• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 19th, 2021

‘The Flash’ Trailer Confirms That Michael Keaton’s Batman Will Have A Bigger Role

Posted on: October 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE latest The Flash trailer suggests that Michael Keaton’s Batman has a bigger role in the film than many initially assumed.

 

 

Ezra Miller makes his DCEU return as the Scarlet Speedster after starring in Zack Snyder’s Batman V Superman: Dawn of Justice and Justice League. Directed by Andy MuschiettiThe Flash‘s first trailer was released at DC FanDome 2021, offering a sneak peek at what to expect from the standalone flick.

 

 

It’s no secret that The Flash was in production limbo for quite some time with a few director changes. But, the movie finally kicked into production in 2021 and is currently filming. Specific plot details are still scant at the moment, although a few pertinent details have been confirmed.

 

 

That includes the return of Kiersey Clemons as Iris West and the introduction of Sasha Calle as Supergirl/Kara Zor-El. Barry Allen is also joined by two Batman variations: the first one being Ben Affleck‘s and the other one being Michael Keaton’s. Obviously there’s a lot of excitement surrounding their involvement, but there’s heightened anticipation about Keaton’s Batman iteration simply because this is the first time he will reprise the superhero role in two decades.

 

 

Considering the fact that it’s the Flash’s solo outing, it was initially unclear how involved Keaton would be in the film. Set photos revealed him back as the Bruce Wayne persona, and the actor’s personal interviews confirmed that he’s indeed wearing the cape and the cowl again.

 

 

Still, with very little known about the movie’s plot, there were questions about the extent of his appearance. Some argued that it wouldn’t be anything more than an extended cameo, with the primary focus on Barry Allen instead. This makes sense since he is the movie’s headlining character. However, The Flash‘s trailer suggests that Batman’s role in the film is going to be more prominent than initially perceived; much of the trailer focuses on him, including both versions of the Flash visiting Tim Burton’s Wayne Manor and then, his Batcave. It even ends with the tease of the 1989 Batmobile reveal.

 

 

Interestingly, despite all the references to Keaton’s Caped Crusader, the hero doesn’t properly appear in The Flash trailer. Instead, there’s only a shot of his iconic cowl looking outside the Batcave. But, the fact that he provides the narration for the majority of the trailer further indicates the extent of his appearance. At one point, it seems like the two Barry Allens and Supergirl recruit him for a mission, and it’s safe to say that he at least considers joining his fellow DC heroes in the movie.

 

 

It’s worth noting that The Flash appears to be an adaptation of the Flashpoint storyline from the comics. Barry’s time-traveling likely fractured space-time which has had ripple effects in other universes, including that of Supergirl and Keaton’s Batman. The voice-over dialog is Bruce Wayne making sense of everything that’s happening.

 

 

The question now is, how does Affleck’s Batman fit into all of this?  Some theories suggest that Affleck’s Batman dies in the movie, and that it could serve as motivation for Barry’s time travel. And many are also curious if Affleck’s version of the hero will cross paths with Keaton’s Caped Crusader.

(ROHN ROMULO)

NORA, isa sa apat na artistang gagawaran ng ‘Gawad Dekada’; fans ni Cong. Vi nag-react dahil ‘di kasama ang kanilang idolo

Posted on: October 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

APAT na artista lang ang gagawaran ng Gawad Dekada ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino for the period 2010-2020.

 

 

Ito ay sina John Lloyd Cruz, Ms. Nora Aunor, Angeli Bayani, at Alessandra de Rossi.

 

 

Sila lang ang napili ng mga supladang kasapi ng Manunuri na deserving of the Gawad Dekada.

 

 

Sa column ni Manunuri member Tito Valiente ay binanggit niya na bagamat importante na ang aktor o aktres ay nagwagi o nagkamit ng nominasyon para mai-consider sa parangal, mas binigyan ng bigat ng Manunuri kung paano binuo ng aktor o aktres ang kanilang character on-screen, na sumalamin sa socio-political realities sa ating bansa.

