• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 28th, 2021

PDu30, boluntaryong ia-audit ang lahat ng tanggapan sa gobyerno lalo na ang COA

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na boluntaryo niyang gagawin ang pag-audit sa lahat ng tanggapan ng gobyerno lalo na sa Commission on Audit (COA) sakali’t manalo siya bilang bise-presidente sa 2022 election.

 

Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte sa kanyang pangalawang Talk to th People, Huwebes ng gabi ay bunsod na rin nang pagpuna ng COA at pagpapalabas ng komisyon sa 2020 report na mayroong deficiency sa P67.32 billion COVID-19 response ng Department of Health (DOH).

 

Sinabi pa ng Pangulo na kailangan talagang may isang taong gumawa ng plano kaya mas mabuting simulan niya na ito kung magwawagi sa susunod na eleksyon.

 

“Sino’ng nag-o-audit ng COA? Sino nag-aapura sa kanila? Mahirap ‘yan. Somebody should do it. I will do that if I become vice president,” ayon sa Pangulo.

 

“Ako na lang din ang mag-audit sa lahat ng gobyerno. Lahat, pati yung akin. Magsimula ako sa akin,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, hiniling naman ni Pangulong Duterte sa COA na bigyan ng “elbow room” o sapat na panahon ang pamahalaan para sumunod sa rekumendasyon nito sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay may kinalaman pa rin sa natuklasan ng COA na “deficiencies” sa paggamit ng Department of Health sa P67.32 billion for COVID-19 response.

 

“It is not easy really to comply. We know that we should comply, there is no problem about it. But can we have just enough elbow room?” ayon sa Pangulo sa kanyang pangalawang Talk to the People, Huwebes ng gabi.

 

“Do not adopt the standards of the pre-pandemic days. We have a problem here,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Pangulong Duterte na “bulls—t” na isipin na ang P67.3 billion na isinantabi para sa kampanya laban sa COVID-19 ay ninakaw.

 

“May mga project tayo, malaking project, so ngayon mayroong talagang mga papel papel na hindi masyadong kumpleto sa paperwork ,” diing pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Kaya, ang panawagan ng Pangulo sa COA ay tigilan na ang pagpapalathala ng kanilang audit reports.

 

“Stop that flagging goddamnit. You make a report, do not flag. Do not publish it because it would condemn the agency or person that you are flagging,” aniya pa rin.

 

Sinabi ng Pangulo na nang simulan nang COA na i-flag down ang departamento ay kagyat itong napag-isipan at nabahiran ng korapsyon.

 

Sa annual report ng COA para sa taong 2020, sinabi ng komisyon na ang deficiencies ay sanhi ng non-compliance o hindi pagsunod sa batas at rules, and regulations.

 

“These deficiencies contributed to the challenges encountered and missed opportunities by the DOH during the time of state of calamity/national emergency, and casted doubts on the regularity of related transactions,” ayon sa COA.

 

Samantala, pinasaringan ni Pangulong Duterte ang ilang senador sa pagsasagawa ng mga ito ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa ilang ahensiya ng gobyerno.

 

Kasunod ito ng nakitang deficiency ng Commission on Audit (COA) sa Department of Health (DOH) na kasalukuyan nang ginagawan ng pagdinig ng Senado at Kamara.

 

Pinayuhan naman ng Chief Executive ang publiko na huwag agad maniwala sa imbestigasyon dahil wala namang itong magandang resulta.

 

Ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay pinangungunahan ni Senator Richard Gordon. (Daris Jose)

DOTr: Libreng sakay sa rail lines hanggang Aug. 31

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mayron patuloy na libreng sakay ang mga pasaherong nagpabakuna na laban sa COVID-19 sa mga rail lines na tatagal ng hanggang August 31.

 

 

 

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na patuloy silang magbibigay ng libreng sakay sa mga rail lines tulad ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2), at Philippine National Railways (PNR).

