ISA sa mga hit Korean movie ang More Than Blue noong ipinalabas ito ng 2019 na ngayon ay binibigyan ng Pinoy adaptation ng Viva Films at mapapanood na sa Vivamax simula sa November 19.
Kung sa Korean, sina Kwon Sang Woo at Lee Bo Young ang nagbida, dito sa Pinoy adaptation ay sina JC Santos at Yassi Pressman.
Para kay Yassi, isa ito sa pinaka-proud siyang project at sey niya rin, matagal na rin daw itong pina-plano na ngayon ngang pandemic na ikasa na.
All praises din kay Yassi ang writer ng movie na si Mel del Rosario at ang director nito na si Nuel Naval, lalo na kapag nakikita nga nila ang malaking maturity ni Yassi ngayon bilang isang actress.
Very grateful naman si Yassi sa buong production na kahit daw mahigit sampung araw lang silang nag-shoot, very proud ito sa quality ng ginawa nila.
Personally naman, nanghihinayang kami na base sa trailer, pang-big theater sana ito at mas masarap panoorin sa mga sinehan. Though ‘yun lang, kahit na allowed na at operational na ang ilang cinemas, aminin na marami pa rin ang takot at mas pinipili pa rin na sa online na lang manood.
Kaya sa hindi pa nakakapag-download ng Vivamax, download na para mapanood na ang More Than Blue at iba pang Viva movies.
***
INAMIN ni Mikoy Morales na dumadaan din siya sa insecurities.
Na there was a point in his career na inisip din niyang huminto na. Napaisip din kung worth daw ba na ginib-up niya ang pag-aaral sa pag-artista.
Actually, kung may isa kaming naa-appreciate kay Mikoy, ito ang pagiging honest niya palagi sa mga sagot niya. Since magka-contemporary sila ni Ruru Madrid sa Protégé noon at given na magkaiba ang tinatahak ng career nila, may time raw na he got insecured with Ruru.
Pero malaking bagay raw na ngayong magkasama sila sa isa sa much-anticipated series ng GMA-7, ang Lolong na nakapag-usap sila at mas clear sa kanya ang lahat ngayon.
Very grateful ito sa GMA-7 dahil sa muling pagre-renew ng kontrata niya. At para kay Mikoy, ang Pepito Manaloto raw talaga ang nag-save sa kanya and started it all, since from a drama actor, nadiskubre nga niya ang talent niya sa comedy. Nasundan na ito ng pagiging mainstay niya sa Bubble Gang.
At kasama rin siya sa VIVA movie na Mang Jose.
***
NAKALULULA naman pala ang talent fee ng isang sikat na celebrity na may milyon subscribers sa kanyang You Tube account.
Aba, kahit nga pala hindi na masyadong gumawa ng mga TV shows or movies, e, buhay na buhay ito sa kinikita pa lang sa kanyang You Tube.
Napag-alaman namin na ang mga ads insertion lang na tatagal ng halos 3 to 5 minutes ay nasa 3 million na ang t.f. ng celebrity!
‘Yun ay kita pa lang niya sa ads, wala pa ang milyon na kinikita nito sa mga views at iba pang ads na provided ng YouTube.
Pero bilib kami sa celebrity na ito. Dahil nga milyon ang subscribers, napakarami na ng mga politician, may presidentiable at senators, pati party list ang lumalapit para mai-features sa vlog niya.
Magalang naman daw na tumatanggi ang celebrity kahit kayo na ang mag-math o accounting kung ilang milyon pa lalo ang pwede niyang kitain, if nag-a-aacept siya ng mga pulitiko o mga tumatakbo.
Obviously, ayaw mabahiran ng celebrity ng kulay pulitika ang kanyang very precious vlog.
(ROSE GARCIA)