• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 10th, 2021

Durant iniligtas ang Nets sa Mavericks

Posted on: December 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Humataw si Kevin Durant ng 24 points para iligtas ang Brooklyn Nets sa unang back-to-back losses nga­yong season matapos ungusan ang Mave­ricks, 102-99.

 

 

Bumangon ang Nets (17-7) mula sa 17-point deficit sa third quarter sa likod ng 11 points ni Durant para resbakan ang Mave­ricks (11-12) at patuloy na pamunuan ang Eastern Conference.

 

 

Nagdagdag si James Harden ng 23 points at 12 assists para sa Brooklyn na kanyang inilayo sa 100-97 sa huling 1:23 minuto ng laro matapos iwanan si Dallas star guard Luca Doncic.

 

 

Umiskor si Doncic ng 28 points para sa Mave­ricks habang naglista si Kristaps Porzingis ng 17 points at 12 rebounds.

 

 

Sa Los Angeles, kumamada si LeBron James ng 30 points, 5 assists at 4 rebounds para banderahan ang Lakers (13-12) sa 117-102 paggupo sa Boston Celtics (13-12).

 

 

Nagtala si Russell Westbrook ng 24 points at 11 assists para sa ikaapat na panalo ng Lakers sa huling anim na laro habang may 17 markers at 16 boards si Anthony Davis.

 

 

Sa San Antonio, nagsalpak si R.J. Barrett ng career-high na pitong tres para tumapos na may 32 points sa 121-109 pagpapatumba ng New York Knicks (12-12) sa Spurs (8-15).

 

 

Tinapos ng New York ang kanilang three-game losing skid sa San Antonio venue.

 

 

Nagdagdag si Alec Burks ng 18 points para sa Knicks habang may 16 at 15 markers sina Immanuel Quickley at Julius Randle, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Pinamunuan ni Derrick White ang Spurs sa kanyang 26 points, 6 rebounds at 7 assists at naglista si Dejounte Murray ng 15 points, 7 rebounds at 7 assists.

Bilang ng ‘unemployed’ sa PH, dumami pa; higit 3-M na – PSA

Posted on: December 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lalo pang dumami ang bilang ng mga unemployed o walang trabaho na Pilipino noong Oktubre.

 

 

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo na ito sa 3.5 million na mas mataas kompara sa 3.07 million na naitala noon lamang Hulyo 2021, pero mas mababa naman kaysa 3.81 million na napaulat noong Okutubre 2020.

 

 

Samantala, ang bilang naman ng mga employed o may trabaho at negosyo noong Oktubre ay 43.83 million.

 

 

Mas mataas ang bilang na ito ng 2.16 million kaysa naitala noong Hulyo 2021 na nasa 41.67 million, at higit na mas mataas naman kompara sa bilang noong Oktubre 2020 na nasa 38.84 million.

 

 

Base pa sa datos ng PSA, natukoy na ang bilang ng underemployed noong Oktubre 2021 ay 7.04 million, na mas mababa nang 1.65 million kompara naman noong Hulyo ng kasalukuyang taon din na pumalo sa 8.69 million

 

 

Ang Northern Mindanao ang nakapagtala ng pinakamataas na tinatawag na Labor Force Participation Rate (LFPR) na nasa 69.4 percent, habang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao naman ang may pinakabamababa sa 55.2 percent.

 

 

Kaugnay nito, ikinatutuwa ng PSA na sabihin na 14 rehiyon ang nakapagtala ng pagtaas ng LFPR noong Oktubre kompara noong Hulyo 2021. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Gobyerno, naglaan ng P62-B para sa mas maraming ‘choppers, offshore vessels

Posted on: December 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN ang pamahalaan ng P62 bilyong piso para sa pagbili ng 32 more Polish-made S-70i “Black Hawk” combat utility helicopters para sa Air Force at anim na offshore patrol vessels (OPVs) para sa Philippine Navy.

