• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 11th, 2022

Kaso ng COVID-19 sa Asya mas dumoble dahil sa Omicron

Posted on: January 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MABILIS ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon ng Asya.

 

 

Itinuturing na nagtala ng all-time records ang Australia at Pilipinas habang ang India ay mayroong seven-month high nitong Enero 8.

 

 

Nagtala ang Australia ng 116,025 na kaso nitong Sabado na nahigitan ang dating record nito na 78,000 habang ang Pilipinas ay mahigiti 28,000 ang naitala na siyang pinakamataas sa loob ng dalawang araw.

 

 

Umabot naman sa 141,986 na bagong kaso rin ang naitala ng India sa loob rin ng isang araw.

 

 

Sumipa naman sa 8,480 ang naitalang kaso sa Japan mula ng tanggalin ang State of Emergency noong Setyembre.

 

 

Bumaba naman ang kasong naitala sa China kung saan mayroong 159 na kaso nitong Biyernes na mas mababa sa naitalang 174 noong nakaraang mga araw na karamihan ay mga 95 locally transmitted cases sa Henan at Shanxi province.

NON-MANILA RESIDENTS, PUWEDENG MAKAKUHA NG ANTI-COVID DRUGS SA MAYNILA

Posted on: January 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na maari ring makakuha ng Anti-Covid drugs sa pamahalaang lungsod ng  Maynila ang mga non-Manila residents .

 

 

Ayon sa alkalde, may sapat na suplay ng Remdesivir, Tocilizumab, Baricitinib at Molnupiravir ang Manila LGU na kasalukuyang kailangan dahil sa paglobo ng kaso ng Covid-19.

 

 

“Sa ating mga kababayan na naghahanap ng gamot, welcome po kayo sa Maynila.  Ang importante, mabuhay ‘yung tao, mailigtas yung tao, kahit sino pa siya.  Sa Maynila, walang mayaman, walang middle class, walang mahirap. Lahat pantay-pantay.  They can avail these medicines.  Basta mabuhay lang ‘yung tao,” ayon kay Domagoso.

 

 

Nitong nagdaang ilang araw ay abala ang mga kawani ng city government na mamahagi ng kahon-kahong Molnupiravir sa mga nangangailangan dahil ito ay unang oral antiviral  drug na sinasabing nakakabawas sa peligro ng pagkakaospital  at pagkamatay ng COVID  patients ng 50%.

 

 

Pinipigilan din nito ang banayad hanggang katamtamang mga kaso ng COVID-19 mula sa pag-unlad sa malubhang sakit sa kondisyon na ang gamot ay iniinom sa unang limang araw ng impeksyon.

 

 

Aabot sa 40,000 capsules ng Molnupiravir ang binili ng Manila LGU  at idiniliver sa  Sta. Ana Hospital noong November.

 

 

Ayon kay Domagoso, may panibagong delivery ng Molnupiravir ang inaasahang darating sa katapusan ng January dahil sa mataas na demand para sa gamot sa gitna ng bagong surge ng COVID cases.

 

 

“All they have to do is coordinate sa ating Manila Health Department or dun sa mga pinopost naming numero, tawagan lang nila at idedeliver natin at i-eextend natin yung mga gamot laban sa Covid-19. Reseta lang talaga kailangan. Kasi we could not dispense without the prescription,” paalala pa ni Domagoso. GENE ADSUARA

KIM, nagpaalala na huwag munang lumabas sa pagtaas ng COVID-19 cases; netizens may iba’t-ibang reaction

Posted on: January 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAALALA naman si Kim Chiu na bawal munang lumabas ng bahay sa panahon ngayon na patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases dahil sa omicron variant.

 

 

Post ni Kim sa kanyang IG account,How’s your first week of 2022???

 

 

For me, some of my friends, loved ones are infected by #omicron. I hope and pray that this will be the beginning of the end. Keep safe everyone #BawalLumabas bahay muna, pahinga from all the parties and vacation that we had.

