• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 30th, 2021

Pagkakasama ng Hongkong sa pansamantalang suspensyon ng inbound international flights, hindi pa pinal- NTF

Posted on: November 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pinal ang pagkakasama ng Hong Kong Flights bilang bahagi ng pansamamtalang suspensyon ng inbound international flights dahil sa umusbong na Omicron variant.

 

Ito ang nilinaw ng National Task Force (NTF).

 

Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na hinihintay pa nila ang magiging anunsyo ng Inter-Agency Task Force ( IATF) kasunod ng pinal na rekumendasyon mula sa Technical Working Group on COVID-19 Variants and other agencies.

 

“The Government through favorable recommendations of the Department of Health (DOH) will work to ensure timely adoption of preemptive measures to prevent or delay the entry of new variants which have the potential for undermining public health,” ayon kay Nograles.

 

Hangga’t wala pang pormal na anunsyo mula sa IATF, ang HK flights ay papayagan pa rin.

 

Humingi naman ng paumanhin si Nograles para sa kalituhan dahil sa naunang anunsyo.

 

Nauna rito, kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na inirekomenda na ng Department of Health (DOH) ang pagba-ban o pagbabawal muna sa mga biyahero mula sa Hong Kong na makapasok sa Pilipinas, kasunod na rin nang deteksiyon sa naturang teritoryo ng B.1.1.529 o omicron coronavirus variant, na idineklara na ng World Health Organization (WHO) bilang isang ‘variant of concern.’

 

Ayon kay Duque, lumiham na sila kay Executive Secretary Salvador Medialdea upang maaksyunan ito kaagad upang matiyak na hindi makakapasok sa bansa ang naturang bagong COVID-19 variant.

 

“Yes. Ikinokonsidera na rin ‘yan. Kaya nga sumulat na kami, nag-rekomenda kami kay Executive Secretary [Salvador Medialdea] na kung puwedeng maaksyunan ito agad para makasiguro tayo na hindi makapasok ito,” pahayag pa ni Duque, sa panayam sa radyo at telebisyon nitong Sabado.

 

Nabatid na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pansamantalang suspensiyon ng inbound international flights mula sa South Africa, Botswana, at iba pang bansa na may lokal na kaso o nakitaan ng B.1.1.529 (Omicron) variant, ilang linggo na lamang bago ang panahon ng Kapaskuhan.

 

Sinabi ni Duque na kailangang kaagad itong tugunan lalo na ngayong nalalapit na ang panahon ng kapaskuhan at inaasahang maraming Pinoy mula sa iba’t ibang bansa ang mag-uuwian sa Pilipinas.

 

Umaasa naman aniya siya na makakatanggap sila ng agarang tugon mula sa pamahalaan hinggil sa kanilang rekomendasyon.

 

“Kailangan talagang tugunan ito dahil hindi naman ito karaniwang panahon, ito ay Christmas season. Kinakailangan talaga na pag-aralan itong maigi. Hopefully within the morning we can get some answers,” aniya pa.

 

Inaantabayanan na rin ng DOH ang inamiyendahang rekomendasyon ng IATF ngayong araw na ito.

 

“Yes it was upon my prodding of IATF members to ban travelers from select African countries and also now our experts’ group will amend yesterday’s recommendation for Hong Kong given the recent declaration by the WHO of the B.1.1.529 as a variant of concern and that we have many OFWs who would want to come home for Christmas. I am awaiting their new recommendation which will be for approval by the office of the Executive Secretary,” aniya pa.

 

Aminado rin naman si Duque na kung makakapasok sa bansa ang naturang bagong COVID-19 variant of concern ay mayroong posibilidad na mabago ang kasalukuyang nakikitang downward trend ng COVID-19 sa bansa.