 

“Newly approved funding for capital assets acquisition: 32 units ‘Black Hawk’ helicopters- PHP32 billion and six units of OPV -PHP30 billion,” ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

 

At nang tanungin kung saang bansa bibili ng karagdagang helicopters at OPVs, ang sagot ni Lorenzana ay : “OPV with Austal (the Australian defense manufacturer and shipbuilder) and ‘Black Hawk’ from PZL Mielec, Poland.”

 

Gayunman, nilinaw nito na wala pa namang kontrata na ipinalalabas para sa mga assets na ito at “still under negotiation.”

 

Nauna nang nakompleto ng Philippine Air Force (PAF) na makabili ng 16 “Black Hawk” helicopters mula Polish company PZL Mielec na nagkakahalaga ng USD241 million (P11.5 billion).

 

Ang first batch ng anim na “Black Hawk” helicopters ay dineliver noong Nobyembre 2020, sinundan ng second batch na lima noong Hunyo na “formally accepted, turned over, blessed” sa isang simpleng seremonya noong Oktubre 13.

 

Ang last batch ng limang choppers ay dineliver noong Nobyembre 8 at pormal na tinanggap ng PAF noong Disyembre 3.

 

Isang unit mula sa inisyal na anim na units na dineliver sa bansa ay bumagsak noong nakaraang Hunyo June 24 habang nagsasagawa ng night-flying exercise.

 

Ang newly-acquired S-70is ng PAF ay ginamit bilang transportasyon o pagpapadala ng Covid-19 vaccines sa mga remote areas sa buong bansa.

 

Nauna rito, sinabi ni Lorenzana na ang Austal, mayroong shipyard sa Balamban Cebu, ay nananatiling nasa forefront ng nagpapatuloy na pagbili sa OPVs para sa Navy.

 

“Ang nasa forefront ng  procurement is the Australian (shipbuilder) Austal which is in (Balamban), Cebu. Meron silang branch na gumagawa din ng barko so kung matuloy yun maganda rin yan sa ekonomiya dahil maraming makikinabang na mga Pilipino, it will generate employment,” ayon kay Lorenzana.

 

Umaasa rin si Lorenzana na lalagda sila ng kontrata bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

“I hope we can sign the contract before the end of the President’s tenure. Medyo matagal yung proseso,” ayon sa Kalihim.

 

Matapos ang OPVs, ang isa pang proyekto para sa PN ay ang pagbili ng dalawang modern corvettes, “smallest surface combatant” na kayang-kaya na mag-engage ng submarines at iba pang vessels. (Daris Jose)

DEREK at ELLEN, nagpalitan ng ‘sweet messages’ sa kaarawan ng aktor; netizens todo-react na naman

Posted on: December 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SUPER sweet ng birthday message ni Ellen Adarna sa sexy hubby niya na si Derek Ramsay na pinost sa kanyang IG account ng mga photos nila.

 

 

Caption ni Ellen,You make my mornings more beautiful. I love you my forever Gor. Husband Birthday Dump.”

 

 

Sagot naman ni Derek, My life has been great but now that you and Elias are in, its perfect! I love you baby.”

 

 

Next post ni Ellen ang isang video kasama si Derek na naka-boxer briefs lang at kitang-kita ang sexy body niya at totoo naman na yummy pa rin ang aktor.

 

 

Happy 45th My Love, you look so much better than some men half your age so dont stress my GOR,” say ni Ellen habang hinahaplos-haplos ang sexy body ng kanyang asawa.

 

 

Super react naman ang netizens sa naturang video:

 

“Awwww happy vibes lang.”

 

 

“Parang gustong gusto ni Derek iyong pinipiktyuran na dinudukot ang peepee niya. Remember the pic with Angelica?”

 

 

“Peepee? I thought that term is only for girls.”

