• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 4th, 2021

Kai Sotto hindi makakapaglaro sa opening game ng ABL dahil sa injury

Posted on: December 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi makakapaglaro si Filipino basketball player Kai Sotto sa opening game ng Australia National Basketball League dahil sa kaniyang injury.

 

 

Ayon sa koponan nitong Adelaide 36ers na patuloy ang ginagawang pagpapagaling ng 7-foot-2 Pinoy basketball player mula sa kaniyang injury sa tuhod.

 

 

Makakalaban sana ng koponan ang Perth sa RAC Arena nitong Disyembre 3.

 

 

Makakasama naman nito sa bench ang kapwa injured players na sina Emmanuel Malou at Sunday Dech.

LeBron, maaari nang maglaro matapos ang 8 negative COVID-19 results – NBA

Posted on: December 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binigyan na ng “go signal” ng NBA (National Basketball Association) na muling makalaro ang basketball superstar na si LeBron James matapos magpakita ng walong negative results sa kanyang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) tests.

 

 

Dahil dito, inaasahan na muling makakasama ng Los Angeles Lakers si LeBron sa laro bukas kontra sa mahigpit na karibal na Los Angeles Clippers.

 

 

Una nang inilagay ng NBA nitong nakalipas na araw si James sa health at safety protocols kasunod ng inisyal na positive results sa COVID-19.

 

 

Pero nilinaw na ng NBA na hindi naman talaga nagpositibo sa virus ang 36-anyos na NBA superstar.

 

 

Paliwanag pa ng liga, ang inisyal na resulta ay mayroong positive test at mayroon ding negative results sa dalawang magkaibang “PCR” instruments.

 

 

Dahil daw sa “conflicting at inconclusive results,” isinailalim muli sa magkakasunod na “RT-PCR” tests ang Lakers star.

 

 

Bunsod din nito, nagpahiwatig si James ng kanyang pagkairita sa sistema ng protocols sa pamamagitan ng kanyang social media post.

 

 

Kung maaalala noong buwan ng Setyembre, iniulat na rin ni LeBron na nagpaturok na siya ng bakuna laban sa COVID-19.

ANGEL, ipinagtanggol si KRIS sa nag-aakusa na may kinuhang Marcos jewels

Posted on: December 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGTANGGOL ni Angel Locsin ang kaibigan niya na si Kris Aquino tungkol sa akusasyon na nasa possession nito ang ilang Imelda Marcos jewels.

 

 

Sabi ni Angel kay kanyang IG post, “She can afford to buy her own jewelry with her hard-earned money thank you very much.” Kasama sa post ang ini-report ng Inquirer tunkol sa naturang isyu.

 

 

At base nga article na lumabas sa naturang broadsheet, nagbabala si former chief justice Maria Lourdes Sereno sa mga nagpapakalat ng rumor without proof ay puwedeng maharap sa criminal case.

 

 

Imposible rin daw na makuha o manakaw ang jewelry na mula sa stolen wealth, ayon Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at PCGG (Presidential Commission on Good Government).

 

 

Ayon pa kay Sereno, “Simula ngayon, kukuhanan na namin ng screenshots ang lahat ng magko-comment ng ganito, pati ang profile details niyo, at ipadadala sa Bangko Sentral, sa PCGG, at sa sinisiraan niyong tao.”

 

 

Reaction naman ng netizens sa pagdi-depensa ni Angel kay Kris na malapit na niyang maging neighbor:

 

 

“Angel talaga si Angel ng lahat.”

 

 

“Oo angel talaga siya yung matapang na Angel na kailangan panindigan kasi yun ang pakilala ng network nya sa kanya.”

 

 

“Masasabi ko lang ang mukha ni Angel eh napaka ganda.”

 

 

“Um. Angel, at that alleged specific point in history, she was far from having hard-earned money. Hindi pa siya Queen of All Media noong time na iyun.”

 

 

“Yung necklace na sinasabi nila was the one she wore in ‘Crazy Rich Asian’, about two years ago lang, but it was a Bottega Veneta. Kris bought it with her hard earned money. Imelda’s necklace is with PCGG, hindi pwede galawin ng sinuman.”

 

 

“BFF like Angel Locsin plsss.”

 

 

“How can it be called Marcos’ jewels when the money used to buy these were the money they stole from the Filipino people. That’s why Marcos is in the Guinness World records as one of the most corrupt leader during his time. Asa pa… Never again!”

 

 

“OMG! How far fake news have gone. Yes sue them sooner rather than later.”

 

 

“Ang active ni Angel sa socmed ha.”

 

 

“Ikaw na talaga Angel.”

 

 

“Lagot kayong nagkakalat ng fake news. May mga abogadong nagbabantay. May mga nagapologize publicly or else kakasuhan.”

(ROHN ROMULO)

1.83M college students nabakunahan laban sa Covid-19- CHED

Posted on: December 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG umabot na sa 1,839,846 college students ang nabakunahan laban sa Covid-19.

