• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 27th, 2021

Boxer Carlo Paalam pasok na rin sa round-of-16 matapos idispatsa ang pambato ng Ireland sa men’s flyweight

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lumakas pa ang pag-asa ng Pilipinas na podium finish sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics matapos pumasok na rin sa round-of-16 ang Pinoy boxer na si Carlo Paalam sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics.

 

 

Ito ay makaraang talunin niya nitong umaga ng Lunes sa kanyang debut game sa flyweight division ang pambato ng Ireland na si Brenda Irvine via split decision sa score na 4-1.

 

 

Si Paalam ang ikatlong boksingerong Pinoy na agad na naidispatsa ang mga kalaban.

 

 

Una nang umusad sa next round ang mga Pinay boxers na sina Nesty Petecio at Irish Magno sa round-of- 6.

 

 

Napansin na sa first round pa lamang ay abanse kaagad si Paalam sa limang mga judges at binigyan siya ng perfect score na 10.

 

 

Pagsapit ng Round 2 ay tinangkang humabol ng Irish boxer at naging dikitan ang laban hanggang sa third round.

 

 

Gayunman sa huling round ay bahagya pa ring nakalamang ang Pinoy boxer at dito na niya ibinuhos ang lahat para makuha ang panalo.

34 bidders lumahok sa PNR-Calamba project

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakatangap ang Department of Transportation (DOTr) ng 34 bidders para sa contract packages ng PNR-Calamba project kung saan inaasahang magsisimula ang construction sa susunod na taon.

 

 

May anim (6) na lokal at labing-pito (17) na internasyunal na mga kumpanya ang lumahok sa ginawang bidding.

 

 

Ang nasabing ginawang bidding ay para sa pagtatayo ng magkasamang 40.5 kilometers na viaduct structures at ng 13 elevated stations kasama na ang 22-hectare na train depot.

 

 

Mayroon anim (6) na lokal na kumpanya ang lumahok at ito ay ang kumpanya ng D.M. Consunji Inc., EEI Corp., First Balfour Inc., Megawide Construction Corp., Prime Metro BMD Corp., at Santa Clara International Corp.

 

 

Nagmula naman sa mga bansang China, Hong Kong, South Korea, Indonesia, Thailand, Turkey, Spain, at Japan ang sumali rin sa nakaraang ginawang bidding.

 

 

Ayon kay DOTr Secretary Tugade na ang kahanga-hangang dami na sumali sa bidding para sa contract packages ng PNR-Calamba Project ay isang katunayan na ang sektor ng infrastructure ay may tiwala sa programang Build, Build, Build ng pamahalaan.

 

 

“This record-breaking turnout of bidders is yet again an indication of the trust and confidence of both the local ang international infrastructure sectors on the Duterte administration’s Build, Build, Build program, which champions a transparent, fair, and efficient bidding process through a joint implementation by the DOTr, PNR, and the procurement service of the DBM,” wika ni Tugade.

 

 

Inaasahan ng DOTr na makapagbibigay ng 10,000 na trabaho sa mga tao para sa pagtatayo ng nasabing proyekto na sisimulan sa susunod na taon.

 

 

Magkakaron ang PNR-Calamba Project ng 19 na estasyon mula sa limang (5) panig ng lungsod ng Manila at anim (6) sa lungsod ng Laguna.

 

 

Ang nasabing 56-kilometer na proyekto sa railway ay inaasahan rin na makapagsasakay ng humigit kumulang na 340,000 na pasahero kada araw habang may partial operation pa lang ito, habang nakikita naman na tataas pa ito ng hanggang 550,000 na pasahero kapag tuluyang ng natapos ang proyekto sa 2028.

 

 

Binigyan ng pondo ang proyekto mula sa pinagsamang financial institution ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at mula rin sa official development assistance ng Asian Development Bank (ADB).

