• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 28th, 2021

Unang Olympic gold: P35.5-M, bahay at lupa nag-aabang kay Hidilyn Diaz sa ‘Pinas

Posted on: July 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maliban sa gintong medalya, limpak-limpak na salapi at iba pang gantimpala ang nag-aantay sa Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz pag-uwi niya mula Pilipinas.

 

 

Ika-26 ng Hulyo nang mapalanunan ng weightlifter ang gintong medalya mula sa 2021 Tokyo Olympics — ang una ng Pilipinas simula nang sumali ito noong 1924.

 

 

Alinsunod sa batas, makatatanggap ng P10 milyon si Hidilyn mula sa gobyerno matapos manaig sa women’s 55kg catagory nitong Lunes.

 

 

Tig-10 milyon din ang makukuha niya mula sa mga dambuhalang negosyante na sina Manny V. Pangilinan ng PLDT at Ramon Ang ng San Miguel, maliban pa sa P3 milyong cash prize mula kay 1-Pacman party-list Rep. Mikey Romero.

 

 

Makakakuha rin ng karagdagang P2.5 milyon si Diaz mula sa lokal na pamahalaan ng Zamboanga, dahilan para lumobo ang kanyang total cash prize sa P35.5 milyon.

 

 

Makatatanggap din ng bahay at lupa ang Filipina Olympic hero sa Tagaytay mula kay Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino. Si Tolentino ay kinatawan ng Ika-8 na Distrito ng Cavite sa Kamara.

 

 

Maliban sa pagdaig sa Tsinang si Liao Qiuyun, na-clear niya ang 127kg sa kanyang huling buhat para sa clean and jerk at nagtapos sa kabuuang bigat na 224kg, na parehong record sa Olympics.

Ads July 28, 2021

Posted on: July 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Didal yuko sa 13-anyos na karibal

Posted on: July 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bigo mang makasama sa isang podium finish ay dapat pa ring ipagmalaki si Margielyn Didal dahil sa pag-entra sa Top Eight sa women’s street skate event sa skateboarding debut sa Olympic Games.

 

 

Tumapos ang Cebuana skater sa pang-pito sa kanyang iskor na 7.52 sa hanay ng walong finalists na kinabibilangan ng mga 13-anyos na sina Momiji Nishiya ng Japan at Rayssa Leal ng Brazil kahapon sa Ariake Urban Sports Center.

 

 

Inangkin ni Nishiya ang gold medal sa itinalang 15.26 habang kinuha ni Leal ang silver sa isinumiteng 14.64 kasunod ang 16-anyos na si Japanese Funa Nakayama (14.49) para sa bronze.

 

 

Nasa ilalim naman ni Didal si World No. 3 Aori Nishimura (6.92) ng Japan.

 

 

Mas maganda ang performance ng 22-anyos na si Didal sa qualifying kung saan siya naglista ng 12.02 points para pumuwesto sa pang-pito sa kabuuang 20 skaters.

 

 

Bukod kay Nishiya, inangkin din ng kanyang kababayang si Yuto Horigome ang gold medal sa men’s street skate.

3 timbog sa P183K shabu sa Malabon

Posted on: July 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BAGSAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation ng pulisya sa Malabon city, kamakalaw ang gabi.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Jonathan Soriano, alias “Atan”, 31 ng Tulay  9, Brgy. Daang Hari, Navotas City, Allan Ruthirakul, 49, at Irene Flores, 42, kapwa ng 50B Esguerra St. Bisig ng Kabataan, Brgy. 2, Caloocan City.

 

 

Ayon kay PSSg Jerry G Basungit, dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Barot ng buy-bust ng operation kahabaan ng P. Aquino Ave. Brgy. Tonsuya.

