• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 29th, 2021

‘Ghostbusters: Afterlife’ Trailer Teases The Newest Generation of Heroes

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AT long last, Columbia Pictures has released the next trailer for the upcoming movie Ghostbusters: Afterlife, which introduces audiences to the newest generation of heroes.

 

 

Prior to the coronavirus pandemic, the long-awaited third Ghostbusters movie was slated to arrive in July 2020. However, it, like many major movies once planned to arrive within the past year, has been delayed multiple times.      Currently, Ghostbusters: Afterlife is schedule to premiere in November 11, 2021. Directed by Jason Reitman, it will skip over the events of 2016’s Ghostbusters and act as a direct sequel to the original movies.

 

 

Excitingly, this means it will feature the entire original cast, save for Rick Moranis and the late Harold Ramis.

 

 

Ghostbusters: Afterlife picks up with a single mother (Carrie Coon) and her two kids (Finn Wolfhard and McKenna Grace) after they move into their late grandfather’s home.

 

 

A search of the old house reveals a connection to the Ghostbusters of decades before, and when strange occurrences crop up within their new town, the kids must suit up as the newest generation of ghost hunters to save the day. In addition to featuring the aforementioned original stars, Ghostbusters: Afterlife also stars Paul Rudd.

 

 

Sony released the second full trailer for Ghostbusters: Afterlife. This is the first trailer to arrive since the original back in late 2019, and it features plenty of callbacks to the original movies while teasing all the new elements to come.   Check it out down below: https://www.youtube.com/watch?v=Iak1UesbiuY

 

 

While most of the Ghostbusters: Afterlife trailer focuses on newcomers like Rudd’s Mr. Grooberson, fans get a welcome surprise with the return of Janine Melnitz (Annie Potts), the first of the original cast to make an appearance. Hearing her talk about Coon’s character’s father, who is almost certainly Ramis’ Egon Spengler, elicits a deep feeling of nostalgia and excitement. For the Ghostbusters fans who didn’t appreciate the 2016 movie’s attempts to find a new direction for the franchise, Afterlife is so far falling back in line with a story nestled in familiar lore.

 

 

Overall, this look at Ghostbusters: Afterlife introduces a decidedly new tone, as it feels more serious than the original movies. At the same time, the sight of the mini Stay-Puft Marshmallow Men and the sound of Ray Stanz’s (Dan Aykroyd) voice at the end remind viewers that this is definitely a Ghostbusters movie.

 

 

It’ll be interesting to see how the new generation combines with the old and makes something new for today. The early looks are so far very promising, and with only a few months to go before Ghostbusters: Afterlife is released, it might be safe to get excited all over again. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

15 PASAHERO, 3 CREW, NAILIGTAS NG COAST GUARD

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LABIN-LIMANG pasahero at tatlong crew members ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) Surigao del Norte sa katubigan ng Socorro  Surigao del Norte matapos mabali ang propeller shaft ng motorbanca na MBCA RETREAT 1.

 

 

 

Sa inisyal na ulat mula sa coast guard Surigao del Norte sa PCG headquarters, nawalan ng rudder  ang motorbanca  sa baybaying sakop ng Bucas Grande. Island ang motorbanca kaya nagpasaklolo sa PCG upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero .

 

 

 

Agad namang nagsagawa ng search and rescue (SAR) kung saan namataan sa bisinidad ang motorbanca sakay ang nasabing mga pasahero.

 

 

 

Matapos mailigtas ang mga sakay nito, hinila naman ng PCG ang motorbanca  sa Feeder Port, Socorro.

 

 

 

Ayon  sa crew, umalis ang motorbanca sa Tiktikan Resort, Barangay Sudlon, Socorro, Surigao del Norte patungong  General Luna, Siargao Island, Surigao del Norte.

 

 

 

Habang naglalayag sa katubigan ng isang milya sa Barangay Navarro, Socorro, Surigao del Norte, ang  propeller shaft ng motorbanca ay aksidenteng nabali at nalaglag sa katubigan .

 

 

 

Maagap namang pinahinto ng master ang engine ng motorbanca upang maiwasan ang posible pang maaring  mangyaring aksidente sa karagatan.

