• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 16th, 2021

MMDA kakausapin ang LGUs ukol sa pagbabalik ng provincial buses’ sa EDSA

Posted on: December 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAKIKIPAG-UGNAYAN ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa local government units (LGUs) hinggil sa pagpapalabas ng ordinansa na magre-regulate sa posibleng pagbabalik ng 4,000 provincial buses sa kahabaan ng EDSA.

 

Sinabi ni MMDA chairperson Benjamin Abalos Jr. na plano niyang makipagkita sa mga Alkalde ng Pasay, Caloocan, Makati, Mandaluyong, San Juan at Quezon City para tulungan ang mga ito na pangasiwaan ang provincial buses sakali’t maipagpatuloy na ng mga ito kanilang operasyon sa mga pangunahing lansangan.

 

“Kasi kung may ordinansa sila, number one baka pwedeng ‘wag nilang payagan or number two, lagyan ng window period—sige pumasok ka pero 12 a.m. hanggang 4 a.m ka lang—pwedeng ganon,” ayon kay Abalos.

 

Ani Abalos, binago ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga ruta ng mga bus para bigyang-daan ang bus carousel na may 85 bus stations sa Kalakhang Maynila kabilang na ang 37 sa kahabaan ng EDSA.

 

“Nung ginawa ito ng LTFRB, nagdemanda ‘yung isang bus company na, ‘Hindi mo pwedeng gawin sa amin ‘yan, pwede pa ring bumyahe sa EDSA.’ In short, nabigyan ng temporary restraining order (TRO) ng isang judge,” aniya pa rin.

 

Idnagdag pa ni Abalos na noong panahon na nagsimula pa lamang ang COVID-19 pandemic, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay nagpalabas ng resolusyon para gamitin ng mga terminal para sa pagsunod sa health protocols.

 

Sa oras naman aniya na mabawi ang resolusyon, ang nasabing TRO ay maaari nang ipatupad, papayagan na ang pagbabalik ng 4,000 provincial buses sa EDSA.

 

“Hindi covered ng TRO ‘yon dahil IATF ‘yon eh. Ang problema, ito ngayon sa IATF, parang tatanggalin na itong patakaran na ito dahil mababa na ang kaso, hindi na kailangan ng alert level,” ayon kay Abalos.

 

“Currently, passengers coming from the south have to alight at the Paranaque Integrated Terminal Exchange (PTEX), while those from the north have to go down at the Valenzuela Gateway Complex  Integrated Terminal (VGCIT). From there, they have to take another bus passing through the EDSA carousel stations,” ayon kay Abalos sabay sabing “Ngayon, feeling ko mas trabaho tayo para of course i-convince ang mga mayors na magkaron sila ng ordinansa dahil ‘yon, hindi na saklaw ng TRO. It’s the only legal way at a lawyer na nakikita ko talaga at napagusapan namin.” (Daris Jose)

Pagpapalakas ng sistema vs bank fraud dapat unahin

Posted on: December 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa halip na unang atupagin ang pagpapalit ng mukha ng P1,000 banknote, pinayuhan ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na asikasuhin muna ang pagkakaroon ng eagle-eyed anti-fraud mechanisms sa mga bangko.

 

 

Mas mahalaga aniya na magkaroon ng “sharp detection” sa mga bank fraud at hacking para maprotektahan ang kliyente ng mga bangko kaysa palitan ang mga World War II martyrs ng litrato ng Philippine eagle sa P1,000 banknote.

 

 

Nakakahiya aniya para sa BSP na nalusutan sila ng nangyaring scam sa mga kliyente ng BDO kamakailan.

 

 

Pinatitiyak din ng kongresista na maibalik ang perang nawala sa maraming kliyente ng naturang bangko dahil sa nangyaring account hacking.

 

 

Bago pa man nangyari ang insidenteng ito, sinabi ng Bankers Association of the Philippines (BAP) na nasa P1 billion halaga ng pera ng mga bank clients ang nawala dahil sa mga cybercriminals at digital fraudsters ngayong taon lamang.

