• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 2nd, 2021

WOODY HARRELSON PLAYS PURE EVIL CARNAGE IN THE “VENOM” SEQUEL

Posted on: December 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AFTER the epic breakup of Eddie Brock (Tom Hardy), and the alien symbiote in Venom: Let There Be Carnage, part of the symbiote leaps into serial killer Cletus Kasady moments before his execution.  Kasady becomes host for Carnage, an even-larger, even-deadlier, and much-more-malevolent spawn of the alien, ruthless and pure evil.

 

 

[Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/NPdyL1NSlto]

 

 

The dual role of Cletus Kasady and Carnage is played by Academy Award-nominated actor Woody Harrelson who director Andy Serkis says “is exceptional in everything he does.”

 

 

“Carnage is who the fans have been waiting for, finally making his big screen debut,” says producer Avi Arad. “He’s Venom’s ultimate adversary, stronger and more violent in every way. It doesn’t help that serial killer Cletus Kasady is Carnage’s host, enhancing his maniacal worldview into something incredibly sinister. In the comics, Carnage is Venom’s offspring – his ‘son,’ if you will – which makes the conflict between them far greater.”

 

 

Kasady – a killer even before gaining Carnage’s powers – doesn’t feel Eddie’s need to try to restrain the symbiote. To stop Carnage, Eddie and Venom will have to find a way to make their relationship work.

 

 

“Cletus is twisted, devious, manipulative, and damaged as anything, but in Woody’s portrayal, you can’t help but love him,” says Serkis. “He could have been just quips and arch, but Woody sits him on a tightrope – a child in one moment, and a deep, dark killer in the next, a real vulnerability underneath it all.”

 

 

“He’s a psychotic killer,” says Harrelson. “He had a nasty upbringing, and now feels compelled to take revenge on the people he felt were responsible for the state he was in.”

 

 

Which means there’s a method of sorts to Cletus’ madness, a driving force that makes him so dangerous. “Even before he meets Eddie, Cletus has a sense that Eddie is going to be a friend – a lifeline, a guy who believes in him,” says Harrelson. Of course, the feeling is all in the mind of the deranged murderer – and when he finds Eddie might not be the friend he’s looking for, Eddie (and Venom) will be on a collision course with Cletus (and Carnage).

 

 

“Woody is one of the coolest people I have ever met,” says Tom Hardy. “As a human being and as an actor, he is just formidable. There is nothing that you can present him with that will shock him; he has an answer, a solution to everything and he has a story to tell. As an artist, he is just wonderful, with such a brilliant, talented playful creative mind, that it’s an absolute joy to work with him.”

 

 

About Venom: Let There Be Carnage

 

 

Tom Hardy returns to the big screen in Venom: Let There Be Carnage as the lethal protector Venom, one of MARVEL’s greatest and most complex characters. Directed by Andy Serkis, the film also stars Michelle Williams, Naomie Harris, Reid Scott, Stephen Graham and Woody Harrelson, in the role of the villain Cletus Kasady/Carnage.

 

 

The screenplay is by Kelly Marcel, story by Tom Hardy & Kelly Marcel, based on the Marvel Comics.

 

 

The film is produced by Avi Arad, Matt Tolmach, Amy Pascal, Kelly Marcel, Tom Hardy and Hutch Parker.

 

 

The executive producers are Barry Waldman, Jonathan Cavendish and Ruben Fleischer.

 

 

In Philippine cinemas December 8, Venom: Let There Be Carnage is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Use the hashtags #Venom #Carnage

PDu30, pinangunahan ang pag- arangkada ng National Vaccination day

Posted on: December 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pag-arangkada ng 3-day national COVID-19 vaccination drive na nagsimula, Nobyembre 29.

 

Sa katunayan, personal na pupuntahan mamayang hapon ni Pangulong Duterte ang isang vaccination site sa bandang South ng Kalakhang Maynila.

 

Bahagi ito ng pakikiisa at partisipasyon ng Pangulo sa tatlong araw na National Vaccination day na tinaguriang Bayanihan, Bakunahan.

 

Sinasabing, isang shopping mall sa Antipolo na dati ng ginawang vaccination site ang pupuntahan ng Punong Ehekutibo mamayang hapon at doon ay inaasahang kakamustahin nito ang itinatakbo ng vaccination sa lugar.