 

 

Ang PNR-Calamba Project ay kasama sa mas pinahabang 147-kilometer na North-South Commuter Railway System kung saan ito ay may kabuohang na 35 na estasyon mula Laguna hanggang sa Clark International Airport (CRK) sa Pampanga.  (LASACMAR)

Bagsik ng Delta variant: Curfew hours sa NCR, papalawigin sa 6 na oras – MMDA chief

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mula sa apat na oras na curfew sa National Capital Region (NCR), ay asahang magiging anim na oras na ito.

 

 

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos Jr., sa mga susunod na araw ay ilalabas nila ang bagong resolusyon kung saan nakasaad ang pinalawig na curfew hours sa NCR.

 

 

Nangangahulugan ito na mula sa dating alas-12:00 ng hatinggabi mula alas-4:00 ng madaling araw, papaagahin ito simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

 

 

Alinsunod aniya ito sa napagkasunduan sa isinagawang pulong kahapon matapos ang biglang pagbabago rin sa quarantine classification dahil sa banta ng Delta variant ng Coronavirus Disease (COVID).

 

 

“Hanggang mapirmahan na lahat ia-announce ko na lang later on about it sa Metro Manila,” ani Abalos.

 

 

Nitong Huwebes nang kumpirmahin ng Department of Health ang pagkakaroon na ng local transmission ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID na unang natukoy sa India.

 

 

Sa kasunod na araw naman nang bawiin muna ng Inter Agency Task Force ang resolusyon na nagbibigay permiso sa mga batang edad limang taon pataas na lumabas.

DELTA VARIANT SA CAVITE AT BATANGAS, LOCAL TRANSMISSION LANG

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KLINARO ni  Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Eduardo C. Janairo  na ang limang kaso ng Delta variant sa rehiyon ay pawang mga local cases lamang at hindi isang local transmissions.

 

 

Ayon kay Janairo na may limang naiulat na kaso at sa limang naiulat, tatlo dito ay kaso ng Delta variant na naiulat ng National Epidemiology Center at dalawa dito ay mula sa probinisya ng Cavite at isa sa Batangas.

 

 

“These three cases were not from the community where they reside, but they were actually OFWs and two were from the Middle East who eventually went to their place of residence after their being quarantined and they were already confirmed negative of the virus,” paliwanang ni  Janairo

 

 

Ang dalawang kaso ng Delta variant na naiulat ay isang 58-anyos na Tatay at  kanyang 29-anyos na anak mula sa Calamba City, Laguna  at iniimbestiogahan na kung paano nakuha ang virus.

 

 

Sinabi ni Janairo na ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit ay nagsasagawa na ng contact tracing activities sa pakikipag-ugnayan sa local government  ng Calamba City.

 

 

“Nagmeeting na sila with local government at may mga contact tracing na ngang ginagawa sa ngayon, dahil initially ang exposure ay sa 3 tao ‘yung katulong, ‘yung household helper, ‘yung isa pang kapatid at may isa pang kasambahay doon na na-expose pero mga negative naman sila raw,” sabi nito.

 

 

“Importanteng malaman natin kung ilan talaga ang kaso ng Delta variant sa region, paano ito i-contain upang hindi na kumalat at dumami pa ang kaso.”

 

 

Ayon pa kay Janairo na hindi kailangang mag-panic kundi doblehin ang pag-iingat upang makaiwas at makinig sa mga anunsyo at alintuntunin ng mga lokal na pamahalaan.

 

 

“Nananawagan din po ako sa mga residente na kasama sa priority list at hindi pa nabakunahan na magpalista na upang makatanggap ng bakuna laban sa covid dahil ito ay magsisilbing dagdag protekyon laban sa covid virus,” ayon pa kay Janairo. (GENE ADSUARA)

ALFRED, inaming malaking challenge na tapusin ang master’s degree; tinupad ang pangako sa namayapang ina

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKATSIKA namin si Congressman Alfred Vargas via a zoom presscon last Sunday, a few hours after ng virtual graduation niya from UP National College of Public Administration and Governance or NCPAG where he took up a master’s degree in public administration.