 

 

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang platic sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P500 marked money.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang himigi’t kumulang sa 27 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P183,600 at buy-bust money.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

 

‘Napakasarap sa pakiramdam’ ang panalo ni Hidilyn, gusto ko na ring magretiro’ – Puentevella

Posted on: July 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi napigilang maging emosyunal at maiyak ng presidente ng Samahang Weighlifting ng Pilipinas (SWP) Monico matapos ang malaking panalo kagabi ni Hidilyn Diaz sa 55kg women’s weightlifting sa Tokyo Olympics.

 

 

Ang dati rati’y ay energetic at madaldal na kausap na si Puentevella ay halos walang masabi at pautal-utal na lamang na nagkwento sa likod ng madramang face off kagabi ni Hidilyn laban sa mahigpit na karibal at dating world champion mula sa China.

 

 

Habang emosyunal at nagpapahid ng luha, ibinulalas ni Puentevella na 17 taon na rin si Diaz bilang kanyang atleta at maraming hirap ang dinanas, kasama na ang apat na Olimpiyada.

 

 

Dugo at pawis umano ang pinuhunan ni Diaz para marating ang rurok ng tagumpay ngayon.

 

 

Habang emosyunal at nagpapahid ng luha, ibinulalas ni Puentevella na 17 taon na rin si Diaz bilang kanyang atleta at maraming hirap ang dinanas, kasama na ang apat na Olimpiyada.

 

 

Dugo at pawis umano ang pinuhunan ni Diaz para marating ang rurok ng tagumpay ngayon.

 

 

Inamin nito na halos wala pa rin siyang tulog mula pa kagabi at “napakasarap” daw ng pakiramdam na ang laban ni Diaz ay para sa bayan.

 

 

Sa wakas nakamit din ng bansa ang napakailap na gintong medalya matapos ang halos 100 taon na kampanya sa Olimpiyada.

 

 

Aniya, dahil daw sa tagumpay na ito maging siya man ay iniisip na ring magretiro.

Hidilyn Diaz ginulat ang mundo

Posted on: July 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinapos na rin ni Hidilyn Diaz ang pagkauhaw ng Pilipinas sa gold medal sa Olympics na inabot din ng 97 taon.

 

 

Ang award winning performance ni Diaz ay nang talunin niya ang world champion ng China at record holder na si Liao Qiuyun sa makapigil hininga na face-off sa Tokyo International Forum nitong gabi ng Lunes.

 

 

Ang makasaysayang gold medal feat ng 30-anyos mula sa Zamboanga ay nang buhatin ni Diaz ang 127 kilogram na bigat ng barbel para sa kanyang ikatlo at huling lift sa clean and jerd.

 

 

Ang naturang bigat ay naiposte rin ni Diaz bilang Olympic record nang makatipon siya ng kabuuang 224 kasama na ang 97 kilograms sa snatch.

 

 

Si Qiuyun ay may 126 sa huling pagtatangka.

 

 

Nakuha naman ng atleta mula sa Kazakhstan ang bronze medal.

 

 

Kung maalala noong 2016 sa Rio Olympics ay binigyan din ni Diaz ang Pilipinas ng silver medal.

 

 

Si Diaz na reservist din ng Philippine Air Force ay inamin na matapos ang event ay “hindi pa rin siya makapaniwala” sa kanyang nagawa.

 

 

Labis naman ang kanyang pasasalamat sa Poong Maykapal dahil sa paggabay sa kaniya sa kabila ng kanyang dinaanan na hirap.

 

 

“Sa lahat ng sumuporta sa akin thank you so much for believing in me,” bulalas pa ni Diaz. “There were times na gusto ko ng sumuko dahil sa dami nang pinagdaanan ko.”

 

 

Sinabi ni Samahang ng Weightlifting sa Pilipinas Presidente Monico Puentevell na inabot din ng mahigit isang taon sa kanyang training si Diaz sa Kuala Lumpur.

 

 

Naghiwatig pa ito na posibleng ito na ang huling paglahok ni Diaz makalipas ang apat na taon sa Olympics.

 

 

Si Puentevella ang kabilang sa unang sumalubong sa kanyang atleta sa venue at naiyak din.