 

Asahang makakasama mamaya ng Punong Ehekutibo ang ilang miyembro ng gabinete.

 

Sa kabilang dako, hindi naman malinaw pa sa ngayon kung sasalang din sa pagbabakuna ang Presidente para sa kanyang booster shot kaugnay ng kanyang dadaluhang event.

 

Ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Seretary Karlo Nograles, nasa personal physician na ng Presidente ang pagpapasya kung kailan ito tuturukan ng booster shot.

MARCOS NAIS DAGDAGAN ANG MGA SUCs SA BANSA

Posted on: December 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Isusulong ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na makapagpatayo pa ng maraming State Universities and Colleges (SUCs) sa mga lalawigan upang mas mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Pilipino na makapag-aral.

 

 

 

Binigyang-diin ni Marcos na kailangang unahin ang edukasyon sa bansa kaya ang pagpapatayo ng dagdag pang mga paaralan ay mas makakatulong upang mapahusay ang kakayahan, kagalingan at kaalaman ng mga mag-aaral.

 

 

 

Ito rin aniya ay magbibigay oportunidad sa mga mahihirap na pamilya upang mapag-aral ang kanilang mga anak nang hindi inaalala ang tumataas na matrikula.

 

 

 

Sa kasalukuyan, may 112 main campuses lamang ang SUCs sa Pilipinas na may kabuuang 421 satellite campuses.

 

 

 

Ang Central Luzon ay may 12 main SUCs;  ang Western Visayas ay may 11 SUCs; may 10 ang Eastern Visayas; siyam sa Bicol region, walo sa NCR, tig-lima hanggang anim sa Zamboanga Peninsula, Ilocos Region, Cagayan Valley, CALABARZON, Central Visayas, Northern Mindanao, MIMAROPA, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Davao Region, apat sa Caraga at tatlo lamang sa Soccsksargen.

 

 

 

Aniya, ang pagpapatayo ng iba’t ibang pampublikong kolehiyo at unibersidad ay makakatulong upang hindi na magsiksikan sa kalunsuran ang mga kababayang nakatira sa kanayunan at mabigyan ang mga mag-aaral sa lalawigan ng oportunidad na makapagtapos sa kolehiyo at maging maunlad sa darating na panahon.

 

 

 

Kinikilala rin ni Marcos ang kagalingan ng mga estudyanteng probinsiyano na madalas na  nasa Top 10 ng anumang board at bar exam.

 

 

 

“Palibhasa mas determinado silang makapagtapos sa pag-aaral kaya dapat talaga tuluy-tuloy ang pagpapatayo ng SUCs sa probinsiya. Tulong man iyan mula sa national o local government,” aniya.

 

 

 

Nagpahayag ng pagkadismaya si Marcos sa P10 billion na tinapyas mula sa P62.3 billion na proposed budget ng Commission on Higher Education.

 

 

 

“How can our country progress if education remains in dire straits because the institutions in charge cannot operate well for lack of budget?” sabi ni Marcos.

 

 

 

Napansin din ni Marcos ang pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral na pumasok lamang sa unang araw ng klase ngunit nag-drop out din sa kalagitnaan ng school year dahil sa problemang pinansyal.

‘Hard’ lockdown vs banta ng Omicron variant, handang ipatupad – PNP

Posted on: December 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakahanda na ang PNP na magpatupad ng hard lockdown kung sakaling ipag-utos ng IATF sa gitna ng banta ng bagong Omicron strain ng Corona virus.

 

 

Ayon kay PNP Chief , hindi na bago ito sa PNP, at mayroon na silang template na katulad noong ginawa noong ipinairal ang pinaka striktong Quarantine sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

Pero dahil aniya sa panahon ng eleksyon, magiging mas-challenging sa PNP na ipatupad ang paghihigpit sa kilos ng tao.

 

 

Dahil hindi aniya maiwasan ang mobilisasyon ng mga supporter ng mga kandidato, possibleng umapela ang PNP sa Commission on Elections na repasuhin ang mga campaign guidelines para mapigilan ang pagkalat ng virus.

 

 

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Roderick Augustus Alba, sa ngayon aniya ay nakikipag-coordinate narin ang PNP sa mga iba’t ibang ahensya na nagbabantay ng entry points ng bansa.