 

 

Ayon kay Alfred, malaking challenge na tapusin ang kanyang master’s degree dahil sobrang busy siya sa kanyang trabaho sa congress pero bawat segundo ng buhay niya ay inilalalaan niya sa importanteng bagay sa buhay niya. Kahit inabot ng four years bago siya naka-graduate, very fulfilled naman si Alfred.

 

 

Plano rin niya na kumuha ng doctorate degree sa urban planning naman.

 

 

“Dapat talaga tuluy-tuloy ang pag-aaral natin, hindi lang sa school kundi outside through actual experience. One of the best sources of knowledge when it comes to public administration is NCPAG. Ngayon graduate na ako sa M.A., I have fulfilled my promise to my mom. Sa graduation ko, I remembered her and felt na sana nandito siya,” wika ng actor-turned-politician.

 

 

After he graduated sa Ateneo, dapat kukuha siya ng law kasi ‘yun ang request mommy ko pero he entered showbiz. Nagalit ang mom niya pero nang mapanood siya nito sa Encantadia, she gave him her blessings pero ang request nito is for him to pursue graduate studies.

 

 

Alfred could have been a big drama actor now kung hindi siya pumasok sa politics pero wala siyang regrets.

 

 

“I left acting at the peak of my career. Pero wala akong regrets in entering politics kasi gusto ko rin naman ito. Going into public service humbled me because I became more grounded. I am proud of what I have achieved in politics.

 

 

Nakita ko ang paghihirap ng mga tao and I realized na mas fulfilled ako sa pagtulong ko sa kapwa ko. It helped me to learn to listen to the people at kung paano sila tutulungan.”

 

 

Matatapos na ang term niya as congressman next year pero wala siyang plano to seek higher office.

 

 

“Magpapahinga muna ako. I think I am leaving a good legacy and accomplishments. Balik-acting muna ako dahil na-miss ko rin naman umarte. My younger brother, PM Vargas, will run in place of me.

 

 

He’s the current councilor now in the same district of Quezon City, District 5. Hasang-hasa na siya sa distrito namin and he knows what to do.”

 

 

Dahil sa tagumpay ng prinodyus niyang movie na Tagpuan, which won many awards locally and in various festivals, inspired si Alfred na muling mag-produce.

 

 

“I was inspired by the recognition received by Tagpuan kaya I want to do more meaningful projects,” sabi pa ng actor.

 

 

***

 

 

KAILAN kaya ang balik ni Megastar Sharon Cuneta sa bansa?

 

 

Malapit na kasi ipalabas via Vivamax ang movie niyang Revirginized kaya siyempre curious ang mga press people kung makakaharap ba nila sa isang face-to-face presscon si Ate Shawie.

 

 

Kaya lang dahil nasa heightened GCQ status tayo ngayon until July 31, bawal na naman ang gatherings kaya wait and see na lang muna kung magkakaroon ba ng presscon ng Revirginized kahit na via zoom.

 

 

Siyempre maraming gustong itanong ang press kay Sharon, lalo na ang experience niya working with Direk Darryl Yap.

 

 

Ambivalent ang reaction sa trailer ng Revirginized. May natuwa, naaliw, at marami rin ang na-shocked.

 

 

Hindi kasi nila akalain na gagawin ni Shawie ang mga eksenang ipinagawa sa kanya at sasabihin ang mga linya na her fans never imagined she’d be capable of saying.

 

 

Since ambivalent ang reaction ng kanyang mga fans, curious kami sa magiging pagtanggap ng mga Sharonians sa kabuuan ng pelikula na ipalalabas via Vivamax starting August 6.

(RICKY CALDERON)

SARAH, strong, beautiful, powerful at superwoman ayon kay MATTEO; wish na magka-baby na sila

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA tuwing magpo-post si Matteo Guidicelli tungkol sa wifey na si Sarah Geronimo, punum-puno talaga ito ng ka-sweet-an.

