• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 18th, 2021

Ilang biktima ng BDO online hacking, nabawi na ang nawawala nilang pera

Posted on: December 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umaalma ngayon ang grupo ng mga consumers sa pamamaraan na ginagawa ng BDO sa pag-reimburse nila sa pera ng kanilang mga depositors na biktima ng online fraud.

 

 

Una rito, mayroon nang mga biktima ng online hacking ang nagtungo sa ilang branch ng naturang bangko at naibalik na ang kanilang pera.

 

 

Pero ayon sa mga nag-claim mayroon daw dalawang opsiyon ang mga magke-claim ng kanilang pera.

 

 

Ito ay ang pagpirma ng quit claim at ang isa naman ay ang pagsasampa ng kaso laban sa naturang bangko.

 

 

Karamihan daw sa mga kumuha ng claims ay pumirma na lamang ng quit claim para agad makuha ang kanilang pera pero ang naturang aksiyon naman ang siyang magiging hadlang para sa legal action laban sa bangko.

 

 

Kaya naman sinabi ni Laban Konsyumer Inc. at dating Trade Sec. Vic Dimagiba na hindi raw dapat pumipirma ng ganito ang mga depositors dahil sila ang biktima.

 

 

Aniya, posible kasing nakadagdag pa sa distress sa mga biktima ang pagkaka-hack ng kanilang account at dapat ay mas malaking halaga pa ang kanilang matatanggap kumpara sa mga nawalang pera.

 

 

Samantala, problema naman ngayon ng ilang OFWs na biktima ng cyber attack kung paano nila mababawi ang kanilang pera dahil kailangang personal silang magpunta sa naturang bangko.

 

 

Dahil dito, hinihiling ngayon ng mga OFWs kung puwedeng ang mga kamag-anak na lamang daw ang mag-claim sa pamamagitan ng authorization letter.

 

 

Una rito, gumalaw na rin ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at bumuo na ng task force para imbestigahan ang naturang insidente.

 

 

Binigyan ng BSP ang task force ng 30 araw para makapagbalangkas ng kanilang rekomendasyon sa posbleng sanctions o multa sa mga sangkot sa hacking.

 

 

Sa panig naman ng National Bureau of Investigation (NBI), pinawi ni NBI-Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo ang pangamba at takot ng publiko sa paggamit ng online transactions.

 

 

Paliwanag niya, kung ikukumpara daw kasi ang fraudelent sa successful transactions ay maituturing naman itong “negligible.”

 

 

Ang mahalaga raw para sa publiko ay ingatan nila ang mga account details para hindi basta-basta mapasok ng mga hackers ang kanilang mga account.

 

 

Aniya, sa nangyaring hacking ay mistulang wala namang kakulangan at kinalaman dito ang mga kliyente o depositor dahil sinamantala raw ng mga hackers ang kahinaan ng security system ng naturang bangko.

 

 

Paliwanag niya, lahat daw ng bangko ay mayroong vulnerability o kahinaan sa seguridad at ito ang ginagawan ng paraan ng mga hackers para mapasok ang kanilang sistema.

 

 

Sa ngayon, patuloy daw na tinutunton ng NBI ang kinaroroonan ng anim na suspek sa naturang hacking.

 

 

Inalis na rin ng NBI ang anggulong mayroong nangyaring inside job sa online fraud dahil mas malaki raw ang risk o panganib ng mga hackers kapag mayroon silang contact sa loob ng bangko.

 

 

Hinimok din ng NBI ang nasabing bangko na isauli na ang mga perang na-hack na aabot sa P50 million dahil wala naman daw nailabas ang mga hackers na pera kundi nailipat lamang ito sa Union Bank at intact pa rin sa naturang bangko ang pera ng mga depositors. (Gene Adsuara)

3 months ‘interval’ sa booster shot, ok – DOH

Posted on: December 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Irerekomenda ng vaccine expert panel ng Department of Health (DOH) sa Food and Drug Administration (FDA) na paiksiin ang pagitan na buwan sa tatlong buwan na lamang sa pagkuha ng booster shot kontra COVID-19.

 

 

Inihayag ito ni Health Secretary Francisco Du­que III makaraan ang pagkakadiskubre sa dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa.

 

 

Pito sa walong naging ‘close contacts’ ng dalawang pasyente ang natukoy na at nagnegatibo na sa COVID-19. Patuloy na biniberepika ng DOH ang isa pang close contact.

 

 

Una nang itinakda ng FDA ang pagbibigay ng booster shot makaraan ang anim na buwan ng 2nd dose ng Sinovac, AstraZeneca, Moderna, ar Pfizer.

 

 

Para naman sa nakatanggap ng single dose na Janssen at Sputnik Light, maaari nang magpa-booster shot matapos ang tatlong buwan.

7 close contacts ng 2 Omicron cases, negatibo sa COVID-19

Posted on: December 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Negatibo sa COVID-19 ang pito sa walong natukoy na close contacts ng dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa.

 

 

Sinabi ni Health Underscretary Maria Rosario Vergeire na agad na isinailalim sa COVID-19 test ang pito na may negatibong resulta.