 

 

Ito’y sa gitna ng ipinatupad na paghihigpit ng pamahalaan sa pagpasok sa bansa ng mga tao mula sa mga bansang may kaso ng Omicron variant. (Daris Jose)

Pharmally officials, ‘di bibigyan ng special treatment sa Pasay jail – BJMP

Posted on: December 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang magiging special treatment sa mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina director Linconn Ong at corporate secretary na si Mohit Dargani.

 

 

Ayon kay BJMP spokesman J/Chief Insp. Xavier Solda, ituturing pa rin nilang karaniwang bilanggo ang mga ito.

 

 

Gayunman, inamin ni Solda na isa ang Pasay jail sa mga congested facilities sa buong bansa.

 

 

Kung maaalala noong 2018, may inmate na namatay at anim na iba pa ang naospital dahil sa init na dulot ng siksikan ng mga bilanggo sa naturang kulungan.

 

 

Sa ngayon ay may 1,000 percent congestion rate ang Pasay jail, ngunit wala raw silang magagawa kundi tanggapin ang ipinapasok na mga preso.

 

 

Sina Dargani at Ong ay inaresto ng Senado dahil sa pagtatago umano ng mga impormasyon ukol sa multi billion PS-DBM deal o pagbili ng medical supply para sa frontline health workers. (Daris Jose)

Hidilyn Diaz unti-unting nagpapakondisyon

Posted on: December 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mas pinili ni Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz na ibalik ang kanyang focus para humugot ng bagong lakas sa paglahok sa mga susunod na international competitions.

 

 

Unti-unti nang nagpapakondisyon ang national lady weightlifter sa isang training camp sa Malacca, Malaysia kasama ang kanyang fiance at coach na si Julius Naranjo.

 

 

“After winning an Olympics, Hidilyn and TeamHD had made a decision to take a step back after 5 grueling years of sacrifices and challenges that came along with sports and the pandemic,” wika kahapon ni Naranjo sa kanyang Facebook post.

 

 

Bumalik sina Diaz at Naranjo sa Malaysia kung saan nagsanay ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist para sa nakaraang Tokyo Olympics upang paghandaan ang darating na 2021 World Weightlifting Cham-pionships sa Tashkent, Uzbekistan.

 

 

Ngunit hindi na itinuloy ni Diaz ang kanyang pagsali sa nasabing world championships dahil sa kawalan ng focus at sapat na ensayo.

 

 

“With the world championship neither being an important competition, nor Olympic Qualifier, these next few months will be a step forward in terms of building the champion mindset, and the physical form towards the end goal of Paris 2024,” ani Naranjo sa tubong Zamboanga City.

 

 

Sa 2022 ay lalahok si Diaz sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo at sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.

After two months: YENG, nagawa nang mag-open up sa pagpanaw ng pinakamamahal na ina

Posted on: December 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ONE year daw na nag-shoot si Bianca Umali para sa season 3 ng HBO series na Halfworlds at next year daw ay maipapalabas na ito.

 

 

Kung hindi lang daw dahil sa pandemic, matagal nang natapos ang naturang series na kinunan sa Pilipinas.

 

 

Sey ni Bianca: “Iba po ang experience to work with a foreign TV crew like HBO. Very organized and they made sure na kumportable kaming lahat sa set.

 

 

Wish ko po na ma-experience din ito ng mga co-actors ko dahil iba po talaga. Feeling mo ay Hollywood star ka sa set.”

 

 

November 2019 in-announce ng HBO ang season 3 ng Halfworlds na kabilang si Bianca at Sam Concepcion. January 2020 sila nagsimulang mag-shoot with director Mikhail Red at natigil ng ilang buwan dahil sa COVID-19 pandemic. Nag-resume sila ng shoot noong July 2021.

 

 

Kaka-renew lang ng kontrata ni Bianca with GMA Artist Center last November 25. Huli siyang napanood sa cultural teleserye na Legal Wives at looking forward siya sa mas mabibigat pang roles in the future.

 

 

***

 

 

PAGKARAAN nang dalawang buwan ay nagawa nang mag-open up ng singer na si Yeng Constantino tungkol sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ina.