 

 

 

Habang naghihintay ng rescue, unti-unting inaanod ang motorbanca dahil  sa malakas na hangin at alon.

 

 

 

Gayunman, matagumpay naman silang nasagip ng mga tauhan ng PCG. (GENE ADSUARA)

Mga atleta ng National Team, hindi nakatatanggap ng sapat na financial support

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ng Malakanyang na hindi nakatatanggap ng sapat na financial support ang mga atleta ng national team.

 

Inamin ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang bagay na ito matapos na manalo si Hidilyn Diaz nang kauna-unahang Olympic gold medal sa weightlifting 55 kilogram division sa Tokyo, Japan.

 

“Kulang po talaga, parang minimum wage nga lang po ang allowance ng ating mga atleta. Titingnan natin kung paano mababago ito,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Titingnan natin paano maitataas ang nakukuha nilang allowance at iba pang benepisyo as members of national team. Kung napakaliit at kulang ay nanalo pa rin, mas marami ng mananalo ng ginto kung maibibigay natin ang sapat na benepisyo,” dagdag na pahayag nito.

 

Matatandaang noong June 2019, humingi ng financial assistance si Hidilyn mula sa private sector para sa kanyang Olympic gold medal bid.

 

Sinabi ni Hidilyn na ang paghingi ng tulong pinansyal sa labas ng pamahalaan ay nakahihiya subalit kailangan niyang gawin para sa kanyang layunin na masungkit ang Olympic gold medal.

 

Samantala, tiniyak naman ni Sec. Roque sa publiko na makukuha ni Hidilyn ang mga bagay na deserves nito gaya ng P33 million reward na na-secure nito matapos manalo ng first Olympic gold medal simula nang sumali ang bansa Olympiad noong 1924.

 

“Kung anuman ang kakulangan sa training, I am sure mababawi sa generosity ng pamahalaan at ng private sector because she truly deserves it and made us proud,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Ang tagumpay ni Hidilyn ay tagumpay ng lahat ng Pilipino,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

MARIAN, nagpakita ng pagsuporta kay KISSES na palaban sa ‘Miss Universe Philippines’

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAKITA ng pagsuporta si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes sa co-artist sa Triple A (All Access to Artists) management na si Kisses Delavin.

 

 

Isa nga si Kisses na panlaban ng Masbate sa nakapasok sa Top 100 candidates ng Miss Universe Philippines 2021 na magti-trim sa 75 at malaki ang tulong ng online fans voting na magtatapos na ngayong August 1, kaya humihingi siya ng suporta sa kanyang followers.

 

 

Hopefully magtuloy-tuloy din siya hanggang Top 30 na rarampa sa grand coronation night sa September 25, kasama si Maureen Wroblewitz na isa sa malakas ang laban at pinag-uusapan.

 

 

Marami naman ang netizens na hindi pa rin tanggap sa pagpasok ni Kisses sa Miss Universe Philippines.

 

 

Ayon nga sa kanilang iba’t-ibang opiyon:

 

“shes very pretty no doubt pero parang meron ngang something. pero maganda tlga sya and shes so naturally innocent.”

 

“Yes something sa eyes nya banlag.”

 

“wow galing naman. Support support go go go :)”

 

“Mukhang amateur pa din pero okay na rin para magka-experience sya.”

 

“Madaming mapupulot si bagets sa mga reyna at tama magandang experience. Lahat naman basta pasado ay may right mag join. Beauty is beyond physical.”

 

“mga daiii di na sila same management umalis na si K sa AAA matagal na Hawak na sya ng Queen and Ace achuchu.”

 

“umalis na sya sa AAA. ang alam ko si maine and marian tas si baby baste and ung tmb ng EB nalang ung hawak ng AAA wala na si kisses sa AAA matagal so may kinalaman ung pag sali nya sa pageant kaya sya umalis. queens and Ace na yung mgnt nya ngayon.”

 

“Anong height ni Kisses? Marian is just 5’2″ at halos magkasing taas lang sila sa pic, unless nakaheels sila Marian thrn nkaflats si kisses. Anyways, alam ko walang height req ngayon sa Miss U. I am just asking.”