 

“Posibleng magbago, kasi titingnan natin kung ito nga ba ay peligroso. So mag-iingat tayo. Ano ba ang tamang pag-iingat? Kasama riyan ang mas mahigpit na international border controls,” aniya pa. (Daris Jose)

PDu30, itinalaga si Vince Dizon bilang presidential adviser for COVID-19 response

Posted on: November 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vince Dizon bilang presidential adviser for COVID-19 response.

 

Ito’y batay na rin sa mga larawan na ipinalabas ng Malakanyang, araw ng Biyernes.

 

Kasama ni Dizon ang kanyang pamilya na nanumpa sa harap ni Pangulong Duterte, araw ng Martes.

 

Ang appointment ni Dizon ay matapos na iulat ni political strategist Lito Banayo na tumutulong ang nasabing Cabinet official sa political campaign ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno.

 

Gayunman, itinanggi ni Dizon na bahagi siya sa kahit na anumang political campaign, nakatuon ang kanyang pansin sa COVID-19 response ng gobyerno kabilang na ang vaccination program ng bansa.

 

Binanggit ni Banayo na naiintindihan nila ang mahalagang gampanin ni Dizon sa gobyerno para tugunan ang pandemiya.

 

“We support his efforts even as we will welcome him in our team eventually,” ayon kay Banayo.

 

Si Dizon ay nagsilbi noon bilang presidente ng Bases Conversion and Development Authority.  (Daris Jose)

Iligal na pinutol na mga troso, nasabat sa isang operasyon sa Bulacan

Posted on: November 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Nasabat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) ang 33 piraso ng mga pinutol na iligal na troso sa isang operasyon na pinangunahan ng Provincial Anti-Illegal Logging Task Force (PAILTF) sa Sitio Balikiran, Brgy. Kabayunan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan noong Nobyembre 18, 2021.

 

 

Ayon sa composite team, agad na tumakas ang mga suspek sa lugar kung saan ang mga nakumpiskang troso ng red at lauan tree species na may sukat na 562.99 board feet na tinatayang nagkakahalaga ng P28,150 ay winasak sa mismong lugar.

 

 

Sa kabilang banda, natukoy ngayong taon ng CENRO-Baliwag ang 38 na indibidwal na nasa ilalim ng imbestigasyon dahil sa pagkakasangkot bilang financiers ng illegal logging kung saan sila ay sasampahan ng mga kasong kriminal alinsunod sa Executive Order No. 23, Declaring the Moratorium on the Cutting and Harvesting of Timber in the Natural and Residual Forests, and Section 68 of Presidential Decree 705 as amended by Republic Act 7161 or the Revised Forestry Code of the Philippine.

 

 

Sinabi naman ni Gobernador Daniel R. Fernando na ipagpapatuloy ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang kampanya upang matigil ang illegal forestry activities sa lalawigan.

 

 

“Layunin natin na palakasin pa ang mga hakbang at istratehiya upang mapangalagaan at mapanatili pa natin ang mga kagubatan dito sa ating lalawigan . Sa pakikipag-ugnayan sa iba pang mga law enforcement agencies, gagawin natin ang mga nararapat na aksyon upang matigil na ang mga ilegal na aktibidad gaya ng timber poaching, illegal cutting, charcoal-making at iba pa na nakasisira sa ating likas na yaman,” anang gobernador.

 

 

Inilunsad ang forest protection work at operation sa pagtutulungan ng BENRO, Angat Watershed Area Team of the National Power Corporation at 70th Infantry Battalion of the Philippine Army. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Ads November 30, 2021

Posted on: November 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DOTr: Hiniling na isama ang bike lanes sa Google maps

Posted on: November 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinihiling ng Department of Transportation (DOTr) na isama ang mga bike lanes sa dashboard ng kilalang real-time navigation app na Google Maps upang matulungan ang mga seklista sa kanilang paglalakbay.

 

 

 

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang DOTr sa Google tungkol sa kanilang hiling na isama ang mga bike lanes sa Google maps.