 

 

Take this time to reflect, reset, eat healthy, exercise, drink your vitamins and plan for the rest of the days of 2022.✨ If you have any of the symptoms please isolate na kaagad para di mahawa yung mga kasama nyo sa bahay. More than anything we really have to be responsible. 

 

 

“Kaya natin to. take care everyone!

 

 

Reaction naman ng netizens na karamihan ay may mga puna sa kanyang pinost:

 

 

“Sila lang naman galing sa vacation. Sila ang labas ng labas.”

 

 

“After magkalat ng virus, pahinga daw muna.”

 

 

“Kung makapagsalita naman na bawal lumabas as if wala kaming binubuhay na pamilya at sayo pa talaga nagmula Kim na panay labas din?”

 

 

“i think ang pinapatamaan ni Kim ay mga katulad ni Gywneth.…”

 

 

“Sana mabasa to ni Sofia (Andres).”

 

 

“Parang ang off the hinu-hope nya sa sentence nya. Beginning of the ‘end’ para sa mga infected ng virus?”

 

 

“duh kung nega ang utak mo nega dating non. pero alam naman natin ano ibig nya sabihin. na shes hoping that the end of the virus is already here. dyeske gawa pa ng intriga.”

 

 

“Off talaga kasi yung unang phrase is may mga kakilala sya na infected ng omicron tapos susundan nya ng “the beginning of the end” like girl ano to? Double check din minsan ng sasabihin para hindi masama sa pandinig.”

 

 

“Mga tao nga naman. naintindihan naman nila kung anong ibig sabihin ni Kim pero ayan o. andami pa ring gusto lang maging bitter!”

 

 

“Read more news sa ibang bansa that is not negative.”

 

 

“May i hope and pray na nga. Pilit pa ring iniiba ang meaning kahit sila mismo alam nila kung ano gusto iparating ni Kim.”

 

 

“Bakit teh hindi ba masama na nagstart na ang end ng virus? di ba yon gusto natin mahinto na ang pandemic!? gamitan din ng logic pag magbasa ui!”

 

 

“The term “beginning of the end“ (of covid pandemic ) has been actually quoted by some scientists in various medical journals. They refer the Omicron.”

 

 

“You really think Kim is wishing the end for people? The priest/biologist of OCTA used that term as well, “beginning of the end,” meaning he and other scientists the world over are hoping that omicron is the beginning of the end OF THIS PANDEMIC. Kasi omicron is spreading like wildfire and hopefully will give us the herd immunity that will make covid something like flu na lang—manageable. Kaka stress yung mga super literal mag-isip!”

 

 

“Ironic lang na kung sino pa yung mga pala bakasyon at gala sila pa tong may lakas ng loob mangaral!”

 

 

“Walk the talk!! Kayo tong labas ng labas para mag bakasyon tapos ngayon bawal lumabas? Buti kung lumalabas kayo mainly for essential reasons.”

 

 

“Bawal lumabas? Eh diba nagvacation lang siya over the holidays with Xian?”

 

 

“Sa mga nagtatanggol sa caption ni Kim, gets naman namin yung gusto niya iparating pero sana di lang pinagsunod na sentence. Iba dating eh.”

 

 

“Ok naman caption ni Kim. Di naman niya sinabi na “THEIR END” so alam natin na di ung mga tao ang sinasabihan niya. Alam naman ng lahat na ang “THE End” na sinasabi niya is end of Covid 19, para bang si you know who. Kung kausap mo mga Native Speaker ng English, gets nila yan at di ka nila laitin or icorrect pa. Dito kasi sa pinas, more puna sa kapwa niya, the more feeling mas matalino siya. Push niyo yan.”

 

 

“Tama naman yong sentence construction and if you are being reasonable magegets mo what she really meant. yong iba lang dito feeling perfect! eh sa totoo lang yong mahilig mamuna yon naman palagi ang may mali!”

