• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 12th, 2022

164 patay sa anti-government protest sa Kazakhstan

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 164 katao ang napatay sa anti-government protest sa Kazakhstan.

 

 

Nahigitan nito ang dating bilang na nasawi na mayroong 44.

 

 

Mahigit 6,000 katao na rin ang inaresto dahil sa nasabing kilos prostesta.

 

 

Magugunitang nagsimula ang nasabing kilos protesta dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

 

 

Nagpadala na rin ng sundalo ang Russia para tumulong na mapahupa ang kaguluhan.

Ads January 12, 2022

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pope Francis suportado ang pagpapabakuna laban sa COVID-19

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ni Pope Francis ang national vaccination na isinasagawa ng bawat bansa laban sa COVID-19.

 

 

Itinuturing pa nito na ang pagpapabakuna ay isang moral obligation.

 

 

Kasabay din nito ay kinondina ng Santo Papa ang mga “baseless” ideological misinformation tungkol sa COVID-19 vaccines.

 

 

Sa kanyang talumpati sa “State of the World” address nito sa Vatican na naging epektibo ang vaccination campaign dahil sa nabawasan ang mga kaso ng pagkakahawa ng sakit sa mga taong naturukan na ng bakuna kontra COVID-19.

 

 

Bilang fully vaccinated na rin ay nanawagan ito sa mga lider ng bansa na isulong ang malawakang pagpapabakuna.

Home isolation package ng PhilHealth na may mild at asymptomatic systems

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pinaalalahanan kahapon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang publiko na may alok silang COVID-19 Home Isolation Benefit Package (CHIBP) para sa mga miyembro nitong asymptomatic o may mild lamang na sintomas ng COVID-19.

 

 

Ayon kay PhilHealth spokesperson Shirley Domingo, ang naturang package ay available para sa mga miyembro nilang nagpositibo sa COVID-19, sa pamamagitan ng RT-PCR test, ngunit hindi nito sakop ang mga may severe o critical symptoms.

 

 

Paglilinaw naman ni Domingo, ang home isolation package ay binaba­yad sa accredited providers at hindi sa mga pasyente dahil ang mga providers aniya ang mag-aalaga sa mga pasyente.

 

 

Sinabi ni Domingo na ang mga nais mag-avail ng naturang package ay kinakailangang mayroong separate isolation room at toilet na may maayos na daloy ng hangin para sa bentilasyon.

 

 

Anang PhilHealth, ang naturang home isolation package ay alternatibong opsiyon para sa mga COVID-19 positive patients na ayaw manatili sa Community Isolation Unit (CIU) at nais makatanggap ng health support sa kanilang mga tahanan.

 

 

Nabatid na ang programa ay dinebelop upang hikayatin ang mga providers na i-extend ang monitoring at clinical support sa mga pasyente na inirerekomenda para sa home isolation, partikular na sa mga area, kung saan maaaring may limitadong availability ng isolation facilities.

 

 

Kabilang sa mga serbisyo sa CHIBP, na ini­lunsad noon pang Agosto 2021, ay probisyon para sa home isolation kit na naglalaman ng alcohol, thermometer, pulse oximeter, face masks, medicines, at vitamins; daily teleconsultation sa loob ng 10-araw ; patient education; at referral sa high level health facilities, sakaling kakailanganin. (Daris Jose)

Metro Manila mayors humirit na rin ng Alert Level 4

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT paghandaan na ang posibilidad na maitaas sa Alert Level 4 ang Metro Manila sa susunod na mga araw, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

Sinabi kahapon ni Atty. Crisanto Saruca, head ng Metro Manila Council Secretariat, na posibleng maglabas ng resolusyon hinggil sa pagsasailalim sa  Alert Level 4.

 

 

“….magkakaroon po ng desisyon diyan in the next coming days po,” ani Atty. Saruca sa tanong ng DzBB kung dapat asahan na ito sa susunod na linggo.

 

 

Tiniyak ni Atty. Saruca na patuloy pa rin na pinag-uusapan sa pagitan ng Metro mayors at Inter-Agency Task Force (IATF) ang usapin at ipinauubaya na rin ang pagdedesisyon.

 

 

Pinagbabatayan din sa tinatalakay na hindi naman malala ang mga kasong naitatala kahit napakataas ng mga kaso dahil mahigit 100 porsyento naman ang bakunado na sa Metro Manila.

 

 

Patuloy naman aniya ang pagsasagawa ng enhanced vaccination mandate at agresibo sa primary vacine at booster shots.

 

 

Natalakay din na may iba’t ibang vaccines na available, ang patuloy na nagiging epektibo laban sa COVID-19 variants ma­ging sa Omicron na mas nakahahawa, kaya hindi nagiging malala ang infections at naiiwasan ang pagpapa-ospital.