 

 

 

Ang libreng sakay ay mangyayari lamang kapag peak hours o di kaya ay simula sa 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at mula naman sa 5:00 hanggang 7:00 ng gabi para sa mga light trains. Habang ang PNR ay magbibigay ng libreng sakay mula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

 

 

 

Yoong mga kualipikadong sumakay ng libre ay ang mga authorized persons outside residence (APOR) o di kaya ay ang mga may edad na 18 hanggang 65 na mayron trabaho at kinakailangan lumabas ng kanilang tahanan at bumili ng mga kailangan pagkain at serbisyo. Kailangan din na mayron na silang kahit isa man lamang na bakuna laban sa COVID-19.

 

 

 

“We would consider extending the period of the free train rides depending on changes in the quarantine status of Metro Manila and the operational requirements of the rail lines,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

 

Ang mga pasahero ay dapat magpakita ng proof na sila ay talagang APOR at patuloy na sumusunod sa mga safety protocols at  hindi rin pinapayagan ang magsasalita at kumakain sa loob ng mga rail lines.

 

 

 

Ang mga authorized persons outside of residence tulad ng frontliners na mayron ng isang dose ng COVID-19 vaccines ay maaaring din na sumakay ng mga rails lines ng walang bayad.

 

 

 

Kinakailangan lamang na ipakita nila ang kanilang vaccination cards upang makasakay ng libre at walang bayad.

 

 

 

Mayron mga train marshals ang nakasay sa mga trains upang mahigpit na mapatupad ang mga health requirements kasama na dito ang pagsusuot ng face mask at shield, pagsunod sa distancing rules at sumusunod sa “no talking, no eating” policy upang masiguro ang kinakailangan airflow at ventilation sa loob ng mga trains.

 

 

 

Sinigurado naman ni Tugade na ang lahat ng mga trains ay sumasailalim sa mga disinfection pagkatapos ng isang biyahe nito.

 

 

 

Ang LRT 2 ay mayron 13 na estasyon simula sa Recto hanggang Antipolo. Samantala, ang MRT 3 naman ay may 13 na estasyon na nagsisimula sa Pasay hanggang North Avenue. Ang PNR naman ay 20 na estasyon.  LASACMAR

Mission: Impossible 7 Footage Shows Tom Cruise’s Biggest and Most Dangerous Stunt in Film History

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NEW Mission: Impossible 7 footage screened at CinemaCon shows Tom Cruise’s most dangerous stunt yet.

 

 

Cruise made his first appearance as the IMF agent Ethan Hunt in 1996’s Mission: Impossible. While the franchise has seen many successful installments, it didn’t take off in a big way until 2018’s Mission: Impossible – Fallout which stands as the highest-grossing film in Paramount’s long-running franchise.

 

 

Over the years, Cruise has garnered quite the reputation for pulling off increasingly bold and daring stunts, whether it’s climbing the Burj Khalifa or hanging off the side of a flying plane.

 

 

Christopher McQuarrie, the writer/director behind the past two films in the franchise, Rogue Nation and Fallout, is returning to direct both M:I 7 and M:I 8. The COVID-19 pandemic has posed plenty of challenges during production (evidenced by Cruise’s highly-publicized on-set rant) and caused Paramount to reshuffle the two film’s release dates multiple times.

 

 

Now, everything seems to be on track for M:I 7 to meet its May 2022 release date. Reprising their respective roles are Ving Rhames, Simon Pegg, Rebecca Ferguson, and Vanessa Kirby along with newcomers Hayley Atwell, Pom Klementieff, Shea Whigham, Esai Morales, Rob Delaney, Indira Varma, Mark Gatiss, and Cary Elwes.

 

 

During Paramount’s presentation at CinemaCon, the studio screened a new behind-the-scenes reel featuring footage and interviews with the cast of Mission: Impossible 7. The footage shows Cruise ramping off the side of a cliff on a dirtbike and then base jumping to a point below. He lets go of the bike mid-air and freefalls for about 6 seconds before pulling his parachute, though Cruise says he could hold the bike for a little longer.

 

 

Cruise performed this particular stunt 6 times the day this reel was filmed. They called it the “most dangerous thing we’ve ever attempted” and the biggest stunt in film history.