(ROHN ROMULO)

Abogado ni Djokovic patuloy na ipinaglalaban ang health exemption visa nito

Posted on: January 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DESIDIDO ang mga abogado ng gobyerno ng Australia na pauwiin si Serbian tennis star Novak Djokovic.

 

 

Ibinunyag pa din nila na hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccine ang 34-anyos na Australian Open defending champion.

 

 

Hindi rin tinanggap nila na kaya humingi ng medical exemptions ang abogado nito dahil umano mayroon siyang naranasang ng infections.

 

 

Iginiit naman ng abogado nito sa pamamagitan ng 35-pahinang dokumento na tumugon sila sa criteria ng vaccine exemption certificate dahil sa COVID infections.

 

 

Magugunitang hindi pinayagan ng makaalis sa immigration ng Australia si Djokovic kahit na ito ay nakakuha na ng medical exemptions na inalmahan ng kanilang gobyerno dahil mahigpit na pinagbabawal ang mga dayuhan na hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

PDu30, nanawagan ng pagkakaisa, panalangin ngayong Pista ng Itim na Nazareno

Posted on: January 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA si Pangulong Rodrigo Roa  Duterte ng pagkakaisa at patuloy na panalangin para sa paggaling ng sangkatauhan.

 

 

Ito ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Duterte ngayong Pista ng Itim na Nazareno.

 

 

“Although we may not be able to take part in the usual Traslacion activities that have marked the celebration for centuries, let us keep on demonstrating our faith by praying for our country’s recovery and for humanity’s complete healing, especially from the ill effects of the COVID-19 pandemic,”ayon sa Pangulo.

 

 

“As a predominantly Catholic nation, may we remain united in spirit and in truth as we continue to build a future that is truly blessed with peace, prosperity, love and goodwill for all,” dagdag na pahayag into.

 

 

Ang Pista ng Itim na Nazareno ay ipinagdiriwang ngayong araw ng Linggo, Enero 9.

 

 

Subalit, dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases, ang taunang Traslacion, prusisyon ng imahe ng Black Nazarene mula Quirino Grandstand papuntang  Quiapo Church, ay kanselado.

 

 

Nauna nang hinikayat ng Pangulo ang suspensyon ng mass gatherings kabilang na ang tradisyonal na Traslacion at misa para sa  Black Nazarene, bunsod ng tumaas na COVID-19 infections sa bansa.

 

 

“This venerated religious tradition, which commemorates the transfer of the image of Jesus Christ from its original place in Intramuros to its current shrine in Quiapo, is also a precious time for every devotee to understand the value of suffering and its saving grace,” ayon sa Chief Executive. (Daris Jose)

ARA, dream come true na finally ay nakasama na sa work si SHARON

Posted on: January 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BAKIT kaya parang masyadong tahimik ang career ni Liza Soberano?

 

 

Walang masyadong balita kung ano ang pinagkakaabalahan ni Liza, career-wise.

 

 

Tungkol lang sa trip abroad ng with bf Enrique Gil ang makikita sa IG account ni Liza.

 

 

Okay lang ba kay Liza na out of sight muna sa showbiz ang beauty niya?

 

 

After she had to back out of Darna, parang wala nang masyadong balita about Liza.  Baka naman namimili siya ng gagawin project kasi Darna was too big a project to let go.

 

 

Anyway, may gagawin daw na TV series at ni-reveal na lately movie ang LizQuen na may title na The Break-Up Trip, kaya hihintayin na lang nating kung kailan ito masisimulan.

 

 

***

 

 

NI-REPOST ni Megastar Sharon Cuneta ang birthday message sa kanya ni Ara Mina, na kasama niya sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Sabi ni Ara sa kanyang mensahe, mas lalo raw inspired to work dahil kay Sharon. Dream come true for Ara na finally ay makasama sa work si Sharon. Wala pa raw silang eksena together ay naiiyak na siya.

