• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 11th, 2021

Caballero tagapagsalita sa Natl’l Sports Summit

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAGTUTUUNAN ni Pilipinas Sepaktakraw Federation Inc. President Karen Tanchanco-Caballero ang mga kababaihan sa mundo ng sport sa online 17th session ng Philippine Sports Commission-National Sports Summit (PSC-NSS) 2021 ngayong Miyerkoles, Hunyo 9.

 

 

Ibubunyag ng deputy secretary general ng Philippine Olympic Committee (POC) at unang babaeng vice president ng International Sepaktakraw Federation (ISTAF) at Asian Sepaktakraw Federation (ASTAF), ang aktibong papel ng mga Eba sa larangan.

 

 

Ibabahagi rin niya ang pagiging isang sports leader at pagtataguyod niya sa adbokasiyang pantay na kasarian sa para sa sports at pagpapatakbo sa mga programang para sa mga atleta.

 

 

Giniit naman Marteses ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez ang mahalagang papel sa parehas na kasarian sa sports conference.

 

 

“Women have long played the same, and often primary tasks in furthering the country’s sports excellence. It is a privilege for us to have one of the most esteemed women sports leaders to speak of this in our national conference,” aniya.

 

 

Dati ring chairperson si Tanchanco-Caballero ng Women and Sports Committee sa Southeast Asian Games Federation at nag- chef de mission ng Team Philippines para sa 2016 Asian Beach Games sa Da Nang, Vietnam.(REC)

Ads June 11, 2021

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lopez, 25 iba pa babanat sa Asian taekwondofest

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PANGUNGUNAHAN nina 2016 Rio de Janeiro Olympian Kirstie Elaine Alora at 2018 Indonesia Asian Games bronze medalist Pauline Louise Lopez ang 26 na manlalaro ng Philippine Taekwondo Association Team na aalis ng bansa sa Huwebes upang sumali sa 24th Asian Taekwondo Championships sa Hunyo 14-17 sa Beirut, Lebanon.

 

 

Nabatid kay national coach Dindo Simpao na ang partisipasyon ng national taekwondo jins sa apat na araw na kompetisyon ay parte ng preparasyon nila para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21-Disyembre 2.

 

 

Makakasamang kakasa sa kyorugi event nina Lopez at Alora sina Samuel Morrison, Dave Cea, Arven Alcantara, Joseph Chua, Rommel Pablo Jr., Kurt Paluelas, Veronica Garces, Laila Delo, Baby Jessica Canabal, at Rheza Aragon.

 

 

Samantalang bumubuo sa poomsae sina Jeordan Dominguez, Patrick King Perez, Rodolfo Reyes, Darius Venerable, Justin Macario, Joaquin Tuzon, Marvin Mori, June Ninoble, Rinna Babanto, Janna Oliva, Jocel Ninobla, Aidaine Laxa at Juvenile Faye Crisostomo.

 

 

Si Allain Keanu Ganapin ang tanging bet lang ng bansa para sa Paralympic event. (REC)

Duterte kay Sara: ‘Wag tumakbong president

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinausap niya ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte at sinabihan na huwag magkakamaling tumakbong presidente ng bansa.

 

 

Sinabi ni Duterte na ayaw niyang insultuhin ang mga mamamayang Filipino pero wala namang nakukuha sa pagiging presidente maliban sa “sense of fulfillment.”

 

 

“Aside from that, it’s an empty — puro ka na lang trabaho diyan. Now, unless magtakbo ka ng presidente tapos mangurakot ka, ah you will become a billionaire or millionaire whichever you want. Pero is that the life that you want? Kung sobra-sobra ang pera, anuhin mo man ‘yan,” wika ng Pangulo sa panayam ni Pastor Apollo Quiboloy kamakalawa ng gabi.

 

 

Sinabi rin ni Duterte na maaawa siya sa anak sakaling manalo ito dahil ang suweldo ng Pangulo ay nasa P200,000 lamang isang buwan.

