• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 8th, 2022

Mga laro sa PBA tuluyan ng kinansela dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19

Posted on: January 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Itinigil ng Philippine Basketball Associaton (PBA) ang nagaganap ng mga laro sa 2021-2022 Governors’ Cup dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Sa unang plano kasi ay temporaryo muna nilang ititigil ang mga laro ng isang linggo subalit nagdesisyon ang mga boards na itigil muna ito ng walang katiyakan.

 

 

Ayon kay PBA chairman Ricky Vargas na isang mabigat na desisyon ang nasabing hakbang pero mas inalalal nila ang kalusugan ng kanilang manlalaro at staff.

 

 

Noong Disyembre kasi ay sinimulan ng PBA na tumanggap ng mga live audience matapos na makabalik sa mga malalaking coliseum at arena sa Metro Manila.

MVP nag-donate ng vaccine para sa national athletes

Posted on: January 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Nagbigay ang MVP Sports Foundation (MVPSF) ni businessman at sports patron Manny V. Pangilinan ng 500 booster shots ng Moderna anti-COVID-19 vaccine para sa mga miyembro ng Team Philippines na sasalang sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.

 

 

Ito ay para sa proteksyon ng mga national athletes laban sa COVID-19 bago sila sumabak sa 39 sa kabuuang 40 sports sa nasabing biennial event.

 

 

“It’s absolutely a big help,” sabi kahapon ni Phi­lippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino sa tulong ni Pangilinan.

 

 

Ipagtatanggol ng Team Philippines ang overall crown na nakamit noong 2019 sa kanilang paglahok sa Vietnam SEA Games na nakatakda sa Mayo 12 hanggang 23.

 

 

Ayon kay MVPSF president Al Panlilio, ang nasabing booster shots ay bahagi ng kanilang commitment sa POC kung saan siya nagsisilbing First Vice President.

 

 

Si Panlilio, pangulo rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), ang namumuno sa vaccination program ng POC.

 

 

Ang nasabing booster shots ay para na rin sa partisipasyon ng Team Philippines sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre 10-25.

DOTr: Mga empleyado ng rail lines sumailalim sa antigen test

Posted on: January 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na may 345 na empleyado ng mga rail lines ang sumailalim sa antigen testing at nagpositibo matapos ang ginawang testing.

 

 

Nagpositibo rin ang may 56 na empleyado matapos na sila ay sumaillaim naman sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR tests).

 

 

May kabuohang 1,709 na empleyado ng Light Rail Transit Line 1, Light Rail Transit Line 2, Metro Rail Transit Line 3, at ng Philippine National Railways (PNR) ang sumailalim sa antigen testing simula pa noong nagdaang Lunes.

 

 

“Out of these 1,709, we have recorded 345 COVID-positive cases based on antigen. So far, 56 have confirmed positive after undergoing RT-PCR tests,” wika ni DOTR undersecretary Timothy John Batan.

 

 

Dahil ang Metro Manila ay nasa ilalim na muli ng Alert Level 3, ang DOTr ay minarapat na gumawa ng mga hakbang upang masiguro na ang mga pasahero at empleyado ay protektado laban sa COVID-19.

 

 

Ayon pa rin sa DOTr, ang mga empleyado ng LRT Line1, LRT Line 2, MRT 3, at PNR ay kinakailangan sumailalim sa antigen testing at ang mga magpopositibo ay kinakailangan naman na sumailalim din sa RT-PCR test.

 

 

“Antigen testing started last Monday and it is ongoing by batches due to the number of people we have in the rail sector. The testing will continue throughout the week until we test all our rail personnel, and to quarantine and give the necessary treatment for those who are infected,” dagdag ni Batan.

 

 

Nilinaw din ni Batan na hindi naman maaapektuhan ang operasyon ng lahat ng rail lines sa Metro Manila dahil sa ganitong pangyayari.

 

 

Sa kabilang dako naman, ang sentral na opisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City ay walang operasyon noong nakaraang Huwebes at Biyernes dahil ang mga empleyado ay sumailalim din sa swab testing.  LASACMAR

Tinamaan ng Omicron, may proteksiyon na vs iba pang COVID-19 variant

Posted on: January 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

May benepisyong maidudulot ang Omicron COVID-19 variant sa mga tinamaan nito at nakaligtas dahil magsisilbi itong ‘natural vaccine’, ayon sa isang molecular biologist.

 

 

Sinabi ni Father Nicanor Austriaco, isang Filipino-American Catholic priest na isa ring molecular biologist sa GoNegosyo Town Hall meeting nitong Miyerkules, ang mga nakarekober sa impeksyon sa Omicron ay magkakaroon ng mga antibodies na magpoprotekta rin sa kanila mula sa lahat ng iba pang mga variant ng COVID-19.

