NAKIISA at pinangunahan ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagdiriwang ng ika-123 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Philippine Independence “Kalayaan 2021: Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan’ Malolos City, Bulacan.
Sa nasabing seremonya, ibinalita nito na mayroon nang itinatayo na “wall of heroes” sa Libingan ng mga Bayani.
Pumayag kasi ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magtayo ng “wall of heroes” sa Libingan ng mga Bayani.
Ang lahat ng mga namatay na mga doktor at nurses, mga attendants na nahawa ng Covid-19 ay pararangalan sa pamamagitan ng paglalagay ng pangalan ng mga ito sa wall.
“It is now being built. And I would like to thank the Armed Forces of the Philippines for their “pagmalasakit” sa kapwa Filipino,” ayon sa Pangulo.
Hinikayat din nito ang mga mamamayang Filipino na dakilain ang mga “modern day heroes” gaya ng mga healthcare workers, law enforcement officers at iba pang frontliners na naging instrumental sa paglaban ng bansa sa Covid-19 pandemic.
Sa nakalipas na taon, isinakripisyo ng mga ito ang kanilang buhay at seguridad upang matiyak na ang lipunan ay magpatuloy na gumagana sa kabila ng Covid crisis.
“Marami pong salamat sa inyng pagmalasakit at serbisyo,” ayon kay Pangulong Duterte. (Daris Jose)