 

 

Nabatid na ang 48-an­yos na ‘returning Filipino’ mula sa Japan ay nagkaroon lamang ng isang close contact habang sakay ng Philippine Airlines flight PR 0427.

 

 

“Close contact had a negative RT-PCR released last December 4 based on the arrival line list. You may be wondering why there is only one close contact for our 48-year-old male from Japan. It was because he was seated in a business class, and it was just one passenger with him in this business class section,” paliwanag ni Vergeire.

 

 

Ang 37-anyos na Nigerian national naman na mula sa Nigeria ay may pitong close contacts habang sakay ng Oman Air flight number WY 843.

 

 

Anim sa kanila ay napalabas na ng quarantine makaraang magnegatibo sa test habang biniberepika pa ang isa.

 

 

“The reason why there were just seven close contacts is because the foreign national sat at the very end of the plane so we only counted those in front of him and on his side,” ani Vergeire.

 

 

Ipinaliwanag ni Vergeire na hindi lahat ng kasama­hang pasahero ay ikinukunsidera na ‘close contacts’. Lahat naman umano ng mga pasahero ay isinailalim muna sa quarantine at ang mga nagnegatibo sa test ang napapalabas ng isolation. (Daris Jose)

SHARON, nag-post ng nakaka-touch na mensahe para sa 21st birthday ni FRANKIE

Posted on: December 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-POST si Megastar Sharon Cuneta ng nakaka-touch na birthday message para sa anak na si Simone Francesca Emmanuelle Cuneta Pangilinan na ipinanganak noong December 16, 2000.

 

 

Post pa ni Sharon na isang Sagittarius si Frankie and was born in the Chinese year of the Golden Dragon.

 

 

Caption ni Mega, “21. At 21, Baba, I had already married, had had Ate Tina, and come out of my first marriage. I was a working single mom whose whole world revolved around your sister, working hard more often than I would’ve wanted to, to give Ate the best in life.

 

 

“She was my world, and I was hers. Now you are the age I was then, and I cannot believe how very swiftly time flew. In my eyes, you will always be my baby who was born a “manang” – already too mature for her age, even with those innocent, big, black, saucer-like eyes.

 

 

“But truth is, though I miss your little self, I wouldn’t trade the woman you have become for anything. You are so precious to me, and that I am precious to you means the world to me.”

 

 

Sa pagpapatuloy pa niya, “Thank you for being my book-reader over our hours-long facetime sessions, my “What’s up, Baba? Problem?” “No Mama – I just missed you!” baby. My “Thank you po for taking such good care of my Mama” girl whenever I introduced someone from my tv show set to you.

 

 

“Thank you for telling me everything – it has made me respect you all the more, knowing that I have your full trust that I cannot help but be most trustworthy – and worthy of giving you the best pieces of advice from my life’s experiences.   “Thank you for loving me the way you do – at once a best friend, a listening and obedient daughter, even an adviser when sometimes the tables seem to turn and Mama turns to you for advice. Baba, thank you for living your life the way you do. I am so very proud of you, your talents, your gifts, and most of all your heart.

 

 

“I love you from the very depths of mine and I will continue to until my last breath, no matter if you make huge mistakes or whatnot. I will never leave you even if the world does. You are my Baba, my love, my friend, my baby. I feel so privileged to have been chosen by God to be your mother.

 

 

“Happy 21st, my now adult beautiful, talented, God-fearing, good-hearted daughter! I wish you good health and only happiness, no matter how it comes your way! You are, quite simply, my pride, joy, and treasure. May God give you all the desires of your ever so deserving heart! “

 

 

Dagdag pa ni Sharon, “Yaaay you’re coming home na!!! See you in two sleeps! @frankiepangilinan.”

 

 

Agad naman nag-reply si Frankie ng, “i love u mommy :,)”

 

 

Pero kahit na ang ganda-ganda ng sweet message ni Sharon para kay Ate Frankie, meron at meron pa ring negative comments ang netizen.

 

 

Say nga ng isa, parang may patama raw ito kay KC Concepcion at parang birthday daw niya ang nilalaman ng birthday message:

 

 

“Ay, sa unang part ay about Tita Shawie. Kala ko siya ang may birthday. Chos.”

 

 

“Hhhmmnnn… seems may shade ng konti kay Ate Tina?”

 

 

”Wala! Sinabi niya lang that KC was her world when she was the same age as Frankie! Dumi ng utak mo!”

 

 

“It is a touching message for Frankie. But why did she have to bring up “working toohard” for KC yet again?”

 

 

“No you didn’t get it. She said during Frankie’s age, KC was her world and that she was working very hard for her. What’s wrong with that? Alam naman nating lahat that during that time, no one worked harder that her kaya nga super laki ng eye bags niya noon ah!”

 

 

“Hanggang first sentence lang ako. Mukang mas para sa kanya ata yung message kesa sa may birthday.”

 

 

“Andaming nega. I find the message really sweet… cguro Sharon has trust issues and she found a confidante in Kakie who loves her just as much.”