 

 

Sa 33rd birthday ng Popstar Royalty noong July 25, ipinakita na naman ni Matteo ang labis labis na pagmamahal kay Sarah.

 

 

Sa Instagram post niya, “Happy birthday my wife! Blessed to be beside a strong, beautiful, powerful, superwoman! Thank you for all the love. I love you forever.”

 

 

Katulad ng dati marami talagang kinilig lalo na ang mga Popsters.

 

 

Nagkaroon ng simpleng selebrasyon para sa isang resto na dinaluhan ng malalapit nilang kaibigan.

 

 

Isang taon na mahigit pa lang naman naikakasal ang dalawa, pero may mga netizens ang nagwi-wish na sana raw ay magka-baby na sila, nakaka-excite nga naman ang magiging anak nina Matteo at Sarah.

 

 

For sure, gustung-gusto na rin ng singer/actor na magka-baby sila ni Sarah.

 

 

Anyway, sa naturang intimate birthday celebration may lumabas na video na kung saan nagbo-blow ng candle sa cake si Sarah at maririnig si Matteo na may sinasabi sana ito ang maging wish ng asawa.

 

 

Say ni Matteo, “Babies! Babies, ha? Happy birthday!”

 

 

Oh well, abangan na lang natin kung matutupad ang wish na ito ni Matteo.

 

 

***

 

NUMBER one pa rin sa Top 10 ng Vivamax ang biggest sexy thriller film ng Viva Films na The Other Wife nina Lovi Poe, Joem Bascon at Rhen Escano na mula sa direksyon ni Prime Cruz na nagsimulang mag-stream online noong July 16.

 

 

Mukhang patok na patok talaga ngayon at bumalik na ang sexy films na may halong drama, comedy o thriller dahil tinatangkilik ito ng manonood.

 

 

Nasa Top 5 pa rin ang Silab, Ang Babaeng Walang Pakiramdam, Kaka, at Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar.

 

 

Sa July 30 naman isa pang sexy drama thriller film ang handog ng Viva Films, ang Nerisa na mula sa panulat ni Ricky Lee at direksyon ni Lawrence Fajardo. Pinagtatambalan ito nina Cindy Miranda at Aljur Abrenica, na nali-link ngayon sa isa’t-isa.

 

 

Sa August 6 naman mapapanood ang inaabangan na Revirginized ni Sharon Cuneta at si Marco Gumabao ang kanyang leading, sa direksyon ni Darrl Yap.

 

 

Fresh pa sa kanilang successful movie, muling bibida sa Ikaw At Ako At Ang Ending sina Kim Molina at Jerald Napoles, sa August 13 naman ito ipalalabas, kasunod ang Gandemic: The VG-Tal Concert ni Vice Ganda sa August 20.

 

 

Well, babalikan namin ito next month para malaman kung alin dito ang magiging bongga ang reception ng viewers sa Vivamax lalo ang pagbabalik-Viva ni Sharon.

(ROHN ROMULO)

Followers ni BEA, nagri-request ng isang episode kasama si DOMINIC sa kanyang YouTube channel

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAGDATING nina Bea Alonzo at Dominic Roque mula sa bakasyon sa America, expected na kapag humarap sila sa press, ang tungkol sa relasyon na nila ang uuriratin.

 

 

Mula sa mahigpit na yakap ni Bea kay Dominic na lumabas sa social media, ang kasunod naman ay ang post na hinahalikan ni Dominic si Bea.

 

 

In all fairness, karamihan sa nababasa naming comment ng netizens ay kinikilig na sa dalawa.

 

 

At sa recent YouTube upload ni Bea kanyang channel kunsaan ay prinank niya ang kanyang stylist, halos majority ng comment ay request ng mga subscribers niya.

 

 

At ang request, episode naman daw na si Dominic na ang kasama niya. Kaya abangan kung pagbibigyan na ba ni Bea ang mga fan niya ngayon.

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS na makipag-break sa Kapuso Star na si Liezel Lopez, masasabi yata ni Kristoffer Martin na nagising at natagpuan na niya ang sarili?

