• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 1st, 2021

Kelvin, nag-react sa pagiging ‘Kapuso Drama Prince pero happy sa binibigay na atensyon

Posted on: December 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MASARAP daw ang handa ngayong Pasko sa bahay nila Kelvin Miranda dahil sa magkakasunod na blessings na dumating sa career niya.

 

 

 

Isa nga sa nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA Artist Center si Kelvin kamakailan at inamin niyang na-overwhelm siya sa pinakitang suporta sa kanya ng Kapuso network.

 

 

 

“First ko po kasi makaranas ng gano’ng contract signing. Yung naglakad ako sa red carpet, ang daming kamera na nakaabang at nasa malaking venue. Ramdam ko agad yung magandang pag-alaga nila sa akin.”

 

 

 

Makokonsidera na top leading man ng GMA si Kelvin dahil naging top rating ang mga pinagbidahan niyang teleserye na The Lost Recipe at Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette. Kaya sinasabing deserve na bigyan ng title na Kapuso Drama Prince si Kelvin.

 

 

 

“Naku po, maraming mas nauna po sa akin. Feeling ko, hindi pa ako deserving sa anumang title. Ang gusto ko pong gawin ay pagbuti ko trabaho ko bilang aktor.”

 

 

 

Ngayong Pasko raw ay maiiba ang Noche Buena sa kanilang bahay dahil maihahain na raw nila ang gusto nilang kainin.

 

 

 

“Noon po kasi, simple lang yung handa namin. Basta mairaos lang ang Pasko at Bagong Taon. Ngayon po kasi, dahil sa mga dumating na biyaya sa atin, yung mga pinapangarap naming ihanda sa lamesa ay magkakatotoo na!” 

 

 

 

***

 

 

 

PUMANAW na ang music theater legend na si Stephen Sondheim sa edad na 91 sa kanyang bahay sa Roxbury, Connecticut.

 

 

Nakilala ang legendary songwriter dahil sa kanyang mga nilikhang mgq awitin para sa mga hit and acclaimed musicals simula pa noong ‘60s hanggang ‘90s.

 

 

Kabilang sa mga naging obra niya ay ang musicals na A Funny Thing Happened On The Way To The Forum, Company, Follies, Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street, A Little Night Music, Pacific Overtures, Sunday in the Park with George, Into The Woods at Gypsy.

 

 

Nanalo ng 9 Tony Awards and a Lifetime Achievement Tony, Grammy Awards, a Pulitzer Prize, an Academy Award, a Laurence Olivier Award at Presidential Medal of Freedom in 2015. Pinangalan din sa kanya ang theatre sa Broadway at West End.

 

 

An HBO documentary directed by Lapine, title Six By Sondheim, aired in 2013.

 

 

Ilan celebritied na nagbigay pugay kay Sondheim ay sina Barbra Streisand, Meryl Streep, Angela Lansbury, Lin-Manuel Miranda, Nathan Lane, Bernadette Peters, Patti LuPone, Ben Platt, Madonna, Jason Alexander, Sutton Foster, Josh Groban, Mandy Patinkin, Christine Baranski at Steven Spielberg. 

(RUEL J. MENDOZA)

Kapag naging Pangulo: Mayor ISKO, pipirmahan ang new franchise ng ABS-CBN ‘pag inaprubahan ng Kongreso

Posted on: December 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUNG sakaling mag-apply muli ng franchise ang ABS-CBN at maaprubahan ito ng Kongreso, tiyak na pipirmahan ito ni Manila Mayor Isko Moreno if ever siya ang mahalal na susunod na pangulo ng bansa.

 

 

“Kasama sa priority ko ang mabigyan ng trabaho ang mga tao so if ever maaprubahan sa Kongreso ang bagong franchise ang ABS-CBN, I will sign it. Doing so means we are giving jobs to 11,000 people na nawalan ng trabaho,” wika ni Isko sa presscon ng film bio niyang Yorme: The Isko Domagoso Story na ginanap sa Max’s Scout Tuazon sa Quezon City.

 

 

Gusto rin ni Isko na suportahan ng gobyerno ang local entertainment industry para muli itong sumigla at maka-generate ng trabaho para sa mga workers na who lost their jobs during the pandemic.

 

 

“Maganda na tulungan ng gobyerno ang entertainment sector dahil isa itong malaking industry na pwedeng magbigay ng income sa ating lahat,” sabi pa ni Isko.

 

 

Kung nagawa raw ng Korea na suportahan ang kanilang entertainment industry para ito’y makilala at sumikat sa ibang bansa, kanya rin itong gawin ng mga Pilipino.

 

 

“We are not lacking in talent. Marami tayong mahuhusay na actors and actresses. Mahusay din ang ating mga craftsmen. Ang kailangan lan nila ay ample support sa gobyerno.”

 

 

Hinihikayat ni Isko ang mga Pilipino na panoorin ang kanyang bio-pic to serve as an inspiration sa mga tao.

 

 

     “Mahirap ang aking pinagdaanan sa buhay pero nagsumikap ako at nag-aral para maabot ang aking pangarap. Kaya din itong gawin ng kahit sino sa atin, basta maging masipag tayo. Libre lang naman ang mangarap pero samahan mo ng dasal at pagsisikap.”

 

 

Palabas na sa December 1 sa mga sinehan ang Yorme: The Isko Domagoso Story, mula sa direksiyon ni Joven Tan. Bida rito sina Raikko Mateo, McCoy de Leon at Xian Lim. Produced by Saranggola Media Productions and distributed by Viva Films.