 

 

The featurette also included some interviews with the cast and crew explaining how Cruise pulled off this improbable M:I 7 stunt. Cruise learned how to parachute properly and practiced dirt biking on a Motorcross track for an entire year before attempting the stunt during production in Norway. Director Christopher McQuarrie says the technology to film this stunt didn’t even exist two years ago, as the cameras needed to be small enough to fit on the front of the bike.

 

 

Although studios don’t generally reveal their presentations at CinemaCon to the public, there will likely be a BTS look at Cruise’s most dangerous stunt in the future. This dirtbike stunt was already teased by Cruise in an interview earlier this year, which included a photo of him on the bike.

 

 

The public is treated to a full look at this incredibly dangerous stunt before Mission: Impossible 7 releases in theaters on May 27, 2022. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Hiling ni Fernandez kay Pacquiao…

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Isa pang laban bago magretiro!

 

 

Ito ang pananaw ni chief trainer Buboy Fernandez kung saan hangad nitong magkaroon ng engrandeng pagtatapos ang boxing career ni People’s Champion Manny Pacquiao.

 

 

Nais ni Fernandez na makabawi si Pacquiao matapos ang masaklap na unanimous decision loss kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas noong Linggo sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

 

 

Hindi naman pinapa­ngunahan ni Fernandez ang pagdedesisyon ni Pacquiao.

 

 

Nakasalalay pa rin ang lahat sa magiging pinal na desisyon ng Pinoy champion kung lalaban pa ito o tuluyan nang iiwan ang boxing world.

 

 

Subalit nais nitong ma­ging maganda ang exit ni Pacquiao upang mas lalo pang maging maningning ang pangalan nito.

 

 

“Siyempre ang makakapag-desisyon lang niyan ay si senator,” ani Fernandez.

 

 

Isang rematch kay Ugas o sa sinumang kilalang boksingero ang mas nanaisin ni Fernandez sakaling matuloy ang inaasam nitong “last hurray” ni Pacquiao.

 

 

Umaasa naman ang ilang analysts na tuluyan nang magreretiro si Pacquiao lalo pa’t hindi na rin ito bata.

 

 

Nasa 42-anyos na si Pacquiao kung saan napansin ng ilang eksperto na bumagal ito sa kanyang huling laban.

 

 

Sa kabilang banda, naniniwala ang ilang eksperto na wala nang dapat pang patunayan pa si Pacquiao.

 

 

Anuman ang naging resulta ng huling laban nito, hindi na mabubura sa isipan ng lahat na isa si Pacquiao sa pinakamahusay na boksingero sa kasaysayan na maisasama sa listahan ng Greatest Boxers of All Time.

MATAAS ANG KASO NG COVID PERO BUMABA ANG SEVERE AT CRITICAL

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BAGAMA’T tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa maraming lugar sa bansa, bumababa naman ang severe at critical cases, ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH).

 

 

 

Gayunman, aminado si treatment czar at DOH Usec Leopoldo Vega na tumaas ang COVID cases sa Region 2,3, 4A, NCR , 7 at 10.

 

 

 

Tumaas naman sa 72%  hangang 73%  ang COVID intensive care unit o ICU  utilization o paggamit ang paggamit ng ICU.

 

 

Aniya ang Metro Manila ay nasa moderate risk pero hindi naman ganun kadami ang pasyente  kung ikukumpara sa nakaraaang wave na kung saan napupuno ang ICU.

 

 

 

Sinabi ng opisyal na maaring ito ay  dahil sa bakuna at pinag-igting na mga pag-iingat at mga hakbang.

 

 

“Tumataas ‘yung kaso pero yung severe, critical cases po eh nasa 1.86%  compared ho sa mga 3-4% na dati talagang dumadaan na wave , kaya medyo  siguro  pwede natin ma-speculate na baka nga namang ano na’to, ito na yung dahilan dahil sa bakuna at sa talagang ano natin intensified preventive aspects”pahayag pa ng treatment czar.

 

 

Dagdag pa nito, kung titignan ang active cases, 98% ang mild, asymptomatic at moderate cases.