 

 

Bukod aniya sa hindi naman P1 milyon ang sahod ng Pangulo, puro batikos pa ang inaabot at “bababuyin” pa umano ng mga katulad ni dating senador Antonio Trillanes IV at mga tagasunod ng mga gusto ring maging pangulo. (Daris Jose)

Malakanyang, kumpiyansang makakabawi ang ekonomiya

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA ang Malakanyang na makakabawi ang ekonomiya ng bansa sa taong ito.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tatlong bagay ang kanilang pinanghahawakan para sa pagbawi kahit paano.

 

Ito aniya ay ang pagkontrol sa virus para makapagbukas na ang mga negosyo, paggamit ng fiscal at monetary policies na umaabot hanggang 2.7 trillion  at ang pagpapabilis ng pagbabakuna.

 

“At dahil nga po dito sa three-pronged strategy na ito ay tingin ko makakabawi tayo bagamat kagaya po ng sinabi ng World Bank, hindi siguro kasing bilis ng inaasahan natin noong ating plano dahil noong nagplano po tayo, hindi natin akalaing mag-e-ECQ tayo at MECQ tayo sa ganitong kahabang panahon,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, hindi na naman kinontra pa ng Malakanyang ang forecast ng World Bank na baka umabot lang sa 4.7 % ang gross domestic product ng Pilipinas.

 

Ani Sec. Roque, hindi naman kasi  inakalang  mag-e-ECQ  at MECQ  ang pamahalaan sa ganitong kahabang panahon.

 

” Well, ang kasagutan ay dahil nga sa mga new variants napilitan tayong mag-ECQ at GCQ with restrictions dito sa Metro Manila +, where 63% of our GDP comes from ‘no. So, hindi nakakapagtaka kung bakit tumaas muli ang unemployment rate kasi tatlong buwan po tayo nag-ECQ, MECQ, at GCQ with restrictions ‘no. Pero kinakailangan naman  iyan to achieve total health ‘no, na masigurado na minimize poverty at the same time control the dramatic in rise in cases dahil nga po sa mga new variants,” ayon kay Sec. Roque.

 

“At ang kinabukasan natin lalo na sa remaining buwan ng taong ito eh talagang taumbayan lahat ng mga datos na iyan, unfortunately, dahil sa pagsasara muli ng ekonomiya at ang kinabukasan natin lalo na sa remaining buwan ng taong ito eh talagang taumbayan ang magdedesisyon diyan, kinakailangan  talaga mask, hugas, iwas at bakuna. Pero ang istratehiya naman natin unang-una is tangkain na ikontrol nga ang disease na ito para lalo tayong makapagbukas ng ekonomiya; pangalawa, patuloy pa rin iyong paggagamit natin ng fiscal at monetary policies na umaabot hanggang 2.7 trillion ang ating ibinibigay na subsidiya ano; at pangatlo po, iyong pinabibilis nga natin ang pagbabakuna,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

RHIAN, tuluyan nang nagpaalam bilang co-host ni WILLIE at balitang pupunta ng Paris

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN nang nagpaalam si Kapuso actress Rhian Ramos bilang co-host ni Willie Revillame sa “Tutok To Win” na napapanood Mondays to Fridays. 

 

 

Actually, dalawa silang co-hosts noon ni Willie, si Ai Ai delas Alas, na nauna nang nagpaalam dahil pupunta naman ng Las Vegas para bisitahin nila ng asawang si Gerald Sibayan ang mga anak niya roon.

 

 

May balitang pupunta si Rhian ng Paris para sa isang pictorial pero itinanggi ito ni Rhian, magpapahinga raw lamang siya dahil nagkasunud-sunod ang work niya.

 

 

Pagkatapos kasi ng lock-in taping nila ng nagtapos nang GMA Telebabad na Love of My Life, naging regular siyang performer sa All-Out Sundays at kasabay nito ang pagku-co-host sa “Tutok To Win” with Willie and Ai Ai.

