• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 4th, 2021

KAYA SCODELARIO, THE NEW KICK-ASS PROTAGONIST IN “RESIDENT EVIL: WELCOME TO RACCOON CITY”

Posted on: December 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BRITISH actress Kaya Scodelario (The Maze Runner franchise, Pirates of the Caribbean: Salazar’s Revenge, and alligator thriller Crawl) stars as Claire Redfield, the street-smart, sassy, kickass protagonist of Columbia Pictures’ action horror Resident Evil: Welcome to Raccoon City (in Philippine cinemas Dec. 15).

 

 

 

[Watch the film’s Nightmare Trailer at https://youtu.be/Qu9IgB0yG6k]

 

 

 

“I’d grown up with her, watching her in the British TV show Skins,” says writer-director Johannes Roberts. “Claire Redfield is our entry into the world, and Kaya shares her street-smart toughness. She is tough and funny – she loved the action stuff and was very good at it. She does a lot of the emotional lifting in the movie, but also a lot of shooting zombies in the head and fighting crazy creatures. She was perfect.”

 

 

 

For both cast and crew, it was crucial to treat these iconic characters with respect. “There’s obviously a huge responsibility, because my character is so important to so many people,” Scodelario says. “I started looking through all the different incarnations of the game and reading what fans loved about each, and which ones resonated the most and why.”

 

 

 

“Claire is the stranger who comes to town and leads us on this journey,” says Scodelario. “She’s going back to her childhood town because she has a sense that something is wrong and feels a deep urgency to get to her brother, to warn him. But when we meet Claire and Chris as adults, we notice quite quickly that something has happened between them. They find it very difficult to communicate. They don’t quite trust each other. As the story progresses, we learn they have a bond, borne through a traumatic childhood, that they’ve learnt to deal with in opposite ways. Chris joined the police and Claire has gone on the street. As we follow them, they find a way to unite and come back to each other.”

 

 

 

About Resident Evil: Welcome to Raccoon City

 

 

 

Returning to the origins of the massively popular Resident Evil franchise, fan and filmmaker Johannes Roberts brings the games to life for a whole new generation of fans. In Resident Evil: Welcome to Raccoon City, once the booming home of pharmaceutical giant Umbrella Corporation, Raccoon City is now a dying Midwestern town. The company’s exodus left the city a wasteland…with great evil brewing below the surface. When that evil is unleashed, a group of survivors must work together to uncover the truth behind Umbrella and make it through the night.

 

 

 

The film is written & directed by Johannes Roberts, produced by Robert Kulzer, James Harris, Hartley Gorenstein, and executive produced by Martin Moszkowicz, Victor Hadida, Jeremy Bolt and Paul W.S. Anderson.

 

 

 

The cast is led by Kaya Scodelario, Hannah John-Kamen, Robbie Amell, Tom Hopper, Avan Jogia, with Donal Logue and Neal McDonough.

 

 

 

Resident Evil: Welcome to Raccoon City opens in Philippine cinemas December 15. Use the hashtags #ResidentEvil #WelcomeToRaccoonCity

 (ROHN ROMULO)

Lugar sa buong bansa na nasa ilalim ng Alert level 3, nag- iisa- -IATF

Posted on: December 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni IATF at Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na may isa na lamang na lugar sa Pilipinas ang nasa ilalim ng Alert level 3.

 

Ito’y sa gitna ng papaganda ng sitwasyon ng COVID 19 sa bansa.

 

Ani Nograles, ang lalawigan na lamang ng Apayao ang kaisa- isa at tanging lugar sa bansa ang naiwan sa ikatlong alerto.

 

Bukod dito ay wala ng iba pa at ang lahat ng area sa iba’t  -ibang panig ng kapuluan ay nasa Alert level 2 na gaya ng Metro Manila at iba pang highly urbanized cities.

 

“Well, to put it simply, iyong province of Apayao, iyon na lamang po ang naiiwan sa Alert Level 3. Every province, highly urbanized cities and independent component cities, lahat po sa buong Pilipinas ay naka-Alert Level 2 na po,” ayon kay Nograles.