 

 

Sa panayam kay Mrs Emelita Diaz, sinabi nito na maaari pa namang lumaban sa darating na SEA Games ang kanyang anak.

 

 

Hindi rin ito magkamayaw sa tuwa nang mabalitaan ang malaking panalo ng anak.

 

 

Para naman sa chef de mission ng Team Pilipinas sa Tokyo 2020 Olympics na si Nonong Araneta, todo rin ang kanilang dasal sa hotel habang sinusubaybayan ang laban ni Diaz.

 

 

Inamin din niya na emosyunal ang kanilang grupo lalo na at halos 100 taon din bago nakamit ng Pilipinas ang pinakamimithing gintong medalya.

 

 

Habang sinusulat ang balitang ito, pumasok na rin sa medal column ang bansa at nasa pang-16 na puwesto mula sa kabuang 205 na lumalahok sa Olimpiyada.

 

 

Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumailanlang din ang national anthem ng Pilipinas matapos na isabit kay Hidilyn ang medalya.

 

 

Sinabayan naman niya ito sa pagsaludo, habang nangingilid ang kanyang luha sa podium.

 

 

Nabanggit na rin sa  ni Philippines Olympic Committee President Bambol Tolentino na mahigit sa P30 million o baka madagdagan pa ang matatanggap ng isang atletang na makakapag-uwi ng gold medal.

JK, kinakiligan sa IG post pero may nagbabala sakaling manalo si MAUREEN sa ‘MUP’

Posted on: July 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram post ng singer na si JK Labajo nanawagan siya sa kanyang followers para suportahan ang kanyang girlfriend.

 

 

Kasama ang isang photo nakaka-beauty queen, nilagyan niya ito ng caption na,Hi po gud pm sa inyong lahat paki download po yung miss universe ph app tapos paki vote po yung crush ko na si Maureen Christa Wroblewitz para po pansinin niya na po ako.

 

 

Dagdag pa niya, Panget po yung mga hindi po susuporta sa kanya. Salamat po.

 

 

Agad namang nag-comment si Maureen ng pampakilig na, “Hi crush.” (with red heart emoji)

 

 

At pabiro naman itong nireplayan ni JK ng, “@mauwrob Sorry im taken.”

 

 

Naaliw at kinilig ang followers ng magkasintahan at nagsabing susuportahan nila si Maureen bilang official candidate sa paparating na Miss Universe Philippines 2021.

 

 

 

Comment naman ng netizens sa fashionpulis.com na yun iba ay nagbabala pa kay JK na puwedeng mangyari sa kanilang relasyon sakaling matagumpay na makuha ni Maureen ang minimithing korona:

 

 

“Kabahan ka na boy kapag naging MU ang gf mo!”

 

 

“They were together even before naging ASNTM winner si girl.”

 

 

“Naku wag nyong aksayahin ang panahon nyo sa pagboto diyan. Hindi nga marunong magtagalog ang hitad na yan.”

 

 

“Grabe naman galit mo girl.”

 

 

“Ang puso mo girl. Nasobrahan ka yata sa ampalaya.”

 

 

“Another bansot in MU.”

 

 

“Download the app and voted for her already.”

 

 

“Sana pag manalo ‘to, di ma janine tugonon si JK.”

 

 

“o kaya maging Rabiya.”

 

 

“Uy naka PO si kuya..ambait.”

 

 

“I think this will do Maureen more harm than good.
“On the bright side, prepare to be a statistic if Maureen wins lol.”

 

 

“Yung asawa ko na nagbabanda bumoto kasama bandmates nya dahil sa post ni Jk , kalowka pero cte.”

 

 

“The song Buwan was written as a birthday gift for her pala. I just found out the song was released on Maureen’s Birthday. Sweet din pla itong si Jk.”

 

 

“Maganda cya di mukhang retokada. Natural na natural ang beauty sana di padagdag ng boobs.”