 

 

“Pwede rin sa boys ang peepee pag English. Pero pag Tagalog peepee means toot ng girl. Nasa Urban dictionary yan peepee.”

 

 

“the pampam couple strikes again…lol.”

 

 

“Creepy at weird ng dalawang ito.”

 

 

“Naloka ako sa himas.”

 

 

“He really likes it when women touch him.”

 

 

“Ayan na pa google tuloy ako nung photo with angelica, gustong gusto nya yan!!”

 

 

“Need talaga himas himasin ano tapos video and post kaloka.”

 

 

“Ang funny ni Ellen hahaha.”

 

 

“Ako lang naman pero nababaduyan talaga ako pag yung couple (celebrity man or hindi) eh nagrereplyan ng sweet messages sa social media na parang di ba pwedeng mag-usap na lang nang personal. Okay lang yung post eh pero yung dun pa nag-uusap sa social media at naka-public pa ang weird lang talaga.”

 

 

***

 

 

PROUD na proud naman si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na ang movie nila ni John Arcilla ay isa sa official entries ng MMFF 2021.

 

 

Sa IG post ni Dong, kasama ang dalawang posters ng movie,I’m very happy to share with you all that our film, A Hard Day, will be part of this year’s Metro Manila Film Festival.

 


      “Marami pong pinagdaanan ang pagbuo sa pelikulang ito. Isa ito sa mga naudlot naming proyekto noong nagsimula ang pandemya. This was intended to be showcased during the first ever Metro Manila Summer Film Festival which was also cancelled due to quarantine restrictions.

 


      “Pero ngayon, tuloy na tuloy na ito! I’m honored to have worked with a great team, and with one of the country’s internationally acclaimed actors – John Arcilla, who was recently awarded with the Volpi Cup for Best Actor at the 78th Venice Film Festival.

 


      “Pamasko na po namin ang pelikulang ito para sa mga kababayan natin. Habang unti-unting umaahon pabalik ang ating bayan, unti-unti ring manunumbalik ang mga tatangkilikin natin na pelikulang Pilipino. @viva_films.”

 

Ang A Hard Day na mapapanood simula sa December 25 ay mula sa direksyon ni Law Fajardo.

 

Kasama sa PH adapation ng hit Korean movie sina Al Tantay, Janno Gibbs, Meg Imperial, Rafa Siguion-Reyna, Guji Lorenzana, AJ Muhlach, Arvic Tan, Garry Lim, Chad Kinis, Jelson Bay, Pio Balbuena, Kedebon Colim, Lou Veloso, Nor Domingo, Lander Vera Perez, Archie Adamos, Lhian Key Gimeno, Vincent Soberano, Ronald Moreno, at Marita Zobel.

(ROHN ROMULO)

EO sa regulasyon ng presyo ng mga gamot vs nakamamatay na sakit, pirmado na ni Duterte

Posted on: December 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) No. 155 na nagtatatag ng regulasyon sa presyo ng mga gamot sa bansa.

 

 

Sinabi ni acting Presidential spokesman at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, layunin ng nasabing EO na tugunan ang mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa dulot ng mga sakit.

 

 

Ayon pa kay Sec. Nograles, bahagi ito ng mga hakbang ng pamahalaan sa mabilis na pag-access ng mura pero dekalidad at maaasahang gamot sa merkado.

 

 

Kabilang sa mga gamot na mapapasama sa price regulation ang 34 na drug molecules at 71 drug formulas.

 

 

Ang mga ito ang siyang ginagamit o panlunas sa bone metabolism, analgesics, anesthetics, anti-angina, antiarrhythmics, anti-asthma & chronic obstructive pulmonary disease medicines, antibiotics, anticoagulants, anticonvulsants, antidiabetic drugs, antidiuretics, and antiemetics gayundin ang anti-glaucoma, anti-hypercholesterolemia medicines, antihypertensive medicines, anti-neoplastic/anti-cancer medicines, antiparkinsons drugs, drugs for overactive bladders, growth hormone inhibitors, immunosuppressant drugs, iron chelating agents, and psoriasis, seborrhea at ichthyosis medicines. (Daris Jose)

Gov’t uutang muli sa BSP ng P300 Billion

Posted on: December 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muli na namang uutang ang administrasyong Duterte sa sunod na taon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang pondohan pa rin ang ang mga programa laban sa COVID-19.

