• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 6th, 2021

CBCP, pinasalamatan ang mga guro

Posted on: October 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinasalamatan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga guro na malaki ang ginampanan sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan. Sa pahayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles sa Radio Veritas, kinilala nito ang bawat sakripisyo ng mga guro upang hubugin ang kabataan para sa mas maayos at maunlad na pamayanan.

 

 

“Today we celebrate National Teachers’ Day. As a people we show our sincere gratitude and appreciation in a very special way today to our teachers for their constant sacrifice and dedication in fulfilling their very crucial role in our society – the educational formation of our young people,” pahayag ni Archbishop Vallles sa Radio Veritas.

 

 

Bilang pakikiisa sa mga guro,nag-alay ng panalangin sa banal na misa sa mga simbahan noong October 3 para sa patuloy na paggabay at kaligtasan ng bawat guro sa lipunan.

 

 

Nagbigay pugay din ang arsobispo sa determinasyon ng mga guro sa panahon ng pandemya na gumagawa ng mga hakbang upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan gamit ang online at blended learning na malaking hamon sa bawat isa.

 

 

Dahil dito, iginiit ni Archbishop Valles ang kahalagahan ng panalangin para sa katatagan ng bawat guro lalo’t kabilang ang kanilang sektor sa mga service frontliners na nahaharap sa iba’t ibang uri ng panganib bukod sa lumaganap na coronavirus.

 

 

“We know that these days, with the ongoing pandemic, our teachers are fulfilling their role in very difficult circumstances. We need to encourage our teachers. We pray to the Lord to give them strength, and to give them joy, the joy that comes from selfless serving and giving,” ani Archbishop Valles.

 

 

Sa tala ng Department of Education halos isang milyon ang mga kawani sa sektor ng edukasyon kung saan mahigit sa 800-libo rito ay pawang mga guro. Patuloy din ang paghahanda ng Pilipinas sa inaasahang pilot testing ng limited face-to-face classes sa piling 120 paaralan sa bansa partikular sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.

 

 

Hinimok ng opisyal ng CBCP ang bawat mamamayan na idalangin sa Panginoon ang katatagan ng bawat guro na hindi lamang naglilinang para maging makabayan subalit higit sa lahat ang pagiging maka-Diyos ng mga kabataan.

 

 

“We commend them to the Lord; that the Lord may continue to guide and strengthen them, to inspire them to be not only Maka- Tao at Maka-Bayan; not only to be Maka-Kalikasan in the manner they teach, but we pray too, that our teachers will always be Maka- Dios in the way they educate our young people,” giit ng arsobispo.

 

 

Tuwing ikalima ng Oktubre ginugunita ang World Teachers Day para parangalan ang bawat guro na katuwang ng mga magulang sa paghuhubog ng mga kabataan at maging kapakipakinabang na mamamayan sa mga susunod na henerasyon.

PDU30, pinakakasuhan na sa Senado ang Pharmally

Posted on: October 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na sampahan na ng kaso ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation dahil sa overpriced na COVID-19 supplies na binili ng gobyerno.

 

 

Sa kanyang lingguhang address to the nation nitong gabi ng Lunes, iginiit ng pangulo na ang Senado ay hindi criminal court at hindi dapat gamitin para maghanap ng kamalian.

 

 

Paglilinaw pa nito na hindi niya ipinagtatanggol ang Pharmally at ang ayaw lamang niya ay ang pagpapatawag sa mga miyembro ng gabinete na abala ngayon para sa usapin ng COVID-19 pandemic response.

 

 

“If you think you have enough evidence against Pharmally, go ahead and file cases against them in proper courts. Stop using it simply as a witch hunt in aid of election,” wika pa ng pangulo.

 

 

Muli ring binanatan ng pangulo si Senate blue ribbon chair Richard Gordon sa pagsasabing hindi siya maaaring “mag-diyos-diyosan” daw sa pag-iimbestiga sa Senado.

