• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 28th, 2021

Rookie card ni Serena Williams naibenta sa mahigit P2.2-M

Posted on: October 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naibenta sa auction sa halagang $44,280 o mahigit P2.2-M ang autographed 2003 rookie card ni tennis star Serena Williams.

 

 

Ayon sa Goldin Auctions na ito na ang maituturing na pinakamahal na sports card ng isang babaeng atleta na naibenta.

 

 

Una kasing naitala ang rookie card ni dating US soccer player Mia Hamm na naibenta sa halagang $34,440.

 

 

Ang nasabing card ni Williams ay pag-aari ng isang pribadong indibidwal.

SYLVIA, napagod nang husto kay ‘Barang’ kaya pahinga muna sa pagtanggap ng serye; aminadong tutol sa pagpasok ni ARJO sa politika

Posted on: October 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SOBRANG napagod si Sylvia Sanchez sa pagganap niya bilang Barang sa Huwag Kang Mangamba kaya ang plano niya ay magpahinga muna ng six months to one year bago tumanggap ng bagong teleserye.

 

 

“I liked the role kaya ko ito tinanggap and I am very thankful to Dreamscape for giving me this role kasi sobrang na-challenge ako doing it,” pahayag ng aktres sa zoom presscon ng HKM.

 

 

Nagpapasalamat din siya sa kanilang mga director dahil hinayaan siya to interpret the role how she wants it. Bihirang pagkakataon daw na ang isang director ay hahayaan ang isang artista to play the role as she sees or feels it.

 

 

“Kaya very special talaga sa akin ang role ni Barang kahit na nahirapan ako. It’s the most challenging role I have done so far. I was drained emotionally and physically. Kaya I want to take a break para sa pagbabalik ko I have something new to offer,” sabi pa ni Sylvia.

 

 

Three weeks na lang at magtatapos na ang Huwag Kang Mangamba. Mas marami pa mangyayaring dapat abangan sa serye.

 

 

Tungkol naman sa pagpasok ng anak niyang si Arjo Atayde sa politics ay hindi raw ito gusto.

 

 

But since gusto ni Arjo na makatulong sa tao kaya suportado nilang mag-asawa ang binata.

 

 

Iga-guide na lang daw nila si Arjo para matiyak na hindi ito malilihis.

 

 

***

 

 

NAG-ENJOY si Enchong Dee sa pagganap ng pari sa Huwag Kang Mangamba.

 

 

“I was able to play a role na malayo sa personality ko,” wika ni Enchong.

 

 

Isa sa actor na very vocal sa pagpuna sa mga nakikita niya sa ating kapaligiran. Hindi siya takot to say what he feels.

 

 

Naniniwala si Enchong na dapat tayong maging responsableng mamamayan. Hindi raw dapat ang sarili lang natin ang ating iniisip.

 

 

“Kung sakaling may natutunan ka na maganda, it is better to teach to it to others para sila ay matuto rin,” sabi pa ng aktor.

 

 

***

 

 

ANG Sailun Tires ang bagong endorsement deal ni Manila Mayor and presidential aspirant Isko Moreno.

 

 

Hindi namin alam kung magkano ang ibinayad kay Mayor Isko pero tulad ng ibang talent fees niya from endorsements, these were donated to charity.

 

 

Tulad ng qualities ng Sailun Tires na durability, affordability and safety, ipinakikita ni Isko na ang kanyang values ay tulad sa Sailun, at gaano ka-importante sa kanya na may katulong sa pagpapatupad ng kanyang goals.

 

 

Naniniwala si Mayor Isko sa maayos na edukasyon, pagtulong sa mga nangangailangan in all aspects at ang matiyak na ang bawat serbisyo ay agad makukuha at makatutulong sa lahat in the near future.

(RICKY CALDERON)

Ads October 28, 2021

Posted on: October 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DOH: Lahat ng bata 12 pataas pwede ng paturok vs COVID-19

Posted on: October 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ng Department of Health na maaari nang maturukan laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang lahat ng batang edad 12-17 simula susunod na linggo.

 

 

Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos matanong ng reporters tungkol sa pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., Miyerkules.

 

 

“Yes we are confirming [nationwide vaccination for children next week],” banggit ni Vergeire kung totoong sisimulan na ang COVID-19 vaccination ng mga bata simula ika-5 ng Nobyembre.

 

 

“Guidelines are being drafted.”