 

Sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) Chair J. Prospero de Vera III na ang pigura ay katumbas ng 45.91% tertiary student population na umabot na sa 4,007,795 “as of November 25.”

 

“That is a significant increase because after the first two weeks of vaccination in October our vaccination rate was less than 30 percent. We’re now at almost 56 percent,” ani de Vera.

 

Iyon nga lamang, nananatiling may problema sa ilang lugar sa bansa pagdating sa tertiary students vaccination partikular na sa Region 5 (Bicol), Region 12 (Soccsksargen) at Region 4B (Mimaropa).

 

“Some of these, like in Mimaropa, because of the island character of the area but there are regions like Region 9 where the vaccination level is 75 percent already. So, what we’re doing in these areas is we’re pushing for school-based vaccination,” dagdag na pahahag nito.

 

Nauna rito, sinabi ng CHED na mas madali lamang ang school-based vaccination dahil may master lists ang eskuwelahan ng vaccinated at unvaccinated students at mayroong pasilidad ang mga ito para sa tamang inoculation activities.

 

Samantala, may 239,431 o 82.45% ng 290,380 higher education institution (HEI) personnel, kapuwa teaching at non-teaching, ang nabakunahan na.

 

Para sa three-day national vaccination program na nagtapos kahapon, Disyembre 1, may 375 HEIs at 10,504 student at personnel volunteers ang nagpartisipa, na may 244,064 tertiary students ang target na mabakunahan.

 

May 166 HEIs naman ang nag-alok ng kanilang pasilidad bilang vaccination sites. (Daris Jose)

28 eskwela sa Metro Manila face-to-face muli simula ika-6 ng Disyembre

Posted on: December 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muling madadagdagan ang listahan ng mga paaralang sasabak sa pilot implementation ng harapang mga klase habang kumakalma ang COVID-19 situation sa Pilipinas — kasama rito ang ilang paaralan mula sa National Capital Region (NCR).

 

 

“NCR schools will start on December 6. For the other queries we will give more details during our presscon next week,” wika ni DepEd Director for Public Affairs Service June Arvin Gudoy sa isang pahayag, Huwebes.

 

 

Kabilang sa mga magsisimula na ng in-person classes sa Lunes ang mga sumusunod na paaralan:

 

  • Andres Bonifacio Elementary School, elementarya lang (Caloocan City)
  • Bagumbong Elementary Schoolelementarya lang (Caloocan City)
  • Comembo Elementary Schoolelementarya lang (Makati City)
  • Santiago Syjuco Memorial Integrated Secondary Schooljunior at senior high school (Malabon City)
  • Amado T. Reyes Elementary Schoolelementarya lang (Mandaluyong City)
  • Renato R. Lopez Elementary Schoolelementarya lang (Mandaluyong City)
  • Aurora A. Quezon Elementary Schoolelementarya lang (Manila City)
  • Ramon Q. Avancena High Schooljunior at senior high school (Manila City)
  • St. Mary Elementary Schoolelementarya lang (Marikina City)
  • Tañong High Schooljunior at senior high school (Marikina City)
  • Putatan Elementary Schoolelementarya lang (Muntinlupa City)
  • Tunasan National High Schooljunior at senior high school (Muntinlupa City)
  • Bangkulasi Senior High Schoolsenior high school lang (Navotas City)
  • Filemon T. Lizan Senior High Schoolsenior high school lang (Navotas City)
  • Don Galo Elementary Schoolelementarya lang (Parañaque City)
  • La Huerta Elementary Schoolelementarya lang (Parañaque City)
  • Padre Zamora Elementary Schoolelementarya lang (Pasay City)
  • Ugong National High Schooljunior at senior high school (Pasig City)
  • Pasig Elementary Schoolelementarya lang (Pasig City)
  • Bagong Silangan Elementary Schoolelementarya lang (Quezon City)
  • Payatas B Elementary Schoolelementarya lang (Quezon City)
  • Ricardo P. Cruz, Sr. Elementary Schoolelementarya lang (Taguig City)
  • Sen. Renato “Compañero” Cayetano Memorial Science & Technology High Schooljunior at senior high school (Taguig City)
  • Roberta De Jesus Elementary School – Disiplina Village Bignay Extensionelementarya lang (Valenzuela City)
  • Tagalag Elementary School, elementarya lang (Valenzuela City)
  • Las Piñas National High Schooljunior at senior high school (Las Piñas City)
  • Las Piñas City National Senior High School – Manuyo Campussenior high school lang (Las Piñas City)

 

Ang mga sumusunod ay bahagi lamang ng 177 paaralang idadagdag sa pilot study ng limited face-to-face classes, batay sa validated reports ng DepEd mula sa mga rehiyon as of November 30, 2021.

 

 

Bukod pa ito sa 100 pampubliko at 20 pribadong eskwelahang una nang napayagan ng Kagawaran ng Edukasyon na maglunsad ng harapang mga klase habang nagpapatuloy ang pandemya. (Daris Jose)