 

Umaasa si Nograles na magtuluy- tuloy na ang downward trend na sa mga nakalipas na araw ay pababa ng pababa ang naitatalang new at active cases.

 

At kapag nagkataon ay makakabalik na ang marami hindi lang sa paaralan at hanapbuhay kundi marami na rin ang makapaghahanap ng trabaho para sa ikabuhuhay.

 

“Napakaganda po ng bilang na nakikita natin ‘no. Ang ni-report kanina, 425, biruin mo 425 yesterday iyong new cases; iyong active cases natin, 15,800, and it’s going down and down and down. So we’re hopeful that this will continue so that we could really get back to the … go to the new normal way of living and finding jobs, children going to school ‘no and, you know, getting back to work,” anito. (Daris Jose)

2022 polls: Magkaisa kasunod ng pag-withdraw ni Sen. Bong Go – Mayor Inday

Posted on: December 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Matapos ang pag-atras ni Sen. “Bong” Go sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo sa 2022 national and local elections, nanawagan ng pagkakaisa ang vice presidential aspirant na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

 

 

Una nang sinabi ng tagapagsalita ni Mayor Inday na si Liloan, Cebu Mayor Christine Frasco, na naniniwala ang alkalde na ito ang magiging daan tungo sa pagkakaisa kasama ang BBM-Sara Uniteam para magtagumpay sila sa kanilang mga plano para sa bansa.

 

 

Dagdag pa ni Mayor Inday na mula nang inilunsad niya ang kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente sa Pilipinas, ay hinimok na nito ang lahat na suportahan ang administrasyong Duterte para mapalawak pa ang magandang nasimulan ng kanyang ama.

 

 

Dapat din aniya ay respetuhin na lamang ang naging desisyon ni Senator Go kung sa pag-atras sa kanyang kandidatura.

 

 

Kung maaalala, ka-tandem i Mayor Inday si dating Senator “Bongbong” Marcos Jr., para sa 2022 elections sa ilalim ng Uniteam Alliance.

 

 

Binuo ito ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), Hugpong ng Pagbabago (HNP), at Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) (Daris Jose)

RICH, binalita na nakagawa ng TVC sa Australia kasama ang kanyang mag-ama

Posted on: December 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY pagkakataon daw na natulala ang Kapuso actress na si Faith da Silva tuwing kaeksena niya si Albert Martinez sa teleserye na Las Hermanas.

 

 

Ilang beses daw siyang nate-take two dahil sobrang starstruck siya sa veteran actor.

 

 

“Yung experience na naalala ko nagba-buckle ako, pero it’s a learning experience for me kasi alam ko na the next time hindi na dapat. 

 

 

“Kasi naman si Albert Martinez yung kasama ko so kahit papaano na-starstruck pa rin ako. Kahit sino naman yata, matutulala kung kasama mo sa isang scene ang mahusay at nirerespetong aktor.

 

 

Binibigyan daw ng acting tips ni Albert si Faith para ‘di raw ito kabahan sa mga intimate scenes nila.

 

 

“Yes, binibigyan nya ako ng payo but more on how to handle the situation kasi marami kaming physical scenes.

 

 

“So sinisiguro din niya na hindi ako masasaktan and sa acting naman when I have questions for him willing sya tumulong.”

 

 

***

 

 

BINALITA ng Australia-based Kapuso actress na si Rich Asuncion na lumabas siya at ang kanyang pamilya sa isang TV commercial para sa Emergency Services Agency of the Australian Capital Territory or ACT.

 

 

Na-excite si Rich na gawin ang commercial dahil ngayon lang daw siya ulit humarap sa kamera at kasama pa niya ang kanyang mister na si Benjamin Mudie at ang daughter nilang si Isabella Brie.

 

 

Post ni Rich sa Instagram: “Out of all the opportunities Australia has offered me in entertainment, this one takes the cake. Its such a special moment to be doing a commercial, as a family and its even more special to share Bela’s on-screen debut with her. Its great to be back in front of the camera again. #buhayartista #MUDSQUAD”

 

 

Pinost ni Rich ang 58-second commercial sa kanyang IG at natuwa ang kanyang followers at ilang celebrity friends.