“I think she’s 5’4” as shown on their Miss UPH profile.”

 

“Jusme, just look at what happened to Ms. Australia, nagmukha syang 7th grader katabi yung mga glamazon candidates. Buti sana kung ka fez nya si Marian.”

 

“Hindi naman pang beauty queen material si Kisses, classroom muse pwede pa!”

 

“Hayaan mo na. tinanggap ng MUP org. Yung experience na makukuha nya dyan malaking bagay na yun. Ganun talaga sa buhay may kanya-kanyang goals tayo, yan ang gusto nyang itry, let her go on her own way.”

 

“Gora girl. Pangarap mo ‘yan eh. Kesa ipilit mo sarili mo sa acting, dancing, at singing na all waley, diyan ka na lang sa kung saan talaga ang passion mo. Malay natin swertehin, di ba?”

 

“Sorry but K doesn’t have that X factor.”

 

“Mananalo siguro itong si Kisses pag dating sa voting. Malakas ang trend.”

 

“Jusko. She’s not a miss u mat wag naman gawing pang baranggau ang miss u.”

 

“Lutang na lutang yung beauty ni Marian.”

 

“Si Marian ang mukhang Ms. U candidate haha.”

 

“Kisses mag-aral ka na lang. Kung anu ano na pinasukan mo pero wala talaga e.”

 

“Bakit parang sino sino na lang pwedeng sumali sa Miss U? So pwede ka sumali kahit short pero pwede ka ba manalo?”

 

“Go lang. everyone has the right to pursue their dreams.”

 

“pernes kay kisses nawala ung soft aura *baby face* nya nag transform into a Lady.may lavan itooo knowing si boy abunda nagtrain sa kanya sa Q&A and public speaking. wag lang to magaya kay rabiya na inuna ung mga paandar sa socmed bago lumaban sa miss U. kung voting lang namanmaasahan ung fans nya malakas ung fanbase nya and sa kudaan naman on point lagi pag sumagot sya may laman di sabaw.. well gooooodluck.”

 

“MU should get ready to be bashed. Pag di nanalo to sigurado daming sasabihin ng fans nyan. Di nila kaya iaccept na yung idol nila walang x factor. And if magpadala sa pressure MUP at ipapanalo to. Clapper uli tayo.”

 

 

***

 

 

NAKAKAALIW talaga ang mga videos ng twins nina Mar Roxas at Korina Sanchez-Roxas na sina Pepe at Pilar.

 

 

Sa latest IG post ni Mommy Korina, pinatulan niya ang isang TikTok entry na ‘Alam Mo Yung Tatlong Salitang Mahirap Sabihin’, ito raw ang “I’m Sorry”, “Kasalanan Ko” at pinakamahirap sa lahat ay ang nakatatawang “Worcestershire Sauce”.

 

 

Kaya pinakagawa ni Ate Koring ang challenge sa kambal na anak, at may caption ito ng, “Mahirap nga ba talaga sabihin? Bakit kaya ni Pepe en Pilar? #PambansangPampaGoodVibes.”

 

 

Dalawang ulit na pinabigkas ang ikatatlong salita, mas malinaw ang pagkakasabi ni Pilar na super attentive talaga pakikinig sa ina, samantalang si Pepe ay nabulol sa una at sa ikalawa ang nasabi na lang niya ay, “walaaa…”

 

 

Napa-comment naman si Rabiya Mateo ng, “So cute.”

 

 

Sabi naman ni Yam Concepcion, “Grabe winner to!!! Ahhahahah.”

 

 

Winner talaga sina Pepe and Pilar sa netizens, sobra talagang nakaka-good vibes kaya kahit ulit-ulitin mong balikan at matutuwa at maaaliw ka pa rin.

 

 

Anyway, nagtalo-talo naman ang netizens sa tamang pag-pronounce ng Worcestershire Sauce, na depende nga naman kung lugar ito manggaling, iba rin ang pagkakabigkas.