 

 

 

“We have asked Google to consider this suggestion a priority, considering the increasing number of Filipinos using bicycles. We are confident that we can win their support this time,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

 

Naniniwala si Tugade na susuportuhan ng Google ang kanilang kahilingan sapagkat ang Google ay isa sa mga nagbibigay ng tulong sa aktibong transportasyon sa bansa.

 

 

 

“This will be a good innovation for Google Maps considering that may Filipinos are using bikes as a mode of transportation, which bring significant health and environmental benefits, especially during this pandamec,” saad ni Tugade.

 

 

 

Ayon naman sa Google sila ay makikipagtulungan sa DOTr upang malaman pa ang mga paraan upang ang mapping service ay mas makatulong pa sa mga Filipinos.

 

 

 

“Google Maps helps people navigate and get things done everyday,” wika ng Google sa isang pahayag nito.

 

 

 

Noong nakaraang taon, ang Google ay mas pinaganda ang kanilang app upang makita ang mga routes at schedules ng free shuttle na dumadaan sa mga lansangan ng Metro Manila habang nagpapatupad ng enhanced community quarantine. Kasama rin sa app ang mga lokasyon ng COVID-19 testing centers.

 

 

 

Nang nakalipas na July, ang DOTr ay nakumpleto na ang bike lane network na may habang 500 kilometers sa mga metropolitan cities sa buong bansa. Ang mga bicycle lanes sa Metro Manila ay may habang 313.12 kilometers, Metro Cebu ay 129.47 kilometers at ang Metro Davao naman ay may 54.74 kilometers.

 

 

 

Ang mga bike lanes na inilagay ay may mga pavement markings, physical separators, solar-powered road studs, thermoplastic paint, road signages at bicycle racks.

 

 

 

Nagkakahalaga ng kabuohang P1.09 billion ang nagastos sa tatlong (3) nasabing proyekto na kinuha sa Bayanihan bike lane networks.

 

 

 

“Under the Bayanihan to Recover as One Act, the promotion of active transportation was strengthened through the declaration of bicycles as additional mode of transportation and the provision of funding to support the establishment of bike lane networks,” dagdag ng DOTr.

 

 

 

Samantala, pinaalalahanan naman ni Mayor Joy Belmonte ang mga seklista na gumamit ng kanilang mga helmets at sumunod sa mga health protocols upang masiguro ang kanilang kaligtasan sa daan.

 

 

 

Sa Quezon City, may karampatang multa ang mahuhuling hindi sumusunod sa mga batas tungkol sa bike helmet. Ang mga mahuhuli ay magbabayad ng P300 sa unang offense, P500 sa ikalawang offense, at sa ikatlong offense ay P1,000. LASACMAR

Omicron Variant: 14 bansa inilagay ng IATF sa ilalim ng ‘Red List’

Posted on: November 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nadagdagan ng pito ang bilang ng mga bansa na kasalukuyang napapabilang sa Red List sa harap ng banta ng COVID-19 Omicron variant, pero hindi pa rin kasama rito ang Hong Kong na mayroon nang kumpirmadong “local case” ng mas nakakahawang variant na ito.

 

 

Ayon kay acting spokesperson Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, inaprubahan na ngayong araw ng Linggo ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagkakasama ng Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy sa Red List simula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 15, 2021.

 

 

Bukod pa ang mga bansang ito sa South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique na nauna nang nailagay sa Red List category.

 

 

Ipinagbabawal muna sa ngayon ang lahat ng mga inbound international travel ng mga tao, anuman ang kanilang vaccination status, na magmumula o galing sa Red List countries/jurisdictions/territories sa nakalipas na 14 araw.

 

 

Tanging ang mga Pilipinong pabalik sa bansa sa pamamagitan ng government-initiated o non-government-initiated repatriation at Bayanihan Flighst ang papayagang makapasok sa Pilipinas pero sila ay subject sa entry, testing, at quarantine protocols para sa mga Red List countries.