 

 

September noong pumanaw ang ina ni Yeng, pero hindi niya ito nagawang maikuwento sa kanyang vlog.  Ayon kay Yeng, ang pagkamatay ng kanyang ina ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay niya.

 

 

“My mom passed away. Habang natutulog kami ni Yan, isang madaling araw, nag-ring yung phone. Yung tatay ko, nasa kabilang end. That was September 23, ng mga 5 a.m. Hindi ko pa narinig yung boses ng tatay ko na ganun kalungkot. Binalita niya sa amin na wala na si Mama,” sey ni Yeng sa kanyang vlog.

 

 

Naikuwento rin ni Yeng na ilang taon na raw na may problema sa kalusugan ang kanyang ina. Pero this year daw ay mas lumala ang mga komplikasyon nito.

 

 

“Habang tumatanda siya, lalong nagkakaroon ng more complications yung sakit niya. This year talaga, mas naging obvious yung mga complications na yun.”

 

 

Iba raw ang naging relasyon ni Yeng sa kanyang ina. Minsan daw ay nagduda siya kung mahal ba siya ng kanyang ina?

 

 

“To me, yung love ng nanay ko for me is trust. Lagi kong kinukuwestiyon yun nung bata ako, ‘Mahal ba talaga ako ni Mama?’ Kasi sobrang sungit niya sa akin.

 

 

Tapos parang matanda niya akong itrato kahit bunso ako. Pero kaya pala ganun yung nanay ko sa akin, sabi ni Papa, kasi tiwala daw siya sa akin.”

(RUEL J. MENDOZA)     

FACE SHIELD, POSIBLENG IBALIK

Posted on: December 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG ibalik ang paggamit ng faceshield  bilang dagdag proteksyon laban sa bagong variant mula sa COVID-19.

 

Ang re-implementation ng polisiya  na nagre-require ng mandatory use ng faceshieds sa pampublikong lugar ay ikinokonsidera ngayon  ng National Task Force on coronavirus disease  (COVID-19)  sa gitna ng pagsulpot ng isa pang variant mula sa South Africa, ang Omicron o B.1.1.529 variant.

 

Ito ang ipinahayag ni Sec. Carlito Galvez,vaccine czar at chief implementer ng National Task Force  (NTF) Againts COVID-19 nitong Nov.28

 

Ito ay kasunod ng detection ng nasabing bagong variant  sa ilang African at European countries na nagdulot ng panic sa mundo  at paghihigpit ng restrictions.

 

Sinabi ni Galvez na maging si Health Sec. Francisco Duque III ay pabor sa nasabing ideya.

 

Ayon kay Duque, titingnan ang posibilidad na maibalik ang proteksyon na puwedeng gamitin .

 

Maaalala na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-alis sa paggamit ng faceshield noong Nov.15 sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 hanggang Alert Level 3.  GENE ADSUARA 

Natupad ang wish: HEART, ‘di pa rin makapaniwalang nakuha nilang endorser si JI CHANG-WOOK

Posted on: December 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA virtual launch ng Pure Living Wellness International last November 24, in-announce ni Heart Evangelista na si South Korean star Ji Chang-wook ang brand ambassador ng kanyang beauty and wellness brand na Vitasense.

 

 

Ang Pure Living ay isang homegrown Filipino organization na may wide-range products in the scope of beauty and wellness. Isa itong opportunity-generating platform that uplifts, empowers, and inspires sa pamamagitan nang tatlong bongga at nakaka-sosyal na brands na Luxelle, Ultima, at Vitasense.

 

 

Sa naturang online event, ibinahagi nga ng star ng I Left My Heart In Sorsogon ang kanyang excitement na makatrabaho at noong first time niyang ma-meet ang sikat na South Korean actor.

 

 

“I’m so excited. I actually met him once in Singapore and I never forgot it and I want to work with this person and he’s finally part of Pure Living family,” pagbabahagi ng other half ni Sen. Chiz Escudero.

 

 

Pag-amin pa ni Heart, honestly, hindi ko akalain na posible iyon. Hindi ko siya nakalimutan kasi maraming nakapila magpapa-picture sa kanya, nagulat ako kasi sobrang hirap pumasok. And ‘yung kasama ko magpapa-picture sa kanya at saka siyempre magpapa-picture ako.