 

 

Dati kasi ay sa Metro Manila lang pinapayagan ang pediatric vaccination sa mga 12-17 years old gamit ang Pfizer at Moderna, na kinakailangang may comorbidity pa o karamdaman.

 

 

Wala pa namang detalye kung saang mga rehiyon, anong mga ospital at pasilidad at kung ilang menor de edad ang target mabakunahan ng gobyerno sa ngayon.

 

 

Kanina lang nang sabihin ni Galvez mababakunahan na ang mga bata sa susunod na Biyernes, na maaari pa nga raw maging “as early as November 3.” Gayunpaman, inilinaw ng DOH na ika-5 ng Nobyembre talaga ito igugulong.

 

 

Kasalukuyang nagbibigay ng COVID-19 vaccinations sa mga bata ang 28 ospital at pasilidad sa Pilipinas. Inaasahang nasa 40-50 ospital pa ang madadagdag dito ngayong Biyernes, ani Galvez.

 

 

Wala pa namang detalye kung saang mga rehiyon, anong mga ospital at pasilidad at kung ilang menor de edad ang target mabakunahan ng gobyerno sa ngayon. (Gene Adsuara)

Galvez nag-sorry sa mga ‘lapses’ sa protocols sa dolomite beach

Posted on: October 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Humingi ng paumanhin sa publiko si National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagdagsa ng maraming tao sa dolomite beach sa Manila Bay.

 

 

Pinangangambahan kasi ng ilang health experts na maging super spreader event ang pagpunta ng libu-libong katao sa white sand area ng Manila Bay sa mga nakalipas na araw sa harap ng COVID-19 pandemic.

 

 

Aminado si Galvez na mayroong lapses, at tanggap nila ito, pero naniniwala rin siyang iwawasto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang sitwasyon sa dolomite beach.

 

 

Sa pagdagsa ng maraming tao sa naturang lugar, makikita na talaga aniya ang eagerness ng tao na lumabas na sa harap ng napakahabang quarantine restrictions dulot ng pandemya.

 

 

Gayunman, nakikita naman na “motivation” ni Galvez sa panig ng pamahalaan ang pangyayari sa dolomite bech para mapabilis na talaga ang pagbabakuna. (Gene Adsuara)

BARON, nag-sorry sa mga nasaktan na bading noong ‘bad boy’ pa siya; JOEL, may ibinahagi rin na ‘di malilimutang karanasan

Posted on: October 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-SORRY si Baron Geisler sa mga nasaktan niya na mga bading noong ‘bad boy’ pa siya.

 

 

Sa virtual mediacon ng BarumBadings, ang newest offering ng Vivamax na mula sa direksyon at panulat ni Darryl Yap, natanong ang cast na noong kabataan ba nila ay naging barumbado dahil sa mga bading at ano ang natutunan nila sa situasyon.

 

 

Sagot ni Baron, “I think this is the best time to say sorry to those I hurt during the time I was very bad boy o barumbado.

 

 

     “Kunwari, may madaanan lang ako na bading, nasasampal ko sa mukha, nasa tatlo yata ‘yun.  So, kung sino man kayo, sana po mapatawad n’yo na ako.

 

 

     “Thank you, dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makapag-apologize sa kanila.”

 

 

Pag-amin pa ni Baron, “it’s not good to hurt anyone, psychologically and physically.  It is really bad. And be kind to everyone. And respect boundaries as well.

 

 

     “Noong nasa loob ako ng rehab, nakita ko yun past mistakes ko at sobrang maling-mali ‘yun ginawa ko talaga, kaya nagso-sorry ako from the bottom of my heart.”

 

 

Kuwento naman ni Joel Torre, nagpapasalamat siya na hindi siya nagkaroon ng indecent proposals from gays, pero buo ang respeto niya dahil marami siyang kaibigan at nakatrabaho na mga bading.

 

 

Pero dagdag pag-amin ang premyadong aktor, “pero once lang, parang dinakma ako sa isang premiere night, kaya nilapitan ko at sinabihan na, ‘don’t ever to that again’, hanggang doon lang, hindi ko naman sinigawan o nagwala ako.

 

 

     “Ang sa akin, respeto lang. Respect begets respect.”

 

 

Wala naman karanasan sina Jeric Raval at Mark Anthony Fernandez na naging barumbado dahil sa ginawa ng isang bading, at aminado rin sila marami silang naging kaibigan.

