ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Philippine Fleet commander, Rear Admiral Alberto Carlos, bilang bagong commander ng Western Command (Wescom) Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Palawan.
Si Carlos ay nakababatang kapatid ni Philippine National Police (PNP) chief, General Dionardo Carlos.
Sa isang text message, kinumpirma ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang pagkakatalaga kay Carlos sa nasabing posisyon.
Tinintahan ng Pangulo ang apppointment paper ni Carlos, araw ng Lunes.
Papalitan ni Carlos si Vice Admiral Ramil Roberto Enriquez na nakatakdang magretiro sa Enero 24.
Sa kabilang dako, si Carlos ay nagsilbi bilang AFP Deputy Chief of Staff for Logistics.
Siya rin ay naging pinuno ng Naval Combat Engineering Brigade.
Kabilang si Carlos sa United States (US) Naval Academy Class of 1989.