 

 

Kitang-kita sa picture na pinost niya habang nakayakap sa maaaring naging instrument kung bakit sinasabi niya ngayon na “surrendered” at “delivered” na raw siya in-terms of his faith ang higpit ng pagkakayap niya at pag-iyak niya.

 

 

May tumawag nga rito na “iyakin” daw.

 

 

At mas alam at nararamdaman na raw niya ngayon ang ibig sabihin ng “I am lost, but now I am found.”

 

 

Ang Instagram post ni Kristoffer na ngayon ay sumurender na raw kay Jesus, “Surrendered. Delivered.

 

“Thank you @grace.churchph.

 

“Thank you to Pastor @lomotancrisfor this opportunity. What I saw from my experiences before, that unconditional love has been there all the time. God uses people as his instrument to let you feel that kind of love. Even if you’re blinded by everything. He’s always there seeing you. Loving you unconditionally. ‘I was once lost, but now I am found.’ I always hear that. But I felt it more and real now. Thank you Jesus.”

 

 

Masaya naman para kay Kristoffer ang iba pang mga Kapuso stars tulad nina Rocco Nacino, Thea Tolentino, Aicelle Santos, Kim Rodriguez, Rodjun Cruz at iba pa.

 

 

***

 

 

ANG tungkol sa pagpapabakuna niya ang Instagram post ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards, pero ang mga comments, puro sa looks at katawan nito.

 

 

Sey ng mga comments; “Ang guwapo!”

 

 

“Papa-vaccine lang gwapo pa rin.”

 

 

“My dream body.”

 

 

“Macho!”

 

 

“huy ka yummy!”

 

 

Pero siyempre,  natuwa ang mga fan niya na vaccinated na nga si Alden.

 

 

Sey ng isang comment, “We stan a responsible and vaccinated heartthrob.”

 

 

Pero true naman, kahit kami, napansin din na sa lahat yata ng nagpabakunang celebrities, aba, ang bida ng primetime series ng GMA-7 na The World Between Us na si Alden ang papasang endorser ng vaccine sa picture na pinost niya.

(ROSE GARCIA)

9 PANG PUGANTENG JAPANESE NATIONAL, PINA-DEPORT

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINABALIK sa kanilang bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na puganteng Japanese national na wanted sa Tokyo dahil sa telecommunications fraud.

 

 

Ang mga pugante ay umalis patungong Narita via Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, kasama ang kanilang mga Japanese police escort .

 

 

Kinilala ang mga pina-deport na sina Matsuoka Shunjiro, Haga Kenji, Yoshizawa Shinichi, Takeda Tasuya, Araki Toshiya, Ogawa Takuma, Hiramura Takashi, Kiya Yasuke  at Ichimura Shuichi.

 

 

Ang siyam ay kabilang sa sindikato na sangkot sa telecom fraud at extortion, na inaresto sa isang hotel sa Makati City noong  November 2019 ng mga ahente ng BI’s Fugitive Search Unit.

 

 

“They were involved in voice phishing and telephone fraud operations that targeted Japanese,” ayon kay  BI Commissioner Jaime Morente.

 

 

Matatandaan na sampu pa sa kanila ay pina-deport kamakailan upang harapin ang kanilang kaso sa Tokyo.

 

 

Ang mga pugante ay inilagay na rin sa BI’s blacklist upang hindi na makabalik ng bansa.  (GENE ADSUARA)

Two Korean Blockbuster Movies: METAMORPHOSIS & THE THRONE On VIVAMAX

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THIS July, get ready for a hair-raising, heart-stopping movie experience that only VIVAMAX can bring, with two Korean blockbuster movies: METAMORPHOSIS & THE THRONE.

 

 

Get ready to face your fear with the star-studded horror thriller film, METAMORPHOSIS now streaming online.