 

 

“Tumayo siya, it was very time enough na tumayo, get my phone, and do the selfie himself. So sabi ko, sana one day makatrabaho ko siya, may not be on TV or anything but I’m so glad na nakuha namin siya as an endorser.”

 

 

Pahayag naman ni Ji Chang-wook sa pagiging endorser ng Vitasense, “As hygiene has become more important than ever, I found out about Vitasense, a functional shower head, and I’m so excited to be a brand ambassador for Vitasense.

 

 

“It feels really refreshing and clean. I feel like that’s what I like the most. I smell a subtle lemon scent. I like the vitamin filter the most every time I shower.”

 

 

“I sincerely thank everyone who has given me a lot of love and support. I hope you will give lots of love to Vitasense too, which you can start and end the day together. Mahal ko kayo. Thank you so much, dagdag pa ng South Korean actor na nakilala sa mga K-dramas na Empress Ki, Suspicious Partner, 7 First Kisses, Lovestruck in the City, Healer, Backstreet Rookie, at marami pang iba.

 

 

Samantala, sa bagong business venture ni Heart Evangelista na luxury beauty and wellness company, kasosyo rito ang sister niyang si Camille Ongpauco na Pure Living Wellness.

 

 

Tugon pa ni Heart, “Finally, my own beauty brand. My sister and I wanted to come up with a company to give everyone a chance to experience attainable luxury living. It’s been a long time coming and I’m glad we’re finally sharing this with all of you.”

 

 

Makikita sa Instagram post ni Heart ang mga products ng Pure Living, tulad ng Plasma Spot Treatment na isa sa favorite niya, para ito sa treatment ng acne at ma-maintain ang skin’s firmness and to ligthens dark spots sa loob lang ng 21 days.

 

 

“I bring this little device with me everywhere, and now you can, too! #LivingLuxelle @pure_living,” say pa ni Heart.

 

 

Pinakita rin ni Heart sa IG post niya ang mga sosyal na line ng Luxelle tulad ng Low Level Laser Growth Comb, na isang device na nagma-massage and nurses scalp at ang Eye and Lip Beauty para ma-tigthen ang skin around the eyes at mapanatili ang youthful glow.

 

 

Kaya isa rin ito sa fave ni Heart na dala-dala niya sa tapings at shoots.

 

 

Kabilang nga sina Carla Abellana, Isabelle Oli, Gwen Zamora, Ashley Rivera, sa mga nag-congratulate kay Heart sa kanyang newest business venture.

 

 

Para sa iba pang products ng Pure Living International, bisitahin na lang ang kanilang social media accounts Instagram, Facebook, Twitter at sa website na pureliving.com.ph na kung saan makikita ang complete line of products ng Vitasense, Luxelle at Ultima, para makapag-online shopping ng bonggang Christmas gifts para inyong family at friends.

(ROHN ROMULO)

Bagong signaling system ng LRT-1 sinimulan nang ilagay

Posted on: December 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinimulan na kahapon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ang pagpapalit ng bagong signaling system ng kanilang rail line.

 

 

Dahil dito, sinuspinde muna ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, ang biyahe ng kanilang mga tren nitong Linggo, Nobyembre 28.

 

 

Batay sa naunang inilabas na paabiso ng LRMC, ang suspensiyon ng operasyon ay bilang pagbibigay-daan sa pag-a-upgrade sa bagong signaling system ng linya, gayundin ang tests at trial runs nito.

 

 

Inaasahan namang wala ring biyahe ang mga tren ng LRT-1 sa dalawa pang araw ng Linggo, o sa Enero 23, 2022 at Enero 30, 2022, upang ipagpatuloy at matapos ang naturang upgrade ng signaling system.

 

 

Nabatid na ang railway signaling systems o ang “traffic light system” para sa railway ay ginagamit para idirekta ang railway traffic at mapanatiling maayos at ligtas ang operasyon at biyahe ng mga tren.

 

 

Ayon sa LRMC, ang pag-upgrade nito sa bagong “Alstom signaling system” ay kinakailangan upang ma-accommodate ang commercial use ng bagong 4th Generation trains ng LRT-1 na target nang masimulan sa kalagitnaan ng taong 2022. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)