 

 

Posible aniyang ito na ang “the beginning of the end” ng pandemya, subalit kailangang ma­ging maingat ang publiko.

 

 

May pag-aaral aniya na ang Omicron variant ay isang natural vaccine, na hindi lamang laban sa  Omicron kundi laban din sa Delta, Gamma, Beta, Alpha at  D614G variants.

 

 

Inihalimbawa ni Austriaco ang Omicron na parang wildfire na kumalat at nang maubos na ang masusunog na puno ay nag-crash na siya o wala nang mapuntahan kaya’t maaring itong variant na ito ang magpapatigil sa pandemya.

 

 

“This is the hope and the prayer. The Omicron is actually a blessing. It will be hard for one month, but afterwards, it should be a blessing because it should provide the population protection that we need everywhere,” paliwanag niya.

 

 

Mild lamang aniya ang Omicron na hindi naman marami ang maoospital at mamamatay subalit kailangan sa mga ‘di bakunado na magpaturok na ng COVID vaccine.  (Daris Jose)

Halle Berry’s Action Vehicle ‘Moonfall’ New Trailer Reveals an Interstellar Plan to Save the Earth

Posted on: January 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Halle Berry action vehicle Moonfall new trailer has just released.

 

 

The film tells the story of an unlikely team of individuals who are tasked with saving the Earth when the moon is knocked off its orbit and comes hurtling towards earth.

 

 

Directed by Roland Emmerich, who is known for directing many sci-fi epics like Independence Day and The Day After Tomorrow, so audiences should expect a huge spectacle equipped with fun CGI and clever one-liners, as well as stars stars Patrick WilsonJohn BradleyMichael PeñaDonald Sutherland, and Charlie Plummer.

 

 

The sci-fi action spectacle Moonfall arrives in theaters on February 4.

 

 

Check out the official trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=ivIwdQBlS10

 

 

 

The new trailer opens with conspiracy theorist K.C. Houseman (Bradley) figuring out that the moon is out of orbit. Houseman teams up with an Astronaut With a Past (Wilson) to try to warn NASA. We then meet NASA Executive Jo Fowler (Berry), who realizes that artificial intelligence is at play, and audiences are given a glimpse of an organism that looks like black sticky goo, before being shown the journey that these three characters go on together in order to save humanity.

 

 

The screenplay is written by Emmerich, Harald Kloser, and Spenser Cohen. Kloser co-wrote Emmerich’s 2012, while Cohen co-wrote Netflix’s sci-fi flick Extinction.

 

 

Berry seems to be starting her new year off right with this starring role in a big-budget blockbuster, in addition to directing and starring in Netflix’s Bruised, and she will next be seen in Netflix’s sci-fi drama The Mothership, planned for release sometime this year.

 

 

Moonfall is set to be this year’s first big blockbuster, so that means movie buffs can start to get truly excited about going to theaters a little earlier than usual, and can expect more teases and promotional material soon.

 

(ROHN ROMULO)

Pope Francis pinuna ang mag-asawang mas pinipiling mag-alaga ng mga hayop imbes na magkaanak

Posted on: January 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pinuna ni Pope Francis ang mga mag-asawa na mas pinipiling mag-alaga ng mga hayop imbes na magkaroon ng sariling mga anak.

 

 

Sinabi ng Santo Papa na ang pagtigil ng isang mag-asawa na maging magulang ay nakakasira sa sibilisasyon at magdudulot ng kawalan ng pagiging makatao.

 

 

Dagdag pa nito na may ilang mga magulang na kontento na sa pagkakaroon ng isang anak habang mayroon silang tig-dalawa o mahigit pang alagang aso at pusa.

 

 

Dahil dito ay nawawala na ang sibilisasyon dahil sa hindi na pinagyayaman ang pagiging ama o ina.

 

 

Pinayuhan din nito ang mga mag-asawa na walang mga anak na maaari silang mag-ampon.

IHU coronavirus hindi pa ‘variant of concern’ – health expert

Posted on: January 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Hindi maituturing na variant of concern ang IHU coronavirus variant na unang natuklasan sa France.

 

 

Sinabi ni infectious disease expert Dr. Edsel Salvana na mula pa noong Nobyembre 2021 ay binabantayan na ito ng World Health Organization (WHO).

 

 

Dagdag pa nito na marami itong mutations pero wala umano itong immune evasion sa naunang variant na Delta at Omicron.

 

 

Ang IHU ay pangalan umano ng isang institute sa France.

 

 

Patuloy aniya nila itong babantayan pero hindi ito gaano nilang bibigyang ng atensiyon tulad ng Delta at Omicron coronavirus variant.  (Daris Jose)

MAVY at CASSY, binaha ng birthday greetings at ‘di naman nagpahuli sina DARREN at KYLINE

Posted on: January 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TWENTY-ONE years old na pala ang famous twins na anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy Legaspi noong January 6, 2022.

