• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 11th, 2021

Nagpapakalat ng ‘fake news’ sa bakuna, kakalusin – PNP

Posted on: August 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police chief Police General Guillermo Eleazar ang fake news na naging dahilan ng pagdagsa ng mga tao sa vaccination sites noong Huwebes.

 

 

“Nagbigay na ako ng direktiba partikular sa Anti-Cybercrime Group para magsagawa ng malalimang imbestigasyon. Tingnan natin kung meron ba talagang nag-iinstigate ng ganyang mga pananabotahe dahil ‘yan po talaga ang nakakasira sa ating programa,” ani Eleazar.

 

 

Kamakailan, dinagsa ang ilang vaccination sites sa Kamaynilaan matapos kumalat na hindi palalabasin ang hindi bakunado sa  Manila at Las Piñas.

 

 

“Kaya ang direktiba natin sa ating mga chief of police, makipag-coordinate closely with LGU, alamin kung ano ang programa, at gumawa ng plano,” dagdag ni Eleazar.

 

 

Hinimok din ng PNP chief ang publiko na huwag maniwala sa hindi beripikadong impormasyon. (Daris Jose)

House-to-house vaccination ng pamahalaan, tuloy pa rin pero para lamang sa mga bedridden -Usec. Malaya

Posted on: August 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TULUY-TULOY pa rin ang house-to-house vaccination ng pamahalaan subalit para lamang sa mga bedridden.

 

Sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya sa Laging Handa public briefing na ang lahat ng Local Government Units (LGUS) sa Kalakhang Maynila at karatig-lugar ay gumagawa ng house-to-house vaccination.

 

“Para lamang po iyan sa mga bedridden na hindi makalabas ng kanilang bahay. Ngunit hindi naman po natin puwedeng gawing massive ‘yan dahil hindi naman ganoon karami ang ating mga vaccinators at malaki ang manpower na kakailanganin natin. Iyong pag-transport na lamang ng mga bakuna. Isipin natin kung Pfizer ang ating ibabakuna … have to keep the temperature at hindi kailangan na nagagalaw ‘yan na lamang. This is a logistical issue na unfortunately hindi natin makakaya ang house to house,” ani Usec. Malaya.

 

Magkagayon man ay mayroon namang ginawang interventions ang DILG lalo pa’t nagsimula na ang lockdown ngayong araw at ito ay nagbigay sila ng instructions sa kapulisan na kailangan lamang na padaanin sa check points ay iyong may mga QR code, may mga schedule ng pagbabakuna maging ito man ay email o text.

 

Mangyaring ipakita lamang ito sa kapulisan para makadaan sa lugar na may checkpoints.

 

Ito ang pipigil sa pagdagsa ng mga tao na walang iskedyul sa mga vaccination centers.

 

Samantala, gustong malaman ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang puno’t dulo ng tila pananabotahe sa vaccination program ng pamahalaan na paiigtingin ngayong 2 linggo ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region.

 

Dumagsa kasi kahapon sa mga malls at vaccination centers sa Maynila, Las PInas, Antipolo ang mga taong nais na magpabakuna matapos na maalarma sa kumalat na fake news na “no vaccine, no ayuda”.

 

“Nakapagtataka lang na kung medyo nakita natin na may nagpakalat talaga nitong na ikinonekta ang ayuda sa vaccination. Wala naman pong ganyan eversince? Na kesyo matitigil ang vaccination dito sa Maynila at kailangang bilisan nilang magbakuna. So, and then, mayroon pang reports na may mga bus na nakasakay iyong mga magpapabakuna at dinala sa iba’t ibang bakuna centers. So, itong mga ganito as the DILG … hindi  namin puwedeng ibalewala? We will have to get to the bottom of this and I hope.. iyon nga po.. ma-dispel ito? But just in case na mayroong ganito ngang reports. This must be thoroughly investigated,” anito.

 

At gaya aniya ng kanyang sinabi ay nagsanib puwersa na ang NBI, PNP at National Task Force (NTC) para imbestigahan ang bagay na ito.

NAVOTAS NAGBIGAY NG CASH INCENTIVES SA PUBLIC SCHOOL GRADUATES

Posted on: August 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng cash incentives ngayong taon para sa mga public school graduates.

 

 

Nasa 3,495 Grade 6 at 1,270 Grade 12 completers ang nakatanggap ng kanilang P500 at P1,000 cash grants, respectively habang ang graduates ng Navotas Polytechnic College ay nakatanggap din ng P1,500.

 

 

“The city government’s budget is tight. We have to focus our resources on our COVID response, but we made sure our graduates will still get their cash incentives,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“Our youth deserve to receive all the support they can get to succeed in life. We hope this will help them prepare for the incoming school year and encourage them to finish their schooling, even amid the challenges of the pandemic” sabi niya.

 

 

Sa 5,616 elementary at senior high school completers, 851 ang hindi nakatanggap ng kanilang incentives. Pinayuhan sila ni Tiangco na hintayin ang announcement ng lungsod sa schedule ng distribution.

 

 

Nagsimula ang Navotas sa pamimigay ng graduation incentives noong 2019 alinsunod sa City Ordinance 2019-3. (Richard Mesa)

Ads August 11, 2021

Posted on: August 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pamamahagi ng ayuda sa NCR sisimulan ngayong linggo

Posted on: August 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maaari nang simulan ngayong linggo ng mga local government units sa Metro Manila ang pamamahagi ng ayuda sa kanilang mga residenteng apektado ng Enhanced  Community Quarantine sa buong National Capital Region (NCR), ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

 

 

Ito ay kung tapos na aniya na makapaghanda ang mga LGUs sa mga kakailanganin nila sa pamamahagi ng ayuda matapos na maglabas ang tatlong kagawaran ng joint implementing guidelines para rito noon lang Biyernes, Agosto 6.

 

Sinabi ni Año na mayroong 15 araw ang mga LGUs para sa pamamahagi ng financial assistance pero posible rin namang palawigin ito kung hihilingin mismo ng mga lokal na pamahalaan.

 

 

Sa ilalim m ng Joint Memorandum Circular No. 3 ng Interior, Social Welfare, at Defense departments inaatasan ang mga LGUs sa NCRs, sa supervision ng DILG, na mamahagi ng ayuda sa kanilang mga nasasakupan.

 

 

Ang bawat low-income individual sa NCR ay makakatanggap ng P1,000 at maximum na P4,000 kada low-income family naman na apektado ng ECQ.  (Daris Jose)