 

 

Anyway, kaaliw ang ginawang teaser ni Direk Darryl sa kanyang social media post sa pag-I-introduce sa tatlong aktor bilang “Mga Bagong Reyna ng Viva.”  At tinawag pa niyang Jerica Raval, Marie Antoinette Fernandez, at Baroness Geisler ang mga bida ng Barumbadings.

 

 

Ang award-winning actor na si Joel Torre aka Jewel Torre ay gaganap na Mother Joy, na siyang nagbubuklod kina Izzy (Jeric), Jopay (Mark Anthony), at Rochelle (Baron).

 

 

Kasama rin sa action-comedy film sina John Lapuz as Queenpin, also a gay, at Cecil Paz as Buchi, na isa namang lesbian, na ex-lovers na naging mortal enemies.

 

 

Tegi na ang mga baklang madrama. Action star na ang mga reyna!  Kaya don’t dare miss the fun and action sa Barumbadings, streaming exclusively sa November 5 sa Vivamax.

(ROHN ROMULO) 

PDu30, napanatili ang mataas na approval, trust ratings

Posted on: October 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAPANATILI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang “high approval at trust scores” sa third quarter habang papalapit na ang election season sa Pilipinas.

 

Ito ang lumabas sa third quarter survey ng political consultancy firm.

 

Ayon sa PUBLiCUS Asia Inc.’s Oct. 11 to 18 poll, nakapag- rehistro si Pangulong Duterte ng overall approval rating na 60%, may improvement na 2% mula sa kanyang dating 58% score sa survey na isinagawa noong second quarter.

 

Nakakuha rin ang Chief Executive ng “high trust” rating na 53%, tatlong puntos na mataas kumpara sa kanyang 50% score sa nagdaang quarter.

 

Nagtamo naman ng high approval ang gobyernong Duterte para sa paghawak nito sa mga national issues gaya ng pagpapalawig sa voter registration, pagsasagawa ng audit sa Red Cross, full opening ng ekonomiya sa Disyembre at payagan ang mga menor de edad na mabakunahan laban sa Covid-19.

 

Lumitaw din sa survey si Pangulong Duterte bilang “most approved and trusted government official.”

 

Nakapag-rehistro rin ang Pangulo ng “highest shares of all the traits measured.”

 

Kabilang sa kanyang “top traits” ay ang “brave, decisive, has love for the Philippines, has concern for Filipinos, responsible, pro-poor, upholds the law, and sincere, among others.”

 

Sa kabilang dako, nakapag-rehistro naman si Vice President Leni Robredo ng highest disapproval rating na 40% habang 31% naman ang nagpahayag aprubado sa kanila ang performance ng bise-presidente.

 

Nakapagrehistro rin si Robredo ng pinakamataas na “low trust” rating na 47% habang 22% naman ang may “high trust” sa kanya.

 

Nakapagtala naman si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ng overall approval rating na 34% habang 27% lamang ang “disapproved” sa performance ni Sotto.

 

Nakaranas din si Sotto ng 3-percent decline sa kanyang total high trust rating na 20% para sa third quarter’s poll.

 

Kapwa naman bumaba ang trust rates nina Robredo at Sotto matapos na magdeklara at maghain ng kanilang Certificate of Candidacy (CoC) para sa pagka-pangulo.

 

Si House Speaker Lord Allan Velasco ay nakapagrehistro naman ng 24% approval rating at 18% disapproval mark.

 

Tanging 12% naman ang nagsabi na mayroon silang “high trust” kay Velasco, habang 36% naman ang may “low trust” sa kanya.

 

Nakapagtala naman si Chief Justice Alexander Gesmundo ng 24% approval rating at 25% disapproval rating.

 

May 15% naman ang nagsabi na mayroon silang “high trust” kay Gesmundo habang 30% naman ang nagsabi na mayroon silang “low trust”.

 

Ang pollster ay isinagawa ng isang independent at non-commissioned survey na binubuo ng 1500 respondents na inilabas ng market research panel ng 200,000 Filipino. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

56 Valenzuelano nakatanggap ng libreng bisikleta, livelihood aid

Posted on: October 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) ang BikeCINATION Project at provision ng e-Loading livelihood assistance kung saan 56 beneficiaries ang ginawaran nito.