 

 

Samantala, ang mga pasahero namang papunta na sa Pilipinas pero nanggaling sa Red List countries sa nakalipas na 14, na darating sa bansa bago mag alas-12:01 ng Nobyembre 30 ng madaling araw, ay papayagan pa rin namang makapasok.

 

 

Subalit kailangan silang sumailalim sa facility-based quarantine sa loob ng 14 araw, kung saan sa pang-pitong araw ay kailangan din nilang sumailalim sa testing.

 

 

Para sa mga kasalukuyang naka-quarantine na makalipas na dumating sa Pilipinas, sinabi ng IATF na kailangan nilang tapusin ang kanilang period of quarantine.

 

 

Sa kaso naman ng mga pasahero na dadaan lang sa mga bansang pasok sa Red List ay hindi ikokonsidera bilang nanggaling sa naturang mga bansa kung sila ay nanatili lamang sa airport sa maiksing oras.

 

 

Sa kabilang dako, inaprubahan naman din ng IATF ang temporary suspension ng testing at quarantine protocols para sa mga bansang pasok sa Green List simula ngayong araw hanggang Disyembre 15.

 

 

Para sa galing sa mga Yellow List, kailangan pa rin ang pagsasailalim sa testing at quarantine protocols.

 

 

Inaprubahan na rin ng IATF ngayong araw ang temporary suspension ng IATF Resolution No. 150-A (s.2021), na tumutukoy sa pagpapasok ng mga fully vaccinated nang foreign national mula sa mga non-visa required countries.

 

 

Dahil sa banta ng Omicron, na kinukonsidera nang variant of concern, kinalampag ng IATF ang mga local government units na palakasin pa lalo ang kanilang active case finding, case surveillance, at paggamit ng RT-PCR testing upang sa gayon ay maidaan sa whole-genome sequencing ang mga samples na makokolekta.

 

 

Inaatasan naman ang Regional Epidemiology and Surveillance Units ang pagkakaroon ng targeted selection ng mga samples, at pinaparesolba rin sa kanila ang bumababang bilang ng mga laboratoryo at rehiyon na nagsusumite ng datos.

 

 

Pinapatukoy din ng IATF sa Bureau of Quaratine, DILG at LGUs ang pagkakakilanlan at lokasyon ng mga pasahero na duamating sa nakalipas na 14 araw mula sa mga bansang pasok sa Red List.

 

 

Pinahahanda rin ang Department of Health sa posibleng pagtaas naman ng COVID-19 cases sa mga susunod na araw dahil sa Omicron variant. (Daris Jose)

SSS 13th month at December pensions, matatanggap na sa susunod na linggo

Posted on: November 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inihayag ng Social Security System (SSS) na matatanggap na ng kanilang milyon-milyong pensiyonado ang kanilang 13th month at 2021 December pensions sa unang linggo ng susunod na buwan.

 

 

Sinabi ni SSS president at CEO Aurora Ignacio, kabuuang P27.5 bilyon ang ire-release na halaga ng SSS para sa 2021 December at 13th month pensions ng 3.14 milyong pensiyonado nito.

 

 

Gagawin ng kagawaran ang pag-release ng pensions sa mga pensiyonado na gumagamit ng Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESOnet), mga bangko o e-wallets, remittance transfer companies o cash payout outlets mula Dec. 1-4.

 

 

Para naman sa mga pensiyonadong gumagamit ng non-PESONet participating bank, ang kanilang 2021 December at 13th month pensions ay maike-credit sa kanilang account ng hindi lalampas ng Dec. 4.

 

 

Sa ngayon, nakipag-ugnayan na rin ang kagawaran sa Philippine Postal Corporation para mapabilis ang paghatid ng 2021 December at 13th month pensions ng mga pensiyonadong gumagamit ng tseke sa pagtanggap nito.

 

 

Kung maaalala, taong 1988 nang magsimulang magbigay ng 13th month pension ang SSS sa mga pensiyonado nito tuwing Disyembre bilang dagdag regalo para sa Kapaskuhan.

