• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 27th, 2022

HALOS 2 MILYONG HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA BUY BUST SA CAVITE

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG halos P2 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasasam sa pagkakaaresto ng tatlong katao kabilang ang nominee ng isang party List at isang menor de edad sa isang buy bust operation sa Dasmarinas City, Cavite Lunes ng hapon.

 

 

Kinilala ang mga naaresto na sina Asrap Kamad Kasan Datu (ASRAP) , Nominee Partylist  ng Peoples Volunteer Against Illegal Drug  (PVAID) (Number 39); Jerklie Abdulkarim (DATU) ang isang 17-anyos (TATO)  na menor de edad.

 

 

Sa ulat ng NBI-TFAID,  nitong January 23, nakatanggap sila ng impormasyon  na si Datu ay may ibebentang  shabu na nagkakahalaga ng P900,000 sa informant dahilan upang nagplano ng isang buy bust operation.

 

 

Nitong Jan 24, nagkasundo  si Datu at ang informant na susunduin nito ang isang kaibigan na kinilalang si Asrap sa isang lugar sa Roxas Boulvard sa Pasay City bago sila tumuloy sa Dasmarinas City.

 

 

Sakay ng isang Nissan Sentra na minaneho ng isang operatiba ng NBI-TFAID, sinundo nila si ASRAP at nagtuloy sa Paliparan III, Dasmarinas City, Cavite kung saan  dito ibibigay ang P900,000 halaga ng shabu.

 

 

Pagdating sa lugar, pumasok sa sasakyan ang  kausap ni Datu na si Tato  kung saan iniabot kay ASRAP  ang isang maliit na kahon na naglalaman ng shabu kung saan dito na inaresto ang mga suspek ng pinagsamang puwersa ng NBI-TFAID, Philippine Drug  Enforcement Agency (PDEA) at e PNP-Cavite Provincial Office.

 

 

Nakuha kina DATU, ASRAP at  TATO ang 293.5185 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P199,800.

 

 

Kasong paglabag sa Secs. 5 and 11 of RA 9165 (The Comprehension Dangerous Drug Act of 2020) ang kinakaharap ng mga suspek. (GENE  ADSUARA)

Wala pang kapalit para sa 3 retiradong Comelec execs

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALA pang advice at impormasyon ukol sa pagtatalaga ng bagong Commission on Elections (Comelec) chair at dalawang commissioners.

 

 

Nakatakda na kasing magretiro sa serbisyo sina Comelec Chair Sheriff Abas at Commissioners Rowena Guanzon, at Antonio Kho Jr. sa susunod na buwan o tatlong buwan bago ang May 9 national at local polls.

 

 

“Wala pa pong advice from the Palace , but obviously the President understands the importance of appointing the new Comelec commissioners immediately after the end of term, itong mga  present Comelec commissioners at iyong  chair, especially with the upcoming elections,” ayon acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

Binigyang diin ni Nograles na batid ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kahalagahan ng pagtatalaga ng successors ng mga outgoing Comelec officials.

 

 

“But so far, no word from the President yet as kung sino, so let’s just wait until the further announcement,”dagdag na pahayag ni Nograles.

 

 

Sa ulat, si Abas ay itinalaga bilang commissioner ng namayapang Pangulo Benigno Aquino III noong 2015 at bilang chair ni Pangulong Duterte noong 2017, kapalit ng na-impeached na si Andres Bautista.

 

 

Sina Guanzon,  na namuno sa First Division, at Bautista ay kapwa itinalaga ni Aquino.

 

 

Samantala, sa tweet ni Guanzon, si Commissioner Socorro Inting, itinuturing na most senior sa hanay ng natitirang poll body officials, ang tatayong acting chair habang nakabinbin ang appointment ng papalit kay Abas.

Mga audience hindi muna papayagang manood sa mga laro ng PBA

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALA munang mga fans na papayagan ang Philippine Basketball Association (PBA) sa muling pagbabalik ng mga laro.

 

 

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, na ito ang isa sa kanilang napagkasunduan sa ginawang pagpupulong ng board.

 

 

Nais kasi ng PBA na maiwasan ang pagkakahawaan ng COVID-19 lalo na aniya at mataas pa rin ang kaso nito sa Metro Manila.