 

 

Gayunman ang halagang uutangin ay mas mababa umano kumpara sa mga nakalipas dahil na rin sa pagganda ng bahagya sa kondisyon sa ekonomiya.

 

 

Ayon sa statement ni Department of Finance Sec. Carlos Dominguez III, sumulat na siya kay BSP Governor Benjamin Diokno sa balakin ng gobyerno na umutang ng aabot sa P300 billion sa central bank.

 

 

Kung tutuusin mas mababa raw ito kumpara sa P540-billion na babayaran ng pamahalaan bago ang January 12, 2022.

 

 

Ang bagong uutangin na P300 billion para sa pandemic response ay kapareho din ng patakaran sa naunang loans sa BSP na zero interest ang babayaran sa loob ng tatlong buwan na maaring ma-extend pa ng hanggang tatlong buwan.

 

 

“We have seen economic recovery already begin to take root as more businesses embark on a safe reopening with the successful rollout of the government’s mass vaccination program,” ani Sec. Dominguez III sa sulat kay Gov. Diokno. “The extension of a new P300-billion provisional advances will ensure sufficient resources for the government to safeguard this promising but still fragile recovery.” (Daris Jose)

SAMELA AUBREY, kinoronahan bilang ‘Miss Culture International 2021’; ika-apat na nanalo sa taong ito

Posted on: December 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagwagi ang Pilipinas sa isang international beauty pageant at ito ay mula sa Miss Culture International 2021.

 

 

Ang nag-uwi ng korona ay ang ating representative na si Samela Aubrey Menda Godin sa naturang pageant na ginanap sa Lyric Theater in Gold Reef City, South Africa.

 

 

Bukod sa main title, napanalunan din ni Godin ang Best National Costume awayd dahil sa Philippine-eagle inspired costume niya.

 

 

Ang mga naging runners-up ni Godin ay sina Miss Zimbabwe Pauline Deborah Marere (first princess) at Miss Lesotho Reatile Molefe (2nd princess).

 

 

Bago pinadala si Godin sa Miss Culture International, sumali siya sa Miss World Philippines 2021 at kinatawan niya ang Samar.

 

 

Kahit na may banta ng bagong COVID-19 variant na Omicron sa continent ng Africa, tinuloy pa rin ng organizers and naturang pageant na ayon sa kanilang website page ay: “An International fellowship of young focus and driven women with advocacy towards preserving and promoting their own culture and heritage.

 

 

“Miss Culture International Organization prioritizes the importance of culture and heritage of each nation, involving and empowering women in giving back to their respective communities and supporting their causes by providing international platforms and affiliations which would attain holistic development and transformation in the society.

 

 

“Our core in this organization is our beneficiaries in this entire event which are the Indigenous People of the Philippines and the students of different Elementary Public Schools in the Rural Communities.”

 

 

Pero mukhang matagal pa raw makakauwi ng Pilipinas si Godin para ma-share niya ang victory ng Pilipinas sa Miss Culture International dahil kanselado lahat ng flights palabas ng South Africa dahil markado ito bilang Red List Country dahil sa Omicron variant na nagmula roon.

 

 

Si Samela Aubrey Godin ay ang ikaapat na Pinay na nanalo ng korona sa international beauty pageant sa taong ito. Una ay si Alexandra Faith Garcia as Miss Aura International 2021. Pangalawa si Cinderalla Obeñita as Miss Intercontinental 2021. At pangatlo si Maureen Montagne as Miss Globe 2021.