 

 

May kanya-kanya namang post ang Kapuso stars sa kanilang Instagram account bilang bahagi ng kanilang 21st birthday.

 

 

Nakatutuwa ang pinost ni Mavy na throwback at latest photos na kung saan suot niya ang Spider-man costume.

 

 

Caption ng isa sa star ng I Left My Heart In Sorsogon, “21. happier, stronger, more determined and still in my spidey suit.”

 

 

Si Cassy na soon ay muling mapapanood sa primetime series ng GMA-7 na First Lady ay nag-post ng glam up photos at may caption naman na, “21”, na may kasamang emojis ng champagne, sparkle, heart at dragon.

 

 

Nag-post din si Cassy ng teaser para sa bago niyang special dance cover ng ‘Cold Blooded’ na iri-release sa kanyang YouTube channel na may caption ng short video clip, “EVERYDAY IS MY BIRTHDAY.”

 

 

Ibinahagi rin ni Cassy ang behind the scene photos ng shoots ng naturang video.

 

 

At tulad ng inaasahan bumaha ng birthday greetings mula sa mga fans, netizens at celebrity friends.

 

 

Pero ang inabangan ang magiging pagbati ng Kapamilya actor-singer na si Darren Espanto at Kapuso actress na Kyline Alcantara.

 

 

Nag-post si Darren ng kanyang pagbati sa Legaspi twins sa kanilang 21st birthday kasama ng mga photos at videos nilang magkakasama.

 

 

Caption niya, “Two of the most genuine people that I’ve ever met. Thank you for always being there, you two.

 

 

“To my brother Maverick, a.k.a. Derek Zoolander, feels like that dance prod we did as 15 year olds was just yesterday and now you’re turning 21.

 

 

“Thank you for being our designated driver, always…dejk lang. Thank you for being someone I can always count on. Always here for ya.”   Pahayag ni Darren, “To Cass, a.k.a. Jisoo (pagbibigyan kita kasi birthday mo naman), A HUGE thank you! You’ve been with me through my highs and lows and it takes a lot to deal with a Darren Espanto.

 

 

“Continue to be the badass that you are! You’re one of the strongest women I’ve ever met and you never fail to impress us.  You’re always there for your friends and family but I wish you’d set aside some time for yourself as well, ok? I’ve always got your back!”

 

 

Dagdag pa niya, “I’m happy that the things you guys only dreamt of doing before are all coming true and this is only the beginning! I wish y’all nothing but success and happiness always. Love you both!!!”

 

 

Ang sweet naman ang birthday message ni Kyline para sa kanyang rumored boyfriend na ka-loveteam sa ILMHIS kasama ng photo at video.

 

 

Caption naman niya, “My Zac, happiest birthday to you.

 

 

“I’m so happy to be part of your 21st birthday. Wholeheartedly, I just want to thank you for everything. We can do this.”

 

 

Reply naman ni Mavy, “thank you for being a part of my life hehe.”

 

 

Hindi niya kinalimutang I-greet ang tinuturing na niyang sister na si Cassy.

 

(ROHN ROMULO)

PATAFA ‘di muna sisibakin si EJ sa national team

Posted on: January 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pinakinggan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang kahilingan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Malacañang para maresolbahan ang kanilang isyu kay national pole vaulter Ernest John Obiena.

 

 

Sa kanyang sulat kay PSC chief William ‘Butch’ Ramirez ay sinabi ni PATAFA chairman Rufus Rodriguez na ipagpapaliban nila ang pagsibak kay Obiena sa national pool sa loob ng dalawang linggo.

 

 

Hindi rin muna ipupursige ng athletics association ang pagsasampa ng criminal charges laban sa World No. 6 pole vaulter.

 

 

Pinakinggan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang kahilingan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Malacañang para maresolbahan ang kanilang isyu kay national pole vaulter Ernest John Obiena.

 

 

Sa kanyang sulat kay PSC chief William ‘Butch’ Ramirez ay sinabi ni PATAFA chairman Rufus Rodriguez na ipagpapaliban nila ang pagsibak kay Obiena sa national pool sa loob ng dalawang linggo.

 

 

Hindi rin muna ipupursige ng athletics association ang pagsasampa ng criminal charges laban sa World No. 6 pole vaulter.

 

 

“In deference to the com­ments made by Malacañang and due res­pect to the PSC and it’s Board of Trustees further the Statement of the Board, on behalf of the Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) Board of Directors, the PATAFA has agreed to defer the implementation of the recommendations in the Fact-Finding Report dated December 29, 2021 for a period of two weeks,” ani Rodriguez.