 

 

Nakipag-ugnayan na rin sila sa Smart-Araneta Coliseum, Mall of Asia Arena at Ynares Sports Arena para doon ganapin ang mga laro.

 

 

Patuloy ang kanilang pag-aantabay sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 para matiyak kung ligtas na ituloy ang mga laro.

EJKs ‘hindi pinapayagan’ sa ilalim ng Duterte administration, walang nasayang sa drug war

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TODO-DEPENSA ang Malakanyang sa war on illegal drugs ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Pinanindigan ng Malakanyang na ang extrajudicial killings ay hindi parusa sa ilalim ng kampanya.

 

 

“Ipinagbabawal natin ang EJK, bawal po ‘yan. Bawal ang any extrajudicial means. At kung sinuman ang kailangang parusahan, sinuman ang naakusahan, kung sinuman ang gumawa ng ganoon ay ipo-prosecute natin,” ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

“Pangalawa po, wala pong sinayang si Pangulong Duterte dito sa laban against illegal drugs and the facts will speak for themselves,” dagdag na pahayag ni Nograles.

 

 

Tugon ito ni Nograles sa naging pahayag ni presidential aspirant Sen. Ping Lacson na nagsasabing “sayang” ang drug war ni Pangulong Duterte at binatikos kung paano ito nauwi sa “extrajudicial means.”

 

 

Iniulat ni Nograles na nakakumpiska at sinira ng gobyerno ang ₱74 bilyong halaga ng illegal na droga simula 2016 hanggang Nobyembre ng nakaraang taon, kasama na ang laboratory equipment at paraphernalia.

 

 

“Over 23,600 barangays nationwide have been cleared from the grip of the illegal drug trade,” ayon kay Nograles.

 

 

“Hindi po nasayang ‘yung pagkakataon at patuloy pa rin po ang ating malawakang campaign against illegal drugs here in the country,” aniya pa rin.

Psalm 4:5

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Place your trust in the Lord.

TOM HOLLAND TALKS ABOUT HIS STUNTS IN “UNCHARTED”

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GO behind-the-stunts of Columbia Pictures’ Uncharted on the hardest action sequence Tom Holland’s ever made. Watch the Stunts Vignette below and experience the movie exclusively in Philippine cinemas February 23.

 

 

YouTube: https://youtu.be/3AQWVJDhAqg

 

 

About Uncharted

 

 

Street-smart thief Nathan Drake (Tom Holland) is recruited by seasoned treasure hunter Victor “Sully” Sullivan (Mark Wahlberg) to recover a fortune lost by Ferdinand Magellan 500 years ago. What starts as a heist job for the duo becomes a globe-trotting, white-knuckle race to reach the prize before the ruthless Moncada (Antonio Banderas), who believes he and his family are the rightful heirs. If Nate and Sully can decipher the clues and solve one of the world’s oldest mysteries, they stand to find $5 billion in treasure and perhaps even Nate’s long-lost brother…but only if they can learn to work together.

 

 

Uncharted stars Tom Holland, Mark Wahlberg, Sophia Ali, Tati Gabrielle and Antonio Banderas

 

 

Directed by Ruben Fleischer. screenplay by Rafe Judkins and Art Marcum & Matt Holloway, screen story by Rafe Judkins, based on the PlayStation video game by Naughty Dog.

 

 

The film is produced by Charles Roven, Avi Arad, Alex Gartner, Ari Arad; the executive producers are Ruben Fleischer, Robert J. Dohrmann, David Bernad, Tom Holland, Asad Qizilbash, Carter Swan, Neil Druckmann, Evan Wells, Art Marcum and Matt Holloway.

 

 

In Philippine cinemas February 23, Uncharted is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Use the hashtag #UnchartedMovie

 

(ROHN ROMULO)

Obiena tumangging makipag-ayos sa PATAFA

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINANGGIHAN na ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang alok ng Philippine Sports Commission (PSC) na pakikipag-ayos sa Philippine Athletics and Track and Field Association (PATAFA).

 

 

Sa kanyang social media, pinasalamatan ni Obiena si PSC Chairman Butch Ramirez na siyang tumayong maging tagapag-ayos.

