• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 24th, 2021

LUIS, maraming pinagdaanan at inamin na nagkahiwalay sila ni JESSY habang may pandemya

Posted on: June 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUNG tutuusin, masuwerte si Luis Manzano dahil hindi naging hadlang ang pandemya para ma-achieve niya ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay niya.

 

 

Engagement at kasal nila ni Jessy Mendiola. Then, hindi rin siya nawalan ng work at may sariling business na nagtuloy-tuloy lang din at mga endorsements.

 

 

Pero sa ginanap na press launch niya para sa kanyang bagong endorsement, ang ‘Sweet  Via’ na isang natural sweetener with health benefits, sinabi niyang meron din daw hindi ganoon kagandang nangyari.

 

 

    “Actually, marami kaming pinagdaanan. Ang daming nangyaring maganda sa buhay ko kahit na may pandemic. From the engagement to the wedding and I’m still fortunate to be working.”

 

 

At dito nga niya inamin na, “Napakarami rin naming pinagdaanan na hindi nakikita ng mga tao. In fact, there was a time during pandemic that we broke-up.

 

 

    “Na-post din ni HowHow yun sa vlog niya. Kumbaga, it wasn’t easy. And I can only imagine.  Kung ako, I was already having a hard time. Kahit papaano, baka hindi ko lang nailabas or wala lang sa personality ko, pero it gets to us, e.

 

 

    “It’s the first time that something this magnitude has happened to us. So siguro ‘yung stress, lalo na ‘yung unang ECQ, napakaraming nangyari.

 

 

“Pero kahit paano, after a while, nakabawi naman. So, it wasn’t all good time itong pandemic.  Napakaraming magandang nangyari and thankfully, kahit papaano, things are better for a lot of us, pero marami rin kaming pinagdaanan noong pandemic.”

 

 

At least, all’s well that ends well pa rin sa kanila.

 

 

***

 

 

NANGHIHINAYANG si Heart Evangelista sa pagkakataon na mami-meet na sana niya sa Paris ang hinahangaang South Korean actress na si Song Hye Kyo.

 

 

Si Song Hye Kyo ang celebrity endorser sa Korea ng jewelry brand na “Chaumet” at si Heart naman ay nakatanggap ng imbitasyon mula rito for a dinner event.

 

 

Nang may magtanong kay Heart sa ginawa niyang IG Live, kung ano ang feeling na mami-meet na niya ang Korean actress, nabanggit nga ng Kapuso actress and known for her style, fashion and art ang tungkol dito.

 

 

    “Well, I was invited just the other day by the house, by the brand to fly to Paris and attend the Chaumet event, dinner actually.

 

 

     “I’m such a huge fan of Song Hye Kyo and I really wanted to go but I have endorsement shoots contract that I have to, I can’t say naman na, ‘Day, wait ka lang ha. Binayaran ako do’n.

 

 

So kung hindi ko gagawin ang trabaho ko, hindi ko rin mapupuntahan ang mga kailangan kong puntahan.

 

 

     “So I cannot go, I just found out that I cannot go so I just told my friend from the brand that I cannot go.”

 

 

Imbitado rin daw siya ng iba pang brand ng jewelry at dadamitan siya ng mga kumikinang na alahas ng mga ito, pero hindi rin daw niya mapupuntahan dahil sa trabaho.

 

 

Sa isang banda, magsisimula na nga si Heart ng lock-in taping ng I Left My Heart in Sorsogon ngayong July. At kahit daw nasa Sorsogon lang sila at nandoon ang mister na si Governor Chiz Escudero, hindi rin daw sila pwedeng magkita dahil within bubble lang sila pwede habang naka-lock-in taping.

(ROSE GARCIA)

RICHARD, enjoy sa pagiging Mayor at tama ang naging desisyon; LUCY, hinihikayat na tumakbong Senador

Posted on: June 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MASAYA ang chikahan with Ormoc City Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez noong Lunes with matching lunch na ipinadala ng mag-asawa sa bahay ng bawat isang press na invited.

 

 

Nasa huling term niya si Cong. Lucy at may mga chika na nililigawan daw ito ng partido ni Presidente Duterte para tumakbong senador sa susunod na taon.

 

 

“Wala pang definite plans. I have my options pero nothing is cast in stone. Ang aming main concern is to keep Ormoc and the district safe,” pahayag ng maybahay ni Mayor Goma.

 

 

Sinabi pa niya na kung anuman daw ang trabaho na kanilang ginagawa ni Mayor Goma ay hindi dapat bigyan ng kulay at isipin na preparasyon para sa isang mataas na posisyon.

 

 

Pero may posibilidad daw na tumakbo daw sa Kongreso si Richard.

