• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 22nd, 2021

‘No-mask Christmas’ posibleng makamit – Palasyo

Posted on: June 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naniniwala ng ilang mga eksperto na kayang makamit ng bansa ang tinatawag ng “no-mask Christmas” kapag malaking bahagi ng populasyon ng bansa ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni OCTA Research member at University of Santo Tomas biological sciences professor Father Nicanor Austriaco, kailangan ng bansa ng 33 milyon doses ng COVID-19 vaccine para mapigilan ang virus at ang 52 milyon na doses naman ay para makamit ang herd immunity.

 

 

Paliwanag nito na kapag nakamit ang herd immunity sa National Capital Region (NCR) Plus eight na kinabibilangan ng Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Laguna, Batangas, Pampanga, Metro Cebu at Metro Davao ay mapoprotektahan na ang natitirang bahagi ng bansa dahil nagmumula sa Metro Manila ang pagkalat ng virus.

 

 

Base rin sa kanilang ginawang kalkulasyon na kapag mayroong 250,000 katao ang nababakunahan sa isang araw ay mapipigilang ang virus sa Oktubre at makakamit ang herd immunity sa Nobyembre.

 

 

Para makamit ang pagpigil ng virus ay dapat nabakunahan na ang nasa 45 percent ng populasyon ng NCR Plus eight o nasa 16.65 milyon katao.

 

 

Kaya naman kailangan umano ng 33.5 miyon doses ng bakuna at para makamit din ang herd immunity ay dapat mabakunahan ang 70 percent ng populasyon sa NCR plus eight.

 

 

Malaki rin ang tiwala ni presidential spokesperson Harry Roque na madaling makamit ang no-mask Christmas kung saan mayroon ng mahigit 5.5 milyon Filipino na ang naturukan ng bakuna at mahigit dalawang milyong katao na ang naturukan na ng COVID-19 vaccine ng dalawang doses. (Daris Jose)

CONDOTEL para sa mga seamen ipapatatayo sa NCR – DOTr

Posted on: June 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagkaisa ngayon ang Department of Transportation (DOTr), Marino Partylist at Associated Marine Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines (AMOSUP) na magtayo ng CONDOTEL para sa mga seafarers.

 

 

Ang pagsasama ng grupo ay isinabay sa pagpirma sa Memorandum of Understanding (MOU) kaugnay sa 47th Anniversary ng MARINA.

 

 

Ang pagpapatayo ng CONDOTEL ay bilang pagkilala umano sa papel ng mga seaman sa ekonomiya ng bansa tulad na lamang sa pagpapadala ng mga foreign remittances at iba pang mga economic activities.

 

 

Paliwanag ng mga opisyal, karamihan daw ng mga Filipino seafarers ay nagmula sa ibang mga lugar sa bansa ay walang matirhan sa National Capital Region (NCR) habang nag-aantay ng kanilang deployment o kaya pagdating ng pilipinas.

 

 

Makikinabang din ang mga seaman na nagtatrabaho sa mga inter-island shipping.

 

 

Todo pagmamalaki naman si Transportation Secretary Art Tugade na proyekto dahil magandang balita raw ito para sa mga marino na magawan sila ng CONDOTEL o gusali kung saan sila doon mananatili, pansamantalang maninirahan at doon din magagabayan.

 

 

“Napakagandang pangitain na kung nagse-celebrate tayo ng Anibersaryo, binibigyang importansya ang mga marino. In fact, the highlight of today’s gathering can be summed up into two. Una ay ang pagpirma ng Memorandum of Understanding regarding CONDOTEL na pinapakita natin sa mga marino – na para bang sinasabi ng MARINA – nandirito at gagawa kami ng gusali na kung saan doon kayo mananatili, doon kayo maninirahan at doon kayo gagabayan. Napakagandang pangitain,” ani Tugade.

Kaso ng COVID-19 sa Bulacan, bumaba ng 43%

Posted on: June 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– Pinasalamatan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga health worker at frontliner ng lalawigan sa kanilang walang kapagurang paglilingkod sa mga Bulakenyo kasabay ng lalo pang pagbaba ng kaso ng 43% mula Mobility Week 19 hanggang 20 mula Mayo 8 hanggang 22, hanggang Mobility Week 21 hanggang 22 mula Mayo 23 hanggang Hunyo 5.

 

 

“Napanatili po natin ang pagbaba ng bilang ng mga kaso. I would like to congratulate and thanked our doctors and nurses, our medical frontliners and mga cluster head ng PTF at ang ating kapulisan. Lahat kayo ay nagsumikap dito. Kitang kita naman natin sa ating mga datos,” anang gobernador sa ginanap na Provincial Task Force Meeting noong Huwebes sa pamamagitan ng Zoom application.

 

 

Ayon sa ulat ni Dr. Hjordis Marushka Celis, PTF Response Cluster Head, apat na porsiyento lamang o 1,510 ng 37,997 kabuuang kumpirmadong kaso ang aktibo, habang 94% o 35,666 ang gumaling at dalawang porsiyento o 821 ang namatay mula sa sakit.

 

 

Ipinarating din niya ang kanyang kasiyahan sa pagsasailalim sa Bulacan, kasama ang Metro Manila, sa General Community Quarantine (GCQ) “with some restriction”, na may bahagyang maluwag na protocol kumpara sa GCQ “with heightened restrictions”.

 

 

“Pababa ang kaso at napakaganda ng ating nagiging laban kung babatayan ang datos sa ibang lalawigan sa paligid ng NCR. Nananatiling pinakamababa ang ating active cases mula simula until today. Nawa ay magpatuloy ang datos na ito dahil hindi na natin kakayanin na bumalik pa sa mas mahigpit na quarantine status,” dagdag pa niya.

 

 

Umapela din ang gobernador sa mga lokal na pamahalaan na mag-ukol ng mas maraming vaccination sites, ipatupad ang sistematikong master listing, at maglaan ng mas marami pang tagapagbakuna upang lalong mapabilis ang vaccination rollout sa lalawigan upang makamit ang herd immunity bago ang Pasko.

 

 

Noong Hunyo 16, 2021, nakapagturok na ang lalawigan ng kabuuang 208,195 doses ng bakuna laban sa Coronavirus, 161,607 para sa unang dose at 46,588 para sa ikalawang dose. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

250K Moderna vaccines parating sa Hunyo 27

Posted on: June 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaasahang darating na sa bansa ang may 250,000 doses ng Mo­derna COVID-19 vaccines sa Hunyo 27.

 

 

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na kabilang sa darating na bakuna ay ang binili ng mga pribadong sektor.

 

 

Bukod dito, dara­ting din sa Hunyo 24 ang karagdagang 1.5 milyong dose ng Sinovac at nga­yong buwan din ay dara­ting ang mahigit 150,000 dose ng Sputnik V.

 

 

Bago matapos ang buwan ay matatanggap na rin ng bansa ang donasyong bakuna ng US at bubuhos din ang suplay sa Hulyo na aabot sa 12M dose.

 

 

Sa kabuuan, nakatanggap na ng 14,205,870 dose ng bakuna ang bansa na binili ng gobyerno at pribadong sektor kasama ang mga donasyon.

 

 

Ngayong Hulyo ay inaasahang darating ang 11,670,000 bakuna, kabilang dito ang 4.5 million Sinovac,1 million Mo­derna, 1 million Sputnik V, 1.17 million AstraZeneca na binili ng mga pribadong sektor at 4 million AstraZeneca o Pfizer-BioNTech vaccines mula naman sa COVAX facility.