 

 

“She will not do that dahil nga nagmomodel din siya. Plus she has a slim figure di naman siguro niya nanaisin magkabackpain. Hehe.”

 

 

“sya pinakamaganda mukha sa batch na to. kaya lang maliit sya 5’6 lang.”

 

 

“Kamukha na naman ni Shamcey! Alam na.”

 

 

***

 

 

SPEAKING of nakakakilig, may IG post naman si Marian Rivera-Dantes sa sweet moments nila ng asawa na si Dingdong Dantes, na kung saan pareho silang in good shape and healthy.

 

 

Series of three photos na may caption na, “No dull moments” kasama ang Smiling Face with Heart-Shaped Eyes Emoji.

 

 

Kitang-kita talaga kung gaano kalambing si Marian kay Dingdong at damang-dama rin sa photos ang labis nilang kaligayahan.

 

 

Pinusuan at napapa-sana all na lang ang netizens at followers nila sa sobrang ka-sweet-an ng mag-asawa. Para lang daw mag-bf/gf lang ang peg ng dalawa at maganda rin gayahin ng mag-sweetheart o mag-asawa ang naturang pictorial ng DongYan.

 

 

Tanong tuloy ng ilang netizen, paparating na ba ang Baby no. 3?

 

 

Oh well, kung ibibigay ba agad ‘yun ni God, sino ba naman sila para tumanggi?

(ROHN ROMULO)

Malakanyang, inaasahan ng ookrayin ng oposisyon ang SONA ni Pangulong Duterte

Posted on: July 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN na ng Malakanyang na ookrayin ng oposisyon ang pang-anim at panghuling State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Sa ulat, tinawag kasi ng oposisyon na “Joke of the Nation Address” ang naging Ulat sa Bayan ng Pangulo kahapon sa Batasang Pambansa.

 

Para sa oposisyon, nabigo si Pangulong Duterte na talakayin ang problema sa kahirapan at unemployment sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Mas binigyan pa anila ng Pangulo ng priority at importansiya ang ilegal na droga habang trabaho, hanapbuhay, dagdag na kita at solusyon sa gutom ang gustong marinig ng mamamayan na wala pa atang 5 minuto pinagusapan.

 

“Well, unang -una, hindi po namin inaasahan na pupurihin ng oposisyon ang SONA. Kayo naman.. hindi naman bago sa inyo ang SONA. Wala naman talagang pumupuri sa SONA kapag ikaw ay nasa hanay ng oposisyon. Siyempre, eh wala kang gagawin kundi o-ookrayin ‘yung sinabi ng Presidente dahil oposisyon ka noh? Inaasahan na po natin yan,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Subalit, ang katotohanan aniya ay unang-una, kakaiba ang pang-huling SONA ng Pangulo.

 

Bago pa aniya kasi mag-SONA ang Pangulo ay mayroon na aniyang pre-SONA kung saan ay kasama n ang pre-SONA na ginawa ng economic team kung ano talaga ang plano para ang lahat ay makabangon mula sa pandemya.

 

“kasama na po diyan yung ating paggamit ng tinatawag na fiscal stimulus, yung atin pang-taunang budget at saka ‘yong kaban ng bayan para po ma-stimulate ang ating ekonomiya. Iyong monetary stimulus at iyong paggamit po ng interest rates at saka ng money supply par ma-stimulate ang ating ekonomiya. Iyong pagpapabilis po ng bakuna dahil ang bakuna po talaga ang nagbibigay kumpiyans para mabuksan natin ang mas malaking bahagi ng ating ekonomiya, noh? At saka, siyempre iyong pag-iingat na hinihingin natin sa taumbayan dahil ang tanging pamamaraan talaga para tayo ay maakabangon ay kung mabubuksan natin ang ekonomiya bagama’t nandiyan po ang banta ng covid-19,” litaniya ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, binatikos ni Gabriel Rep. Arlene Brosas si Pangulong Duterte dahil hindi nito nailatag ang detalye ng plano para pinal na tuldukan ang krisis sa covid-19 sa bansa.