 

 

 

Nasa 92% naman ang gumaling na sa COVID-19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Libreng sakay ng MRT-3 malaking ginhawa para sa mga APORs

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Menos gastos at maginhawang biyahe ang dulot ng libreng sakay ng MRT-3 para sa mga bakunadong Authorized Persons Outside Residence (APORs), sa nagpapatuloy ng nasabing programa ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR.

 

 

Ayon sa mga bakunadong APORs, malaki ang naititipid nila sa libreng pamasahe araw-araw at magmula noong August 21.

 

 

Ang libreng sakay ng MRT-3 ay tuwing peak hours lamang alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga, at mula alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng gabi.

 

 

Ayon sa bakunadong APOR na si Lyn Solano, halos P40 araw-araw ang naititipid niya at naitatabi para sa iba pang pangangailangan sa kanilang tahanan.

 

 

Para naman kay Ronnel Reyes, malaking bagay ang libreng pamasahe upang mahikayat din ang iba pang pasahero na gawin ang kanilang parte at magpabakuna laban sa COVID-19.

 

 

Ang mga APOR na nabakunahan ng isa o dalawang doses ng COVID-19 vaccine ay kwalipikadong makatanggap ng libreng pamasahe. Magtatagal ang libreng sakay sa MRT-3 hanggang August 31.

 

 

At upang makatanggap ng libreng sakay, kinakailangang ipakita ng mga APOR ang kanilang vaccination card sa security personnel sa mga istasyon, kasama ang alinman sa sumusunod na ID na nagpapatunay na sila ay APOR: Certificate of Employment (COE) at isang valid o government-issued ID; Professional Regulation Commission (PRC) ID; o company ID. Tanging mga APOR lamang ang pinahihintulutang makasakay ng MRT-3 sa ilalim ng MECQ.

 

 

Ang libreng sakay sa MRT-3 ay sa direktiba ni Department of Transportation – Philippines Sec. Art Tugade upang hikayatin ang mga pasahero na magpabakuna at matulungan ang mga ito sa pagbiyahe sa panahon ng pandemya.

 

 

Samantala, nasa kabuuang 31,251 mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang nakatanggap ng libreng sakay mula sa pamunuan ng MRT-3 kahapon, ika-23 ng Agosto 2021, sa oras ng peak hours mula ika-7:00 hanggang ika-9:00 ng umaga at mula ika-5:00 ng hapon hanggang ika-7:00 ng gabi.

 

 

Ang inisyatibong ito ay direktiba ni DOTr Sec. Art Tugade upang hikayatin ang mga pasahero na magpabakuna at matulungan ang mga ito sa pagbiyahe sa panahon ng pandemya.

 

 

As of August 23, 2021, ang MRT-3 ay nakapag silbi na ng 115,217 bakunadong pasahero.

PhilHealth sinagot P21.1-B unpaid hospital claims

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Emosyonal na humarap sa pagdinig ng Kamara ang presidente ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ngayong araw matapos ang sunud-sunod na banat sa kanila dahil sa bilyung-bilyong utang sa mga ospital.

 

 

Sabado nang sabihin ng Private Hospitals Association of the Philippines, Philippine Hospitals Association at Philippine Medical Association na kakalas sila sa PhilHealth dahil sa suspensyon ng  pagbabayad sa mga ospital at health care providers na under investigation ang claims.

 

 

Sa kabila nito, iginiit ni PhilHealth president Dante Gierran sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability, Huwebes, na personal na humingi ng tawad sa kanya si Philippine Hospitals Association president Dr. Jaime Almora matapos mag-“overreact” sa unpaid claims.

 

“Ito, sasabihin ko na po, bugbog na po kami. I opened my heart, bugbog na po kami. No less than ‘yan si Dr. Almora, tumawag sa akin, nagsosorry po sa akin na he was just overreacting,” ani Gierran kanina sa hearing.

 

 

“Ito sasabihin ko na, ano ibig sabihin ng overreacting? Eh, nagoverreact lang pala siya. You see? It’s unfair, Mr. Chair, na kami lahat ang mali.”