 

 

May kanya-kanya na rin aniyang ordinansa ang local government units (LGUs) alinsunod sa inilabas nitong nakalipas na Enero 3 na MMDA  Resolution No. 22-01 Series of 2022 “Urging the Metro Manila Local Government Units To Enact Their Respective Ordinances On The Enhanced Restrictions Of The Unvaccinated Individuals to Regulate Their Mobility In The National Capital Region.” (Daris Jose)

IYA, naging emotional nang i-post ang photo nang umiiyak na anak na ‘di malapitan; naka-isolate sa bahay dahil COVID positive

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FOUR months preggy na si Iya Villania-Arellano, ang Chika Minute host ng 24 Oras at ng morning show na Mars Pa More ng GMA Network, sa fourth child nila ni Drew Arellano.

 

 

Malungkot siya na nag-post dahil naka-isolate sa kanilang bahay dahil COVID-19 positive siya.

 

 

      “The situation here in Casa Arellano, Drew and I are still hanging onto that little chance that maybe the kids are spared.

 

 

     “This post is for all mamas and papas that are going thru the same thing and have to endure not hugging and kissing their children.  This was the hardest thing to accept upon learning I was + (and I’m not taking about my pregnancy test). 

 

 

Primo gets it, Leon is okay too bacause he follows his kuya’s lead, but Alana?? Boy, it broke my heart to see her cry for me and not being able to console her even for a bit.  So mamas in this same situation, you are not alone! My tip? Try not to cry!!! Coz the tears will only cause nasal congestion and lengthen recovery! I know, I know… ang hirap! Man, I CRIED!!! But you have to get over it as soon as you can and get in that speed car towards recovery for your family.  Kapit guys! There’s a whole bunch of us!       “We can do it! #Love TheGlassDoors #StayPositiveForThePositive.”

 

 

Hindi binanggit ni Iya kung saan at paano siya nahawa ng virus.  Get well soon Iya!

 

 

***

 

 

MULING nag-renew ng contract ang longest-running daily noontime show na Eat Bulaga sa GMA Network, kahapon, January 11.

 

 

Ang signing of contract ay sa pagitan ng GMA Network Inc. at ng mga executives ng TAPE, Inc, ang producer ng show. Huli pang nag-renew ng contract ang EB noong February 1, 2019.

 

 

Since mataas na naman ang cases ng COVID-19, isang virtual contract signing lamang ang ginanap between the executives.  Sa kabila nga ng pandemic, patuloy na nagbibigay ng saya at papremyo ang show.

 

 

Sa ngayon ay naka-replay lamang sila ng ibang segments ng show na ngayon ay nasa 42nd year na, bilang pag-iingat din nila at bilang pagsunod sa health protocols ng IATF.

 

 

***

 

 

WORLD premiere pa lamang ng GMA Afternoon series na Little Princess, kinagiliwan na agad ito ng mga netizens.

 

 

Natuwa sila sa muling pagbabalik ng multi-talented actress na si Jo Berry na siyang bida, as Princess Montivano, a little person who has big dreams despite growing up poor.

 

 

Kaya naman hindi napigilang humanga ng isa sa dalawa niyang leading men, si Juancho Trivino (the other one is Rodjun Cruz), na first time nakasama ni Jo. Very generous daw ni Jo during their takes.

 

 

“Palagi niyang inuuna ‘yung needs ng iba bago ‘yung sa kanya. Kaya talagang inaalagaan din namin siya.  May times kahit hindi na niya kailangang umarte dahil hindi na sa kanya nakatutok yung camera, sinusubukan pa rin niya ‘yung best niya para masuportahan niya kami. 

 

 

It’s very refreshing. Ang sayang makatrabaho si Jo, lalo na sa istoryang ito.  Ang ganda rin ng pagkatimpla ng GMA at buong creative team sa story. It’s something I’ve never done before, so I’m proud to be part of this show.”

 

 

Ang aabangan dito ng mga televiewers ay kung sino ang magwawagi sa puso ni Princess, si Jaxon Pineda (Rodjun), ang best friend niya o si Damien Santiago (Juancho), ang kanyang secret crush.

 

 

Napapanood ang Little Princess at 3:20PM, after Las Hermanas sa GMA-7, sa direksyon nina L.A. Madridejos at Don Michael Perez.

(NORA V. CALDERON)

Gobyerno, kailangang manatiling “fully operational” sa kabila ng pagtaas ng Covid-19 infection

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA KABILA nang patuloy na pagtaas ng Covid-19 infections sa hanay ng mga manggagawa sa gobyerno, kailangan pa ring manatiling “fully operational” ang pamahalaan pang matiyak ang epektibong paghahatid ng pampublikong serbisyo.