 

 

Bigo naman mauwi ang korona nina Samantha Panlilio sa Miss Grand International, Dindi Pajares sa Miss Supranational at Naelah Alshorbaji sa Miss Earth.

 

 

Samantalang first runner-up si Kelley Day sa Miss Eco International pageant at third runner-up naman si Emmanuelle Vera sa Reina Hispanoamericana.

 

 

Ang sunod na aabangan ay ang paglaban ni Beatrice Luigi Gomez sa Miss Universe 2021 sa Israel at ni Tracy Maureen Perez sa Miss World 2021 sa Puerto Rico.

(RUEL J. MENDOZA)

KATHRYN, umaming madaling uminit ang ulo at clingy girlfriend kay DANIEL

Posted on: December 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGRECONNECT si Kathryn Bernardo sa kanyang mga fans sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog. 

 

 

Nadagdagan na raw kasi ng marami pang fans si Kathryn na gusto siyang makilala at sinagot pa niya ang ilang personal na tanong.

 

 

Isa sa sinagot ni Kathryn ay kung may nakaaway na ba siyang ibang artista kahit na noong child actress pa lang siya?

 

 

“May nakaaway ba? Sa pagkakaalam ko, wala. Tingin ko, wala. Wala akong nakaaway na celebrity. Siguro hindi ko lang masasabi na super friendly ako na sobrang dami kong friends especially sa showbiz ,pero wala akong nakaaway pa.

 

 

Kapag may nakaaway ka, makakatrabaho at makakatrabaho mo ‘yun. It’s going to be hard for you. Magiging awkward lang. So might as well huwag ka na lang mang-away ng ibang tao, kung wala namang ginawa sa’yo.

 

 

Pero kung may ginawa sa’yo at kaaway-away, go awayin mo. Pero kung wala naman, it’s better to work peacefully na wala kang natatapakang ibang tao. As far as I know, wala akong nakaaway.”

 

 

Inamin ng aktres na madaling uminit ang ulo niya at isa ito sa ayaw niya sa kanyang sarili.

 

 

“Mainitin ang ulo ko. Actually, I don’t like that about me. Very impatient ako. Especially kapag it’s time of the month for us girls, extra mainitin yung ulo ko. Yung pasensya ko, liliit pa iyan.

 

 

Alam ko hindi siya maganda. May mga days na mabait naman ako. Pero kapag lang talaga yung time of the month na yun, huwag mo talaga ako pikunin kasi magiging dragon talaga ako,” tawa pa niya.

 

 

Clingy girlfriend daw siya sa boyfriend na si Daniel Padilla.

 

 

“I think I am very clingy. Pero malaking difference yung clingy sa needy. I think I am not needy. I am just clingy. When I say clingy, malambing. I want not naman parati na nagkikita kami ni DJ.

 

 

Pero we make sure na meron kaming own time alone. Pero I want din na may time kami sa isa’t isa. I like being hugged. I think I am very touchy and clingy. It makes me feel good. Ang sarap kaya kapag hina-hug ka, holding hands. If you notice, ganun kami ni DJ, kasi pareho kami na ganun yung love language namin.”

 

 

***

 

 

IKINATUWA ng Army fan sa buong mundo ang pagkakaroong kanya-kanyang Instagram account ang members ng Koren pop sensation na BTS.

 

 

In-announce ito ng kanilang management team na habang naka-holiday break sa pag-perform ang BTS, pinayagan silang magbukas ng sarili nilang IG accounts.

 

 

This is the first time na magkaroon ng public profile on social media sina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V, at Jungkook. All accounts have been verified by Instagram.

 

 

Dahil sa pagkakaroon nila ng IG accounts, may mga na-break ng records on IG sina Jimin na nakakuha ng most number of hashtags, at si V na fastest to reach 6 million likes.