 

 

Naniniwala ito na ang pakikipag-ayos ay isang paraan para kaayushan at naniniwala ito sa integridad ni Ramirez.

 

 

Dagdag pa nito na tila ginagamit ng PATAFA ang pag-aayos para patahimikin siya.

 

 

Iginiit nito na dahil sa mga akusasyon sa kaniya ng PATAFA ay nawala na ito ng tiwala sa nasabing asosasyon.

 

 

Magugunitang inakusahan ng PATAFA si Obiena na nameke ng mga pirma ng kaniang liquidation sa mga dokumento ng pasahod sa kaniyang dayuhan na coach.

Iniwasan sana na i-unfollow ang isa’t-isa: TOM at CARLA, totoong may pinagdaraanan pero inaayos na

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAGKATAPOS na i-unfollow ang isa’t-isa nang three months pa lang na mag-asawa na mga Kapuso stars na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana at mabalita na nga ito, hayun at biglang nagsipag-follow na naman sila sa kanya-kanyang Instagram accounts.

 

 

Bukod sa cryptic post ni Tom na ang lyrics ng kanta na “Standing on the crossroad. Too scared to go. Too weak to stay” at sinundan pa niya ng spiels sa anime na “Cowboy Bebop” na “I’m not going there to die. I’m going to find out if I’m really alive” hindi maikakaila na may pinagdadaanan sa kanilang marriage life ang dalawa.

 

 

Nakikiusap ang mga fans nila na maging strong sila at ipinagdarasal daw nila ang dalawa.

 

 

May nakausap kami na nagsabing may pinagdaraanan nga raw sina Carla at Tom, pero inaayos naman daw nila.

 

 

Naniniwala rin kami na hindi ito sa hiwalayan mauuwi lalo pa nga’t noong mag-boyfriend/girlfriend sila ay nagawa nilang mapagtagumpayan ang pitong taon na relasyon nila.

 

 

Sayang naman kung ngayong kakasal pa lang nila, saka pa sila maggi-give-up. Pero sana rin, iwasan nilang mag-unfollow sa isa’t-isa lalo pa nga’t alam naman nila na bawat galaw nila sa social media, ang daming mga matang nakamasid.

 

 

Plus, mag-asawa na sila, hindi na jowa-jowaan na lang.

 

 

***

 

 

IPINAKITA ni Andi Eigenmann na nakapagbawas na raw siya ng 50 lbs in 10 months pagkatapos niyang maipanganak si Koa, ang kanyang ikatlong anak.

 

 

Pero dahil nasa Manila pa rin at hindi pa sila nakababalik ng Siargao mula nang maapektuhan ang isla dahil sa bagyong Odette, idinadaan pa rin ni Andi sa pag-e-exercise at mukhang nami-miss na rin nilang pamilya ang pagsi-surf, idinadaan naman nila ngayon sa pag-i-skate boarding sa kanilang place ngayon sa Manila.

 

 

Impressive ang ikalawang anak ni Andi na si Lilo dahil mukhang innate na rin dito ang pag-skate, ‘di malayong maging mahusay na surfer rin.

 

 

Marami ang nai-insipire kay Andi simula nang piliin niya ang simpleng buhay sa Siargao at maging full-time at very hands-on sa kanyang tatlong anak.

 

 

Miss na miss na raw niya ang Siargao, pero na-realize daw niya na kahit nasaan naman siya, basta kasama niya ang pamilya niya ay okay.

 

 

Sey niya, “Happy islanders have found ways to enjoy the concrete jungle for the meantime, Being away from our island home has made me realise that all those amazing memories had always been so special to me because of who I get to share with.  Anywhere is meaningful as long as I am with them. 

 

 

“Don’t get me wrong though, we still can’t wait to get back home. I’ll always be thankful for the island that has given me sooo much. It’s greatest gift, for one— our little Siargonons.”

 

 

      ***

 

 

PANGALAWANG actor o action star na nagpapahayag ng pagka-awa sa kalagayan ngayon ni Kris Aquino after Robin Padilla ay si Senator Ramon Bong Revilla Jr.

 

 

      Sa pamamagitan ng kanyang manager, si ‘Nay Lolit Solis ay pinost nito sa kanyang Instagram account na awang-awa raw si Bong kay Kris. Hindi raw maitindihan ni Sen. Bong ‘yung ibang tao na nagagawa pang I-bash si Kris, eh, kitang kita na meron itong sakit at isa raw itong babae na dapat igalang.

