• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 6th, 2021

Nationwide issuance ng 10-year drivers’ licenses nakatakda sa Disyembre

Posted on: November 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nangako ang Land Transportation Office (LTO) na sisimulan na nito ang nationwide issuance ng drivers’ licenses na mayroong 10-year validity sa buwan ng Disyembre ngayong taon.

 

“By December 2021, the LTO commits that all its offices nationwide will be issuing licenses with a 10-year validity,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Miyerkules.

 

Sinimulan ng LTO noong Oktubre 28 ang pag- roll out sa bagong driver’s license na balido par sa 10 taon sa kanilang licensing offices sa Quezon City.

 

“The rest of the offices in the NCR (National Capital Region) shall start issuance of the same in November 2021, to be followed by all other regions progressively,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Aniya, magiging hassle-free na para sa mga motorista na makakuha ng driver’s license sa bansa.

 

“Ang lisensiya ng ating mga [motorist] sa driving sa lahat is good for 10 years. Wala nang renewal-renewal na madalian. You have 10 years to drive. Baka hindi mo maubos ‘yang period na ‘yan sa driving. Ten years is a… It’s a long haul,” ayon sa Chief Executive.

 

Matatandaang Agosto 2, 2017, tinintahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act (RA) 10930 na nag-amiyenda sa Land Transportation and Traffic Code na “establish a system that promotes the ease of access to government services and efficient transportation regulation favorable to the people.”

 

Pinalawig ng RA 10930 ang validity period ng mga lisensiya mula 5 taon hanggang 10 taon mula sa nagdaang tatlong taon para sa mga drivers na walang violations.

 

Sa pag-renew ng driver’s license, ang mga motorista ay required na kumuha ng comprehensive driver’s education program (CDEP) exam.

 

Ang mga motorista na lalabag sa traffic rules ay kailangan na kumuha ng karagdagang CDEP reviewers.

 

“On Tuesday, the LTO said the exam and educational materials that are part of the CDEP can be accessed cost-free through the LTO”s Land Transportation Management System website portal lto.gov.ph. ,” ayon sa ulat. (Daris Jose)

JED, sobrang nakaka-relate sa pinagdaanan ng ‘BTS’ bago sila naging global superstars; nakaranas din ng anxiety attacks

Posted on: November 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGING open ang singer na si Jed Madela tungkol sa naranasan niyang anxiety noong magkaroon ng COVID-19 pandemic.

 

 

Sa naging panayam niya sa vlog ni Ogie Diaz, kinuwestiyon ni Jed ang sarili kung hinahanap-hanap pa ba siya ng maraming tao at kung may career pa ba siyang puwedeng matawag?

 

 

“Ang daming questions sa isip ko minsan. Most of the time, lumalabas ‘yan lahat ng gabi or pagpahinga na. 

 

 

“So ang dami kong naiisip at tinatanong sa sarili ko. Am I still wanted? Am I still relevant in this business? Do people want to hear me sing?

 

 

“Napo-post ko ‘tong mga bagay na ‘to because it is also a cry for help. It is also a call sa mga taong nakakaintindi sa ‘kin or nakakakilala sa ‘kin to let them know na I’m not doing okay,” diin ni Jed.

 

 

Dahil sa nangyaring pandemya at nagsusulputan na ang maraming bago at mas batang singers, nagdududa na raw si Jed sa kanyang career kaya nagiging emotional siya paminsan-minsan.

 

 

Kaya dinadaan na lang ni Jed ang kanyang paglabas ng nararamdaman sa pamamagitan nang pag-awit na pino-post niya sa social media.

 

 

“I want people to see that I am also human. Kasi minsan ang nakikita nila sa celebrities akala nila… untouchables, a perfect life. But it’s not eh. Nobody has a perfect life. It is showing the people that pare-pareho tayo ng pinagdadaanan.    

 

 

When people see me online, that’s the real Jed Madela that they see. Hindi ‘yung nakikita nila sa ‘ASAP.’ Hindi ‘yung nakikita nila sa mga shows. The real Jed that you see is the one that you see in unexpected times online,” saad pa niya.

 

 

Nagpatingin na raw si Jed sa isang doktor tungkol sa kanyang anxiety attacks.