 

 

“What we do now is to honor the work that we are doing. Hindi ito plano o isang road map. We didn’t intend to make politics a career. Hindi ito planado. Kung anuman ang dumating,we will just with the flow. Pero hindi ito bahagi ng isang dream or grand ambition.”

 

 

Since 2016 ay inalok na raw si Lucy na tumakbo for higher office pero wala pa raw sa kanyang plano to seek higher office. Pero kung sakali man siya ay tumakbo, hindi naman daw siya magmumukhang OJT.

 

 

“I won’t be coming as an OJT because I have 11 years of experience behind me. I studied hard. It is difficult to find yourself in an arena where you don’t know anything. If ever I do run for a post, I want to make my time matter when I am there,” pahayag pa ni Lucy.

 

 

“I hope that what I will leave behind me is better than what I found when I first stepped in. What we do in our jobs is to honor it with a legacy.”

 

 

Madalas na makatanggap ng papuri si Mayor Goma sa effort niya na panatilihing Covid-19 free ang Ormoc. Or keep the infection in check.

 

 

“Mayroon kaming information campaign kung saan lagi namin ipinapaalala sa mga tao na laging magsuot ng face masks at face shields. May mga pulis kami on patrol na laging nagre-remind sa mga tao to wear their face masks and face shields,” sabi ni Mayor Goma.

 

 

Pero alam naman ni Goma na hindi lahat ng tao will be pleased sa kanyang ginagawa. Mayroon pa rin masasabi ang ibang tao kahit ginagawa niya what is right at naayon sa batas.

 

 

Kahit na alam ko naman na tama ang desisyon on something, not everybody will agree with me na tama iyon. Pero hindi naman talaga nawawala ang mga tao who will disagree with me. Basta tuloy lang ang trabaho namin.

 

 

Although enjoy naman si Goma bilang Mayor, hindi naman mawawala sa puso niya ang showbiz.

 

 

Kung sakali raw may movie offer, sana raw ay pumayag na mag-shoot sila sa Ormoc.

 

 

Ayon pa kay Mayor Goma, tama ang desisyon niya na pumasok sa politics.

 

 

“Gusto lang naman namin na maglingkod at magkaroon ng pagbabago. Hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong uri ng pagkakataon na magsilbi sa mga tao.     

 

Kaya pag dumating ito, do your best. Take the wheel change the direction to where you want it.”

 

 

     ***

 

 

SI Miguel, may sikreto!

 

 

The Miguel we are referring to is RK Bagatsing sa seryeng Huwag Kang Mangamba.

 

 

Intense ang episode last Tuesday night kung saan nahuli ni Nonie Buencamino sina RK at Rafael Rosell na magkayakap.

 

 

Siyempre shocked si Nonie, who plays the grandfather of Miguel, kasi di niya akalain na gay pala ang kanyang apo.

 

 

Eh kandidato pa naman itong Mayor sa kanilang lugar kaya pinagsabihan niya sina RK at Rafael na putulin na ang kanilang relasyon.

 

 

Siyempre ayaw pumayag ni Rafael dahil katwiran niya ay apat na taon na relasyon nila ni RK. Pero hindi naman magpapatalo si Nonie.

 

 

Maganda ang confrontation scene nina Nonie at RK. Damang-dama mo ang galit ni Nonie sa kanyang natuklasan.

 

 

Awang-awa naman kami kay RK na sinaktan ng kanyang lolo.

 

 

Ang ganda ng twists and turns ng Huwag Kang Mangamba kaya lagi namin itong pinapanood every night sa Kapamilya Channel.

(RICKY CALDERON)

CHRISTIAN, hiyang-hiya na napaniwala at napa-order sa viral na ‘Pop Star Meal’; umaapela na baka puwedeng totohanin

Posted on: June 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKAKAALIW ang naging experience ni Christian Bables nang patulan niya ang viral na Fan-made Jollibee ‘Pop Star Meal’.

 

 

Sa kanyang twitter post,Nag drive thru ako for the pop star meal, shet hindi pala to totoo. Napapala ng hindi nagbabasa.

 

 

Hi ate sa Jollibee drive thru, sa lutong ng tawa mo kanina nung ineexplain ko yung meal na merong coke sarah, busog na ako. Happy to have made your night.”

 

 

Sagot pa ni Christian sa nag-react sa kanyang post, Hahaha yung pagkaka explain ko pa eh: “ate yung nuggets na star, na may coke sarah”. Sa lutong ng tawa ni ate, parang 10 years na kami magkaibigan.”

