• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 9th, 2021

Proyekto at programa ng Duterte adminstration, kailangan na may continuity

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGAN ang “continuity” sa mga nasimulang proyekto at programa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Ito ang dahilan ibinigay ng mayorya ng mga miyembro ng PDP-Laban na nagnanais na tumakbo ang Pangulo sa pagka-pangalawang pangulo sa 2022 elections.

 

Sa PDP-Laban meeting, sinabi ni Metropolitan Manila Mayor Benhur Abalos na walang makakapantay kay Pangulong Duterte sa mga proyektong naipatupad nito sa ilalim ng kanyang liderato.

 

Tinukoy ni Abalos ang infrastructure project at bilib din siya sa peace and order sa Kalakhang Maynila.

 

Sa kasaysayan din ng PIlipinas ay tanging si Pangulong Duterte lamang ang nagkaroon ng 91% satisfaction rating kabila ng nagtataasang cumulative coronavirus disease (COVID-19) cases ng Pilipinas noong Setyembre 2020.

 

Dahil dito, malinaw na maraming naniniwala sa kanyang liderato kaya’t kailangan na mayroong continuity ng kanyang mga nasimulang proyekto at pograma.

 

Bukod dito, malaki rin ang utang na loob ng mga Abalos kay Pangulong Duterte at Senador Bong Go dahil nang mag-iisang taon na at magbi- birthday siya nang siya ay nasa ospital dahil nag-aagaw buhay ang kanyang mga magulang.

 

“Malaki po ang utang na loob ng pamilya ko sa inyo at kay Senador Bong Go. Nasa likod nyo po kami.. suportado po namin ang liderato ninyo, nasa likod n’yo po kami,” ani Abalos.

 

Ginarantiya naman ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa Pangulo na walang ibang tatakbo sa kanilang partido sa pagka- pangalawang pangulo.

 

Ang hinihintay na lamang nila ay ang desisyon ng Pangulo kung tatakbo ito o hindi. (Daris Jose)

Mga COVID-19 vaccines na iligal na ibinibenta ‘di puwedeng gamitin – FDA chief

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi na puwedeng gamitin pa ang mga COVID-19 vaccines na nakumpiska mula sa mga iligal na nagbebenta nito kamakailan.

 

 

Sinabi ito ni Food and Drugs Administration director general Eric Domingo kahit pa napatunayan namang genuine ang mga nakumpiskang bakuna.

 

 

Iginiit ni Domingo na walang katiyakan na maayos ang handling sa mga bakunang ito, at maari ring nakompromiso ang temperatura na required.

 

 

Makikita naman aniya sa isang video na sa cooler lamang sa loob ng sasakyan nakasilid ang mga iligal na ibinentang bakuna, bukod pa sa bukas na ang packaging ng ilan sa mga ito.

 

 

Sa ngayon, patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang source ng mga bakunang iligal na ibinibenta para matukoy kung smuggled nga ba ang mga ito o kinuha mula sa supply ng gobyerno.

 

 

Kaugnay nito ay nananawagan si Domingo sa publiko na kaagad na isumbong sa FDA ang mga pinaghihinalaang nagbebenta ng COVID-19 vaccines.

 

 

Maaari aniyang gawin ito sa pamamagitan ng kanilang website.

19 bangkay sa bumagsak na C-130 plane sa Sulu, nakilala na ng AFP

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Natukoy na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakakilanlan ng 19 sa 49 na sundalong nasawi sa pagbagsak ng C-130 cargo plane noong Linggo sa Patikul, Sulu.

 

 

Kabilang dito sina Major Emmanuel Makalintal, Major Michael Vincent Benolerao, First Lieutenant Joseph Hintay, Technical Sergeant Mark Anthony Agana, Technical Sergeant Donald Badoy, Staff Sergeant Jan Neil Macapaz, Staff Sergeant Michael Bulalaque, at Sergeant Jack Navarro mula sa Philippine Air Force.

 

 

Gayundin sina Captain Higello Emeterio mula sa AFP Medical Corps at First Lieutenant Sheena Alexandria Tato mula sa AFP Nurse Corps.

 

 

Nasawi rin sina Sergeant Butch Maestro, Private First Class Christopher Rollon, Private First Class Felixzalday Provido, Privates Raymar Carmona, Vic Monera, Mark Nash Lumanta, Jomar Gabas, Marcelino Alquisar, at Mel Mark Angana mula sa Philippine Army.

 

 

Nadala na rin ang labi ng 11 sundalo sa kani-kanilang bayan.

 

 

Habang ang labi ni First Lieutenant Tato ay ibinabiyahe na sa pamamagitan ng C295 aircraft at ang pito pang iba ay inihahanda para sa air at land transport.