 

 

Samantala, pinirmahan na rin aniya niya ang memorandum na nag-aatas sa executive department officials na hindi na dumalo sa imbestigasyon ng Senado. (Daris Jose)

‘Social media giant’ na Facebook at iba pang sites gaya ng Instagram pansamantalang hindi ma-access

Posted on: October 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakaranas ng massive outages ang pangunahing social media services na kinabibilangan ng Facebook, Instagram at WhatsApp simula nitong gabi ng Oktubre 4.

 

 

Base sa outage tracker na Downdetector na bukod sa Pilipinas ay nakaranas ang outages sa Washington at Paris.

 

 

Dahil dito maraming mga netizens ang nagparating ng kanilang karanasan sa Facebook sa pamamagitan ng microblogging site na Twitter.

 

 

Naging trending sa Twitter ang #Facebook Down ilang minuto mula ng magsimulang hindi na ma-access ang nasabing social media sites.

 

 

Magugunitang nabili ng Facebook ang Instagram noong 2012 at noong 2014 naman ay nabili din nito ang Whatsapp.

Exciting match up ng magkapatid na Ravena sa Japan B.League usap-usapan pa rin

Posted on: October 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hanggang ngayon trending pa rin sa mga Pinoy basketball fans ang makapigil hininga na matchups ng magkapatid na Keifer at Thirdy Ravena sa pagsisimula ng B.League sa Japan.

 

 

Kung maalala parehas na may tig-isang panalo na ang San-En NeoPhoenix ni Thirday at Shiga Lakestars ni Keifer sa magkasunod na banggaan ng dalawang teams.

 

 

Si Thirdy ay nasa ikalawang season na ngayon ng liga kaya siya ang itinuturing na nangunguna sa eksperyensa sa Japan sa walong mga Pinoy players na kinuhang import ng iba’t ibang mga koponan.

 

 

Kung maalala nitong nakalipas na weekend sa second game ay dinala ni Thirdy ang San-En na may 21 points upang makabawi sa kanyang kuya na PBA player na si Keifer na nagpakita naman ng 20 points.

 

 

Sa darating na weekend isa pang Pinoy na malapit din niyang kaibigan ang makakabanggaan naman ni Thirdy na si Kobe Paras na kinuha ng Niigata Albirex BB.

 

 

Ayon kay Thirdy excited na rin siyang makaharap ang best friend.

 

 

Samantala, lalo pang nagpaalab sa laro ng mga Ravena ay dahil maraming mga Pinoy din ang nanonood doon.

 

 

Hindi naman nabahahala ang dalawa na nakakaharap din ang mga bigating mga players sa Japan.

‘Nets star Kyrie Irving milyones ang mawawala kada laro kung ‘di pa rin magpabakuna

Posted on: October 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Malaking impact daw sa kinikita ni NBA superstar Kyrie Irving ang mawawala kung magmamatigas pa rin siyang hindi magpapabakuna laban sa COVID-19.

 

 

Ito ay matapos na magkasundo ang NBA at players association na kaltasan ang tinatanggap na sweldo ng isang player tuwing hindi ito makakalaro dahil sa local policy sa ilang mga estado.

 

 

Partikular umanong mawawalan ng milyones na dolyar ang isa sa big three at superstar ng Brooklyn Nets na si Kyrie Irving.

 

 

Sinasabing kung sakaling hindi makakadalo sa mga home games si Irving mawawalan siya ng halos katumbas na P19,000 kada laro.

 

 

Lalo pa umanong aabot ito sa halagang $15 million kung hindi pa siya magpapabakuna ngayong season.

 

 

Sa Oktubre 19 na ang muling pagbubukas ng bagong season ng NBA.

Tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas tumuntong na lagpas 2.6 milyon

Posted on: October 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,748 bagong infection ng coronavirus disease, Lunes, kung kaya’t nasa 2.6 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

 

 

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

 

  • lahat ng kaso: 2,604,040
  • nagpapagaling pa: 106,160, o 4.1% ng total infections
  • bagong recover: 16,523, dahilan para maging 2,459,052 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: 61, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 38,828

 

 

50% vaccination next month?

 

MARIAN, mukhang nainggit sa pagiging ‘fangirl’ ni BEA kay HYUN BIN

Posted on: October 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

USUNG-USO na ang fangirling sa ating mga aktres ngayon, isa na nga ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo.