 

 

Tinignan din ng critics’ group ang consistency sa performance at ang kalidad ng pelikula na ginawa ng aktor o aktres.

 

 

Kaya nagpupuyos sa galit ang ibang fans ni Cong. Vilma Santos dahil hindi kasali si Cong. Vi sa Gawad Dekada recipients.

 

 

They were trying to discredit Ate Guy na isang beses lang nagwagi kaya ‘di raw ito dapat bigyan ng parangal.

 

 

Nagwagi si Ate Guy for Thy Womb in 2013 pero for the succeeding years ay nominated naman siya kahit di siya winner.

 

 

She was nominated for her work in Ang Kuwento ni Mabuti (2014), Dementia (2015), Taklub (2016) at Hinulid (2017). Iyan ang tinatawag na consistency sa performance.

 

 

Kaya kung masama ang loob ng ibang fans ni Cong. Vi na walang Gawad Dekada ang kanilang idol ay sa dahilang wala naman pelikulang ginawa si Cong. Vi for the decade except Extra (for which she got an Urian nomination) and Everything About Her (which failed to meet Urian’s standard).

 

 

Gaganapin ang virtual awarding ng Gawad Urian ngayong Huwebes, October 21, at mapapanood ito ng live sa FB Page ng Manunuri.

 

 

***

 

 

PATULOY ang pamamayagpag ng GMA Network sa mga international award-giving bodies matapos nitong makakuha ng 1 World Medal at 5 Finalist Certificates sa prestihiyosong 2021 New York Festivals (NYF) “World’s Best TV and Films” Competition.

 

 

Nagkamit ang investigative program at eight-time NYF World Medalist na Reporters Notebook ng Bronze Medal para sa dokyu nitong “Mga Sugat ni Miguel” sa ilalim ng Documentary: Health/Medical Information category. Ika-siyam na World Medal na ito ng programang hosted nina Maki Pulido at Jun Veneracion.

 

 

GMA rin ang nanguna sa mga short-listed entry mula sa Pilipinas. Ang segment ng Kapuso Mo Jessica Soho (#KMJS) na “Babaeng Tinaga sa Mukha” nag-uwi ng finalist certificate sa Documentary: Social Justice category. Isa pang Public Affairs program, ang Reel Time, ang tumanggap ng finalist certificate para sa “This Abled” dokyu sa ilalim ng Documentary: Heroes category. Ang The Atom Araullo Specials ay may finalist certificate rin para sa episode nitong “The Atom Araullo Specials: Dreams of Gold” sa ilalim ng Program: Sports Documentary category.

 

 

Ipinagmamalaki ring mapabilang ng The Clash sa mga nag-uwi ng finalist certificate para sa Entertainment Program: Variety category. At ang first-ever virtual reality concert sa Pilipinas na Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert ay nakakuha rin ng finalist certificate para sa TV airing nito sa ilalim ng Entertainment Special: Special Event category.

(RICKY CALDERON)

Alex, emosyonal na umaming nakunan sa panganay nila ni MIKEE; nasubok ang faith kay Lord at umasa sa miracle

Posted on: October 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAGKALIPAS i-post ng talent manager na si Manay Lolit Solis sa kanyang IG account na nakunan si Alex Gonzaga na naging dahilan para magalang siyang sinabihan ng asawa ng TV host/vlogger na si Mikee Morada na nasaktan sila sa anunsyong ito ni Manay.

 

 

Feeling ng talent manager na kaya hindi pa umaamin sina Mikee at Alex ay baka gusto nilang sila ang magsabi nito thru YouTube channel ng huli.

 

 

Anyway, nitong Linggo ng gabi ay umamin na si Alex na totoong nakunan siya sa panganay nila ng asawang si Mikee.