 

 

Kaya iginiit ni Brosas na dapat madaliin na ang imbestigasyon dito habang pinalalakas naman ang data privacy act at security sa banking system sa bansa. (Gene Adsuara)

“MORBIUS” UNVEILS GLOBAL POSTER AND THE ANTIHERO’S TRANSFORMATION SCENE

Posted on: December 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IS he here to save the world or destroy it? Watch Dr. Michael Morbius and his sinister alter-ego in this exclusive scene called “The Transformation” from the new action-thriller Morbius, coming exclusively to Philippine movie theaters February 2022.

 

 

YouTube: https://youtu.be/XX690ACQfWY 

 

 

Checkout as well the film’s newly-released global poster below.

 

 

About Morbius

 

 

One of Marvel’s most compelling and conflicted characters comes to the big screen as Oscar® winner Jared Leto transforms into the enigmatic antihero Michael Morbius. Dangerously ill with a rare blood disorder and determined to save others suffering his same fate, Dr. Morbius attempts a desperate gamble.  While at first it seems to be a radical success, a darkness inside him is unleashed. Will good override evil – or will Morbius succumb to his mysterious new urges?

 

 

Morbius is directed by Daniel Espinosa, story by Matt Sazama & Burk Sharpless, screenplay by Matt Sazama & Burk Sharpless and Art Marcum & Matt Holloway, based on the Marvel Comics.

 

 

Produced by Matt Tolmach, Avi Arad and Lucas Foster. The executive producers are Louise Rosner and Emma Ludbrook.

 

 

The film stars Jared Leto, Matt Smith, Adria Arjona, Jared Harris, Al Madrigal with Tyrese Gibson.

 

 

In Philippine cinemas February 2022, Morbius is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #Morbius

(ROHN ROMULO)

Miami coach Erik Spoelstra kinuwestiyon ang COVID-19 protocols ng NBA

Posted on: December 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinuwestiyon ni Miami Heat coach Erik Spoelstra ang COVID-19 protocols na ipinapatupad ng NBA.

 

 

Sinabi nito na dapat ang mga manlalaro na nagpositibo kahit na fully vaccinated at asymptomatic ay tratuhin din tulad ng taong positibo sa COVID-19.

 

 

Dagdag pa nito na halos lahat ng mga tao ay nabakunahan na at naturukan pa ng booster at bakit aniya kailangan pa silang i-quarantine.

 

 

Reaksyon ito ni Spoelstra matapos na ang kanilang forward na si Caleb Martin ay nagpositibo ng coronaivrus at inilagay sa COVID-19 protocols.

 

 

Maging ang buong Miami team ay sumailalim din sa extensive testing laban sa virus.

Galvez, tatalakayin sa FDA at DOH ang pagpapaiksi sa interval period para sa COVID-19 booster shots

Posted on: December 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na tinitingnan ng pamahalaan na paikliin ang interval period ng pagkuha ng booster shots matapos ang primary dose series sa pagitan ng apat hanggang anim na buwan.

 

Sa naging pagbisita ng National Task Force Against COVID-19 sa Bacoor, sinabi ni Galvez na pag-aaralan nila ang panukala at kaagad na gumawa ng akmang rekomendasyon sa Food and Drug Administration (FDA).

 

“Pinag-uusapan nga namin na baka pwede i-elevate na natin sa FDA na magkaroon ng amendment na between four to six [months],” ayon kay Galvez sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.

 

Ani Galvez kakausapin niya si FDA director-general Eric Domingo at Health Secretary Francisco Duque III hinggil sa bagay na ito.

 

“‘Yun ang nakita namin para ma-expand na natin at mapabilis natin ‘yung protection,” aniya pa rin.

 

“Because we also received some advice from some experts worldwide na mas maganda na ‘yung tinatawag natin hanggang hindi bumababa, nagwe-wane ‘yung proteksyon kailangan bigyan na natin so that drastically improve ‘yung protection,” dagdag na pahayag ni Galvez.

 

Sinabi pa ni Galvez na ang rekumendasyon ng Vaccine Expert Panel ay pagbabakuna ng tatlong doses na primary series.