 

 

Noong Miyerkules ay hiniling ng PSC Board kina Obiena at PATAFA president Philip Ella Juico na itigil ang paglalabas ng anumang komento at sa halip ay sumailalim sa isang mediation.

CIARA, pabiro at ‘di rin naiwasang mag-post ng nagti-trending na brand ng paracetamol

Posted on: January 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATI si Ciara Sotto sa pagpu-post tungkol sa nagti-trending na biogesic at paracetamol.

 

 

Nag-post si Ciara sa kanyang Facebook account ng status na, “Walang sinabi yung Biogesic pag ako yung nag-ingat sayo!”

 

 

At saka niya sinundan ng mga laugh, peace emoji at mga hashtags na “charot” at “joke lang po.”

 

 

Umani ng mga laugh comments at mga naaliw sa status niya ang mga Facebook friends niya. Siyempre, given naman kasi na isa sa naging ex-boyfriend at matagal din na naka-relasyon ni Ciara ay si John Lloyd Cruz.

 

 

Si John Lloyd na walang ka-effort-effort ay napag-uusapan ngayon dahil matagal naman na celebrity endorser ng Biogesic at sa sikat niyang “ingat” na paalala sa mga TVC niya ng naturang brand ng paracetamol.

 

 

Ending, tinutukso si Ciara ng mga nga nagko-comment sa kanya. Ilan sa mga ito, “Palaban tayo ngayon.” Na sinagot naman niya na, “pagbigyan hahaha. Laban lang.”

 

 

May nag-post naman ng picture nilang dalawa noong sila pa at saka nilagyan ng caption na, “hindi po ito joke.”  Natawa si Ciara sabay sabi na, “langya ka.”

 

 

***

 

 

AMINADO si Jo Berry na sa pagkawala ng kanyang ama, kuya at Lolo noong 2021, hindi na siya magiging tulad pa ng dati.

 

 

Ang ama at ang kuya niya rin kasi ang halos kasama niya sa mga tapings at talagang naging napakahirap naman talaga sa Little Princess star ang pinagdaanan niya at pamilya niya noong 2021.

 

 

Pero ang bagong primetime series ng GMA-7 na magsisimula ng mapanood sa Lunes, January 10, ang Little Princess ang nakatulong din daw sa kanya para kayanin ang mga nangyari.

 

 

Sabi nga ni Jo, “Naging idol ko nga po si Princess. The whole time po kasi, bago ko pumasok ng lock-in, may mabigat po akong pinagdadaanan.  So noong nandoon ako, si Princess po ang naging takas ko for a while. 

 

 

 

“Alam ko na kailangan ko siyang gampanan at ‘yung mga hugot ko no’ng time na ‘yon, nagamit ko kay Princess.

 

 

      “Kahit masakit ang pinagdadaanan, kailangan nating kayanin kasi, nandito pa tayo sa buong mundong ‘to.”

 

 

Naging daan daw ang Little Princess na serye niya para kayanin niya ang pagkawala ng mga mahal sa buhay at huwag mag-pause dahil kailangan niyang gampanan ang bagong seryeng ipinagkatiwala sa kanyang muli ng GMA-7.

 

 

***

 

 

SA rami na ng mga nagawang movies ni Cindy Miranda last year alone na lang at talaga namang isa siya sa mga sexy star na masasabing palaban talaga at tila hindi umuurong.

 

 

At sa bago niyang movie na magsisimula ng mai-live streaming sa January 21 sa Vivamax, ang Reroute daw ang makokonsider niyang pinaka-best sa lahat ng ginawa niya.

 

 

      “Iba ang intensity nito. At masasabi ko na iba talaga, sobrang fluid ko sa movie, sobrang dalang-dala. I can’t wait to watch the movie. I haven’t watch it, pero I have the feeling na this is a very good movie.”

 

 

Ang makasama sa isang movie ang itinuturing na idol niya na si John Arcilla raw ang isa sa maipagmamalaki n ani Cindy sa Reroute. Meron pang Sid Lucero na kilala rin na mahusay na actor.

 

 

     “I think, ‘yun ang pinaka-kakaiba rito. Nabigyan ako ng chance na makasama sa isang film ang isang John Arcilla. So sobrang level-up talaga. I was so worried, of course, very, very good actor and best actor.

 

 

      “At siguro kapag tinanong ako, anong movie ang dapat nilang panoorin sa lahat ng ginawa ko, sasabihin ko sa kanila na panoorin nila ang Reroute. This is my best,” sey niya.

 

 

Nang tanungin namin siya kung hindi ba siya na-pressure na ang dalawang actor ang ka-eksena niya.

 

 

Napa, “Ay, grabe po. Tinatanong ko ang sarili ko kung ready ba ko na ka-eksena sila. Palagi ko na lang pong ginagalingan. Pero siguro, mas ginalingan ko pa sa movie na ito.” (ROSE GARCIA)