 

 

Nag-post si Mrs. Morada ng mga larawang nakaupo siya sa wheelchair kasama ang asawa, nasa hospital bed, hinahalikan ni Mikee ang tummy ng asawa at ang pregnancy result.

 

 

Ang caption ni Alex, “Hi. 2 months ago we found out that I was pregnant and 3 weeks ago, we got a heartbreaking news that we might be having an anembryonic pregnancy (blighted ovum).

 

 

      “Our doctor advised us to wait for the process to naturally take its course. So we had to wait for awhile for the pregnancy to finally end before we can tell our story. The waiting and praying tested our faith and there were a lot of crying.      “Everyday we were clinging on to a miracle that an embryo would still appear but last Tuesday (Oct12), the Lord’s will have prevailed and we finally closed the book of our first pregnancy.

 

 

       “We share our story to give hope that in the midst of this pain and loss the Lord will always sustain you. To any couple who’s going through this or who might go through this pain, don’t ever lose hope. It’s not your fault this happened. At your own pace you can start to grieve and heal.

 

 

       “Mikee and I held on to our Lord Jesus to prepare and help us accept our situation. He blessed us with a kind of LOVE that is ready to understand. We know that in His perfect time He will bless us with our ultimate desire. To our baby whom we almost had, thank you for giving mommy and daddy joy even for a short span. Lastly, thank you to everyone who gave us time to heal (emoji broken heart).

 

 

       Si Jessy Mendiola ang unang nagbigay ng mensahe sa mag-asawa, “We Love you, Cathy & Mikee. (emoji praying hands) praying for your healing.. Isaiah 60:22  akap.”

 

 

Ang kasamang host ni Alex sa Lunch Out Loud na si Billy Crawford ay nag-post ng, “Love you guys! @cathygonzaga.”

 

 

       Nagbalik-tanaw naman ang misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodroguez na dumaan din siya sa ganitong sitwasyon noon, “Seeing your photos brought me back to my experience (emoji crying). I love you!!!”

 

 

Say naman ni Vina Morales, “Sorry for the loss … sending love and prayers (emoji heart and praying hands).”

 

 

       Ang muntik ng maging bayaw ni Alex kung sinagot siya ng ate Toni Gonzaga-Soariano niya na si Luis Manzano, “God bless sa inyo ni Mikee, Ate. May everything fall into place for you and Mikee in God’s time (emoji heart).”

 

 

Maraming celebrities pa ang nagpadala ng kanilang sympathies sa mag-asawang Mikee at Alex.

 

 

***

 

 

MAY bago na namang aabangang sexy movie na produced ng Viva Films, ang Mahjong Nights na idinirek ni Law Fajardo at pagbibidahan nina Angeli Khang, Sean de Guzman at Jay Manalo na mapapanood sa Vivamax sa November 12.

 

 

Sa ginanap na virtual mediacon ng pelikula ay natanong si direk Law kung ano ba ang pagkakaiba ng Mahjong Nights sa Nerisa na isa ring sexy movie kung saan bumida naman si Cindy Miranda kasama si Aljur Abrenica.

 

 

“When we presented the concept of Mahjong Nights sa Viva, they liked the script. Actually, to be honest wala akong hope na magawa ‘yung film. Nagulat ako na binigyan nila (Viva bosses) ng green light ‘yung project.

 

 

       “Bago ako nabigyan to do this project, nagkaroon ako ng discovery. Una, ‘yung script mismo ng Mahjong Nights medyo naka-cater talaga sa erotic (scenes) at siyempre ‘yun ang pelikula (kabuuan).

 

 

       “Nu’ng ginawa na namin, nagkaroon ako ng realization na me as a filmmaker ay may boses tayo na masi-share sa audience na kung anong klaseng movie ang ipapakita natin.

 

 

“Happy naman ako na naipakita ‘yung vision ko sa mga kababaihan na nakapiit during pandemic. That’s why we are excited for this film because hindi lang ito erotic kundi may message para sa perpetrator,” kuwento ni direk Law.