 

“Mas maganda ‘yung 3 dosing na primaries, parang nakita nila mas malakas ang ating proteksyon if we have ‘yung 3 doses na primaries, particularly ‘yung Sinovac,” aniya pa rin. (Daris Jose)

2 sa 4 hackers na umatake sa BDO, natunton na ng BSP

Posted on: December 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tuloy-tuloy daw ang pagproseso ng BDO Unibank Inc. sa reimbursement ng nasa 700 nilang kliyente matapos mabiktima ng online fraudulent transactions.

 

 

Ayon sa pamunuan ng naturang bangko, hiniling na raw nila sa kanilang mga kliyente na magtungo na sa pinakamalapit na branch at magsumite ng kanilang documentation para sa isasagawang refund.

 

 

Tiniyak naman ng bangko na tuloy-tuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad kabilang na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para hindi na maulit ang naturang insidente.

 

 

Una rito, pumutok ang balitang may naganap na bank transfer mula sa naturang bangko papunta sa Union bank account ng nagngangalang Mark Nagoyo.

 

 

Sa panig naman ng naturang bangko, sinabi ni Henry Aguda, senior executive vice president, chief technology and operations officer at chief transformation officer na naka-hold na ang nasa P5 million na perang sangkot sa naturang iligal na transaksiyon.

 

 

Samantal mistulang isinantabi naman ng BSP ang anggulong inside job ang naturang insidente.

 

 

Sinabi ni Melchor Plabasan, director ng Technology Risk and Innovation Supervision Department ng BSP na na-trace na nila ang dalawa sa apat na kataong sangkot sa hacking incident at lahat daw ng mga ito ay hindi empleyado ng dalawang bangko.

 

 

Hindi naman tinukoy ng opisyal kung mga Pinoy o nakabase dito sa bansa ang mga umatake sa naturang bangko.

 

 

Sinisilip na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang involvement dito ng mga local syndicate na nambiktima at napasok ang online bank accounts ng daan-daang katao.

 

 

Ayon kay NBI cybercrime chief Vic Lorenzo, base raw sa kanilang assessment isang local syndicate at hindi international na sindikato ang nasa likod ng hacking.

 

 

Samantala, nanawagan naman ang Bankers Association of the Philippines sa publiko na gawin nila ang kanilang bahagi para maprotektahan ang kanilang sarili sa cyberscams. (Daris Jose)

Kapuso Royal Couple, nakabalik na from Eilat, Israel: DINGDONG at MARIAN, magsasama para mag-host ng year-end special ng GMA-7

Posted on: December 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAHAPON, December 15, bumalik na ang Kapuso royal couple na sina Dingdong Dantes  at Marian Rivera from Eilat, Israel, where the Kapuso Primetime Queen served as one of the all-female judges in the recently concluded 70th Miss Universe beauty pageant, na sinamahan naman siya ng hubby niyang si Kapuso Primetime King. 

 

 

For sure ang masayang-masaya sa kanilang pagbalik ay ang mga kids nilang sina Zia at Sixto, na first time nilang iniwanan at hindi naisama sa biyahe.

 

 

It seems magpapahinga lamang at magba-bonding sina Dingdong at Marian with their kids, dahil back-to-work na sila sa new show na they will host together.

 

 

Big Christmas gift nila ito sa kanilang mga fans na muli silang magsasama sa isang project na matagal na nilang hinihiling sa kanilang mga idolo.

 

 

Kaya don’t miss ang “Year of the Superhero: A GMA News and Public Affairs Year-End Special,” sa January 1, 2022, Saturday, 7:45 PM on GMA-7.

 

 

Isa-isa silang ipi-feature nina Dingdong at Marian, kaya kilalanin kung sinu-sino ang mga heroes who didn’t lift up the challenges of the time and continue to rise for the nation.

 

 

***

 

 

MASAYA na si Kapuso Ultimate Actress Jennylyn Mercado ngayong nakalabas na ang husband niyang si Dennis Trillo sa lock-in taping nito ng bagong serye sa GMA Network, after ng Legal Wives. 

 

 

Iniyakan pala talaga ni Jen nang after ng civil wedding nila ni Dennis ay umalis ang asawa. Ayaw man siyang iwan ni Dennis, being a professional, at committed na sa trabaho, iniwan muna niya pansamantala si Jen.