(ROHN ROMULO)

Pagbabakuna, hindi magagamit sa pulitika lalo’t sa sandaling magsimula na ang pangangampanya-Dizon

Posted on: December 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI masasamantala ng mga kandidato sa kanilang pangangampanya ang vaccination drive ng pamahalaan.

 

Sinabi ni Presidential Adviser for COVID-19 response Secretary Vince Dizon na hindi sila papayag na mapasukan ng pamumulitika ng sinumang kumakandidato ang vaccination efforts ng pamahalaan.

 

Neutral ang gobyerno at diretso sa taumbayan ang pakinabang ng pagbabakuna at hindi sa kaninomang tumatakbo na mga pulitiko.

 

“Neutral po ito at diretso tayo sa taumbayan at hinihikayat natin ang lahat na talagang magpabakuna na kasi ito lang talaga ang proteksiyon natin laban sa COVID-19 lalung-lalo na, matakot  tayo dito sa Omicron variant na kumakalat na sa buong mundo,” aniya pa rin.

 

Tiniyak nito na magiging tuluy- tuloy at walang hinto ang vaccination initiatives ng gobyerno na kahit panahon ng kampanya at mismong eleksiyon ay hindi titigil ang pamahalaan sa pagbabakuna.

 

“Hindi tayo puwedeng huminto sa ating pagbabakuna ‘no. Tuluy-tuloy iyan kahit nasa kampanya, kahit sa eleksiyon tuluy-tuloy  tayo at sisiguraduhin natin na hindi magagamit ang pagbabakuna sa pamumulitika,” anito.

 

Kaugnay nito, sinabi kamakailan ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na nasa 90 milyon ang tinatarget ng pamahalaan na mabakunahan ng Administrasyon bago ang pagbaba nito sa June 2022. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

President Duterte unveiled new train sets ng MRT 7

Posted on: December 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinanguhan ni President Rodrigo Durterte noong nakaraang Huwebes ang unveiling ng mga bagong train sets para sa operasyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT 7) na magbubukas sa huling quarter ng 2022.

 

 

Ang bagong MRT 7 ay isang world-class na transportasyon at inaasahang makakatulong upang maging mas productive ang mga mangangawa at maging maunlad ang mga negosyo sa Metro Manila.

 

 

“The arrival of the trains and the significant progress made on the MRT 7 project confirm this administration’s strong commitment to pursue critical infrastructure projects even amid the challenges of the COVID-19 pandemic,” wika ni Duterte.

 

 

Ang MRT 7 na may habang 24 kilometro mula sa North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose Del Monte sa Bulacan ay 60 porsiento ng tapos at inaasahang magiging operasyonal sa darating na 2022.

 

 

Dagdag pa ni Duterte na ang MRT 7 ay isang rail transportasyon na makapagbibigay ng mas mabilis, ligtas, kaaya-aya, maginhawa, at komportableng pagbiyahe ng mga pasahero.

 

 

May anim (6) na bagong train sets o labing-walong (18) train cars ang dumating at pinakita ng Pangulong Duterte.

 

 

Ang MRT 7 ay nagkakahalaga ng P77 billion at binigyan ng pondo mula sa public at private partnership ng San Miguel Corporation sa ilalim ng build-transfer-and operate na pamamaraan at may 25 taon na concession period.

 

 

Inaasahang mabibigyan ng serbisyo ang may 300,000 na pasahero sa unang taon ng operasyon hanggang 850,000 na pasahero kada araw sa ika-12 taon ng operasyon nito.

 

 

May kabuohang 108 rail cars o 36 train sets ang binili mula sa South Korea’s Hyundai Rotem ang babagtas sa 14 na estasyon nito. Inaasahang mababawasan ang travel time sa pagitan ng North Avenue at San Jose Del Monte kung saan ito ay magiging 35 minutes na lamang mula sa dating tatlong (3) oras ng paglalakbay. Inaasahang mababawasan ang pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila.

 

 

“MRT 7 is a vital cog in our long-term goal to develop an integrated and interconnected transportation system where people from all income levels can get around and beyond the metropolis, quickly and efficiently. More than an affordable, reliable and efficient means to move people, MRT 7 signifies a turning point in our resolve to promote equity and inclusivity across our cities. It’s a better vehicle for opportunities, equity and better quality of life for Filipinos,” ayon kay SMC president at chief executive officer Ramon Ang.

 

 

Nanawagan pa rin si Duterte sa mga sangay ng pamahalaan na dapat masiguro ang madaling pagpapatupad at pagtatapos ng mga malalaking proyekto ng pamahalaan habang patuloy na may kaakibat na transparency, integrity at accountability sa mga operasyon.

 

 

Pinasalamatan naman ni Duterte ang partnership ng SMC at ang Department of Transportation (DOTr) dahil naging posible ang proyektong MRT 7.

 

 

Ang proyektong MRT 7 ay may 14 na estasyon tulad ng Quezon North Avenue, Quezon Memorial Circle, University Avenue, Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Manggahan, Dona Carmen, Regalado, Mindanao Avenue, Quirino, Sacred Heart, Tala, at San Jose del Monte.  LASACMAR