 

 

Lumabas din sa parehong pagdinig na nasa P21.1 bilyon ang kabuuang utang ng naturang Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) sa mga ospital. Nangako naman sina Gierran na babayaran din naman nila ang naturang halaga.

 

 

Una nang pinuna nina Almora ang aniya’y mabagal na disbursement ng COVID-19 claims na hindi ginawa sa ilalim ng debit-credit payment method ng state insurer.

 

 

Giit pa ni Gierran, na dating direktor ng National Bureau of Investigation (NBI), na naaapektuhan na ang pamilya’t mga kaibigan niya dahil sa pagkundena ng publiko sa kanya at kanilang tanggapan.

 

 

“When I came, hindi po ako sanay dito, Mr. Chair. Sa NBI, maganda po ang trabaho namin doon. Hindi ako binugbog ng mga komentaryo doon. Dito kawawa talaga. ‘Yung pamliya ko, mga kaibigan ko,” sabi niya.

 

 

Dati nang inamin ng PhilHealth official na “hindi niya alam ang public health” dahil ang NBI operations daw ang gamay niya.

 

 

Ngayong buwan lang nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na dapat i-settle ng Philhealth ang hospital claims sa lalong madaling panahon lalo na’t maaari raw nitong maapektuhan ang pandemic response ng pamahalaan.

 

 

“The debts have to be paid because if we don’t, the private hospitals won’t be able to continue treating people who are sick with COVID and we do not have enough public hospitals,” ani Roque sa isang press briefing.

 

 

“So the appeal of the president, and I’m sure attorney Gierran will listen to this, the claims have to be settled as soon as possible… We need to see results now.”

 

 

Hulyo 2020 lang nang paratangan ni Thorrsson Montes Keith, dating anti-fraud legal officer ng PhilHealth, na “ibinulsa o mali ang paggastos” ng kanilang executive committee sa P15 bilyong halagang pondo ng tanggapan.

 

 

Nangyayari ang lahat ng ito matapos sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na “winarak” sila ng Commission on Audit matapos i-flag ng komisyon ang “deficiencies” ng Department of Health sa P67.3 bilyon nitong COVID-19 funds. (Daris Jose)

NAVOTAS NAKAKUMPLETO NA SA PAMIMIGAY NG P199.8M ECQ AYUDA

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKAKUMPLETO ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamamahagi ng national government allocation para enhanced community quarantine (ECQ) ayuda.

 

 

Nasa P201,407,000 ang naipamahagi ng lungsod sa 62,600 pamilyang Navoteno hanggang August 25.

 

 

Nasa P199,871,000 ang pondo mula sa national government, habang P1,536,000 naman ang mula sa pamahalaang lungsod.

 

 

“We were able to finish the distribution of ECQ ayuda within the 15-day deadline.  We are thankful to all our city government and barangay employees, as well as personnel of the Philippine National Police–Navotas, who took on the task of delivering prompt and efficient services in all payout venues,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Muling naglaan ang Navotas ng P24,610,000 para dagdagan ang ECQ cash aid budget.

 

 

Sakop ng local fund ang cash assistance ng persons with disability, solo parents, at ang natitirang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

 

 

Makikinabang din dito ang mga indibidwal at pamilya na hindi pa nakakatanggap ng anumang tulong ng financial assistance.

 

 

“Our grievance and appeals committee has started validating requests of constituents who have not received any cash assistance since the community quarantine began last year,” sabi ni Tiangco. (Richard Mesa)

Ads August 28, 2021

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Serena Williams umatras na sa pagsali sa US Open

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umatras na si Serena Williams sa pagsali sa US Open.

 

 

Sinabi nito na hindi pa gumagaling ang kaniyang torn hamstring injury kaya minabuti niyang umatras sa torneo na magsisimula sa susunod na linggo.

 

Natamo nito ang kaniyang injury sa nagdaang Wimbledon.

 

 

Dahil dito ay naging malabo na makamit nito ang ika 24th mjor matapos ang pag-atras din nito sa nagdaang Tokyo Olympics at sa Cincinnati Masters.