CATCH “RESIDENT EVIL: WELCOME TO RACCOON CITY” IN PH THEATERS DEC 15

Posted on: November 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

UNCOVER the root of all Evil in the action-horror Resident Evil: Welcome to Raccoon City, exclusively in Philippine cinemas starting December 15.

 

 

[Watch the film’s Nightmare Trailer at https://youtu.be/Qu9IgB0yG6k]

 

 

“25 years ago, I walked the dread-filled corridors of the Spencer mansion, then experienced the rain-soaked night surrounding the Raccoon police station,” says writer-director Johannes Roberts, recalling the landmark videogames “Resident Evil” and “Resident Evil 2.”  Now, Roberts calls on those memories to take his fellow “Resident Evil” fans back to the story’s roots with the new film Resident Evil: Welcome to Raccoon City.

 

 

“I come from that generation of the first PlayStation gamers who grew up with the game, although I grew up not so much playing it but watching it. I’ve always been a complete horror freak, so watching other people play it, almost like a movie, was a big part of my student years; the specific sounds the zombies made are indelibly seared onto my soul. Over the last 10 years, I’ve become a big gamer myself and obsessed with ‘Resident Evil.’ The remake of the second game was a major turning point for me in just how cinematic games have become.”

 

 

Created by Shinji Mikami and Tokuro Fujiwara, the first “Resident Evil” computer game was released for the PlayStation by Capcom in 1996. Since then, the game franchise has spawned numerous sequels, spin-offs, and remakes, and is widely credited with not only influencing the evolution of survival horror and third-person games, but helping make zombies popular again. Twenty-five years later, “Resident Evil” remains Capcom’s best-selling video game franchise, with 110 million units sold worldwide and expanding into live-action films, animation, television, comic books, novels, even audio dramas.

 

 

Adapted into a film by Constantin Film and writer-director Paul W.S. Anderson, 2002’s Resident Evil was a massive box office hit. The film franchise, starring Milla Jovovich, spawned five sequels, four of which were directed by Anderson. Though it featured several characters from the game, the six films were very loose adaptations.

 

 

When that story came to a close, Constantin Co-President Robert Kulzer saw a way to reboot the franchise by going back to the game’s roots. “The idea was to look at the mythology of the games and go deeper into the events of what happened in them,” he says. “We’d never really done a deep dive into what happened in Raccoon City in 1998, and why the Umbrella Corporation picked it as the place to do these experiments.”

 

 

All the main characters of the early “Resident Evil” games — Chris and Claire Redfield, Jill Valentine, Leon S. Kennedy, Albert Wesker, Chief Brian Irons of the Raccoon City Police Department, Lisa Trevor, and Umbrella scientist William Birkin — would come together at this pivotal moment in Raccoon’s history, as Umbrella is planning to level Raccoon City to cover up its sinister deeds.

 

 

To write and direct Resident Evil: Welcome to Raccoon City, Kulzer approached Roberts, the British filmmaker behind the hugely successful shark thrillers 47 Metres Down and 47 Metres Down: Uncaged as well as the horror movie The Strangers: Prey at Night. Because the original video games had been inspired by classic zombie movies, Roberts felt this new Resident Evil should a be horror film rather than follow in the action vein of the previous film franchise.

 

 

“I wanted it to be scary – to capture the feelings I felt when the game came out in the 90s,” concludes Roberts. “That had never happened before playing a computer game – being genuinely unnerved and terrified.”

 

 

Resident Evil: Welcome to Raccoon City opens in Philippine cinemas December 15. Use the hashtags #ResidentEvil 

 

(ROHN ROMULO)

BBM-SARA UNITEAM, SUPORTADO NG MGA NEGOSYANTE SA CEBU!

Posted on: November 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT 50 negosyante sa Cebu ang pormal na nagpahayag ng suporta sa pagsusulong ng BBM-SARA Uniteam sa isang simpleng seremonya sa Mandaue City, Biyernes ng umaga.