 

 

Sabi pa ni Ara, feeling mas closer na raw siya kay Sharon since they have been together sa set ng FPJAP. Overwhelmed si Ara since bata pa siya ay idol na niya ang Megastar.

 

 

Hindi raw malilimutan ni Ara ang duet nila ni Sharon dahil yung unang guesting niya sa TSCS ay nag-duet sila ng ‘Mr. DJ’ kung saan nanginig si Ara sa sobrang saya at tense.

 

 

“Salamat ate sa most sincere friendship na nafi-feel ko from you. I love you more than ever ate…sis…kumare…ninang…your twin hindi na mini me kasi you are so sexy na grabe! Can’t wait to be with you again. See you sa lock-in taping natin. Happy Birthday! We love you! – Dave, Hazel & Mandy.”

 

 

***

 

 

ANYTIME this week ay ihahayag na ang mga winners ng 6th GEMS –Hiyas ng Sining Awards.

 

 

Naisulat na namin ang nominees sa film category ng GEMS. Narito naman ang mga finalists sa TV category. (Entertainment/Variety) category.

 

 

Best TV Program (Entertainment/Variety) All-Out Sundays (GMA 7), ASAP Natin ‘To (Kapamilya Channel), Eat Bulaga (GMA 7) It’s Showtime (Kapamilya Channel), Lunch Out Loud (TV5).

 

 

Best TV Program Host (Male or Female – Entertainment/Variety) – Alex Gonzaga (Lunch Out Loud), Ogie Alcasid (It’s Showtime), Regine Velasquez (ASAP Natin ‘To), Ryan Agoncillo (Eat Bulaga),Vice Ganda (It’s Showtime).

 

 

Best TV Program (Reality / Talent Search) – I Can See Your Voice (Kapamilya Channel), Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 – Celebrity Edition (Kapamilya Channel), Sing Galing Sing-lebrity Edition (TV 5), The Clash (GMA 7), Your Face Sounds Familiar (Kapamilya Channel).

 

 

Best TV Program Host (Reality / Talent Search) – K Brosas (Sing Galing), Luis Manzano (I Can See Tour Voice), Luis Manzano (Your Face Sounds Familiar), Rayver Cruz (The Clash), Toni Gonzaga (Pinoy Big Brother Kumunity Season 10  (Celebrity Edition).

Best TV Series – “Encounter” (TV 5), “First Yaya” (GMA 7) “Huwag Kang Mangamba” (Kapamilya Channel), “The World Between Us” (GMA 7), “Viral Scandal” (Kapamilya Channel).

 

 

Best Performance in a Supporting Role (Male or Female – TV Series) – Dimples Romana (“Viral Scandal”), Janice De Belen (“La Vida Lena”), Kian Cipriano  (“Encounter”), Sunshine Dizon – (“Marry Me, Marry You”), Sylvia Sanchez (“Huwag Kang Mangamba”).

 

 

Best Performance in a Lead Role (Male or Female – TV Series) – Alden Richards (“The World Between Us”), Charlie Dizon (‘Viral Scandal”), Cristine Reyes (“Encounter”), Erich Gonzales (“La Vida Lena”), Sanya Lopez (“First Yaya”).

 

 

Best Performance in a Lead Role (Male or Female – Single Performance) – Aiko Melendez – “Dalawa ang Aking Ina” (Tadhana), Royce Cabrera – “Masahista For Hire” (Magpakailanman), Shamaine Buencamino – “Medalya” (Maalaala Mo Kaya), Yasmien Kurdi – “Rebeldeng Anak, Ulirang Ina”- Part 1 and 2 (Magpakailanman) Yves Flores – “Libro” (Maalaala Mo Kaya)

 

 

TV Station of the Year – ANC Philippines, GMA 7, GTV, Kapamilya Channel, TV 5 NATATANGING HIYAS NG SINING SA TELEBISYON (Highest Honors for TV)

(RICKY CALDERON)

Alert Level 4 makakatulong sa pagpapababa ng mga naitatalang bagong COVID-19 infections

Posted on: January 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMBINSIDO ang OCTA Research group na makakatulong sa posibleng pagpapababa ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 ang paglalagay sa buong bansa sa ilalim ng mas mahigpit na Alert Level 4.