 

 

Pero dahil nag-originate ito sa Britanya, ang Worcester ay isang town sa England at shire naman ang tawag sa isang county or state, kaya kilala rin ito na Worcestershire, o County of Worcester.

 

 

Tama rin naman ang pagbigkas ni Korina na karamihan ang ganun ang sinasabi pero, mas tama ang ito sa “Wu-sta-shir” or sa British na ‘Wuus-ta-sha”.

(ROHN ROMULO)

Malawakang bakunahan sa transport sector, aarangkada na

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aarangkada na simula sa darating na araw ng Sabado,  Hulyo 31 ang malawakang pagbabakuna sa lahat ng mga driver, konduktor at iba pang transport workers bilang bahagi ng  vaccination for transport workers program ng Department of Transportation, Land  Transportation Franchising and Regulatory Board  (LTFRB) at Office of  Transport  Cooperatives (OTC)

 

 

Ang pagbabakunang ito ay eksklusibo para sa lahat ng transport workers kagaya ng drivers, konduktor, ticket seller at iba pang manggagawa sa nabanggit na sektor upang mabigyan sila ng proteksyon laban sa COVID-19.

 

 

Simula sa Sabado ay magpapatuloy linggo-linggo sa Pa­rañaque Integrated Terminal Exhange (PITX) sa Pasay ang bakunahan.

 

 

Batay sa memorandum circular na inilabas ng  DOTR at OTC,  saklaw ng proyekto ang mga transport cooperatives sa Metro Manila  at karatig-probinsya.

 

 

Dahil dito ay inaanyayahan ng naturang mga ahensya ang lahat ng mga kooperatiba na makilahok sa programa para maging ligtas sa virus ang sektor ng transportasyon maging ng mga commuters sa bansa.

Petecio sisiguro ng bronze medal

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaasa­hang magiging inspirasyon kay featherweight Nesthy Petecio ang pagbuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic Games gold medal ng Pilipinas.

 

 

Nakatakdang labanan ngayong araw ni Petecio si Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia sa quarterfinals ng women’s 54-57 kilogram division sa Olympic boxing competitions sa Kokugikan Arena.

 

 

Makikipagbasagan ng mukha si Petecio, nagreyna noong 2019 World Bo­xing Championships, kay Castaneda para sa bronze medal sa ganap na alas-10 ng umaga (Manila time).

 

 

Sakaling talunin ni Petecio si Castaneda, ang bronze medalist noong 2019 Pan American Games, ay dalawang panalo pa ang kailangan niya para makamit ang ikalawang Olympic gold ng bansa.

 

 

“We will look at the vi­deos of her fights here,” sabi ni Don Abnett, ang Australian coach ni Petecio, sa Colombian pug. “We know her next opponent will be tough, but we’re very confident.

 

 

Umiskor si Petecio ng 3-2 panalo laban kay top seed at World No. 1 Lin Yu-Ting ng Chinese Taipei para umabante sa quarterfinals.

 

 

Isang 5-0 pagdomina muna kay Marcelat Sakobi Matshu ng Congo ang inilista ng tubong Santa Cruz, Davao del Norte sa round-of-32.

Malakanyang, siniguro na may paparating na ayuda para sa mga Filipinong apektado pa rin ng pandemya

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang na may rekomendasyon na ang Department of Budget and Management (DBM) para mabigyan ng ayuda ang mga Filipinong hanggang ngayon ay hirap pa rin dahil sa pandemya.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gulong na lang ng papel ang hinihintay sabay panawagan sa mga kinauukulan na huwag mainip.

 

Sinabi ni Sec. Roque na mayroon pang mapagkukunan mula sa 2021 budget gayong nasa buwan pa lang naman ng Hulyo.

 

Bukod pa sa nandiyan din aniya ang paghingi ng supplemental budget kung saka- sakali na pwede na aniyang ipasok sa 2022 budget.

 

“Unang-una po, consistent po ang gobyerno. Titingnan po natin kung kakailanganin pa natin ng supplemental budget kasi mayroon pa po tayong 2021 budget at buwan pa lang po ng Hulyo so mayroon pa pong natitira talaga sa budget na iyan,” ayon kay Sec. Roque..