 

 

At ituring din daw si Kris na parang regular na tao na nasasaktan din kaya dahan-dahan din sa pagbibigay ng opinyon o pamba-bash dito.

 

 

Sa isang banda, ang latest post nga ni Kris ay ang bad daw ng latest flare up ng kanyang urticaria at tumaas din ang kanyang blood pressure. Pero grateful ito dahil feeling niya, dahil na rin sa kanyang sakit, mas naging close ang family nila at siya sa kanyang mga ate.

(ROSE GARCIA)

North Korea muling nagpalipad ng cruise missiles

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPALIPAD muli ng dalawang cruise missles ang North Korea.

 

 

Ayon sa Seoul, ito na ang pang limang missile launch na isinagawa ng North Korea ngayong taon.

 

 

Huling nagsagawa ng maraming mga missile test ang North Korea ay noong 2019 matapos ang bigong negosasyon nina North Korean lider Kim Jong-Un at dating US President Donald Trump.

 

 

Dagdag pa ng South Korea na may mga panibagong missile ang pinakawalan ng North Korea kabilang na ang hypersonic missiles.

 

 

Hindi kasi pinagbabawal ng United Nations ang pagpapalipad ng cruise missiles.

DILG binalaan ang mga kandidato bawal ang anumang ‘physical contacts’ sa kampanya

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga kandidato hinggil sa iba’t ibang uri ng physical contact lalo at nalalapit ang pagsisimula ng campaign period para May 2022 elections.

 

 

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, anumang physical contacts na lumalabag sa Minimum Public Health Standards ay mahigpit na ipinagbabawal at hindi pinapayagan.

 

 

Kabilang sa mga hindi maaaring gawin sa panahon ng kampanya ng mga kandidato at ng kanilang mga kasamahan ay handshakes, hugs, kisses, going arm in arm, pamamahagi ng pagkain at inumin lalo na ang cash.

 

 

Partikular na tinukoy ni Sec Ano ang Section 15 ng Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10732, mahigpit din ito ipinagbabawal sa panahon ng caucus, meetings, conventions, rallies, at miting de avance.

 

 

Sa ilalim ng Section 14 sa nasabing resolution, ang mga kandidato at kanilang mga support staff ay mahigpit na ipinagbabawal na pumasok sa mga kabahayan lalo na sa panahon ng house to house campaigning kahit pumapayag pa ang may-ari ng bahay.

 

 

Sa darating na February 8 magsisimula na ang kampanya para sa national candidates habang March 25 para sa mga local candidates.

 

 

Siniguro ng kalihim na ang sinumang lalabag ay papanagutin sa ilalim ng Omnibus Election Code, kung saan maari silang makulong ng anim na taon at perpetual disqualification from holding public office.

 

 

Bukod dito, mahaharap din sa paglabag sa ordinances ng local government units (LGUs) at paglabag sa Republic Act 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

 

 

Sa panahon ng kampanya, binigyang-diin ni Año sa mga local government units (LGUs) na striktong ipatupad ang Comelec’s campaign guidelines sa kanilang mga respective areas of jurisdiction at agad aksiyunan kung may natatanggap silang mga reklamo.

 

 

Nilinaw din ni Año sa Section 25 ng nasabing resolution ang mga barangay officials, tanods (village security officers), at mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ang striktong magpapatupad ng minimum public health standards sa panahon ng kampanya.

 

 

Habang ang Philippine National Police (PNP) ang inatasang mag mantene ng peace and order sa panahon ng campaign activities.

 

 

Ang pagpapatupad ng mga campaign protocols ay naka depende kung anong alert level status ang isang lugar.

 

 

Ayon sa kalihim, ang mga lugar na nasa alert level 4 at level 5 ay mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya.

 

 

Aniya, para sa mga caucuses, meetings, conventions, rallies, at miting de avance, pinapayagan ang nasa 70 percent operational capacity ng venue indoor or outdoor at allowed ito sa mga lugar na nasa level 1 areas while 50 percent ang pinapayagan sa mga lugar na nasa Alert Level 2. (Daris Jose)