 

 

Nanghihinayang man si Willie sa pag-alis ni Rhian, na nagustuhan ng mga netizens ang pagho-host sa show, at napaka-professional pa raw dahil maaga pa ay nasa studio na, pero hindi niya pinigilan ang actress.

 

 

Pagbalik ni Rhian mula sa bakasyon niya, sisimulan naman niya ang bago niyang GMA Afternoon Prime na Artikulo 247, a crime drama series na makakasama niya sina Jackie Rice, Mark Herras at Benjamin Alves. 

 

 

Bale reunion project ito nina Rhian, Jackie at Mark na dati nang nagkasama sa mga naunang projects nila sa GMA.

(NORA V. CALDERON)

Pagdanganan sumuporta sa panalo ni Saso sa US

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BIGONG mag-qualify si Bianca Isabel Pagdanganan sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 13th leg, $5.5M (P262M) 76th U.S. Women’s Open Golf Championship sa The Olympic Club sa San Francisco, California  na pinanlunan ng kaibigan niyang si Yuka Saso nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas).

 

 

Ganunpaman, nagsadya pa ang LPGA sophomore pro sa final round ng apat na araw na kompetisyon na nilahukan ng mgastig manlalaro sa mundo.

 

 

Nag-cheer si Pagdanganan, 23, at tubong Quezon City sa 19-anyos na mula sa San Ildefondo, Bulacan. Ang una isa sa mga nagpaparating ng mga kaganapan sa mga kaibigan nila sa ‘Pinas sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

 

 

Napa-‘Oh my God’ ang Fil-Japanese na si Saso na Makita si Pagdanganan na isa sa mga miron at sinabihan siyang galingan upang Manalo, na iyon nga ang nangyari.

 

 

Ibinunyag ni Pagdangnan na napakaseryoso ng kaibigan sa golf course, sobrang pagkakomikera ang pagkakilala niya kay Saso na marami aniyang ‘dad jokes’.

 

 

Halata naman dahil nang bombahan ng bote ng champagne ni Hannah Green ng Australia si Saso para sa pagdiriwang sa tagumpay walng keber at masya niyang sinalubong ang bulwak ng alak sagisag sa kanyang pagdiriwang.

 

 

Saludo sa iyo ang Opensa-Depensa Yuka sa napakalaking binigay mong karangalan para sa ‘Pinas at sa mga Pinoy saan mang dako ng mundo. Gayundin sa iyo Bianca, isa kang tunay na kaibigan.

MGA PEKENG RESIBO at LISTAHAN ng mga TAONG BAWAL PUMASOK sa LTFRB, DAPAT IMBESTIGAHAN

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

May “Fake Receipt Representatives” tagging pala sa LTFRB. Ayon sa mga nagrereklamo ay kapag napabilang ka sa tinatawag na “List of Authorized Representatives submitted Fake/ Tampered Receipts” ay ban ka pumasok sa LTFRB central office.

 

 

Nakakuha ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng listahan at kinumpirma sa amin na hindi nga sila pinapapasok ng mga guards sa gate pa lang. Pero marami sa mga nasa listahan ay nagtataka at nagtatanong kung bakit sila napasama sa listahan na nag-submit daw sila ng pekeng mga resibo sa mga binayaran nila sa LTFRB.   Tinanong namin kung sila ba ay naimbestigahan dito o kinasuhan ba base sa pamemeke ng resibo – wala raw at iginiit naman na hinid sila namemeke.   Paano raw sila masasabing namemeke, eh hindi naman daw sila ang nagi-issue ng resibo.

 

 

May mga bagay na nais naming itanong sa issue na ito:  Una, paano nasabi na peke ang resibo?   Ano ba ang peke, yung mismong resibo o genuine naman ang resibo pero tampered dahil peke ang nakasulat.