 

 

Best decision nga raw for Rich ang tumira na sa Australia noong nagkaroon bigla ng pandemic last year. Mas pinili raw niya ang tahimik na buhay kasama ang kanyang pamilya at talikuran pansamantala ang showbiz.

 

 

“Leaving everything behind to face all the uncertainties wasn’t an easy feat. Pero dahil kasama ang pamilya, mas naging matibay at matatag. Now, I can honestly say I am content and happy with this new life away from the limelight. A new career, new adventures, new hope!” sey ni Rich.

 

 

Bukod sa nagtrabaho siya bilang waitress, nag-enroll siya sa isang online class para makuha niya ang degree in Early Childhood Education and Care.

 

 

“Part pa rin naman siya ng Tourism course na kinuha ko sa U.P. at wala akong karapatan mag-inarte kasi nabigyan ako ng panibagong chance to start anew. To be able to survive through this is already a blessing. As hard as it may seem, look for the silver lining. Hold on, and say, ‘I am still a champion.’” sey ni Rich na kasalukuyang buntis sa second baby nila ni Benjamin.

 

 

***

 

 

PROUD na pinakilala na ng former NSYNC member na si Lance Bass ang 6-week old twins nila ng partner niyang si Michael Turchin.

 

 

Pinost ni Bass via Instagram ang twin babies nila na sina Violet Betty and Alexander James.

 

 

“Violet Betty giving the judging looks and Alexander James just trying to get it all in focus. #GayDads,” caption pa ni Bass.

 

 

Last week, pinakilala ni Bass ang twins niya sa NSYNC bandmates niya na sina Joey Fatone at Chris Kirkpatrick, na may kanya-kanya na ring mga pamilya.

 

 

Kinarga nila Fatone at Kirkpatrick ang twins ni Bass at nilagyan niya ng caption na “Two of the best dads I know” sa IG post niya.

 

 

Sinilang ng surrogate nila Bass at Turchin ang kanilang twins noong nakaraang October 13.

 

 

Inamin ni Bass na noong mauwi na nila ang twins, nagsimula na ang pagiging parents nila ni Michael.

 

 

“Haven’t slept much in 5 days and I’m covered in ick but I’ve never been so happy! Now there are four of us in this house that wear diapers!” pagbiro pa ni Bass.

(RUEL J. MENDOZA)

HERBERT, good influence kay RUFFA kaya botong-boto si ANNABELLE

Posted on: December 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MATAGAL nang pinag-uusapan kung sino ang ‘beautiful girlfriend’ ni Senatorial candidate Herbert Bautista, at maraming nagsasabi na si Ruffa Gutierrez daw iyon.

 

 

Pero ayaw umamin ni Herbert at mas mabuti raw kung si Annabelle Rama, mom ni Ruffa, ang tanungin, kaya naman ang nakulit ay si Jun Lalin, close friend ng mga Gutierrez. Sumagot naman si Annabelle na gusto niya si Herbert dahil mabait daw ang dating Quezon City Mayor, guwapo at bright.

 

 

Good influence daw si Herbert kay Ruffa, na tapusin nito ang college niya, kaya ngayon ay naka-enrol online, at next year ay magtatapos na ito.  Tinutulungan din daw ni Herbert sa pagri-review si Ruffa.

 

 

Medyo raw maliit si Herbert, pero okey daw lamang iyon, at dagdag pa ni Annabelle, ay suportado ng pamilya nila ang pagkandidatong Senador ni Herbert.

 

 

So, ngayon ang hinihintay na ay kung aamin na ba si Herbert na si Ruffa nga ang ‘beautiful girlfriend’ niya?

 

 

*** 

 

 

LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Kapuso actress at bida ng afternoon prime drama series na Las Hermanas na si Yasmien Kurdi, nang tanggapin niya ang dalawang top awards bilang isang actress.

 

 

Tinanggap ni Yasmien ang “Most Inspiring Filipino Actress of the Year” mula sa 2021 Gintong Parangal at ang “Most Remarkable Actress of the Year” mula sa Dangal ng Lahi Awards.