 

 

“I already had myself checked. My doctor told me, everybody goes through these situations. It just so happened na masyadong nama-magnified sa atin kasi nasa entertainment industry. What’s important about it is you acknowledge it.

 

 

Kaya ako hindi ako nahihiyang sabihin na I have anxiety issues. If you have something like that, it’s nothing to be ashamed of. Kailangan mo talaga humingi ng tulong.”

 

 

Isa raw sa nakatulong sa anxiety ni Jed ay ang paghanga siya sa Korean boy group na BTS. Naging isang BTS Army na raw na raw siya dahil sa pagkolekta niya ng merchandise ng BTS.    Sobra raw siyang nakaka-relate sa pinagdaanan ng BTS bago sila naging global superstars.

 

 

“Yung BTS helped a lot din because ‘yung relatability, becaue ‘yung ginagawa natin ngayon people will see how people will relate to us na nakikita nila on TV, na ‘di pala lumalayo ‘yung pinagdadaanan natin. They started from walang-wala. Na sila mismo ‘yung nagbebenta ng sarili nila. Sila ang naglalako ng flyers nila.   “And I saw myself in that. Dati magmo-mall show ako, minsan walang manonood kasi ‘di naman ako kilala. Before ako mag-mall show, mag-iikot muna kami mamimigay ng flyers para may manood. Doon nakita ko ‘yung pingdaanan ng BTS na from nobody until they became a huge name in the industry.”

 

 

***

 

 

WANTED sa NBI ang dating Kapuso actor at contestant ng Survivor Philippines season 1 na si Jace Flores at ang partner nito dahil sa kasong estafa.

 

 

Ayon sa exclusive na ulat ni Emil Sumangil, nagbenta ng umano’y pekeng relo at nagsanla rin daw ng umano’y nakaw na sasakyan ang dalawa.

 

 

Noong Hulyo, ibinenta raw ni Flores (Reynaldo ‘Jace’ Chanco Flores sa tunay na buhay) at ng kanyang partner na si Doriz May Santos kay Jessie Reyes Gay, isang casino financier, ang isang mamahaling relo.

 

 

Kuwento ni Gay, binenta sa kanya ang Swiss watch na Audemars Piguet sa halagang P300,000 lamang. Ito ay may market price na P3 million.

 

 

“Ang usapan namin diyan, dapat una pa lang, ipapa-legit check muna namin bago bayaran, bago namin kunin. Pero dahil nagtiwala agad kami, eh sabi ko mukhang hindi naman gagawa ng kalokohan, kinuha na namin,” saad ni Gay.

 

 

Dinala ni Gay ang relo sa authorized service center upang malaman kung tunay nga ito.

 

 

“Actually nagbayad pa kami doon sa authorized service center ng P3,000 to check kung legit or fake. Pagtingin pa lang noong sa store, alam na agad na fake.

 

 

“Parang binuhusan ako ng ano eh. Sumama ‘yung loob ko siyempre. Bakit nila nagawa ‘yon?”

 

 

Nagsampa na ng kasong estafa si Gay sa NBI laban kina Flores at Santos.

 

 

Payo naman ng watch collector na si Rino Uy, dapat ipinapasuri ang mga relo sa mga authorized service center lalo na kung ang mga ito ay segunda mano bago bilhin.

 

 

Ang OFW na si Anna Marie Margarejo, isang dealer ng mga alahas at relo sa Singapore, ay nagsampa na rin ng reklamo laban sa dalawa.

 

 

Kuwento ni Margarejo, kinunan siya ng mga suspek ng pares ng Rolex na relo na nagkakahalagang halos P500,000.

 

 

Matapos makapag-downpayment ng P100,000 ay hindi na raw nagpakita ang mga suspek.

 

 

Naging biktima rin umano ang talent manager na si Len Carillo. Ayon kay Carillo, sinanlaan daw siya ng SUV na mga suspek.

 

 

Saka na lang niya nalaman na nakaw pala ang SUV na isinanla sa kanya.

 

 

Pinaghahanap na si Flores at Santos dahil hindi na sila hindi ma-contact sa kanilang numbers.

 

 

Naglabas ng statement ang GMA Artist Center na matagal nang walang kontrata si Flores sa kanila. Taong 2013 pa raw nagtapos ang kontrata nito sa naturang artists management.