 

 

Dagdag pa ng aktor, Nag init yung tenga ko sa hiya, hahaha yung parang nagmaka awa pa akong pag bilhan nila ako ng star na nuggets tsaka ng coke sarah.    “Na realize kong muka na akong timang nung nagkulay violet na si ate kakatawa. Mukang mapapanaginipan ko siya ng mga two weeks.

 

 

Dahil nga sa sobrang patok na patok ang BTS Meal ng McDo, gumawa nga ang concept art ang Filipino graphic artist na si Rvinxtian ng Jollibee meals inspired by local female singers, ang ‘Pop Star Meal’ ni Sarah Geronimo at ‘Songbird Meal’ ng OPM icon na si Regine Velasquez.     Nag-viral din ang post ni Gonzaga Bascuña Des ng old internet photo ng ‘Bucket Papa’ ng Sexbomb Girls na may collectible tumblers na inspired sa afternoon show na Daisy Siete.

 

 

Tweet uli ni Christian, Maniniwala nalang ako ulit sa mga meal meal na yan pag lumabas na ang BUCKET PAPA ng Sexbomb meal.”

 

 

Apela pa ng aktor, kalat na kalat na yung katimangan ko kagabi. Baka naman maisipan niyong totohanin na yung nuggets na star, ikot ikot fries at yung coke sarah, mabawasan man lang tong kahihiyang inabot ko sa halakhak ni ate kagabi. Tagos sa kaluluwa yung tawa niya eh.”

 

 

     Wish talaga ng marami lalo na ng Popsters na patulan ito ng Jollibee, for sure magiging big hit din ito tulad ng BTS Meal.

 

 

***

 

 

WALONG pelikulang Pilipino, kabilang ang limang pamagat na nasa Eddie Garcia Retrospective section, ay tampok sa Far East Film Festival (FEFF) sa Udine, Italy mula Hunyo 24 hanggang Hulyo 2 sa isang hybrid form na parehong may in-person at online showings.

 

 

Isang malaking pagdiriwang ang FEFF sa Europa na may pokus sa Asian Cinema at tumutulong sa commercial distribution ng mga pelikulang Asyano patungong European at Italian markets.

 

 

Noong nakaraang taon, itinampok ang proyekto ni Xeph Suarez, “Dancing the Tides,’’ at ang “Skeleton River” ni Khavn Dela Cruz sa FEFF Industry section.

 

 

Para sa ika-23 na edisyon ngayong taon, tampok sa Competition section ang award-winning film na “Fan Girl” ni Antoinette Jadaone, na magkakaroon ng international festival at online worldwide premiere, habang ang “Anak Ng Macho Dancer” ni multi-awarded director na si Joel Lamangan ay magkakaroon ng Italian at online worldwide premiere.

 

 

Ang “A is for Agustin,” ang pinakaunang feature-length documentary ni Grace Simbulan, ay nasa ilalim ng Out of Competition section at magkakaroon ito ng European at online worldwide premiere.

 

 

Upang bigyang-pugay ang yumaong television at film legend na si Eddie Garcia para sa kaniyang napakahalagang kontribusyon sa industriya, magtatampok ng apat na feature films at isang short film ang special tribute na “Eddie Garcia: Life as a Film Epic” sa ilalim ng Retrospective section.

 

 

Ang restored version ng pinakaunang pelikula ni Ishmael Bernal na “Pagdating sa Dulo” at ang “Bwakaw” ni Jun Robles Lana ay magkakaroon ng Italian premiere, online worldwide, at offline screenings.

 

 

Ang “Rainbow’s Sunset” ni Lamangan, ang tumanggap ng Cannes Palme d’Or para sa Short Film na “Anino” ni Raymond Red, at ang “Sinasamba Kita” ni Eddie Garcia ay magkakaroon ng Italian at online only worldwide premiere.

 

 

Para sa FEFF Industry section ngayong taon, lalahok sa programa ng Focus Asia ang proyekto ni Martika Ramirez na “Bird Eyes.” Magiging parte naman ang journalists na sina Jason Tan Liwanag at Richard Olana sa FEFF Campus training project.

 

 

Mula 2017, sa pamamagitan ng Spotlight Philippines program, mayroon ng 19 na pelikulang Pilipino ang naipalabas sa FEFF, kabilang dito ang “Die Beautiful” ni Lana, “Ang Larawan” ni Loy Arcenas, at ang “Miss Granny” ni Joyce Bernal, bukod sa iba pa,  na nagpapakita ng iba’t-ibang kuwentong Pilipino.

 

 

Naging plataporma na rin ang festival na ito para sa marami pang Filipino filmmakers upang maging exposed sa global platform.