 

 

Ang pahayag na ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sa gitna ng pagtaas ng Covid-19 cases sa mga government personnel, kabilang na ang healthcare workers sa mga pampublikong ospital at miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

 

 

“Alam mo, kung bawalan tayo tapos lahat sa gobyerno kasi opisina ‘yan. Opisina por opisina por opisina. So kung may asymptomatic diyan talagang mahahawa. Ngayon if bawalan mo lahat magtrabaho then the machinery of government will stop to grind,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

 

 

Hindi naman dinetalye ng Pangulo kung anong ahensiya ng pamahalaan ang tinutukoy niya subalit tila ang sarili niyang tanggapan ang tinutukoy niya.

 

 

Bilang Ama ng Pilipinas, kailangan niyang ipagpatuloy ang pagsasagawa ng regular public address para “communicate to the people what government is doing.”

 

 

Bahagi aniya ng pagiging civil servant ay ang panganib na mahawa ng Covid-19.

 

 

“Now, if ma-compromise tayo that’s part of the game. ‘Yan ang trabaho namin. Ngayon, kung magka Covid kami , then so be it. Kasali sa trabaho ‘yan e. Now, kung mamatay ako  then so be it,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Kamakailan ay naglabas ang Malakanyang ng Memorandum Circular No. 94 na nagtatakda sa mga head ng agency na bawasan ang work force sa kani- kanilang mga tanggapan.

 

 

Batay sa Memorandum Circular na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, binibigyan ng Central office ang mga Department heads ng awtorisasyon para ipatupad ang gagawing paglilimita sa bilang ng mga kawaning gagawin ang kanilang trabaho sa opisina.

 

 

Nakasaad pa rin dito na hangga’t walang kapahintulutan o go signal ang pinuno ng isang Departamento ay hindi maipatutupad ang reduction of on- site workforce.

 

 

Kailangan din aniya na matiyak na bagama’t magkakaroon ng pagbabawas ng empleyado na personal na tutungo sa opisina, ay mayruong itatalagang kawani na siyang tutugon sa mga tawag at iba pang immediate concern ng isang government office.

 

 

Sinasabing, hindi naman aplikable ang pagbabawas ng empleyado o pansamantalang pagsasara ng tanggapan na ang rason ay dahil magsasagawa ng disinfection.

 

 

Pwede aniyang gawin ang nasabing aktibidad pagkatapos ng working hours o sa weekend. (Daris Jose)

MRT 3 and PNR nagbibigay ng libreng antigen test

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Philippine National Railways (PNR) ay nagbibigay ng libreng antigen testing sa mga pasaherong gustong sumailalim sa nasabing testing.

 

 

 

Ayon sa MRT 3, ang mga tauhan nito ang siyang magbibigay ng antigen testing sa mga pasahero na nagsimula kahapon hanggang Jan. 14, Jan. 12-21, at Jan. 24, 28 at 31.

 

 

 

Ang mga testing sites ay sa mga estasyon ng North Avenue, Cubao Shaw Boulevard, at Taft Avenue sa Pasay.

 

 

 

Hanggang 24 na pasahero kada estasyon ang puwedeng sumailalim sa antigen testing para sa COVID-19 sa peak hours, simula 7:00 hanggang 9:00 ng umga at mula 5:00 hanggang 7:00 ng gabi.

 

 

 

“Commuters volunteering to be tested need to sign consent and contract tracing forms. Those who will be negative for the virus will get free train rides. Passengers who will yield positive COVID test results will not be allowed to board the train and should coordinate with their local government units for isolation and confirmatory RT-PCR test,” saad ng pamunuan ng MRT 3.

 

 

 

Sinumulan rin ng PNR kahapon ang pagbibigay ng antigen testing sa kanilang mga pasahero.

 

 

 

Inaasahan ng pamunuan ng PNR na makapagbibigay sila ng 288 na antigen test sa mga pasahero kada araw. Ang mga pasahero ay tatanungin muna kung gusto nilang sumailalim sa antigen testing sa mga estasyon ng Tutuban, Dela Rosa, Bicutan at Alabang.

 

 

 

Samantala, may pitong (7) pasahero ang nag positibo sa ginawang antigen testing sa may 42 na katao. Ang mga nag positibo ay maaari pa rin makasakay subalit sila ay isasakay sa hiwalay na bagon.

 

 

 

Ang mga nagpositibo ay kinailangan din sumailalim sa confirmatory test sa kanilang mga barangays o di kaya ay sa mga local government units (LGUs).

 

 

 

Sinabi rin ni PNR assistant general manager Ces Lauta na sila ay nahihirapan na kumbinsihin ang mga pasahero na sumailalim sa antigen test kahit na ito ay walang bayad at libre lamang.

 

 

 

Mayron naman na 262 na empleyado ng PNR ang nagpositibo sa ginawang antigen testing simula pa noong nakaraang December. Sumailalim din sila sa confirmatory swab tests.

 

 

 

Kasabay nito, ang PNR naman ay hinihintay na lamang ang guidelines mula sa Department of Transportation (DOTr) para sa mahigpit na pagpapatupad ng “no vaccine, no ride” polisia sa mga hindi pa nababakunahan. LASACMAR