 

 

Samantala, ayon naman kay AFP chief of staff General Cirilito Sobejana na patuloy pa sa pagtukoy ang militar para sa 30 bangkay na narekober sa crash site at kasalukuyang nasa Zamboanga City.

 

 

Nilinaw naman ni Sobejana ang bilang ng nasawi mula sa 50 ay nananatili ito sa 49 dahil nadoble lamang ang naunang pagbilang. (Daris Jose)

Ads July 9, 2021

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PSC problemado sa P1.6B unliquidated ng mga NSA

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SULIRANIN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lumolobong unliquidated accounts hindi lang mula sa mga national sports association (NSA) kundi sa mga pribadong ahensiya na inayudahan.

 

 

Base sa listahan ng PSC Audit Miyerkoles,   nasa P1,678,760,323.02 ang mga unliquidated account sapul pa noong Disyembre 31, 2020.

 

 

Nasa tuktok ng listahan ang nangasiwa sa 30th Southeast Asian Games 2019 na Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHILSGOC na may hindi pa nali-liquidate na tumataginting na P811,362,476.83.

 

 

Bumubuntot ang Philippine Olympic Committee (POC) na mayroong P535,413,056.16 habang nasa 40 NSAs ang may P166,989,232.33 na hindi pa rin naaregoglong nakuha sa government sports agency.

 

 

Kinakalampag na rin ng PSC ang 14 judoka at tatlong coach na kumuha ng P1,900,980, ang triathlon ni Tomas Carrasco Jr. na may P460,926 at Tagaytay City Government na mayroong P3,351,250 kasama ang DBM Procurement Service na nagkakahalaga ng P159,282,412.30. (REC)

Guce tumapos na ika-25 sa Michigan, P98K sinubi

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGSALPAK ng even-par 72 sa likod ng four birdies at two bogeys at one double bogey si Clarissmon ‘Clariss’ Guce para sa three-day aggregate six-under par 210 upang humalo sa triple-tie sa 25th place na mayroong $2,049 (P98K) sa kawawakas na 16th Symetra Tour 2021 9th leg $200K 10th Island Resort Championship finals sa Sweetgrass Golf Club sa Harris, Michigan, USA.

 

 

Pinakamasaagwang yugto ito iyon ng 31-anyos na US-based Pinay shotmaker upang mabaon ng 11 palo sa nagkampeong si Morgne Metraux ng Switzerland na mayroong 67-199 upang kubrahin ang $30K (P1.4M) sa 54-hole stroke play.

 

 

Umalpas lang ng one stroke ang Swiss golfer sa Canadian na si Maudee-Aimee Leblanc  na naka-71-200 at nabiyayaan ng $18,784. Umupo naman sa tersera ang Norwegian na si Celine Borge nan aka-65-203 na may kasamang $13,674. (REC)

JESSY, pinanindigan na ‘di totoong lilipat na sa GMA Network; freelancer kaya puwedeng mag-guest tulad ni XIAN

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINANINDIGAN pa rin ni Jessy Mendiola na hindi totoong lilipat siya sa GMA Network, pero dahil freelancer siya, ay pwede naman siyang mag-guest kahit saang network. 

 

 

Katulad last Wednesday, July 7, nag-guest siya sa Shopee 7.7 TV special at dalawa sila ng kapwa niya dating Kapamilya, si Xian Lim, sa pagho-host ng show.

 

 

Si Xian ay Viva Artist na ngayon at pwede rin siyang lumabas at gumawa ng project sa Kapuso Network kaya may gagawin siyang teleserye, very soon, sa GMA na makakatambal niya si Jennylyn Mercado.

 

 

***

 

 

HABANG naghihintay pa si Ultimate Star Jennylyn Mercado sa pagsisimula ng lock-in taping nila ni Xian Lim, busy muna siyang naggi-guest sa mga GMA shows.

 

 

Matapos niyang mag-guest sa real-life drama episode na Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco, ngayon naman ay gaganap siya sa isang pakilig at funny magical story na “Last People on Earth” sa all-new episode ng award-winning weekly magical anthology on TV, ang Daig Kayo Ng Lola Ko. Makakatambal ni Jennylyn ang versatile actor na si Paolo Contis.

 

 

“Excited ako dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakakagawa ng comedy at ngayon, makakatambal ko pa si Paolo na kilala nating mahusay na actor at comedian,” sabi ni Jennylyn.

 

 

“Huwag ninyo kaming i-miss sa Sunday, July 18, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA-7.

 

 

***

 

 

MARAMING netizens ang pumuri sa ginawa ng GMA Entertainment Group na simulan ang story ng The World Between Us nang bata pa sina Louie (Alden Richards), Lia (Jasmin Curtis-Smith) at Brian (Tom Rodriguez), kaya malalaman na kung saan nagsimula ang bawat character nila, kung ano ang pinaghuhugutan nila, na napapanood sa mga teasers ng serye bago pa ang kanilang world premiere noong July 5.