 

 

 

Ang mga negosyante, karamihan ay mula sa small and medium entrepreneurs (SMEs) na naapektuhan at pilit bumabangon sa gitna ng pandemya, ay bumuo ng samahan na tinawag nilang Businessmen ng Bayan Movement of the Philippines (BBM).

 

 

 

Ani Benjie Hortelano, presidente ng BBM, malaki ang kanilang paniniwala na muling sisigla ang ekonomiya sa ilalim ng Marcos administration.

 

 

 

“BBM is rooting for the BBM-SARA Uniteam,” anang grupo na nagsabing sa mga susunod na araw ay aabutin nang mahigit pa sa 1,000 ang kanilang miyembro.

 

 

 

Kaagad nagpasalamat si Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa kanyang mga supporters at sinabing ang nakalipas na ‘unity ride caravan’ na inilunsad noong nagdaang Linggo ay nagpapakita kung ganong nagsama-sama ang lahat sa kahandaan upang ipanalo ang kanyang liderato.

 

 

 

“The caravan was not only a display of support for my candidacy but it was also symbolic because it fosters unity,” pahayag ni Marcos.

 

 

 

Kinilala ng standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang pagkilos ng business sector sa kanyang kandidatura na alam niyang labis ding naapektuhan ng pananalanta ng pandemya.

 

 

 

“I cannot repay you for all your sacrifices by merely expressing my gratitude. Let us continue what we started positively towards unity to enable us to overcome the crisis that we are facing,” ani Marcos.

 

 

 

Kahanga-hanga aniya ang ipinapakitang katatagan ng mga negosyante sa Cebu dahil nakatayo pa rin ang mga ito  kahit na may pandaigdigang problema sa kalusugan.

 

 

 

“Ipagpatuloy natin ang pagkalat ng mensahe natin ng pagkakaisa para tayo’y makaraos dito sa krisis na ito kaya kami ni Inday Sara ay patuloy na nagpapasalamat sa inyo sa inyong pinakitang suporta, sa inyong pag-organisa ng mga movement na ganito at ipagpatuloy natin ito,” ani Marcos.

 

 

 

“Hindi tayo mapapagod. Walang iwanan, walang laglagan. Hindi tayo magkakahiwalay (dahil) magiging matagumpay tayo sa darating na halalan…. sa darating na Mayo,” pahabol pa ni Marcos.

Target sa vaccination drive, ibinaba sa 9 milyon

Posted on: November 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ibinaba sa 9 na milyon ang target na mabakuna­han sa National Vaccination Days dahil sa kakulangan sa gamit partikular ng gagamiting karayom.

 

 

Nauna rito, itinakda sa 15 milyon ang target na mabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination Days na magsisimula sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

 

 

Nagkaroon ng pagbabago sa target matapos konsultahin ng National Task Force Against COVID-19 at National Vaccination Operations Center ang mga lokal na lider ng mga probinsiya, siyudad at munisipalidad kabilang ang resource management team.

 

 

Sinabi nina NTF Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at Presidential Adviser for COVID-19 Response at NTF Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon sa isang joint statement na habang isinasapinal ang malawakang paghahanda para sa bakunahan sa 16 na rehiyon sa labas ng Metro Manila, ay may kakulangan sa suplay lalo ng hiringilya.

 

 

“As we are finali­zing the preparations for this massive movement across the 16 regions outside Metro Manila, there is currently a shor­tage in ancillary supplies, particularly syringes for the Pfizer-BioNTech vaccines and other logistical challenges,” nakasaad sa statement.

 

 

Ayon pa sa statement, na-delay ang nakatakdang shipment ng biniling sulpay sa pamamagitan ng UNICEF dahil sa nangyayaring global shortage.

 

 

Samantala, sinabi ng NTF at NVOC na muling magsasagawa ng tatlong araw na National Vaccination Days mula Disyembre 15-17 upang matupad ang target na 54 milyong Filipino na mababakunahan bago matapos ang taon. (Gene Adsuara)