 

 

Nai-post nila ito sa kanilang YouTube channel na may title silang “Apart.” May part nga roon na nakitang umiiyak si Jen at iyong sabi niya kay Dennis na “umuwi ka na, please!”

 

 

Pansamantala pala munang sa condominium unit ni Dennis sila umuuwing mag-asawa.  Hindi pa sinabi kung ano ang bagong project ni Dennis na ginawa for GMA Network.

 

 

***

 

 

NAPAPANOOD na ang teaser ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, ang second collaboration ng Regal Films sa GMA Network.

 

 

Labis ang tuwa ni Barbie Forteza nang siya ang kunin para sa first episode ng Mano Po series na muling iikot sa story of love, family and traditions among Filipino-Chinese, at makakasama niya sina Boots Anson Roa, Maricel Laxa, Sunshine Cruz, Almira Muhlach, with leading men David Licauco and Rob Gomez.  It will be directed by Ian Lorenos with Jose Javier Reyes as the head writer.

 

 

Kuwento ni Barbie, she will play the role of Steffy Dy, who came from a poor family na naging scholar ni Boots, at nang makatapos na siya sa kanila pa rin siya nagtrabaho.

 

 

At doon niya mararanasan ang mapagitna sa two strong woman played by Maricel and Sunshine.  Love triangle naman sila nina David at Rob na parehong heredero ng family nila.

 

 

“I’m very proud and thankful po na ako ang napili to play the role sa first story ng Mano Po, na napanood ko iyong movie, at ngayong nasa TV na, I’m now a part of it.”

 

 

Ayon naman kay Ms. Roselle Monteverde of Regal, mga new stories ang gagawin nila, iyong hindi pa napanood sa seven stories ng Mano Po, na ang huli ay napanood pa noong 2016.

(NORA V. CALDERON)

Pinas, makakatanggap ng $250-M loan

Posted on: December 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG tumanggap ang gobyerno ng Pilipinas ng $250 million na bagong loans o utang mula sa Asian Development Bank (ADB) para gamiting pambili ng COVID-19 vaccine.

 

Inanunsyo ng ADB, araw ng Lunes na inaprubahan nito ang loan agreement, pinapayagan ang Pilipinas na bumili ng 40 milyong karagdagang doses ng COVID-10 vaccines para sa mga kabataan at booster shots para sa mga matatanda.

 

“ADB is supporting the government’s drive to provide vaccines to protect its citizens and save lives, especially with the emergence of new COVID-19 variant,” ang naging pahayag ni ADB Principal Social Sector Specialist for Southeast Asia Sakiko Tanaka sa isang kalatas.

 

“Vaccination will allow the health system to better manage the effects of the virus and will help sustain economic recovery. It is key to the country’s full recovery from the pandemic,” dagdag na pahayag pa rin ng opisyal.

 

Makikita sa data mula sa gobyerno na “as of Dec. 7,” mayroong 39.23 milyong Filipino ang fully vaccinated na laban sa virus.

 

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na target ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 90% ng populasyon sa bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Hunyo ng susunod na taon. (Daris Jose)

Higit 50-M Pilipino nakapagparehistro na sa national ID system – PSA

Posted on: December 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naabot ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang kanilang national ID registration target na 50 million para sa taong 2021.

 

 

Ayon sa PSA, mahigit 50 million Pilipino ang tapos na sa kanilang Philippine Identification System (PhilSys) Step 2 Registration hanggang noong Disyembre 11.

 

 

Mababatid na sa Step 2 Registration ay kailangan ng isang aplikante na mapa-validate ang kanyang supporting documents at magpakuha ng kanyang biometric information tulad ng iris scans, fingerprints, at front-facing photographs.

 

 

Sa kabila ng pandemya, sinabi ng PSA na nagawa nilang masimulan ang Step 2 Registration noong Enero 2021 sa 32 priority provinces na kinukonsidera bilang low-risk areas para sa COVID-19.

 

 

Oktubre 2020 nang sinimulan ang three-step PhilSys registration process, kung saan prayoridad ang mga low-income households sa 32 priority provinces.

