• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 23rd, 2021

Sara Duterte-Carpio, ‘klaro’ na ‘di tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban — Cusi

Posted on: October 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Malinaw sa mga ­naging pahayag ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na hindi siya tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi na pinuno rin ng partido.

 

 

Inihayag ito ni Cusi sa gitna ng mga ­ispekulasyon na ipapalit ito kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na pambato ng partido sa presidential elections sa susunod na taon.

 

 

Running-mate ni dela Rosa si Sen. Christopher “Bong” Go.

 

 

Sa panayam ng Headstart ng ANC, sinabi ni Cusi na hindi nila naikonsidera ang pagpalit ni Sara kay Dela Rosa dahil malinaw naman ito sa mga naunang pahayag ng alkalde na hindi ito kakandidato sa ilalim ng PDP.

 

 

Pinapayagan ang substitution ng mga kandidato kung ang orihinal na ­naghain ng kandidatura at ang ipapalit ay magka-partido.

 

 

Sinabi rin ni Cusi na pinatakbo nila si Dela Rosa dahil hindi natuloy ang orihinal nilang plano.

 

 

Matatandaan na si Duterte sana ang tatakbo bilang bise presidente ng bansa pero umatras ito at sa halip ay pinatakbo si Go na sinamahan pa niya sa paghahain ng kandidatura.

 

 

Napagkasunduan ­aniya na si Dela Rosa ang patakbuhin bilang pangulo dahil may adbokasiya rin naman ito.

KIM, walang regrets na magkontrabida dahil natikman na ring maging bida

Posted on: October 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BIGLANG nagkaroon ng reunion ang Hashtag members sa naging bachelor’s party ni Nikko Natividad.

 

Ikakasal na kasi si Nikko sa fiancee niyang si Cielo Eusebio at naging daan ang kanyang stag party para muli niyang makasama sina Kid Yambao, Tom Doromal, Wilbert Ross, Jimboy Martin, Vitto Marquez at Zeus Collins.

 


      Dahil bawal pa rin ang magkaroon ng malalaking gatherings or parties sa anumang venues, iilan lang ang naging bisita ni Nikko at sa isang hotel room nila ito ginawa.

 

 

At dahil bawal din ang mag-hire ng stripper para sa stag party, si Zeus na lang ang nagdamit babae with matching wig at siya ang gumiling-giling sa kandungan ni Nikko.

 

Post ni Nikko sa Instagram: “Ito ang resulta kapag tinipid ka ng mga kaibigan mo sa STAG PARTY!”

 


      Pinost din ni Nikko ang video clip na naglalaro sila ng balloon relay. Ang kakaiba lang sa game nila, papaputukin nila ang lobo sa puwet ni Nikko.

 

Kaya mapapanood sa video na masayang-masayang pinuputok ang lobo sa pamamagitan ng pagkadyot nila sa puwet ni Nikko na walang magawa kundi magulat na lang sa pagputok ng mga lobo.

 

Caption ni Nikko sa video: “Alam ko na pakiramdam nyo girls. Masama pala pag binibigla!”

 

 

      ***

 

 

NAGBIDA ng tatlong beses sa GMA si Kim Rodriguez bago siya nauwi sa pagiging kontrabida sa teleserye.

 

 

Maraming nanghinayang dahil isa si Kim sa nagtataglay ng magandang mukha sa showbiz ngayon. Pero wala raw regrets si Kim dahil natikman na raw niyang magbida.

 

 

“It’s okey po sa akin na support or magkontrabida ako ngayon. Ang importante ay tuluy-tuloy po ang trabaho for me at thankful ako sa GMA dahil tiwala pa rin sila sa akin,” sey ni Kim.

 

 

Kung tutuusin, mas naging visible daw si Kim nung mag-shift ito from bida to kontrabida. Hindi na raw siya mape-pressure dahil hindi na siya yung nagbibida sa teleserye.

 

 

“Happy naman po ako sa mga roles na binibigay sa akin. Napaglalaruan ko ang character ko. Kapag bida ka kasi, mas malaki ang pressure. Nakasalalay sa yo yung outcome ng teleserye. 

 

 

“At least now, mas relaxed ako at the same time, di po ako nababakante.”

 

 

Napapanood si Kim sa Stories from the Heart: Never Say Goodbye.

 

 

***

 

HINDI napigilan na maging emotional ni Lexi Gonzales nang maalala niya ang kanyang lola, na pumanaw dahil sa blood infection.

 

 

“Everything, like lahat ng nangyari sa buhay ko I always want to show my lola. Like everything, ever since StarStruck,” malungkot na pahayag ni Lexi.

 

Ang lola nga raw ang parating kakuwentuhan ni Lexi at sine-share din niya rito ang mga pagbabago ng kanyang career sa showbiz. Malaki raw ang kinalaman ng kanyang lola kung bakit nagpupursige si Lexi sa showbiz. Kaya malaki ang utang na loob niya rito.