 

 

   “Maraming salamat po, nakakataba ng puso na mahanay at makasama ang mga taong mahuhusay sa iba’t ibang larangan o propesyon.  Gusto ko pong magpasalamat sa aking GMA family for trusting me with beautiful and inspirational roles, in that way I get to inspire also other people thru the roles I play.  And above all, thank you Lord God for keeping us safe especially during this pandemic.”

 

 

Marami nang magagandang roles na nagampanan si Yasmien at ngayon nga ay hinahangaan siya bilang si Dorothy sa story ng tatlong magkakapatid sa Las Hermanas, kasama niya sina Thea Tolentino as Mimi at Faith da Silva as Scarlet.

 

 

Kasama rin nila sina Albert Martinez, Jason Abalos at Lucho Ayala. Napapanood sila daily, 2:30 PM sa GMA-7, after ng Eat Bulaga.

 

 

***

 

 

NAG-RENEW si Kate Valdez ng exclusive contract niya sa GMA Network, after six years na niya bilang Kapuso.

 

 

Labis ang pasasalamat ni Kate dahil sa loob  ng six years ay nakaganap na siya ng iba’t ibang role sa mga series na ibinigay sa kanya.

 

 

 “Masaya po ako na kahit pandemic ay hindi ako nawawalan ng work,” sabi ni Kate.

 

 

“Inaamin ko po na medyo nahirapan ako nang una kaming mag-lock-in taping sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday, pero ngayon ay nasasanay na ako at nakita ko rin na mas nagkakaroon kami ng bonding ng mga kasama kong artista at mas mabilis ang trabaho namin.”

 

 

Kasama ngayon si Kate sa cast ng Stories From The Heart: Love on Air (na napapanood after ng Las Hermanas) kasama ang magka-love team na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.  Enjoy si Kate sa bago niyang serye dahil romantic-comedy ito at first time niyang nakasama ang magka-love team.

 

 

Nakumusta tuloy ang love life ni Kate, natawa siya dahil zero raw ang love life niya at sa ngayon ay wala rin siyang suitors.   Hindi raw kasi niya kayang pagsabayin ang work at studies niya sa love life niya.

(NORA V. CALDERON)     

Google, YouTube hinto muna sa pol ads

Posted on: December 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pansamantalang ihihinto ng internet giant Google kasama ang sikat na platform na YouTube ang pagtanggap ng mga political ads pagsapit ng ‘campaign period’ sa 2022.

 

 

Sa pahayag ng ­Google, epektibo ito sa mga election ads na binayaran sa Google Ads, Display, Video 360.

 

 

Maging sa mga shopping platforms na pino-promote naman sa Google, YouTube, at iba pa nilang mga kapartner.

 

 

Epektibo ito mula Pebrero 8, 2022 hanggang Mayo 9, 2022 sa kasagsagan ng campaign at silence period.

 

 

“Google is focusing its efforts and resources on upcoming election-related initiatives which aim to help people access useful and accurate information via product features and media literacy programs, encourage participation in the voting process, and help protect the integrity of the elections,” ayon sa Google.

 

 

Nakikipagtulungan din umano ang Google sa Commission on Elections (Comelec) sa ilang ­inisyatibo sa halalan tulad ng voter registration na hino-host ng Google Cloud.

 

 

Sa kabila nito, may iba pang plataporma para makapagpa-ads ang mga kandidato gamit ang internet sa pamamagitan ng ibang platforms tulad ng Facebook, Twitter at iba pang internet browsers at applications.

Ads December 4, 2021

Posted on: December 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mahigit 1-M doses ng Pfizer vaccines panibagong dumating sa PH

Posted on: December 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Natanggap ng bansa ang panibagong mahigit isang milyon doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer.

 

 

Lulan ng Air Hong Kong flight LD456 ang 1,078,740 Pfizer vaccine ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pasado alas-8:00 kagabi (Disyembre 1).