 

“Itong final SONA ni Pangulong Duterte ay parang lasing na naman ang Presidente sa pagsasabi ng same threats pero walang exit plan sa pandemic,” anito.

 

Samantala, inamin naman ng Pangulo sa kanyang talumpati na hindi na niya alam ang kanyang gagawin sa COVID-19 crisis.

 

“I have to listen to the task force on COVID-19,” ayon sa Chief Executive. (Daris Jose)

Palasyo itinangging idinawit si Hidilyn Diaz sa ouster matrix noon, kahit totoo naman

Posted on: July 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Imbes na humingi ng tawad, itinanggi pa ng Malacañang na naglabas sila ng “matrix” na nagdadawit sa isang atletang Pinay sa pagpapabagsak ng gobyerno ngayong nanalo ang nabanggit sa Olympics.

 

 

Mayo 2019 nang maglabas ng listahan si dating presidential spokesperson Salvador Panelo patungkol sa mga nais daw mag-destabilisa sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte — kasama na rito ang 2021 Tokyo Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz. Si Panelo ay chief presidential legal counsel din.

 

 

“Hindi ko po alam kung ano ‘yung sinasabi niyong matrix kasi sa tanggapan ko po, iisa lang ang opisyal na spokesperson ng gobyerno. Ako lang po ‘yun,” ani presidential spokesperson Harry Roque.

 

 

“Wala po kaming ganyan.”

 

.

Wala ring balak na humingi ng tawad ang Palasyo sa kanilang “wow mali” moment noong 2019. “Wala po. As spokesperson, wala po akong kahit anong ibinintang kay Hidilyn Diaz,” ani Roque kanina.

 

 

Una nang pinagtawanan ni Diaz ang mga paratang. Ang pangalan kasi ng weightlifting queen, kasama sa diagram ng Palasyo na ikinakabit kay Rodel Jayme, taong nagpakalat daw ng “Ang Totoong Narcolist” na nag-uugnay sa Duterte family sa illegal drug trade.

 

 

“Hah? Ano yun? Sino si Rodel Jayme?” ani Hidilyn sa isang panayam sa ABS-CBN noon. Idinawit din noon sa naturang matrix ang journalist na si Gretchen Ho maliban sa iba pang mga progresibong personalidad at grupo.

 

 

Wala ring pinatunguhan ang diagram na inilabas ni Panelo, at ipinaliwanag noon na ibinigay lang ito sa kanya ng Office of the President.

 

 

Bagama’t isa si Panelo sa mga nagdiin kay Diaz bilang isa sa mga nais tumulong diumano sa pagpapabagsak sa gobyerno, nakuha pa niyang i-congratulate ang atleta sa kanyang pagkakapanalo kahapon sa women’s 55kg category ng weightlifting.

 

 

“Her feat makes us Filipinos proud. Her getting the gold is a testament to the Filipino race’s talent and indefatigable spirit,” wika ni Panelo, na presidential legal counsel na din ni Digong.

 

 

“It serves as an inspiration to all Filipino athletes that getting gold in the Olympics is no longer a cream but a reality. Congratulations, Hidilyn Diaz!!!”

 

 

Todo congrats din si Roque kanina, habang idinidiin na magbibigay ng milyun-milyong pabuya si Duterte kay Diaz maliban pa sa P35.5 milyon mula sa gobyerno at pribadong sektor.

 

 

“Iguguhit po natin sa kasaysayan ng Pilipinas ang pangalan ng Hidilyn Diaz, at ayaw ko munang ianunsyo dahil mapalaki pa, pero milyun-milyon po ang ipinangako ng presidente para sa makakakamit ng gintong medalya, at ang pribadong sektor ay naglaan din ng milyun-milyon,” dagdag pa niya.

 

 

“Kung anuman ang pagkukulang sa training, I’m sure na mababawi po lahat ‘yan doon sa generosity, hindi lang po ng pamahalaan kung hindi ng pribadong sektor, because she truly did us proud.”