 

 

Halimbawa, nakasulat sa resibo ang pinagbayaran pero hindi naman natanggap ang bayad ng cashier ng LTFRB.  Kung ang papel na resibo ay genuine ibig sabihin ay galing sa loob ng Ahensya ang pamemeke ng entrada sa resibo. Kung mismong yung papel na resibo ang peke ay dapat malaman kung saan naimprenta ang mga ito.

 

 

Pangalawa, totoo bang may utos ang LTFRB sa mga guards na huwag papasukin ang mga nasa listahan? Nasaan ang Memorandum Circular o ang office resolution?  At paano nila napagdesisyunan na isama ang isang tao sa listahan. Nagkaroon ba ng imbestigasyon ukol dito. Pinatawag ba sila ang mga implicated ng nasabing listahan, at kinasuhan na ba?  Ano ang batayan kung bakit bawal pumasok ang mga nasa listahan.   Magkakaroon ba ng solusyon ang diumamong pamemeke ng resibo kung hindi lang magpapapasok ng ilang indibiduwal na kanilang pinaghihinalaan?

 

 

Di ba’t mas mainam na makausap ang mga ito para makapagpaliwanag kung paano sila nagkaroon ng sinasabing pekeng resibo?

 

 

May kasabwat ba silang mga empleyado o opisyal sa loob ng LTFRB? Ang mga nasa listahan ba ay may kakayahang mameke ng resibo o biktima rin sila ng ilang namemeke na taga loob ng LTFRB.  Sa amin sa LCSP, suportado namin ang tamang paglilinis ng Ahensya laban sa mga tiwaling opisyal at mga taong mapagsamantala.  Pero papano natin masusugpo ito kung ang hakbang lang ay huwag papasukin ang mga nasa listahan na diumanoy nag-submit ng mga pekeng resibo.

 

 

At bakit ng aba hindi papasukin sa LTFRB office kung hinala pa lang ang basehan.

 

 

Malalim na mga tanong na nangangailangan ng malinaw na kasagutan! (Atty. Ariel Enrile-Inton)

P85 M aerodome simulator ng CAAP binuksan

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagkaron ng inagurasyon noong nakaraang buwan ang bagong bukas na P85 million na 3D aerodome tower simulator ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

 

 

Nakalagay ang bagong 3D aerodome tower simulator sa CAAP’s Civil Aviation Training Center (CATC) sa Paranaque City. Natapos ang pagtatayo noong March 30 ng taong kasalukuyan.

 

 

Ang 3D aerodome tower simulator ay tutulong upang magkaron ng artificially recreation ang control tower environment para sa air traffic controller (ATC) training, design at ipa pang pangagailangan.

 

 

“For the Department of Transportation (DOTr), security and safety are paramount. This facility will not only provide training, it will also help in handling flight emergencies and risky situations without the threat of danger as experienced before,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

Ayon sa CAAP ang nasabing simulator ay makakatulong sa mga ATCs sa kanilang training, testing at maintaining ng proficiency sa paghawak ng operasyon sa aerodome ng walang kapahamakan sa mga buhay ng tao at kabuhayan.

 

 

Mas mura ang earodome simulator kumpara sa pagkakaron ng training sa actual na air traffic control conditions.

 

 

Ang anim (6) na airport scenario settings na nakalagay sa simulator program ay maaaring gamitin sa ATC proficiency sa mga airports sa Manila, Clark, Mactan, Plaridel, Davao at mga generic single-runway project.

 

 

Noong una ang ginagamit ng mga ATC instructors ay ang miniature model airplane upang makagawa ng air traffic scenarios.

 

 

“With the arrival of our new aerodome simulator, this practice is now obsolete,” saad ng CAAP.

 

 

Gagamitin din ang aerodome simulator sa mga gagawing training ng mga bagong ATCs sa pamamagitan ng comprehensive air traffic service course na binibigay ng CATC. (LASACMAR)