 

 

Sa tulong ng City’s Public Employment Service Office (PESO), 56 na benepisyaryo ang sumailalim sa social preparation training para matiyak ang sustainability ng kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng proyekto.

 

 

Ang mga benepisyaryo ay kabilang sa mga displaced worker na apektado ng health at economic crisis dahil COVID-19 pandemic, mga out-of-school youth, at persons with disabilities (PWDs) kung saan fully vaccinated na rin ang mga ito.

 

 

Sila ay nakatanggap ng libreng bisikleta na may insulation bag, protective helmet, reflective vest, bike rack, water bottle, smartphone, at electronic load wallet na may P5,000 halaga ng load para suportahan ang kanilang delivery start-ups.

 

 

Dumalo sa awarding ceremony si Mayor REX Gatchalian kasama sina Atty. Marion Sevilla, DOLE-NCR Assistant Regional Director, DOLE CAMANAVA Field Office Director Rowella Grande, DOLE-CAMANAVA Senior Labor Officer G. Ronald del Rosario, at Livelihood Coordinator G. Carlo Gatchalian.

 

 

Hinikayat naman ni Ms. Carole Malenab, Public Affairs Manager ng GRAB Philippines, ang mga benepisyaryo na mag-apply bilang mga GRAB freelancer sa buong Lungsod gamit ang kanilang mga bagong bisikleta bilang karagdagang pinagkukunan ng kabuhayan.

 

 

Ang DOLE BikeCINATION ay isang espesyal na proyekto sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program na naglalayong sugpuin ang epekto ng pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay-insentibo sa informal sector workers sa A4 category na nakakumpleto ng dalawang dosis ng COVID-19 vaccines.

 

 

Target din proyekto na hikayatin ang informal sector workers na magpabakuna upang makatulong sa paglaban ng bansa sa pandemyang ito. (Richard Mesa)

ASHLEY, tanggap na kinabubuwisitan na kontrabida ngayon dahil sa pagganap bilang ‘Marriam’

Posted on: October 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SI Ashley Ortega na siguro ang kinabubuwisitan na kontrabida ngayon sa primetime dahil sa pagganap niya bilang si Marriam sa GMA teleserye na Legal Wives.

 

 

Masyado na siyang na-obsess kay Ismael na ginagampanan ni Dennis Trillo kaya lahat ng kasamaan ay ginagawa niya para mapasakanya si Ismael.

 

 

Mixed reaction ang natatanggap ni Ashley sa social media, pero kahit daw negative ay welcome sa kanya.

 

 

“‘Pag wala akong ginagawa, I would read comments tapos I would reply to them. Nagte-thank you ako sa mga praises nila na magaling akong kontrabida, na effective ako,” tawa pa niya.

 

 

Maipapaliwanag naman daw sa teleserye kung bakit nagkaganon si Marriam: “Siguro nadala lang siguro siya sa galit niya sa buhay. ‘Di niya lang ma-handle ‘yung rejection na natanggap niya from Ismael Eventually, ‘di rin siya na-guide nang maayos ng parents niya.

 

 

Kabilang sa mga inspirasyon ni Ashley sa pagganap niya ay sina Gina Alajar, Cherie Gil, Jaclyn Jose, at Irma Adlawan.

 

 

“Talagang kitang-kita mo sa mga mata nila ‘yung emotions. Yun ang gusto kong ma-achieve sa performances ko,” diin pa ni Ashley.

 

 

***

 

 

MAGPAPAHINGA raw muna ang aktres na si Sylvia Sanchez sa pag-arte kapag nagtapos na ang teleserye na Huwag Kang Mangamba.

 

 

Tatlong linggo na lang eere ang naturang teleserye at tapos na raw sila sa taping nito.

 

 

“Okay na. Naka-off na si Barang sa akin. Magpapahinga ako. Talagang sobrang pahinga ngayon. Grateful ako sa role na Barang, pero nakakapagod siya, sobra.    “After nito, kinausap ko na si Direk Ruel (Bayani), pahinga muna aka. Sobrang na-drain talaga ako emotionally, physically kay Barang,” sey ni Sylvia.

 

 

Gusto ni Sylvia na magbakasyon muna ng six months to one year bago siya magsimula ng bagong teleserye.

 

 

“Sa susunod na teleserye na i-o-offer sa akin, parang feeling ko, wala na akong mabibigay pa na bago, kasi drained ako dito sa Barang, napagod ako nang sobra.   “Gusto ko magpahinga kahit six months to one year, para sa susundo na may i-o-offer, may bago naman ako na maipakita.”