 

 

Nang mapanood niya ang sarili niya kasama in one frame ang bida ng Crash Landing On You na si Korean actor Hyun Bin for an advertisement ng isang shopping app na laging napapanood sa mga TV programs ngayon.

 

 

Bea shared the video of the ad on Instagram, followed by some behind the scene videos kuha on green screen.

 

 

Caption ni Bea: “I am so kilig to be in one frame with Captain Ri!” followed by the hashtag #fangirling.

 

 

Hindi nakaligtas sa new friend niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang post niya at comment nito: “Awww!” followed by a heart emoji.

 

 

Mukhang nainggit si Marian kay Bea dahil kay Hyun Bin.

 

 

***

 

 

DAHIL nahihilig nga si Marian Rivera ngayong manood ng K-dramas, iyon kaya ang dahilan kaya isang Korean puppy ang alaga ngayon ng Dantes Squad?

 

 

Sa Korea isinilang ang puppy, kaya naman nag-travel pa siya papuntang Pilipinas. Instagram post ni Marian: “Meet Johnny, our new furry baby at home! Ate Z and Six loves him so much already. Thank you @puppyclub_ph @puppylab_ for bringing him home safely to us all the way from Korea.”

 

 

‘Johnny’ ang ipinangalan ni Marian sa puppy, dahil kaya iyon ang pangalan ni Dingdong sa katatapos na ni-replay na Philippine adaptation ng K-drama na Endless Love, na ginampanan nilang mag-asawa?

 

 

Kuwento nga ni Marian  ay muli niyang pinanood ang serye  nang i-replay ng GMA-7 a few weeks ago.

 

 

***

 

 

SINUSUBAYBAYAN araw-araw ang weather report ni Nathaniel Cruz na mas kilalang si “Mang Tani,” sa mga news program ng GMA Network.

 

 

Kaya naman nang mabalitang lilipat sa GMA si Kuya Kim Atienza, ang daming supporters ni Mang Tani ang nag-post sa social media na bumalik na raw ang weather forecaster, na kasalukuyan nagbabakasyon sa Australia dahil naroon ang kanyang pamilya.

 

 

Mabilis namang sumagot si Kuya Kim na, “hindi totoo na papalitan ko si Mang Tani in the program’s weather portion. On the other hand, I will be there to support him.  Hindi naman ako papayag kung ang pagpasok ko sa top-rating newscast would mean another person’s loss of opportunity.  But GMA’S offer is too good to pass up “for someone my age.”

 

 

Thankful si Kuya Kim dahil 3-program package ang in-offer sa kanya ng GMA. Isa rito ang daily morning show na Mars Pa More with Camille Prats and Iya Villania-Arellano, his very own daily entertainment trivia show to air as pre-programming ng 24 Oras.

 

 

He also liked that GMA is lining him up in shows that are in line with his equity as Kuya Kim, na ilang taon din niyang ginawa sa ABS-CBN.

 

 

“I feel so valued by GMA, and it feels so good, sabi ng bagong Kapuso.

 

 

Happy si Kuya Kim dahil may news at entertainment sa mga shows na gagawin niya sa GMA Network.

(NORA V. CALDERON)

Japanese tennis player Naomi Osaka bumagsak ang ranking

Posted on: October 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bumagsak na ang world ranking ni Japanese tennis star Naomi Osaka.

 

 

Ito ang unang pagkakataon na hindi nakasama si Osaka sa top 10 mula noong magwagi ng 2018 US Open title.

 

 

Ang dating world number 1 hindi na nakapaglaro mula ng matanggal sa ikatlong round ng US Open noong nakaraang buwan.

 

 

Sa inilabas na ranking ay nasa pang-12 na ang kaniyang puwesto.
Nauna sinabi ng 23-anyos na si Osaka na sabik na ito sa paglalaro.

 

 

Nitong taon lamang ay hindi umatras na siya sa French Open at Wimbledon dahil umano sa problema niya sa mental health.

 

 

Nanguna sa puwesto ng WTA si Ashleigh Barty ng Australia n a sinundan ni Aryna Sabalenka ng Belarus at pangatlong puwesto si Karolina Pliskova ng Czech Republic.