 

 

Heto ang bilang na ng followers nila sa IG: RM (Kim Namjoon) 12.6 million, Jin (Kim Seokjin) 12.9 million, Suga (Min Yoongi) 12.7 million, J-Hope (Jung Hosoek) 12.6 million, Jimin (Park Jimin) 13.1 million, V (Kim Taehyung) 14 million, and Jungkook (Jeon Jungkook) 13.4 million.

(RUEL J. MENDOZA)

PDu30, umaasa na mauulit ang matagumpay na unang ‘Bayanihan, Bakunahan’

Posted on: December 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa tagumpay ng bansa sa kauna-unahang sabay-sabay na vaccine drive laban sa Covid-19 mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 3, umaasa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kahalintulad na resulta para sa “second round” nito sa susunod na linggo.

 

Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte na nakayanan ng bansa na makapagbakuna ng 10.2 milyong doses sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa isinagawang unang “Bayanihan, Bakunahan” national vaccination days.

 

Inilarawan niya ang numerong ito bilang isang “huge achievement” sa laban ng bansa sa Covid-19.

 

Pinasalamatan ng Punong Ehekutibo ang mga doktor at iba pang volunteers na nagpartisipa sa five-day event.

 

“I’d like to thank the doctors, volunteers, and all. Of course, [Health] Secretary [Francisco] Duque and [Vaccine Czar] Secretary [Carlito] Galvez. I thank you on behalf of the Filipino people,” ayon sa Pangulo.

 

Kaya nga, masigasig siya na ulitin ang matagumpay na ‘“Bayanihan, Bakunahan” days sa second round nito.

 

“We will have a second round of Bayanihan, Bakunahan from December 15 to 17. I hope that would have the same success,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, sinabi ng Malakanyang na naghahanap ng paraan ang national government para i-improve ang nalalapit na “Bayanihan, Bakunahan” kabilang na ang pag- accommodate sa walk-ins.

 

“Siyempre iyong sinasabi namin na mga improvements like accommodating walk-ins. But to the process, it’s really up to the LGUs [local government units] and then kung paano iyong proseso – ang pakiusap lang namin ay magkaroon ng sistema also for walk-ins ” ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang panayam.

 

Aniya, hinihikayat ang mga LGUs na i-extend ang kanilang average 12-hour operating time hanggang sa may mga tao lang nakapila para magpabakuna.

 

“Direktiba rin po iyon ng Pangulo, ang sabi nga niya basta may nakapila pa diyan, nandoon pa sa linya, may nag-aantay pa eh huwag ninyo pong isara ang vaccination sites,,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya pa rin, maaari ring ikunsidera ng LGUs na palakasin ang kanilang house-to-house vaccination efforts para sa mga senior citizens at persons with comorbidities.

 

“Several or many of the LGUs ay gumagawa po ng mga house-to-house. Kung lahat po ng LGUs ay magkaroon ng ganiyang klaseng initiative especially para sa mga senior citizens natin at iyong mga—those with comorbidities, mas maganda po iyan, mas maigi po,” anito. (Daris Jose)

Tattoo artist tinodas sa Navotas

Posted on: December 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Patay ang isang tattoo artist matapos barilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek sa harap ng kanyang bahay sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

 

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang biktima na si Ryusi Soriano alyas “Adjong”, 25 ng 19 Pat Buntan, Brgy. San Roque.

 

 

 

Patuloy naman ang follow up operation ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente.

 

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Reysie Peñaranda, dakong alas-4:15 ng hapon, nakatayo ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang isa sa mga suspek na nakatayo sa harap niya ang naglabas ng baril at walang sabi-sabing binaril siya sa katawan na nagresulta ng kanyang kamatayan.

 

 

 

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek patungong Judge A Roldan Street habang agad namang nagsagawa ng dragnet operation ang mga tauhan ng San Roque Police Sub Station 2 at SWAT team subalit, hindi nila naaresto ang mga salarin. (Richard Mesa)