 

 

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, kalakip kasi ng deklarasyon na ito ay ang pagpapababa sa pinapayagang capacity ng mga establisimyento.

 

 

Gayunman, aminado si David na hindi pa malinaw sa kanila kung gaano kalaki ang maitutulong sakali mang ituloy ng national government ang paglalagay sa buong bansa sa ilalim ng Alert Level 4.

 

 

Samantala, nakikita naman ng OCTA na malapit nang mag-peak ang COVID-19 surge sa Metro Manila, na mayroon nang positivity rate na higit 50%.

 

 

Kung maabot na ang peak, sinabi ni David na saka pa lamang makakakita ng downwards trend, na posibleng mangyari sa susunod na linggo, depende pa rin sa magiging sitwasyon sa mga susunod na arwa. ( Daris Jose)

Gobyerno, kailangan na magpalabas ng guidelines para sa COVID-19 home test kits sa lalong madaling panahon

Posted on: January 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Vice President Leni Robredo sa gobyerno na bilisan ang pagpapalabas ng guidelines para sa paggamit ng home antigen test kits.

 

 

“Sa ibang bansa, ina-allow na nila ‘yung home testing. Kapag masyado natin inistriktuhan ‘yung testing, nagko-congest [ang laboratories],” ayon kay Robredo.

 

 

Sinabi pa ng Bise-Presidente na may mga ulat na pagkaantala nang pagpapalabas ng test results dahil sa backlogs sa mga laboratoryo at sa oras na aprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng home antigen test kits, mapapabilis nito ang testing.

 

 

“So napakahalaga ng antigen test. ‘Yung mga may pambili, pwede na makabili. So sana madaliaan na ‘yung paglabas ng regulation nito, para ‘yung mga tao hindi na magsiksikan [sa testing centers],” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang FDA ay tumatanggap ng aplikasyon para sa Special Certification for COVID-19 home test kits.

 

 

Ang lahat ng antigen tests na kasalukuyang inaprubahan ng FDA ay ang tanging itinuturok sa mga healthcare professionals sa mga laboratoryo.

 

 

Inaasahan naman na ipalalabas ng Department of Health sa Enero 17 ang guidelines para sa paggamit ng home test kits.

 

 

Muli pa ring nanawagan si Robredo para sa mass testing sa gitna ng “uptick” sa COVID-19 cases.

 

 

“Ang dami ngayong asymptomatic. Kung hindi mo ma-test ‘yung asymptomatic, umiikot siya ng hindi niya alam na nakakahawa siya. Mahalagang ang testing kasi ito ang magiging basis kung kailangan mo mag-quarantine o mag-isolate,” anito.

 

 

Giit nito, kailangan na nagsagawa ng testing ang pamahalaan sa mas maraming tao nang nagsimulang tumaas ang infections.

 

 

“Dapat sana nung may uptick na ng number of cases, nag-test na ng test para na-contain na. Eh hindi, pahirapan na ‘yung testing ngayon,” dagdag na pahayag ni Robredo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

SHARON, nag-negative sa COVID test habang nag-positive si Sen. KIKO; buong pamilya naka-isolate na

Posted on: January 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA IG post ni Megastar Sharon Cuneta na may nakalagay na ‘Make Today Happy’ sa photocard, ipinaalam niya na negative siya sa COVID test habang nag-positive nga si Sen. Kiko Pangilinan.

 

 

Caption niya, somehow. Last night, I tested negative on my Antigen. Kiko tested positive on his PCR test results. This morning, all of us at home tested negative on Antigen.

