps upang magsilbi na ring vaccination sites sa oras na magsimula ng magturok ng bakuna sa mga hanay ng nasa A4 category.

 

Aniya, nasa 12 milyon din ang makakabilang sa naturang category na dito ay kasama nga ang mga sundalo at pulis gayundin ang mga nagtatrabaho sa gobyerno at kagawad ng media.

 

“Iyong unang guidance nyo po sa amin na gamitin ang mga kampo na vaccination site, gagawin po natin ‘yan pagka nagsimula na po tayo sa A4 kasi 12 million po ‘yong ating ano, ating important ano ‘to, ito ‘yong mga malalakas po na tao. Ito po ‘yong magda-drive ng ating economy at the same time, ito po ‘yong mag — mag-ano, magpo-protect ng institution, ng government institution kasi kung hindi po natin sila poprotektahan, hindi po mafu-full ang services po natin sa ating mga mamamayan. So equally important po natin po ‘yon,” anito.

 

Sinabi ni Galvez na malalaki ang area ng mga kampo maging dito sa Metro Manila gaya ng Army base, Navy base maging ng PNP at AFP na aniya’y malawak ang Grandstand.

 

“So ang gagawin po sir natin sir ay io-organize po natin ang lahat ng mga kampo at saka ‘yong mga tinatawag na bases ng mga pulis at saka po ng mga military na gagawin po nating bakunahan ng mga ano po, ng ating mga government frontliners,” ayon kay Galvez.

 

“And including po ‘yong mga major — major camps dito sa Metro Manila, puwede rin po nilang tulungan ang Quezon City, puwede rin po nilang tulungan ang — ang Parañaque dahil kasi po ‘yong Army base, Navy base, ‘yong PNP base at saka po ‘yong AFP base maganda po ‘yong kanilang mga grandstand at saka ‘yong kanilang mga open field. Puwede nating gamitin po ‘yon kasi ang laki po ng mga area ng ating mga kampo,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

50%-70% ng mga residente ng Kalakhang Maynila kayang mabakunahan

Posted on: May 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na mababakunahan ang 50% hanggang 70% ng mga residente sa Kalakhang Maynila bago pa dumating ang Nobyembre 27, 2021.

 

Sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ni Abalos na sa patuloy na pagdami ng bakuna, idagdag pa ang patuloy na namamayaning Bayanihan sa Kalakhang Maynila ay maisasakatuparan ang nais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mabakunahan ang 50-70% ng mga residente ng Kalakhang Maynila.

 

“May 4.2 million ang nai-deliver na at aabot naman ng 7.7. million ngayong Mayo at kung hindi ako nagkakamali ay karamihan sa mga bakuna o may bilang na 1.7 million ay ilalagay sa Kalakhang Maynila,” ayon kay Abalos.

 

“Kung ikukumpara ay kulang-kulang na 700,000 nung Abril kaya’t ang pinag-uusapan ay mahigit isang milyon pa kung kaya’t ang mga Alkalde ng Kalakhang Maynila ay hindi lamang nakipag-ugnayan sa pribadong sektor kung saan ang nasa pribadong sektor ay magpo-provide pa ng kakailanganing medical frontliners gaya ng mga doktor at nars na kailangan. Bukod pa sa sa Kalakhang Maynila ay may Bayanihan,” dagdag na pahayag nito.

 

Sinabi pa rin ni Aballos na simula kahapon hanggang ngayon ay maganda ang performance ng bawat LGU.

 

Hindi rin aniya titigil ang mga ito dahil pinaghahandaan pa ng mga Alkalde hanggang sa Hunyo o Hulyo ang pagbabakuna kung saan sinasabing aabot ng 10 hanggang 15 milyon ang bakuna.

 

Sinabi pa ni Abalos na may target date aniya sa Herd Immunity kung saan ay ito aniya ay kayang makamit dahil sa nangyayari aniya ngayon.

 

Sa kabilang dako, ukol naman sa procedure na pagbabakuna ay sinabi ni Abalos na ang ginagamit aniya rito ay ang QR Code o pre-registration kung saan ay magpaparehistro sa bawat Local Government Unit at pupunta lamang sa vaccination center kung naka-iskedyul.

 

Ang ibang bakuna aniya ay kailangan na mabuksan lamang kapag dumating na ang naka-iskedyul na indibiduwal dahil baka aniya mapanis kung mabubuksan subalit wala namang paggagamitan.

 

Dito aniya papasok ang substitution o may mga naka-reserba upang sa gayon aniya ay hindi mapanis o masayang ang bakuna.

 

Ang iba naman aniyang LGU ay hindi pumapayag ng walk-in maliban na lamang kapag naubos na ang substitution at kinakailangan naman na mabakunahan agad ang isang indibiduwal.

 

Kaya’t ang panawagan ni Abalos sa publiko ay “Kaya kung ako po sa inyo, huwag po kayo basta-basta pupunta sa vaccination center, huwag kayong umasa na mabakunahan hangga’t hindi nai-impormahan ng inyong LGU otherwise ay baka dumami sa mga magpunta sa centers at maging spreaders ang mga ito. Makikinig po tayo sa mga advisory ng ating mga alkalde, ng ating mga LGU .. napaka-importante po nito. Importante po talaga ang bakuna at sundin ang vaccination process,” ayon kay Chairman Abalos. (Daris Jose)

Lakers pasok na sa NBA playoffs matapos isalba sa 3-pts ni LeBron

Posted on: May 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binitbit ni NBA superstar LeBron James ang Los Angeles Lakers upang makausad sa No. 7 spot sa playoffs sa Western Conference makaraang itumba ang Golden State Warriors.

 

 

Swerteng naipasok ni James ang three point shot may 58.2 second na lamang ang nalalabi sa 4th quarter na siyang naging susi sa kanilang tatlong puntos na kalamangan.

 

 

Tinangka pang maitabla ng Warriors sa overtime ang game pero sumablay ang inbound pass ni Kent Bazemore.

 

 

Nagtapos si James sa kanyang ika-anim na triple double performance ngayong season sa pamamagitan ng 22 points, 22 rebounds at 10 assists.

 

 

Para naman kay Lakers coach Frank Vogel ang big game ni James ay nagpapakita lamang kung bakit ito ang best player sa buong mundo.

 

 

“He proved why he is the best player in the world,” ani Vogel. “Just add it to the list of great plays and accomplishments.”

 

 

Malaking bagay din naman ang nagawa ng Lakers big man na si Anthony Davis na nagawang maipasok ang kanyang 13 puntos sa fourth quarter mula sa kanyang kabuuang 25 points. Liban nito, meron din siyang 12 rebounds.

 

 

Kung tutuusin sa 4th quarter na nahabol at nakalamang ang defending champion at kinailangang tapatan ang mainit na kamay ng scoring champ ng liga na si Stephen Curry na nagbuslo ng kabuuang 37 points.

 

 

Sa first half kasi kapwa inalat pa sina James at Davis na merong lamang kakarampot na tatlong puntos mula sa 19 na pagtatangka.

 

 

Ang iba pang umeksena sa Lakers ay sina Alex Caruso na may 14 points at si Dennis Schröder na nag-ambag naman ng 12.

 

 

Samantala nakatakdang harapin ng Lakers sa playoffs sa first-round matchup ang second-seeded Phoenix.

 

 

Ang Golden State ay haharapin naman sa kanilang teritoryo ang Memphis sa Sabado na naunang tinalo kanina ang San Antonio sa hiwalay na play-in round.

 

 

Ang mananaig sa kanilang banggaan bilang eighth seed team ay haharapin naman ang top-seeded na Utah Jazz.