 

 

Sey ni Lexi: “Recently lahat ng projects na nagagawa ko, I really wanna go to my lola and tell her na, ‘I did this!’ and ‘Mama I got to achieve this, I was able to do this on TV.’ Even until now I wish to go back running to my mama. Maybe hug her and tell her how thankful I am because I will not be here if it’s not for my lola.”

 


      Nakatakdang maglabas si Lexi ng bago niyang single sa ilalim ng GMA Playlist na titled ‘Something in the Rain’.

 

Ayon kay Lexi, ang kanta ay tungkol sa first love at ang pakiramdam nito sa unang kinig, pero meron din itong malungkot na parte na naghahayag ng pangungulila.

(RUEL MENDOZA)

ALESSANDRA, nagwagi na rin ng Best Actress sa ‘Gawad Urian’ after ng ilang beses na na-nominate

Posted on: October 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

CONGRATULATIONS sa lahat ng winners ng Gawad Urian.

 

 

Top acting winners sina Alessandra de Rossi (Best Actress) for Watch List (na finally ay nagwagi na rin after na ilang beses na siyang na-nominate na naturang category), Nanding Josef (Best Actor) for Lahi, Hayop, Hazel Orencio for Lahi, Hayop and Dexter Doria for Memories of Forgetting (tie for Best Suppporting Actress) at Micko Laurente (Best Suppporting Actor) for Watch List.

 

 

We would like to give special mention sa panalo ni Direk Jay Altarejos sa kategoryang Best Editing para sa pelikula niyang Memories of Forgetting.

 

 

Few years back ay nagwagi rin si Direk Jay ng award sa Cinemalaya for his movie Kasal.

 

 

Memories of Forgetting also garnered Urian nominations for Best Director, Best Production Design, Best Screenplay, Best Cinematography, at Best Actor para kay Noel Escondo (na isa rin director).

 

 

Nagsimula nang ipalabas ang Memories of Forgetting sa KTX.ph hanggang October 24.

 

 

***

 

 

FUN movie kung idescribe ni Kim Molina ang latest film niya na sa Viva Films ang Sa Haba Ng Gabi.

 

 

Masaya raw ang movie pero during the shoot ay iba ang experience dahil bumabagyo ng 6 days tapos nagka-earthquake.

 

 

So, kahit na may ganoon challenge during the shoot ay nag-enjoy pa rin sila sa trabaho.

 

 

Kahit na horror film ay masaya naman ito at tiyak daw na magugustuhsn ng movie.

 

 

Kasama rin sa movie na streaming na sa Vivamax sa October 29 sina Jerald Napoles at Candy Pangilinan.

 

 

***

 

 

MAY second single na si Christi Fider, winner ng PMPC’s Star Awards for Music Most Promising Female Artist, titled ‘Heto na Naman’ and distributed by Ivory Records.

 

 

Isa itong ballad written by award-winning composer and Pinoy hitmmaker Joven Tan.

 

 

Sabi ni Christi, very unexpected ang panalo niya sa Star Awards forMusic.

 

 

“I don’t have any idea about it at first. I’m super grateful for the award. Thankful din for PMPC for the award kasi binibigyan nila ng chance yung mga new talents/artists like me.”

 

 

Hugot song with spoken words kung paano ilarawan ni Joven Tan ang bagong composition niya for Christi.

 

 

Gusto raw niya ipakita kung gaano kalalim at kalawak ang emotional range ni Christi. Thru Heto Na Naman ay makikita ang different side ng newbie singer.

 

 

Ayon naman kay Christi, ibang-iba sa personality niya ang second single niya. Since willing naman siya sumubok ng iba’t-ibang music genres, na-excite siya to record ‘Heto na Naman’.

 

 

Kahit na hindi pa siya nagkaboyfriend, nakaka-relate naman siya sa mensahe ng kanta.

(RICKY CALDERON)

Pagtataas ng PUV passenger capacity pinag-aaralan

Posted on: October 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) ang gagawing malaking pagtataas ng porsiento para sa passenger capacity ng public utility vehicles (PUVs) dahil na rin sa pagkakaron ng maluwag na quarantine protocols na ngayon ay pinaiiral sa Metro Manila.

 

 

 

Sa kasalukuyan, ang passenger capacity ng mga PUVs ay may 50 na porsiento pa lamang. Kung kaya’t ang road sector ng DOTr ay magbibigay ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) para sa pagtataas ng seating capacity ng mga PUVs.

 

 

 

“The extent of the increase is still being studied, but it would likely be substantial. The increase will be significant. What Secretary Tugade wants is that our proposal to the IATF will not only be based on the technical expertise, but also backed up by medical studies that the increase will be safe,” wika ni DOTr assec Mark Pastor.