 

 

Noon namang Abril 2021 nang magsimula ang nationwide collection ng demographic information ng mga registrants kasunod nang paglulunsad sa online PhilSys registration site. (Daris Jose)

KIM, inamin na mas kinatukan na ‘di nabigyan ng franchise ang ABS-CBN kesa sa multo

Posted on: December 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MULA sa pagba-viral at nag-trending.

 

 

Naging kanta, serye at ngayon ay pelikula na ang post ni Kim Chiu dati na “Bawal Lumabas.”

 

 

At obvious naman na inspired sa Bawal Lumabas ang isa sa mga MMFF entries na Huwag Kang Lalabas ng Obra Cinema.

 

 

Horror trilogy film na bida si Kim sa “Hotel” at sabi nga ng producer na si Joy Sison, ginawa lang daw nilang Huwag Kang Lalabas ang ‘Bawal Lumabas’ sa title.

 

 

Mula sa bashing at halos ikasuko ni Kim ang mga pamba-bash daw sa kanya last year, ngayon, nagpapasalamat na lang ito kung paano tinangkilik ng industriya ang simpleng post niya lang nga naman.

 

 

Sa isang banda, dahil aminadong matatakutin siya at sa pagtili at ingay pa lang daw niya, hindi na makakalapit sa kanya ang multo.

 

 

Pero ang hindi raw talaga mabigyan na ng franchise ang kanyang network, ang ABS-CBN ang isa sa inamin niyang kinatatakutan niya rin.

 

 

“Oo naman po, sino ba ang hindi takot? Parang showbiz industry, malaking bagay po talaga ‘yung ABS-CBN. Ang daming nabibigyan ng work, ang daming nabibigyan ng opportunity, mga dreams na nagiging totoo.

 

 

Not just as an artista but the people behind the camera so, isa siyang malaking pangarap na nawala— well, nandiyan pa rin naman. Pero siyempre, iba siya kapag may prangkisa.”

 

 

Sa kabila nito, hindi naman daw naisip ni Kim na lumipat ng network. Natatawa nga ito na, “pagkatapos kong makipaglaban? Ha ha ha!”

 

 

***

 

 

TATLONG taon na ang loveteam na RitKen nina Rita Daniela at Ken Chan at dahil parehong mahusay na mga Kapuso actor at actress, in fairness to them, napu-pull-off nilang dalawa ang kahit anong characters na ibigay sa kanila ng network.

 

 

At minsan pa nga ay napatunayan nila sa kanilang movie na Huling Araw sa Tag-Ulan na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2021.

 

 

Kakaiba ang ginawa nila rito dahil love scene kung love scene talaga. Mga eksenang hindi nila nagagawa naman sa mga serye nila. At pag-amin ni Rita, matagal na raw nila itong gustong gawin, huh!

 

 

Katwiran niya, “Eh kasi, ako naman, hindi naman magiging Rita ang pangalan ko kung hindi ako palaban.  Simula nang ma-partner ako kay Ken, siyempre sa My Special Tatay, sabi ko talaga, kung hindi siya Boyet, guwapo ng taong ito.

 

 

      “Kailangang maka-kissing scene ko siya na hindi Boyet at ‘yung ganyan. Eh kaso, TV, pa-sweet. Kaya no’ng dumating ang ‘Dalawang Ikaw,’ sabi ko, chance ko na ‘to!”

 

 

Pero nauna raw nilang nai-shoot ang movie kaya nang gawin nila ang Dalawang Ikaw, sey ni Rita, give na give na siya sa mga love scene nila ni Ken.

 

 

Pero hirit ni Rita, “Para sa akin ‘yun ha! Hindi ko alam kay Ken Chan kung inaasam-asam din niya! Hahaha!”  

 

 

Sa isang banda, umani ng papuri sina Rita at Ken dahil sa ipinakita nga nilang performance sa movie. Ang daming naka-appreciate kung paano nila nagawang patawanin at paiyakin ang mga nanood ng press preview.

 

 

Marami na nga ang nagsasabi na may chance na manalo ng Best Actress award si Rita sa MMFF 2021, pero sey niya, ayaw raw niyang mag-expect at baka masaktan lang siya.

 

 

Bonus na raw para sa kanila na nakasama pa ito sa MMFF at nagustuhan ng mga tao.

(ROSE GARCIA)