 

 

Ngayon ay masasagot na kung bakit kayang unahin ni Louie ang pag-aaral at kalimutan muna ang love niya kay Lia; sino ang susundin ni Lia, ang puso niya o ang kanyang pamilya, at si Brian, inggit ba ang dahilan kaya tutol siya kay Louie?

 

 

Simula ngayong Friday, July 9, mapapanood na sina Alden, Jasmine at Tom, at simula na ang labanan sa acting nilang tatlo.  Pinuri rin ng mga netizens ang mga gumanap sa role nila noong bata pa dahil pare-parehong mahuhusay sina Izzy Canillo, Shanelle Agustin at Will Ashley, respectively.

 

 

Kasama pa rin sina Ms. Dina Bonnevie, Ms. Jaclyn Jose, Sid Lucero, Kelly Day, Alyana Asistio, napapanood ang The World Between Us gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

 

***

 

MULI nang napapanood sa GMA-7, ang teaser ng Legal Wives dahil natapos na finally ang kanilang lock-in taping at sa Monday, July 26 na ang world premiere ng family drama sa GMA Telebabad.

 

 

Ang serye na dinirek ni Zig Dulay (na siya ring nag-direk ng Sahaya ni Bianca Umali), ay magpapakita ng iba’t ibang mukha ng pag-aasawa.

 

 

Gagampanan ni Kapuso Dramatic Actor Dennis Trillo ang role ng isang Mranaw, si Ismael, na may tatlong babaeng pakakasalan niya nang dahil sa magkakaibang dahilan.

 

 

Challenging para kay Andrea Torres as Diane, ang nag-iisang Christian sa tatlong asawa.  New perspective naman kay Bianca Umali as Farrah, ang role niya at para kay Alice Dixson as Amirah, sa pamamagitan daw ng serye ay mas marami tayong matututunan sa kultura ng mga kapatid nating Muslim.

(NORA V. CALDERON)

Arevalo nagkampeon sa US, binulsa P145K

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PASIKLAB si sophomore pro Abegail ‘Abby’ Arevalo ng six-under par 66 para sa 17-under 199 at sungkitin ang ang unang titulo sa katitiklop na 3rd The Cactus Tour 2021 Stallion Mountain Championship sa Las Vegas, Nevada, United States.

 

 

May kalakip ang wire-to-wire win ng 2020 Philippine Ladies Amateur Open champion, San Jose State University psychology graduate at tubong Parañaque City, na $3K (P145K),  may bentahe siyang 11 palo kina Corinne Viden ng Sweden (68-210) at hometown bet amateur player Morgan Goldstein (70-210).

 

 

Ang 21 taong-gulang na si Arevalo ang ikatlong Pinay shotmaker na nagbida sa US soil pagkatapos ni Pauline del Rosario at Yuka Saso.

 

 

Namayaagpag si Del Rosario sa 3rd Women’s All-Pro Tour 2021 5th leg WLN Central Arkansas Open sa Conway, Arkansas noong Mayo 12-14 na may kalakip na $8K (P387K)

 

 

Nagreyna naman si  Saso sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 13th leg 76th U.S. Women’s Open Golf Championship sa San Francisco, California noong Hunyo 3-6 na may gntimpalang $1M o P48M. (REC)

MAVY, dream come true na makapareha ang ‘kaibigan’ na si KYLINE

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DREAM come true para kay Mavy Legaspi ang makapareha si Kyline Alcantara sa very first Kapuso teleserye niya na I Left My Heart In Sorsogon.

 


     “Nabanggit ko nga in my past interviews na si Kyline talaga ‘yung gusto kong makasama sa isang serye, sa first serye ko ever ’cause of the relationship that we have, the friendship that we have that already exists.                                    

 

So I’m just very happy and excited na siya ‘yung magiging partner ko rito sa show,” sey ni Mavy sa story conference ng teleserye na pagbibidan nina Heart Evangelista at Richard Yap.

 


     Tulad ni Mavy, happy and excited din si Kyline na makatrabaho ang friend niyang si Mavy.

 

     “Ako, I’m very, very happy kasi siyempre, kumbaga may foundation na kami, we’re friends na talaga ever since. So sabi ko nga doon sa past interviews ko, there’s no need for ice breaker kasi wala ng ice kasi sobrang comfortable na namin sa isa’t isa.                                  “Sa sobrang close namin, there was this one time that I became really vulnerable with him, as in to the highest level. So I’m just excited and I’m excited to see din naman his progress with his craft, and kung paano niya i-e-execute ‘yung pinakita sa story con.”

 


     Bukod sa sisimulang teleserye, host si Mavy sa comedy-gag-variety show ng GTV na FLEX kunsaan kasama niya sina Lexi Gonzales, Joaquin Domagoso, at Althea Ablan.

