INALALA naman ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla ang kaarawan ni Comedy King Dolphy noong July 25.
Kung buhay pa raw si Pidol, he would be 93 years old.
Pumanaw si Mang Dolphy noong July 10, 2012 dahil sa chronic obstructive pulmonary disease sa edad na 83.
Sa kanyang Instagram, sinabi ni Zsa Zsa na parating umuulan tuwing kaarawan ni Dolphy.
“Happy birthday! I just remembered how it would normally rain during your parties. You seldom had a sunny birthday but needless to say, you brought sunshine in our lives! This morning, your son Ronnie sent me a tribute video of you with the song, ‘Handog,’ made by one of your fans. You most especially loved the lyric — ‘Tatanda at lilipas din ako… nguni’t mayro’ng awiting/kasiyahang/tawanang iiwanan sa inyong alaala.’
“It was important for you to leave your fans and loved ones with your amazing body of work. And yes, when we do miss you, all it takes is to press play to hear your songs, watch your movies and old footage of ‘John and Marsha.’ We will always remember you fondly. You will always be in my heart, Lovey. Thank you. Happy birthday.”
***
KAYA pala hindi muna napapanood sa anumang shows ng GMA-7 ang kauna-unahang winner ng The Clash na si Golden Cañedo ay dahil mas tinutukan nito ang kanyang pag-aaral at kelan lang ay naka-graduate na ito ng senior high school with matching honors pa.
Sa Instagram ni Golden, pinost niya ang isang portrait na suot niya toga at graduation cap sa pagtatapos niya sa Accountancy Business and Management (ABM) Strand. Ginawaran din si Golden ng Don Geronimo Sisracon Sr. Performing Arts Award.
Post ng singer: “Today is a milestone. It tells you how far you’ve come. Keep Learning, Keep Trying, Keep accomplishing, and Keep venturing on through your journey. Thanks God for everything! To my family. Mama and Papa I love you! It’s time for the Next Chapter.”
Dahil graduate na si Golden, malamang ay mapapanood na siya ulit sa All Out Sundays kunsaan makakasama niya ang mga biritera ng Kapuso network na sina Lani Misalucha, Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Thea Ashley at Jessica Villarubin.
***
MULING bumalik ang takot sa alaala ni Cristine Reyes noong malubog sa baha ang kanilang two-storey house sa Provident Village in Marikina City noong kasagsagan ng bagyong Ondoy noong 2009.
Dahil sa walang tigil na malakas na ulan dala ng Habagat sa buong Luzon, naalala ni Cristine ang trauma na naranasan niya at ng kanilang pamilya 11 years ago. Sinabayan pa ito ng lindol sa Batangas na naramdaman din sa Metro Manila.
Inamin ni Cristine na tuwing umuulan ng malakas ay nakakaramdam siya ng takot kahit na hindi na sila nakatira sa dating bahay nila.
Post ng aktres sa Instagram: “Living on top of a building and then waking up with an earthquake made me jump out of my bed feeling so terrified. It reminded me of the devastating flash flood caused by typhoon ‘Ondoy.’ I have seen people got locked up trying to break their own windows and heard people screaming for help until you hear them no more..some drowned and some like me was able to swim fast whilst assisting my precious little nieces, little sister and my mom. We all climbed up on the roof with baby snakes and rats dangling on my/our body.”
Kaya tuwing ganito raw ang panahon, parating taimtim ang dasal ni Cristine, hindi lang para sa kanya at sa kanyang pamilya, kundi pati na sa maraming makakaranas nang pinagdaanan nila noon.
“Bihira ako manalangin pero naiiyak ako kasi kahit minsan lang ako lumapit palagi siyang andyan. Palagi niya akong sinasamahan. Siya talaga ang sandalan nating lahat,” sey pa niya.
(RUEL J. MENDOZA)