 

 

Married couple Gang-goo (Sung Dong-Il) and Myung-Joo (Jang Young-Nam) and their three kids move into a new home, but bizarre and terrifying things started happening to the family. The last straw is when the devil transforms into one of the family members and started hurting them. The eldest of the children finally calls their uncle Joong-Soo (Bae Sung-Woo), a Catholic priest who performs exorcisms to help them deal with the devil in the family.

 

 

On July 29, time travel to what is believed to be the most tragic story of the Joseon Dynasty in THE THRONE.

 

 

Set during the reign of King Yeongjo (Song Kang-ho), it is the life story of Crown Prince Sado (Yoo Ah-in), the heir to the throne who was deemed unfit to rule. And at age 27, he was condemned by his own father by locking him in a rice chest for eight days because he plotted to assassinate the king. Inside the rice chest, prince Sado starts hallucinating which worsens what is believed to be his mental problems.

 

 

Watch METAMORPHOSIS & THE THRONE and more blockbuster movies and shows when you subscribe to VIVAMAX. Subscribe using VIVAMAX app via Google Play Store and App Store.

 

 

For only P29, you can unli-watch for three days, P149/month, and P399 for 3 months for bigger savings! You can pay through GCash, Globe, Smart, Visa/Mastercard, PayMaya or PayPal account that’s linked on your Google or Apple account. You can also subscribe at web.vivamax.net, select a plan and you can pay through EC Pay outlets: 7 Eleven, and All Day, or through PayMongo, GrabPay, and GCash or through PayMaya.

 

 

For payment thru E-commerce, you may choose from Lazada, Shopee, GCash, ComWorks Clickstore, PayMaya, or Globe One. For payment thru authorized outlets, you may choose from Load Manna, ComWorks, and Load Central partner outlets: Cebuana Lhuillier, Palawan Express.

 

 

You can also call your local Cable Operators to subscribe to VIVAMAX: Sky Cable, Cable Link, KCAT Fiber, Air Cable, Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect, Z-energy Cable TV Network Inc.

 

 

Vivamax is also available in the Middle East! To our dear fellow Pinoys in UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, watch all you can for only AED35/month. In Europe, Vivamax can be streamed for only 8 GBP/month. Vivamax, atin ‘to!

 

 

More affordable, more ways to subscribe, more time to watch-all-you-can so #SubscribeToTheMax now to the country’s Pambansang Streaming App, VIVAMAX!

(ROHN ROMULO)

Higit 1.2 milyong doses ng COVID-19 vaccine, naiturok na sa Quezon City

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Iniulat kahapon ng Quezon City government na umabot na sa 1,257,658 doses ng CO­VID-19 vaccines ang naiturok nila sa mga residente sa ilalim ng #QCProtekTODO Vaccination Program, healthcare wor­kers, staff at mga volunteers, hanggang alas-8:00 ng umaga nitong Linggo, Hulyo 25, 2021.

 

 

Anang lokal na pamahalaan, sa kabuuan ay 776,569 na ang mga residenteng nabakunahan ng first dose sa lungsod, sa kabila ng limitadong supply ng bakuna. Ito ay 45.68% ng 1.7 milyong populasyon na target mabakunahan ng lungsod upang makamit ang population protection laban sa COVID-19. Malaking bagay anila ito lalo na ngayong may Delta variant na sa bansa, partikular na sa Metro Manila.

 

 

Samantala, nasa 481,089 residente na o 28.30% ng target population ang nakatanggap na ng kanilang second dose o fully-vaccinated na laban sa COVID-19 sa lungsod.

 

 

Patuloy na hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente na magparehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna. Ang mga nabibigyan anila ng schedule ay alinsunod sa first in, first out system o prayoridad na mabakunahan ang mga naunang nakapagrehistro, depende pa rin sa supply ng bakuna na dumarating sa lungsod.

 

 

Maaari anila nilang bisitahin ang: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy at abangan ang iba pang anunsyo sa kanilang official Facebook page o kaya bisitahin ang  https://qcprotektodo.ph para sa ibang detalye ng vaccination program.