• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 10th, 2021

MAINE, honored na maging instrumento para i-promote ang livelihood opportunity na hatid ng ‘51Talk’; malaking tulong sa panahon ng pandemya

Posted on: June 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IN-ANNOUNCE sa mid-year press conference ng online English education platform 51Talk na nagsi-celebrate ng 10th year anniversary, na ang actress/host na si Maine Mendoza ang kanilang newest brand ambassador.

 

 

Ibinahagi ng award-winning comedienne na malaki itong karangalan at very rewarding experience na i-represent ang 51Talk.

 

 

“I said yes to 51Talk because I felt that the values and ideals that 51Talk stand for appealed to me. I felt that, on a deeper level, nakakarelate ako because they value genuine connections with people, and they recognize and reward hard work,” sabi ni Maine.

 

 

Dagdag pa niya, “I also am very honored to be an instrument to promote 51Talk’s livelihood opportunity to Filipinos, especially now when the country is reeling from the impact of the pandemic.”

 

 

Naniniwala siya na ang pagiging online English teacher sa 51Talk ay isang ideal opportunity para sa mga Pinoy na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

 

 

I hope that my being 51Talk’s ambassador will help reach out to more Filipinos to learn about this opportunity, tugon pa niya.

 

 

Pormal ngang ipinakilala si Maine ng 51Talk Country Head na si Jennifer Que, at ibinahagi kung bakit perfect candidate si Maine na mag-represent sa 30,000 online English teachers ng 51Talk.

 

 

Nang maglabas ng teaser ang 51Talk sa identity ng kanilang brand ambassador sa social media agad itong nag-trending sa Twitter ang hashtag na #MaineMendozaFor51Talk.

 

 

“When she’s not on screen, Maine juggles other roles as an entrepreneur, advocate, and writer. She understands what it’s like to constantly explore endeavors that don’t just pique one’s interest, but also give room for self-improvement.

 

 

Her lively personality, coupled with her entrepreneurial mindset and go-getter attitude, makes her an ideal embodiment of our 51Talk teachers,” paliwanag pa ni Que.

 

 

Ang 51Talk ay ni-launch sa Pilipinas noong 2011, na ngayon ay isa nang leading online English teaching platform na nagko-connect sa libu-libong Filipino teachers sa kanilang foreign students sa pamamagitan ng live and interactive lessons.

 

 

Dahil ang mga Pinoy ay naturally cheerful temperament and proficiency in speaking English kaya kino-consider na ideal English language teachers for young foreign learners.

 

 

Sabi pa ni Que, “In 2020, 51Talk launched its Third-Party Center Accreditation Program (TPCAP) to establish teaching centers in rural areas. These centers make the 51Talk platform more accessible to aspiring teachers who are otherwise qualified, yet lack the equipment or teaching space in their homes.

 

 

Sa ngayon, meron nang more than 150 TPCAP centers nationwide across 35 provinces, serving 3,000 teachers simula nang i-launch ang programa.

 

 

At bilang bahagi ng celebratory activities para I-commemorate ang unang dekada sa industriya in-announce ni Que na may isang planeta na pinangalan sa  51Talk na located sa constellation Vela, na recently certified ng Chinese Star Association.

 

 

     “Yes, there’s now officially a planet called 51Talkout there in the universe,” sabi pa ni Que.

 

 

“We believe that by naming a planet 51Talk, we are lighting it up as we help light up everyone’s dream to succeed in life through education.”

 

 

    “It has been a fruitful first decade for 51Talk as we have delivered more than 150 million one-on-one English lessons to our learners, which in turn, provided income-generating opportunities to thousands of Filipinos.

 

 

As 51Talk continues to lead the online English education market in China, we are aiming to attract 40,000 more teachers this year to accommodate the rising number of students using the platform,” pagtatapos pa ng country head ng 51Talk.

(ROHN ROMULO)

PDu30, pinayuhan si Pacman na mag-aral muna

Posted on: June 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGAN munang mag-aral ni Senador at boxing champ Manny Pacquiao bago pa nito punahin at batikusin ang forein policy at ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa isyu ng pinag-aagawang teritoryong West Philippine Sea.

 

“I don’t want to degrade him, but next time he should—mag-aral ka muna nang husto bago ka pumasok,” ayon kay Pangulong Duterte sa naging panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy ng SMNI News, Martes ng gabi.

 

Tila ipinamukha pa ng Punong Ehekutibo na may ” mababaw na kaalaman” si Pacquiao pagdating sa mga usapin na may kinalaman sa national concern.

 

Sa ulat, tila pinakiusapan ni Pacquiao si Pangulong Duterte na dapat pagbigyan naman ang iba na maging Pangulo ng bansa sa kabila ng panawagan ng ibang kampo na tumakbo si Duterte-Carpio upang maipagpatuloy ang nasimulan ng kaniyang ama.

 

Nauna nang sinabi ni Pacquiao na kung tatakbo siya ay sa ilalim pa rin ng PDP-Laban kahit pa may umuugong na hidwaan umano sa loob ng ruling party.

 

Malinaw na hindi na talaga mapipigilan si Pacquiao na tumakbo sa pagka-Pangulo sa halalan sa 2022, sabi ngayong Lunes ng isa niyang malapit na kaibigan.

 

Ayon naman sa dating mambabatas na si Monico Puentevella na kahit isulong pa ng PDP-Laban ang kandidatura ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-Pangulo, itutuloy pa rin ng senador at boxing champ ang pagtakbo sa halalan.

 

“Si Senador [Pacquiao] naman, ok lang maski sino sa inyo, lalaban ‘yan, kasi para sa kaniya, panahon na. Sa usapan namin, tuloy na tuloy, because para sa kanya, panahon na; hindi na niya makaya ang nakikita niyang mga kakulangan sa bayan,” ayon kay Puentevella.

 

Sinabi rin ng dating alkalde ng Bacolod City na mas mabuting malaman din nang maaga kung sino ang pipiliin ng PDP-Laban bilang standard bearer nito sa halalan. Si Pacquiao ang acting President ng partido.

 

“The earlier, the better na malaman niya katotohanan sa loob. Because kung talagang iba ang pipiliin, kung hindi si Senador ang pipiliin, lalaban ito kasi para sa kanya, panahon na. Ang panindigan niya, napuno na siya, gusto na niyang magserbisyo sa tao,” sabi ni Puentevella.

 

Pero kinumpirma ni Puentevella na may ilang partido na ring nanliligaw umano kay Pacquiao para lumipat ito sa kanila.

 

“May mga offers na sa labas. There are other parties now. May ibang partido na na, ‘We will welcome him with open arms’, because who will not accept a man na walang bagahe?” sabi ni Puentevella. (Daris Jose)