 

 

“We are grateful to the Far East Film Festival in Udine for propagating Asian films in Europe and supporting Philippine Cinema once more by featuring a total of eight films, selecting a project and two journalists, and mounting a heartwarming tribute to our eternal icon Eddie Garcia to further his artistry and legacy,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

 

 

Noong 2018, pinili ng FEFF ang Pilipinas bilang “Country of Focus” sa pagdiriwang ng Sine Sandaan o One Hundred Years ng Philippine Cinema. Sa pamamagitan ng International Film Festival Assistance Program ng FDCP, nagbigay ang pambansang ahensya ng pelikula ng suporta sa limang napiling pelikulang Pilipino para sa kanilang paglahok sa FEFF noong 2019.

 

 

Dalawang Filipino projects naman ang napili para sa FEFF Industry section noong lumipat ito sa online platforms noong 2020.

 

 

Ang ika-23 na FEFF na binuo ng Centro Espressioni Cinematografiche ay magpapalabas ng 63 na pamagat mula sa Pilipinas, South Korea, China, Hong Kong, Japan, Malaysia, Taiwan, Thailand, Indonesia, Macau, at Myanmar.

 

 

Para sa karagdagang impormasyon sa mga pelikula sa FEFF, bumisita sa https://www.mymovies.it/ondemand/23feff/.

(ROHN ROMULO)

Ads June 24, 2021

Posted on: June 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

‘The Suicide Squad’ Reveals More Mad Mayhem in New Trailer

Posted on: June 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WHAT happens when a bunch of villains are tasked to save the world?

 

 

Our only hope to save the world is a bunch of supervillains what could go wrong? Check out The Suicide Squad!

 

 

Official “Rain” Trailer which has just been released by Warner Bros. Pictures.  Watch the film in Philippine cinemas this 2021.

 

 

Watch below: https://www.youtube.com/watch?v=95v4i3moXpE&t=13s

 

 

From writer/director James Gunn comes Warner Bros. Pictures’ superhero action adventure “The Suicide Squad,” featuring a collection of the most degenerate delinquents in the DC lineup.

 

 

Welcome to hell—a.k.a. Belle Reve, the prison with the highest mortality rate in the US of A. Where the worst Super-Villains are kept and where they will do anything to get out—even join the super-secret, super-shady Task Force X. Today’s do-or-die assignment? Assemble a collection of cons, including Bloodsport, Peacemaker, Captain Boomerang, Ratcatcher 2, Savant, King Shark, Blackguard, Javelin and everyone’s favorite psycho, Harley Quinn. Then arm them heavily and drop them (literally) on the remote, enemy-infused island of Corto Maltese. Trekking through a jungle teeming with militant adversaries and guerrilla forces at every turn, the Squad is on a search-and-destroy mission with only Colonel Rick Flag on the ground to make them behave…and Amanda Waller’s government techies in their ears, tracking their every movement. And as always, one wrong move and they’re dead (whether at the hands of their opponents, a teammate, or Waller herself). If anyone’s laying down bets, the smart money is against them—all of them.

 

 

The film stars Margot Robbie (“Birds of Prey”), Idris Elba (“Avengers: Infinity War”), John Cena (“Bumblebee”), Joel Kinnaman (“Suicide Squad”), Jai Courtney (the “Divergent” franchise), Peter Capaldi (“World War Z”), David Dastmalchian (“Ant-Man and the Wasp”), Daniela Melchior (“Parque Mayer”), Michael Rooker (the “Guardians of the Galaxy” films), Alice Braga (“Elysium”), Pete Davidson (TV’s “Saturday Night Live”), Joaquín Cosio (“Spider-Man: Into the Spider-Verse”), Juan Diego Botto (“The Europeans”), Storm Reid (“The Invisible Man”), Nathan Fillion (“Guardians of the Galaxy”), Steve Agee (“Brightburn”), Sean Gunn (the “Guardians of the Galaxy” films,), Mayling Ng (“Wonder Woman”), Flula Borg (“Ralph Breaks the Internet”), Jennifer Holland (“Brightburn”) and Tinashe Kajese (TV’s “Valor”), with Sylvester Stallone (the “Rocky,” “Rambo” franchises), and Viola Davis (“Ma Rainey’s Black Bottom,” “Suicide Squad”).

 

 

Gunn (the “Guardian of the Galaxy” films) directs from his own screenplay, based on characters from DC. The film is produced by Charles Roven and Peter Safran, with Zack Snyder, Deborah Snyder, Walter Hamada, Chantal Nong Vo, Nikolas Korda and Richard Suckle executive producing.

 

 

Warner Bros. Pictures Presents An Atlas Entertainment/Peter Safran Production, A James Gunn Film, “The Suicide Squad.” The film will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures. Join the conversation online and use the hashtag #TheSuicideSquad

(ROHN ROMULO)