 

“Now kung magkukulang, imbes na humingi po ng supplemental budget, pupuwedeng ipasok na po iyan sa 2022 budget na tatalakayin ng Kongreso. Pero kung talagang kakailanganin eh madali naman pong humingi ng supplemental budget; kung kulang ang oras pupuwede ring humingi po ng special session. Pero sa ngayon po, tinitingnan natin kung mayroon talagang pangangailangan,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, mahigpit din aniya ang bilin ng Pangulo sa IATF na huwag mag-i-ECQ nang hindi magbibigay ng ayuda.

 

“Now uulitin ko po ha, bagama’t naghihintay ang ating mga kababayan na nasa ECQ, huwag po kayong mag-alala – ang Presidente isa lang ang kaniyang talagang inuulit-ulit sa aming mga taga-IATF – huwag kayong mag-i-ECQ nang hindi magbibigay ng ayuda,” aniya pa rin.

 

“Darating po ang ayuda, hindi ko lang po maanunsiyo ngayon bagama’t alam ko po nagsimula na iyong proseso. Mayroon na po diyang recommendation ang DBM, hinihintay lang po natin iyong gulong ng papel. Huwag po kayo sanang mainip,” pakiusap ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Fernando, nagbigay ng direktiba sa PTF na paigtingin ang PDITR Strategy upang maghanda sa COVID Delta variant

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS- Kahit wala pang naiuulat na kaso ng COVID-19 Delta variant sa lalawigan, ipinag-utos ni Gobernador Daniel R. Fernando sa Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 na paigtingin ang pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy sa ginanap na 12th Joint Meeting of the Response, Law and Order, and Recovery Clusters of the PTF sa pamamagitan ng aplikasyong Zoom kahapon.

 

 

“Tinatalakay natin ngayon ang ating paghahanda sa Delta variant na kailangan po ay maging overacting tayo. Kasi kailangan natin magbantay dahil mas maganda na ang maagap kesa doon sa masipag. Hindi na dapat pagtagalin pa. Nandyan na, bantayan na natin ng todo,” anang gobernador.

 

 

Naniniwala si Fernando na maganda ang laban ng lalawigan sa pagtugon sa COVID, at nais niyang palakasin ang ipinatutupad na mga istratehiya dahil ayon sa mga pag-aaral, ang Delta variant ang pinaka nakakahawang bersyon ng SARS-COV2 sa kasalukuyan.

 

 

“Kung pagbabatayan ang datos sa ibang lalawigan, I am convinced that we are doing a great job here in the province. Nananatiling pinakamababa ang ating lalawigan pagdating sa active cases. Pagiging maagap ang kailangang pairalin natin dito bukod doon sa pag-iingat natin. Pairalin natin ang paghihigpit sa minimum standard protocols,” dagdag ng gobernador.

 

 

Ayon sa ulat ni PTF Response Cluster Head Dr. Hjordis Marushka Celis, dapat na nakapokus ang istratehiya ng lalawigan sa pagsiguro na nakahanda ang healthcare system kahit ano pa man ang klasipikasyon ng community quarantine upang mapaghandaan ang posibleng pagtaas ng kaso.

 

 

Iminungkahi rin niya ang pagpapatupad ng accordion policy para paghandaan ang pagdami ng kaso sa mga ospital, ang conversion and reconversion principle na tutukoy kung dapat palitan ng isang ospital ang regular na hospital bed at gawing ICU bed upang matulungan ang pangangasiwa sa mga kaso at magligtas ng buhay sa pamamagitan ng pagsiguro na mayroong sapat na higaan para sa mga may kritikal at malalang kaso.

 

 

Sang-ayon din sina Gob. Fernando at Dr. Celis sa pagbibigay ng prayoridad sa pagpapabilis sa vaccination rollout lalo na sa mga senior citizen at mga taong mayroon nang binabantayang kondisyon dahil kung mananatili silang hindi bakunado, patuloy silang malalapit sa peligro ng malalang COVID-19 o pagkaka-ospital. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

‘Team Pilipinas sa Tokyo Olympics, emosyunal pa rin sa panalo ni Hidilyn ng gold medal’

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inamin  ng chef de mission ng Team Pilipinas sa Tokyo Olympics na si Mariano “Nonong” Araneta na maging sila ay emosyunal sa matinding panalo noong Lunes  ni Hidilyn Diaz sa weightlifting.