 

 

 

Ayon pa sa DOTr na kanilang masusing pinag-aaralan at kumukuha sila ng mga kailangan datus upang magiging makatwiran ang inaasahang gagawin na pagtataas ng passenger capacity upang matulungan ang mga drivers at operators.

 

 

 

Ang instruksyon ni Tugade ay gawing progressive at compliant ang pagtataas sa mga umiiral na mga batas ng local government units kasama na ang IATF.

 

 

 

“Tugade’s instructions is for the increase in passenger capacity to be progressive and compliant with the mandates of the local government units and the IATF,” ayon sa DOTr.

 

 

 

Ang planong pagtataas ng passenger capacity ay gagawin dahil na rin sa ang mga bilang ng pamasahero ay dumarami na lalo na ngayon ang Metro Manila ay nasa ilalim na ng Alert Level 3 hanggang Oct. 31.

 

 

 

Kasama na rin sa rason ay upang matulungan ang mga drivers at operators na ngayon ay sumasabak sa pataas na pataas na preso ng krudo at gasolina.

 

 

 

“We are looking to increase the seating capacity in public transportation as an answer to growing expenses in the day-to-day operations of our operators and at the same time, this will also address calls of those in the business sector to spur economic activities and we could be contributing to that through the increase in our public transportation and the capacity thereof,” dagdag ni Pastor.

 

 

 

Sa ngayon, patuloy pa rin silang magsasagawa ng “random inspection” upang masiguro na ang mga PUVs ay sumusunod sa capacity limit habang ang DOTr ay pinaplantsa pa ang kanilang request sa IATF na magdagdag ng seating capacity.

 

 

 

Samantala, ang Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) naman ay nererepaso sa ngayon ang fare hike petition na inihain ng mga transport groups

 

 

 

“With the guidance of Secretary Tugade, we will balance the interest. We recognize and we feel the need of the drivers and operators, but at the same time, let’s look for solutions that would not affect the commuters. Moving forwards, we are looking for alternatives which are fuel-related for that matter. Fuel price solutions to cushion the impact of the increase in fuel prices,” saad ni LTFRB chairman Martin Delgra.

 

 

 

Sa katunayan, ang DOTr ay nagpadala ng isang liham sa Department of Energy (DOE) kung saan ang una ay humihingi ng tulong upang mabigyan ng malaking discount ang mga PUVs mula sa mga fuel stations. LASACMAR

PDU30 nabigyan ng maling impormasyon sa usapin ng pondo – Sotto

Posted on: October 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Malaki ang paniniwala ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nabigyan umano ng maling impormasyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin nang pagharang daw nila sa pondo ng Office of the President na nakalaan sa proposed 2022 budget.

 

 

Sinabi ni Sotto na walang anumang motibo ang Senado sa kanilang pag-iimbita sa mga Cabinet official at ito ay para malinawan ang ilang mga usapin.

 

 

Dagdag pa ni Sotto na ang hindi pakikibahagi ng legislative at executive department ay magkakaroon talaga ng malabong pakikipag-ugnayan.

 

 

Nauna nang inakusahan ni Pangulong Duteter ang Senado na sinusubukang i-paralyze ang gobyerno sa pamamagitan ng pagbawas ng mga pondo ng mga iba’t ibang opisina ng gobyerno. (Daris Jose)

ALERT LEVEL SA NCR PUWEDENG BUMABA PA

Posted on: October 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG mapababa pa ang Alert Level sa National Capital Region (NCR) kung magpapatuloy ang pagbaba ng bilang ng mga kaso, ayon sa Department of Health.

 

Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na  ang seven-day moving average sa NCR ay 1,156.

 

Ang average na mas mababa sa 500 tulad ng mga buwan bago ang nagkaroon ng surge noong Marso at Abril ay isang komportableng numero para sa pagbaba ng alert level.

 

“If we continue on to have these kind of numbers and it will continuously decline then we can again reach that goal. And if that goal will be reached then we can be deescalated,” saad ni Vergeire sa panayam ng CNN Philippines.

 

Nauna na ring sinabi ng OCTA Research na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay inaasahang  mababawasaan ang pre-Delta surge sa katapusan ng Oktubre sa gitna ng pagbaba ng reproduction numbers.

 

 

Sa pinakahuling monitoring ng OCTA, ang reproduction number  sa buong bansa ay 0.55 habang ang NCR ay 0.47

 

Gayunman, sinabi ni Vergeire na bukod sa numero ng COVID-19, tinitignan din ng gobyerno ang paggamit ng  healthcare utilization sa pagpapasya ng alert levels.