 

 

A couple of days or so to see this morning’s PCR test results – all of ours. We are all isolating in different parts of our home. I worry for my children.

 

 

Pakiusap pa ni Mega, Please pray for us all, including our beloved Yayas… Thanks so much. So not the birthday gift I expected! Keep safe and take good care, everyone. I love you. May God bless us all.

 

 

Marami namang followers at friends niya na agad nag-comment na ipagdarasal nila ang buong pamilya ni Sharon, pati na ang mga kasama sa bahay, and soon sana maging okey na ang lahat at ligtas sa karamdaman.

 

 

Samantala, sa latest IG post, damang-dama ang kanyang kalungkutan sa larawan ng isang babae na nakaupo sa bench na nag-iisa.

 

 

Say ni Sharon, “I have not been this lonely in years…and right after the new year came in, right after my birthday…”

 

 

Agad namang nag-comment ang tinuturing niyang sister na si Judy Ann Santos ng, “Everything will be fine ate..”

 

 

Dumagsa rin ang mga comments na pagpapakita ng suporta, pagmamahal at pagdarasal sa pinagdaraanan ngayon ni Sharon at kanyang buong pamilya.

(ROHN ROMULO)

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 3) Story by Geraldine Monzon

Posted on: January 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKAS ang mga kasama ni Cecilia habang siya ay naiwan sa kamay ni Bernard.

 

 

Dahil sa narinig na putok kanina ay napilitang lumabas ng silid si Angela sa pag-aalala sa asawa. Kasunod niya si Lola Corazon.

 

 

“Bernard!”

 

 

“Natawagan mo na ba si Marcelo?”

 

 

“Oo Bernard, papunta na siya. S-Siya ba ang…”

 

 

“Isang babae at tatlong lalaki. Balak nila tayong pagnakawan.” Ani Bernard na hindi inaalis ang tutok ng baril kay Cecilia.

 

 

“Anong nangyari do’n sa tatlo?”

 

 

“Nakatakas sila. But don’t worry sweetheart, sisiguraduhin ko na hindi na sila makakabalik dito.”

 

 

Nagpakuha ng tali si Bernard kay Angela at saka niya itinali ang dalaga.

 

 

“Bernard, huwag mong masyadong higpitan, baka masaktan siya.” Paalala ni Angela sa asawa.

 

 

Nilingon siya ng lalaki.

 

 

“At talagang inaalala mo pa siya?”

 

 

“Hindi natin alam kung anong dahilan niya kung bakit siya napasama sa ganoong gawain. Huwag natin siyang husgahan agad.”

 

 

Napailing na lang si Bernard. Alam niya kung gaano kadakila ang puso ng asawa.

 

Si Lola Corazon naman ay pinuntahan si Bela sa silid nito.

 

 

“Bela apo, okay ka lang ba?”

 

 

“Ano pong nangyari lola, where is mom and dad?”

 

 

“Nasa salas lang, may kausap na bisita. Dito na lang muna tayo ha.”

 

 

“Yes lola. Ahm… did you see the ghost hunter?”

 

 

“Ghost hunter?”

 

 

“She told me that she will kill the 3 ugly ghosts outside and she will save mom and dad from them!”

 

 

Natawa ang matanda.

 

 

“Hamo, mamaya at tatanungin natin ang mom and dad mo tungkol dyan. Sa ngayon, matulog ka muna ulit or gusto mo bang ipagtimpla muna kita ng milk.”

 

 

“I want to sleep na lang po lola.”

 

 

Habang kausap ni Bernard si SPO2 Marcelo ay nilapitan ni Angela ang nakaposas ng si Cecilia.

 

 

“Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”

 

 

Hindi agad sumagot ang dalaga pero napilitan din ito.

 

 

“Cecille…”

 

 

“Cecille, ako si Angela. Hindi ko alam ang klase ng buhay na meron ka. Pero curious lang ako kung bakit mo pinasok ang ganitong gawain.”