 

 

Naikwento ni Araneta na hindi lamang sila nagdarasal kundi maging ang mga kamag-anak nila sa Pilipinas ay tinatawagan din para samahan sila na ipagdasal ang mga atletang Pinoy na nakikipaghamok hindi lamang sa magagaling na mga atleta sa buong mundo kundi maging sa nakakahawang COVID-19.

 

 

Nagbalik tanaw din naman ang pinuno ng Team Philippines na swerte sa bansa ang Tokyo dahil noong 1964 Tokyo Olympics unang napanalunan ng Pilipinas ang kauna-unahang silver medal.

 

 

At ngayon naman daw ay umangat ang Pilipinas at gintong medalya na ang nakuha makalipas ang halos 100 taon na kampanya sa pinakamalaking sporting events sa buong mundo.

 

 

Samantala, hindi rin naman napigilang maging emosyunal at maiyak ng presidente ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) na si Monico Puentevella matapos ang malaking panalo ni Diaz sa 55 kg women’s weightlifting sa Tokyo Olympics.

 

 

Ang dati rati’y ay energetic at madaldal na kausap na si Puentevella ay halos walang masabi at pautal-utal na lamang na nagkwento sa likod ng madramang face off kagabi ni Hidilyn laban sa mahigpit na karibal at dating world champion mula sa China.

 

 

Habang emosyunal at nagpapahid ng luha, ibinulalas ni Puentevella na 17 taon na rin silang nagkakasama ni Diaz sa mga sports competitions at maraming hirap ang dinanas, kasama na ang apat na Olimpiyada.

 

 

Dugo at pawis umano ang pinuhunan ni Diaz para marating ang rurok ng tagumpay ngayon.

 

 

Inamin nito na halos wala pa rin siyang tulog mula pa kagabi at “napakasarap” daw ng pakiramdam na ang laban ni Diaz ay para sa bayan.

 

 

Sa wakas nakamit din daw ng bansa ang napakailap na gintong medalya matapos ang halos 100 taon na kampanya sa Olimpiyada.

 

 

Aniya, dahil daw sa tagumpay na ito maging siya man ay iniisip na ring magretiro.

 

 

Samantala, hindi agad makapaniwala si Diaz na kanyang nagawa ang bagong Olympic record sa weightlifting para ibigay sa Pilipinas ang kauna-unahang gold medal.

 

 

Kuwento ni Diaz, 30, maging ang naitala niyang record nang buhatin ang 127 kg ay noong una ay hindi niya pinapanpansin.

 

 

Sa training pa lamang daw kasi ay hirap din siyang buhatin ang ganoong kabigat.

 

 

Una rito, napuno ng drama at makapigil hininga ang face off niya sa world champion at dating record holder mula sa China nang mabuhat nito ang barbel sa clean and jerk event sa 55 kilogram weightlifting.

 

 

Todo rin naman ang pasalamat ni Hidilyn sa Poong Maykapal na naging gabay niya dahil sa dinaanan daw niyang hirap sa buhay.

Suot na Miraculous medal ni Hidilyn nakatulong para manalo

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ibinahagi ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz kung ano ang ibig sabihin ng pagsusuot nito ng miraculous medal.

 

 

Marami kasi ang nakapansin sa nasabing suot nitong kuwentas noong tanggapin niya ang kauna-unahang gold medal ng bansa sa Olympics.

 

 

Sinabi nito na ibinigay ito ng kaniyang kaibigan na nag-novena ng siyam na araw.

 

 

Nananatiling simbolo aniya ito ng kaniyang pananalig kay Mama Mary at Hesus Kristo.

 

 

Magugunitang nakuha ni Hidilyn ang gintong medalya sa Olympics sa 55 kg. events sa 2020 Tokyo Olympics.