 

 

Ito ang unang Pinoy film na ipalalabas sa mga sinehan ngayong pandemya.

 

 

***

 

 

SI Jessy Mendiola ang bagong female endorser ni Cathy Valencia Skin Clinic.

 

 

The contract signing was held last week sa sosyal na Manila House Private Club sa BGC.

 

 

Kasabay ng pagpirma ng kontrata ni Jessy ay ang birthday celebration na Ms. Cathy Valencia na dinaluhan ng mga celebrities. Naroon sina Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, Enzo Pineda, Ellise Joson, McCoy de Leon, James Yap, Ciara Sotto at maraming pang iba.

 

 

Sabi ni Ms. Cathy, natural na raw na maganda si Jessy at wala raw dapat ayusin sa itsura ng misis ni Luis Manzano. Kung sakali may concern daw si Jessy about her face or her body, ito raw ang bibigyan nila ng pansin.

 

 

Sabi naman ni Jessy, she wants to do something about her arms.

 

 

Sabi pa ni Ms. Cathy, unless it is really necessary to do any procedure, mas gusto niya na ma-enhance lang ang beauty ng isang client. Hindi niya nirerekomenda sa client to undergo a certain procedure.

 

 

Kaya for Jessy, mas gusto niya to enhance her natural beauty.

(RICKY CALDERON)

Ads December 1, 2021

Posted on: December 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAJA, ‘di pa pinag-iisipan kung tuluyan nang magiging Kapuso

Posted on: December 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING nagtatanong kung hindi pa ba magiging Kapuso si Maja Salvador?  

 

 

Sa ngayon kasi ay napapanood si Maja daily sa Eat Bulaga, may sarili siyang segment doon, ang dance contest na “DC2021: Maja On Stage” na may three days silang live, Thursdays to Saturdays,  na pagkatapos ay nagti-tape naman sila ng three days na ipalalabas nila from Mondays to Wednesdays.

 

 

Pero may show pa rin si Maja, ang teleseryeng Nina, Nino sa TV5, kaya siguro hindi pa siya nag-iisip kung lilipat na siya nang tuluyan sa GMA.

 

 

Busy rin kasi si Maja sa itinayo nilang Crown Artist Management ng boyfriend niyang si Rambo Nunez, na ang first prime talent nila ay si John Lloyd Cruz.  May bago rin siyang endorsement, ang Beautederm.

 

 

Pero gusto ni Maja na dalawin nilang magkakapatid ang Mommy nila na nagtatrabaho sa Canada at ayaw umuwi rito dahil sayang daw ang kinikita niya roon.

 

 

Baka tapusin muna ni Maja ang finals ng dance contest niya sa EB saka sila aalis dahil medyo raw mahirap ang pagpa-process ng papers papuntang Canada, kaya nadi-delay ang pag-alis nila.

 

 

***

 

 

MASAYA na ang mga fans ng mga Kapuso stars na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos dahil natupad na ang wish nilang mapanood na magkatambal na ang kanilang mga idolo sa isang serye sa GMA Network.

 

 

Ngayon ay natupad na ang kanilang wish dahil nag-world premiere na ang first serye nila, ang “Stories From the Heart: Love On Air,” noong Monday, November 29, sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng “Las Hermanas” sa GMA-7.

 

 

Matatandaan na matagal nang naghihintay ang mga fans nila, matapos pansamantala munang na-hold ang isang serye na dapat ay nasimulan nila noong kalilipat pa lamang ni Khalil sa Kapuso Network.  Pero nagpasalamat din sila dahil hindi naman nawalan ng projects ang dalawa dahil madalas silang mag-guest sa ibang shows ng GMA.

 

 

Sa serye, gaganap sina Gabbi at Khalil, bilang mga DJs sa isang radio station, cute couple sana sila bilang sina Wanda at Joseph respectively, pero ano kaya ang mangyayari sa kanila kaya magiging bitter-bitteran si Wanda pagdating sa love?

 

 

Makakasama nila sa cast sina Kate Valdez, Psalms David, Kiray Ceslis, Jason Francisco, Yasser Marta, Anjo Damiles at Sunshine Cruz. 

 

 

***

 

 

MARAMING humanga kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na nagpakita ng husay sa acting nang mag-guest siya sa new episode ng “Wish Ko Lang,” hosted by Vicky Morales last Saturday, November 27.

 

 

Pero bago pa nag-sign ng contract si Rabiya sa GMA Network, at bago siya nag-join ng Miss Universe Pageant, nag-guest host muna siya sa “Eat Bulaga” at sa “All-Out Sundays.”  Nang bumalik siya ng Pilipinas from the pageant, nag-guest at nagpatawa naman si Rabiya sa “The Boobay and Tekla Show,” habang nakikipagkulitan sa mga hosts na sina Boobay at Tekla.

 

 

At last Saturday, ipinakita na ni Rabiya, na kaya niyang makipagsabayang umarte, kasama ng mga guests sa true-to-life stories sa “Wish Ko Lang” na sina Jeric Gonzales, Kim Rodriguez, Sue Prado at Lovely Rivero.

 

 

Si Rabiya rin ang napili ni Sen. Bong Revilla na maging bagong leading lady niya sa pagbabalik ng book two ngaction-fantasy series na  “Agimat Ng Agila” sa January, 2022.

 

 

Ano kaya ang role na gagampanan ni Rabiya sa serye, may gagawin din kaya siyang action scenes tulad ni Sanya Lopez sa first book?

(NORA V. CALDERON)