 


     ***

 

NAPAG-USAPAN sa paglabas ni Bea Alonzo sa Kapuso Mo, Jessica Soho ay ang kanyang ama na iniwan sila ng kanyang ina noong 4-years old pa lang siya.

 

Phylbert Angellie Ranollo Fagestrom ang tunay na pangalan ni Bea at British ang kanyang biological father.
Nakilala ang show ni Jessica Soho sa paghanap ng mga family members na nawalay sa isa’t isa.

 

Tinanong si Bea kung nais ba niyang mahanap ang kanyang biological father?

 

Natawang sagot ni Bea: “Naku ‘wag na po nating hanapin ang tatay ko kawawa naman yung nanay ko. It was a very painful past. Growing up, hindi ko na-feel na meron pagkukulang kasi my mom is both my dad and my mom.”

 


     Maganda naman daw ang lagay ng kanyang ina sa piling ng kanyang stepfather. 17 years na raw silang magkasama. Tinuturing na isang blessing daw sa buhay nilang mag-ina ang pagdating ng kanyang stepfather.

 

Ayon kay Bea: “Siya yung parang naging glue, naging dahilan kung bakit kami naging ganitong ka-close. Sometimes gusto mo parang ’yun bang traditional family, ’di ba? But sometimes, there are also blended families and sometimes, it just works. You just have to be happy about it.”

 

Binalikan din ni Bea ang struggling years niya noong nagsimula siyang mag-artista tulad nang paghiram niya ng damit sa kanilang kapitbahay para may magamit siya sa taping.

 

Naranasan din daw ni Bea ang makisabay sa sasakyan ng ibang tao dahil wala siyang sariling kotse at wala raw siyang kasama noon kaya nasanay siyang bitbitin ang mga gamit niya tuwing may taping at shooting siya.

 

***

 

SA wakas ay kinasal na sina Gwen Stefani at Blake Shelton.

 

Naganap ang intimate wedding ng The Voice coaches noong nakaraang Fourth of July holiday sa estate ni Blake sa Tishomingo, Oklahoma.

 

Bago ang wedding, nagpagawa si Blake ng maliit na church noong nakaraang taon sa kanyang ranch at doon niya pakakasalan si Gwen.

 

Suot ni Gwen ay isang strapless custom-made lily white wedding gown na gawa ng designer na si Vera Wang. May chapel-length veil ito na may hand-embroidered names na “Gwen” and “Blake” kasama ang pangalan ng mga anak ni Gwen na sina Kingston (15), Zuma (12) and Apollo (7).

 

May higit na 40 guest sa wedding ng dalawa at ang The Voice host na si Carson Daly ang naging wedding officiant nila.

 

Unang nag-meet sa The Voice noong 2015 sina Gwen at Blake. Kaka-divorce lang ni Gwen noon sa husband niya of 13 years na si Gavin Rossdale at divorced din that time si Blake sa country singer wife na si Miranda Lambert.

 


      Nag-date exclusively ang dalawa for five years hanggang sa nag-propose si Blake kay Gwen noong October 2020.

(RUEL J. MENDOZA)

Sulyap sa sprinter na si Isaac M. Gomez

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINANGANAK noong  Hunyo 3, 1934 sa Santo Domingo, Pampanga si 1960 Rome Summer Olympic Games veteran sprinter Isaac M. Gomez.

 

 

Kumaripas ang 5-foot-5 Kapampangan sprint runner sa nasabing quadrennial sports festival sa men’s 100-meter sprint at 4x100m relay.

 

 

Tumapos siyang panlima sa heat two sa 11.19 seconds at nirendahan ang Philippine team na pumang-apat sa heat 2 din sa clocking na 41.4 seconds.

 

 

Maski hindi pumalaot sa next round sa dalawang event, isang matinik na mananakbo pa rin sa short distance sa dekada 50-60 si Gomez sa pagpapasiklab Asia.

 

 

Sumungkit siya ng bronze medal o nag-third place sa 1958 Tokyo Asian Games sa 11.1 na oras at dalawang ulit tinrangkuhan ang PH relay squad na humagip ng gold medal o nangibabaw sa naturan ding tuwing ikaapat na taong palaro.

 

 

Pagkapanalasa sa Tokyo, naipagtanggol pa ng Pinoy quartet squat ang relay gold sa 1962 Jakarta Asiad sa pangunguna na rin niya.

 

 

Ito po ang tinalakay ng Opensa Depensa lalo’t Olympic year o month ang buwang ito palapit na ang inatrasado ng pandemya na 32nd Summer Games 2020 sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23-Agosto 8.

 

 

Hanggang bukas po uli mga mambabasa ng People’s BALITA at ng pitak na ito.