 

 

“Hindi na importante ‘yon. Handa akong pagbayaran sa kulungan ang nagawa ko.”

 

 

“H-hindi ka ba nagsisisi…look, iniwan ka ng mga kasama mo sa ere…pero kung magiging honest ka sa’kin, I’ll promise to help you.”

 

 

“Marami ng nangako sa’kin. Pero maski isa, wala namang tumupad sa pangako.”

 

 

Hindi na naituloy ni Angela ang pagkausap kay Cecilia nang lapitan na ni SPO2 Marcelo ang dalaga.

 

 

“Bernard, mukhang malalim ang problema ng batang ‘yan…naaawa ako sa kanya.”

 

 

“Hindi na siya bata sweetheart. Dapat alam na niya ang tama at mali. Kung marami na siyang problema, hindi na dapat niya iyon dinadagdagan pa ng mga pagkakamaling ginagawa niya ngayon. Kaya huwag mo siyang kaawaan. Ang kailangan niya ay matuto ng leksyon.”

 

 

“Ah basta, naaawa pa rin ako sa kanya. “

 

 

“I-lock mo lahat ang pinto at i-double check ang mga bintana, kailangan kong sumama sa presinto.”

 

 

“Sige, mag-iingat ka.”

 

 

Agad namang nakarating kay Madam Lucia ang nangyari kay Cecilia. Ang kababata at ka-tropa ng dalaga na si Bert ang nagsabi rito sa cellphone.

 

 

“Puro talaga kayo mga ulupong, ipinahamak nyo na naman ang apo ko!” inis na sabi ng matanda.

 

 

“Oo na po, kasalanan na namin. Pero kailangan din kasi namin iligtas ang mga sarili namin sa ganoong sitwasyon lola. Babawi kami kay Cecille. Sa ngayon magtatago muna po kami. Kayo na po ang bahalang umareglo sa kanya sa presinto!” sabay off na ni Bert ng cellphone.

 

 

Dali-dali namang nagtungo sa presinto si Madam Lucia. Dinatnan pa niya roon si Bernard na kausap ng isa pang pulis. Nilingon ni Bernard ang matanda nang lapitan nito ang dalaga sa loob ng kulungan.

 

 

“Cecilia, ano na naman ba itong ginawa mo?”

 

 

“Lola, kung nagpunta ka rito para sermunan ako, umuwi ka na lang po at maghanap ng magpapahula sa’yo. Hindi ka magkakapera rito.”

 

 

“Hindi ako aalis dito nang hindi kita kasama!”

 

 

Hindi na kumibo si Cecilia.

 

 

Lumapit si Madam Lucia sa mga pulis. May dinukot siya mula sa bitbit na bag.

 

 

“Mamang pulis, heto, baka sumapat na ito para sa kalayaan ng apo ko?”

 

 

Napakamot ng ulo si SPO2 Marcelo nang iabot sa kanya ng matanda ang dalawang kuwintas. Sinipat sipat niya ito.

 

 

“Hmmm, isang nasa maayos na kondisyon, isang may konting sunog, at may nakasulat sa pendant na, No Other Love!”

 

 

Nakangiting iniabot iyon ng pulis kay Bernard.

 

 

“Bernard, ano sa tingin mo?”

 

 

Lumipat ang tingin ng matanda kay Bernard. Nanlaki ang mga mata niya rito.

 

 

“Ikaw, ikaw nga, ikaw ang susunod na magmamay-ari ng kuwintas!”

 

 

Nagkatinginan sina Bernard at Marcelo sa sinabi ng matanda.

 

 

“Ang mga kuwintas na ito ay kuwintas na nababalot ng mahika ng pag-ibig, ito ang magliligtas sa pagmamahalan nyo ng tanging babae na nasa puso mo!” ani Madam Lucia.

 

 

(ITUTULOY)