 

 

Matagal na raw kasing hindi nakapagbakasyon si Sylvia sa pag-arte since 2016 noong magbida siya sa teleserye na The Greatest Love. Nagkasunud-sunod daw ang trabaho niya at ang plano niyang magbakasyon noon pa ay laging nauunsiyame.

 

 

“So, hinga muna tayo. Relax na muna ako. Maglalagi muna ako sa probinsya. Iyon ang na sa utak ko ngayon. Rest muna.     “Para pagbalik ko, may bago kayong makita, at hindi talo ‘yung producer na mag-aalok sa akin ng bagong role,” diin pa niya.

 

 

May karapatan namang magkaroon ng break si Sylvia sa pag-arte, lalo na’t nagkasunud-sunod din ang pagpanalo nito ng acting awards.

 

 

Kumbaga, regalo na niya ang mahabang bakasyon sa mga natanggap niyang parangal mula sa Asian Academy for Creative Arts for Best Supporting Actress para sa Huwag Kang Mangamba at Best Actress sa PMPC Star Awards for Movies para sa Jesusa.

 

 

“Ngayon, bawat gawa ko rin naman ng teleserye, hindi ako, honestly, nag-i-expect ng awards. Pero nangyayari palagi, nagkaka-award ako. Nagpapasalamat ako.   “Siguro, nagagampanan kong mabuti ‘yung role ko para sa kanila. Pasasalamat. Nakakatuwa pa rin iyon, until now.”

 

 

Pero duda kami kung makakapagbakasyon si Sylvia nang matagal dahil hindi siya papayag na hindi mangampanya para sa anak na si Arjo Atayde na tatakbong congressman para sa 1st district ng Quezon City.

 

 

Kaya mas magiging abala si Sylvia kapag nagsimula na ang campaign period sa March 2022.

 

 

***

 

 

ANG CEO ng Tesla at founder ng SpaceX na si Elon Musk ang tinanghal na “the richest person in the world”.

 

 

Ayon sa Forbes, ang estimate net worth ni Musk ay $271.3 billion at malapit na siya sa $300 billion mark.

 

 

Nilagpasan na niya ang rival niya sa pagiging richest person in history ang founder ng Amazon at former CEO Jeff Bezos na may net worth na $212 billion.

 

 

Umakyat pa sa market ang mga negosyo ni Musk, tulad ng Tesla na umabot na sa $1 trillion sa market pagkatapos na umorder ng maraming Tesla ang Hertz. Hawak din ni Musk ang minority stake ng SpaceX na may value na $74 billion.

 

 

Bukod kay Bezos, nalagpasan na rin ni Musk ang ibang billionaires tulad nila Bill Gates of Microsoft na may net worth na $135.2 billion; Facebook’s Mark Zuckerberg na ang net worth ay $117.6 billion; at Daniel Ludwig with $4.5 billion net worth.

(RUEL J. MENDOZA)

P750k ibibigay ng PSC kay Yulo

Posted on: October 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kagaya noong 2019, muling binigyan ng Philippine Sports Commission (PSC) ng espesyal na cash incentives si 2021 World Artistic Gymnastics Championships gold medalist Caloy Yulo.

 

 

Inaprubahan kahapon ng PSC Board ang insentibong P500,000 para sa gold at P250,000 para sa silver medal na nakuha ni Yulo sa nakaraang world championships sa Kita­kyushu, Japan.

 

 

Inangkin ng 21-anyos na Batang Maynila ang gintong medalya sa men’s vault habang nakuntento siya sa pilak sa parallel bars.

 

 

Hindi kasama ang taunang world championships na sinasalihan ni Yulo sa mga kondisyon na nakasaad sa Republic Act No. 10699 o ng National Athletes and Coaches Be­nefits and Incentives Act.

 

 

“He has bounced back and showed us all that he is still our world champion in gymnastics,” wika ni PSC chairman William “Butch” Ramirez kay Yulo na nag-uwi ng gold medal sa floor exercise ng world championships noong 2019 sa Stuttgart, Germany.

 

 

Sa nasabing tagumpay ay binigyan ng PSC si Yulo ng insentibong P500,000 para sa gold at dagdag na P500,000 sa pag-angkin niya ng tiket para sa nakaraang 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.