 

 

Ano naman ang masasabi ng direktor sa cast nf pelikula niya, mabibilis daw pumik-ap at nakikinig sa lahat.

 

 

       “Si Jay given na mas gusto niya ‘yung puro emosyon parati na me as a director okay ako do’n mas problem solving na nasa set hindi na sa script. So kung ano ‘yung available, ano ‘yung totoo sa moment na ‘yun ang ginagamit namin.

 

 

       “Working with them mabilis lang, napaka-smooth ng shoot.  Si Angeli na baguhan, cooperative rin lalo na sa hirap mag-shoot ngayon sa estado ng isyu sa health. Happy ako sa performances nila, lahat-lahat sila,” say ni direk Law.

 

 

Bakit kailangang panoorin ang Mahjong Nights?

 

 

“Because of Angeli Khang,” mabilis na sabi ng direktor.

 

 

“Well aside sa performance ng mga actors na ibinigay talaga nila physically, emotionally, mentally at alam nila ang advocacy na ito ‘yung nire-represent ng role (artista).  This is a pandemic movie sa context balance against women.

 

 

       “So if you want to watch a pandemic movie na kung ano ang nangyayari sa isang family na na-confine sa isang bahay na mayaman o middle-class o hindi, this is happening right now. So hindi lang dito sa Pilipinas (nangyayari) kundi sa buong mundo. Nakatago lang ‘yung title na Mahjong Nights, this movie ay may sinasabi.”

 

 

Kasama rin sa pelikula sina Mickey Ferriols, Jamilla Obispo at Arnel Ignacio.

 

 

Mapapanood na rin ang lahat ng contents ng Vivamax sa ibang bansa tulad ng Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, at Middle East at Europe.

(REGGEE BONOAN)

Pinal na listahan ng mga kandidato sa Disyembre ilalabas – Comelec

Posted on: October 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa Disyembre pa malalaman kung sino ang mga opisyal na tatakbo para sa 2022 National at Local Elections dahil sa isinasailalim pa sa pagsala ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nagsumite ng kanilang ‘certificate of candidacy (COC)’.

 

 

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na 97 ang naghain ng kandidatura sa pagka-presidente habang 28 sa pagka-bise presidente.

 

 

Sa naturang bilang, inaasahan na aabot sa 95% ang matatanggal sa talaan bilang ‘nuisance candidates’.

 

 

“Unang tingin pa lang alam mong makakatanggal ka ng mga 95% na mag-file. Siguro matitira sa atin hindi lalampas ng sampu,” ayon kay Jimenez.

 

 

Tambak umano ng trabaho ngayon ang mga tauhan ng Comelec dahil sa dami ng naghain ng kandidatura sa kabila na naging mahigpit sila bilang pagsunod sa ‘minimum health protocols’ upang makaiwas sa hawaan sa COVID-19. (Daris Jose)

Mula Oct 18-31: Bulacan, Apayao at Capiz, nasa ilalim na ng GCQ

Posted on: October 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekumendasyon na ilagay ang  Bulacan, Apayao at Capiz sa General Community Quarantine (GCQ) mula  Oktubre 18, 2021 hanggang Oktubre  31, 2021.

 

 

Nauna nang inilagay sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Bulacan at Apayao habang ang Capiz naman ay iniyal na isinailalim sa GCQ “with heightened restrictions.”

 

 

Kamakalawa ay inaprubahan naman ng IATF na ilagay sa ilalim ng Alert Level 3  ang National Capital Region simula noong  Oktubre 16, 2021 hanggang Oktubre 31, 2021.

 

 

Sa ilalim ng Alert Level 3, bubuksan ang ilang establismyento at personal care services hanggang 30% kahit ano pa ang vaccination status.

 

 

Papayagan ding makapag-operate ang museums, libraries, internet cafes, billiard halls, amusement arcades, casinos, cockfighting, lottery, gyms, spas, leisure centers, at iba pa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)