 

 

Ito ang unang bahagi sa tatlong deliveries sa mahigit dalawang milyong doses na bakuna na binili ng gobyerno sa Pfizer.

 

 

Inaasahan ng gobyerno ang pagdating ng iba pang mga bakuna ngayong Huwebes at sa araw ng Sabado.

 

 

Kahapon naman ng hapon, mahigit din sa isang milyong shipment ng AstraZeneca ang dumating din sa bansa. (Gene Adsuara)

P1 B fuel subsidy para sa mga drivers sinimulan na ang pamamahagi

Posted on: December 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinimulan na ng Land Transportation Franchasing and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng P1 Billion na fuel subsidy sa mga drivers ng public utility jeepneys (PUJs).

 

 

 

Inaasahan na matatapos ngayon December ang pamamahagi ng fuel subsidy sa may 136,230 na PUJ drivers.

 

 

 

Ayon kay LTFRB OIC ng legal division Zona Russet Tamayo na ang Land Bank of the Philippines ay nagiimprenta na ng mga cards para sa Pantawid Pasada Program (PPP cards) para sa unang 51,000 na beneficiaries.

 

 

 

Sa ngayon, mayron nang 85,000 na mga jeepney drivers ang nakakuha na ng ayuda mula sa PPP ng pamahalaan. Bawat jeepney driver ay mabibigyan ng P7,200 na cash subsidy.

 

 

 

Noong nakaraang buwan ay sinimulan na ang pamamahagi ng cash assistance sa mga jeepney drivers upang matulungan sila ngayon panahon ng pandemya at ng mabigyan sila ng tulong dahil na rin sa tumataas na presyo ng krudo at iba pang petroleum products.

 

 

 

“Jeepney drivers would continue to receive fuel subsidy even if the prices of petroleum products in the market are decreasing,” wika ni Tamayo.

 

 

 

Kamakailan lamang ay giniit ng isang Senador sa pamahalaan na muling ibalik ang fuel subsidy na dating binibigay sa mga jeepney drivers at operators sa ilalim ng programang Pantawid Pasada ng pamahalaan.

 

 

 

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng diesel, gasoline at iba pang petroleum products kung kayat dapat lamang na ibalik ang fuel subsidy para sa mga jeepney drivers at operators.

 

 

 

Samantala, pinag-aaralan naman ni Department of Energy secretary Alfonso Cusi ang isang paraan upang mabigyan ng proteksyon ang mga consumers laban sa tumataas na presyo ng mga petroleum products at ito ay ang pag suspende ng pagpapataw ng excise tax. LASACMAR

2 SOUTH KOREANS, INARESTO SA TELECOMMUNICATIONS FRAUD

Posted on: December 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang South Koreans na wanted ng awtoridad sa kanilang bansa  sa panloloko sa kanilang mga kababayan  ng malaking halaga sa pamagitan ng telecommunications fraud.

 

 

 

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Han Juyoung at Kim Sihun, kapwa 26-anyos na inaresto sa Taguig City ng mga element ng BI’s fugitive search unit (FSU).

 

 

 

Ayon pa kay Morente, sina Han at Kim ay agarang pauuwin sa South Korea para sa kanilang  summary deportation order na inisyu ng BI board of commissioners noon pang nakaraang taon.

 

 

 

“As a result of the deportation order, their names are placed in our immigration blacklist, thus they are perpetually barred from re-entering the Philippines for being undesirable aliens,” ayon kay Morente.

 

 

 

Ayon naman kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, sina Han at  Kim ay kasama sa red notices na inisyu ng Interpol sa lahat ng enforcement agencies.

 

 

 

Sinabi ni Sy na ang dalawa ay wanted sa panloloko sa kanilang mga biktima ng  mahigit sa 29 million won, o  US$25,000, sa pamagitan ng voice phishing operations kung saan nagpapakilala silang ahente ng isang financial institution na nag-aalok ng pagbabayad ng mababang patubo  sa mga uutang.

 

 

 

Bukod pa dito, ang dalawa ay mga undocumented aliens na dahil kinasela na ng South Korean government ang kanilang pasaporte. GENE ADSUARA