CARLA, magiging aligaga na sa paghahanda sa kasal nila ni TOM sa October

Posted on: July 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG aligaga na si Kapuso actress Carla Abellana dahil hindi na magtatagal at ikakasal na sila ng fiancé niyang si Kapuso actor Tom Rodriguez.

 

 

Pero heto at naka-lock in taping pa siya sa bago niyang teleserye na To Have And To Hold, with Max Collins and Rocco Nacino. 

 

 

Updated nga ni Carla ang mga followers niya sa mga ginagawa niya at isa na rito ang small accident daw niya sa taping, na hindi naman niya binanggit kung ano, basta ang post niya, after ng taping that day, una niyang pinuntahan ang @theaiveeclinic dahil ayaw niyang magka-scar ito at makita sa kanyang wedding day.

 

 

Pinost din ni Carla sa kanyang vlog na nagpaalam na sila ni Tom sa ama niyang si Rey Abellana, para sa nalalapit nilang church wedding sa October 23, 2021 sa Tagaytay City.

 

 

Matagal daw silang nag-usap ng ama.  Kamakailan ay nabanggit ni Rey na matagal na silang hindi nagkikita at nagkakausap ng anak, kaya tuwang-tuwa raw siya sa pagpapaalam ni Carla, at ibinigay naman niya ang blessings niya para sa mga ikakasal.

 

 

Malamang magkasabay matapos ang lock-in taping ng engaged couple.

 

 

Reportedly by the middle of August ay tapos na si Tom sa taping nila ng The World Between Us, with Alden Richards and Jasmine Curtis-Smith.

 

 

Ganoon din si Carla na tuluy-tuloy din ang lock-in taping nila sa Bataan. Kaya tamang-tama na pagkatapos ay mahaharap na nilang dalawa ang paghahanda sa nalalapit nilang kasal.

 

 

***

 

 

GOOD news sa mga followers ng GMA Afternoon Prime drama series na Prima Donnas, dahil tuluy-tuloy na ang pagkakaroon ng book two nito.

 

 

Nagkaroon na sila ng zoom story conference na dinaluhan ng cast nito. Present sina Wendell Ramos, Katrina Halili at Aiko Melendez, ganoon din ang mga prima donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo, with Elijah Alejo, Vince Crisostomo, Wil Ashley and Eunice Lagusad.  Makakasama pa rin nila si Ms. Chanda Romero

 

 

May mga bagong gaganap sa book two, dahil nasa cast na si Sheryl Cruz.  Bago rin si Phillip Lazaro, Miguel Erasga at Bruce Roeland. 

 

 

Papasok din si Allan Ansay, ang first runner-up sa StarStruck 7,bna tiyak na siyang magiging katambal ni Sofia, na pansamantalang nawala sa serye dahil wala pa siyang fifteen years old noon, na requirement ng IATF.

 

 

Magkasama sina Sofia at Allen sa kanilang vlog na sinusundan ng kanilang mga followers.

 

 

And of course, kasama rin sa zoom storycon ang director na si Ms. Gina Alajar, na tamang-tama namang tapos na rin ang taping nila ng Nagbabagang Luha na ipalalabas na simula sa August 2, sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng Ang Dalawang Ikaw.

 

 

***

 

 

NASa isang resort na sa Quezon province ang cast ng Lolong, ang dambuhalang adventure-serye sa Philippine primetime ngayong 2021.

 

 

Tampok dito sina Ruru Madrid at ang dalawa niyang leading ladies, sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

 

 

Si Ruru ang gaganap na si Lolong, isang binatang may kakaibang kakayahan na makipag-usap sa dambuhalang buwaya na tinawag nilang si Dakila.

 

 

Bago sila sumabak sa lock-in taping, nagkaroon na ng paghahanda at training ang tatlo sa mga maaaksiyong eksena.

 

 

Produced ito ng GMA News & Public Affairs.

(NORA V. CALDERON)