 

 

***

 

 

MUKHANG may bagong boylet ang reality TV star na si Kim Kardashian at ito ay ang SNL (Saturday Night Live) comedian na si Pete Davidson.

 

 

Ayon sa TMZ, nag-arrange ng dinner si Davidson para kay Kim sa Italian restaurant na Campania sa Staten Island. Sa rooftop ng naturang resto sila nag-dinner para meron silang privacy.

 

 

Unang namataan sina Kim at Pete noong mag-Halloween weekend sila sa Knott’s Scary Farm kunsaan magka-holding hands pa sila noong sumakay sila ng roller coaster sa Buena Park, California

 

 

Sa naging report ng TMZ, friends lang daw sina Kim at Pete. Hindi raw sila nag-date dahil may mga kasama silang mga friends noong weekend na iyon tulad ng sister ni Kim na si Kourtney Kardashian kasama ang fiance na si Travis Barker. Kasama rin nila ang singer na si Harry Hudson at ang assistant ni Kim na si Stephanie Shepherd.

 

 

Nagsimula raw ang friendship nila Kim at Pete pagkatapos na magkaroon sila ng kissing scene sa Aladdin sketch ng SNL noong maging host si Kim ng SNL kamakailan.

 

 

Nasa gitna ng isang divorce si Kim with ex-husband Kanye West a.k.a. Ye, kaya hanggang friends lang daw sila ni Pete na 14 years ang age gap nila. Kim is 41 at 27 naman si Pete.

 

 

Ex-fiance ni Pete ang singer na si Ariana Grande at dati niyang naging girlfriend ang Bridgerton star na si Phoebe Dynevo, ang writer na si Cazzie David, ang 20-year old model na anak ni Cindy Crawford na si Kaia Gerber, at ang 48-year old English actress na si Kate Beckinsale.

(RUEL J. MENDOZA)

Pinas, target na maiturok ang 1M jabs kada araw simula Nobyembre 20

Posted on: November 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng national government na maiturok ang isang milyon hanggang 1.5 milyon ng COVID-19 vaccine doses sa isang araw simula Nobyembre 20.

 

Ayon kay Philippine vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules na target ng gobyerno na maiturok ang 15 milyong doses ng COVID-19 vaccines bago matapos ang Nobyembre.

 

Para makamit ang target, sinabi ni Galvez na kailangan ang karagdagang vaccination sites, utilizing malls, universities, schools, gyms, camps at function halls ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

 

Ang mga hospital healthcare workers ay kailangan na mabigyan ng booster shots bago matapos ang buwan.

 

May ilang rehiyon, kabilang na Regions IV-A at III, ang dapat na 50% vaccination rate bago matapos ang buwang kasalukuyan. (Daris Jose)

Pinas, malapit na sa target na bakunahan ang 50% ng populasyon- PDu30

Posted on: November 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“On track” ang Pilipinas na makamit ang target nito na bakunahan ang 50% ng general population bago matapos ang taon.

 

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, Miyerkules ng umaga ang tagumpay ng pamahalaan na makamit ang nilalayon nito na makapagturok ng 55 milyong doses ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccine noong Oktubre.

 

Para sa Pangulo, ang tagumpay ng pinaigting na vaccination drive ng gobyerno ay dahil sa delivery ng Covid-19 vaccines na “came in droves.”

 

“I am happy to report that we exceeded our target of 55 million doses to be administered in October,” ayon sa Pangulo.

 

“As of Tuesday, a total of 60,406,424 Covid-19 vaccine shots have been administered nationwide, according to the government’s National Covid-19 Vaccination Dashboard uploaded on the official website of the Department of Health,” ayon sa ulat.

 

Tinatayang 27,749,809 indibidwal ang fully vaccinated, habang 32,656,615 iba pa ay nakatanggap naman ng kanilang first vaccine jab.

 

Kumpiyansa naman si Pangulong Duterte na makakamit ng gobyerno ang population protection bago matapos ang taon.

 

“Around 35.5 percent of the target population have already been fully vaccinated which puts us well on our way to achieving the target of at least 50 percent by the end of the year,” aniya pa rin. (Daris Jose)