 

“Let me just remind everybody that it is just not the numbers that we are looking at. We are also looking at healthcare utilization,”

 

Sinabi nito na talagang may pagbawas o pagbaba  sa mga admission ng mga pasyente ng COVID-19 bagaman ang mga ICU sa ilang mga ospital ay 70 percent pa rin ang okupado.  GENE ADSUARA

KIM, JERALD at CANDY, nag-share ng kanilang experiences tungkol sa mahahabang gabi; riot ang muli nilang pagsasama sa movie

Posted on: October 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA digital media conference ng Sa Haba Ng Gabi na streaming na sa October 29 sa Vivamax, natanong ang mga bida sina Candy Pangilinan, Jerald Napoles at Kim Molina tungkol sa hardest and longest night na na-experience nila.

 

 

Dahil pareho ang sagot ng magdyowang Kim at Jerald, ang aktres na lang ang nagbigay na pahayag.

 

 

Sabi niya, “’yung everytime na naghihintay ng RTPCR test, dahil hindi ka talaga mapapalagay.

 

 

      “Lalo na noong una, kailangan mong maghintay ng 48 hours, naghihintay kami ng text.”

 

 

Sambit naman ni Je, “parang siyang pageant na naghihintay ka na mapasa sa top 5.”

 

 

Pagsi-share naman ni Candy, “pag RTPCR ang haba ng gabi, totoo po ‘yan.

 

 

“Pero mayroon pang isa na nakakahaba na gabi, sa akin ha? Pag bagong heart-broken ka. Pag tumatakbo na ‘yung dusk o padilim na, nagsisimula ka nang mag-drama, tapos hinihintay mo na sana mag-umaga na, kasi kung anu-ano tumatakbo sa isip mo.

 

 

      “Na-experience ko ‘yun, iba pag heart-broken ka, ang haba talaga ng gabi.

 

 

      “Pero pag okey ka, ang iksi naman ng gabi, parang kulang pa.” 

 

 

Dagdag pa nina Kim at Candy, ang haba rin ng gabi pag naghihintay sila ng call time at sequences sa taping.

 

 

Anyway, sa lahat ng mga nakakatakot na nangyayari sa iba’t-ibang bansa, maaaring maging katapusan na nga ng mundo. At isang direktor ang naisipang gawing cliché ang katapusan ng mundo: isang Zombie Apocalypse.       Produced ito ng Master of Horror na si Erik Matti, ilalabas ng Sa Haba Ng Gabi ang mga patay na muling mabubuhay.

 

 

Ito ay mula sa young director na si Miko Livelo.

 

 

Si Neneng (Candy Pangilinan), na katulong sa isang engrandeng mansyon na pagmamay-ari ng isang senator, ay hinimok ang kanyang pinsan na si Jhemerlyn (Kim Molina) na magtrabaho sa mansyon kasama siya.

 

 

Desperadong makahanap ng trabaho, tinanggap agad ni Jhemerlyn ang alok ng kanyang pinsan. Hindi nagtagal, nadiskubre ni Jhemerlyn na ginagamit ng senador ang mansyon para doon dalhin ang kanyang mga babae. Maayos ang lahat sa mansyon, hanggang sa isang araw na umuwi ang senador na maputla at mukhang may sakit.

 

 

Di nagtagal ay nabalitaan ng mag-pinsan na may virus na kumakalat sa buong probinsya, at ginagawa nitong zombie ang mga tao. At habang nagaganap ang apocalypse, sa mansyon din naisipang magtago ni Noel (Jerald Napoles), ang personal driver ng senator. Simula na ng pinakamahabang gabi sa buhay nila Neneng, Jhemerlyn at Noel.

 

 

Sa loob ng mansyon, manonood sila ng TV, haharot at susubukang mag-survive sa zombie apocalypse. Ngunit malalagpasan ba nila ang gabi nang buhay at nananatiling tao?

 

 

Nagsimula si direk Miko Livelo bilang isang motion graphics artist, at ginawa niya ang kanyang unang pelikula na Blue Bustamante noong 2013. Nakakuha siya ng international recognition nang mag-premiere ang Blue Bustamante sa Osaka Asian Film Festival noong 2014.

 

 

Noong 2019, ginawa ni Miko ang friendship-comedy film na ’Tol, at ang fantasy-comedy adventure film na Unlilife.     Para sa kanyang bagong horror-comedy film na Sa Haba Ng Gabi, nakipagtambal siya sa award-winning filmmaker na si Erik Matti bilang producer, at kinuha niya bilang cast ang sigurado at subok nang chemistry nina Candy, Jerald at Kim, na siguradong magdadagdag ng riot sa zombie apocalypse.

 

 

Siguradong mahahawa kayo sa kakatawa sa panonood ng Sa Haba Ng Gabi mula sa Viva Films at Reality Entertainment, streaming online sa October 29 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe. Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at pwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account.

 

 

Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.

(ROHN ROMULO)